"Denise!" nabigla naman ako kay Rosy ng bigla akong kalabitin nito at mukhang nag aalala.
"Oh bakit para ka namang naligo sa ulan niyan, Ma! Jusko!" para kasi syang naligo sa pawis at haggard na haggard na.
"Gagsti ka! May away sa cafeteria gaga kasama sa mga nakikipag suntukan yung shota mo!" gulat naman akong napatayo at dali-daling lumabas ng room.
Pagkapunta sa cafeteria ay nakita kong duguan na yung ilong ng isang lalaking student at puro mga nagsusuntukan yung lumang lalaki at may nagsasabunutan pa at nagkakaladkaran na tatlong babae at nakita ko si Jay na nakikipag suntukan kay Reynald yung crush ni Cam.
"Eh totoo namang adik tatay mo eh! Nahuli ka nga rin namin." nang marinig iyon ay dumampi yung kamao ko sa mukha ni Reynald na ikinatumba nito sa sahig.
Hinawakan naman ni Jay yung magkabilang braso ko para awatin ako.
"Kung sino pa talaga mas halata sya pa pala sabat eh" pagkairap ay nakiawat narin yung mga kaibigan ko.
Akmang may sasabunot sa aking babae pero nabigla ako ng bigla itong tumigil at tumalikod nalang pagkakita kay Jay na seryoso kung makatingin.
"Tumigil na kayo hoy!" sigaw ni Cam ng makita naming may papalapit na isang teacher sa amin pero tuloy parin sa pakikipag bugbugan yung iba.
Gulat namang napatingin sa gawi namin yung teacher at pinandilatan kami ng mata. Yung professor namin sa math nila Jay.
"Lahat kayo! Go to the guidance office! NOW!" galit na saad ng teacher na ikinalakad at ikinapunta ng mga nagbubugbugan kanina pati na rin si Jay pero hindi ako gumalaw at nag stay lang sa pwesto ko na akala mo'y hindi nakisali.
"Ms.Cresino, kasali ka daw!" sigaw nung teacher na ikinagulat ko at agad na sumunod kala Jay. Lintek yung nagsumbong kung sino man!
"Ang yabang kasi niyan ma'am eh duwag naman! Sipsip po sa mga teacher kung ano-anong sinasabi tungkol sa akin" saad ng isang lalaki.
"Ay ayan 'yang mga yan ma'am? Akala mo kung sino lagi! Pero iyang si Reynald tsaka Jay, Ma'am isang babae lang pinag aawayan kasi niyan, Ma'am" napatingin naman ako kay Jay bigla ng malaman iyon.
Sinong babae?
"Sino ba 'tong babaeng 'to? Ang haba naman ng hair ng babaeng iyon haha!" saad ng counselor at napatingin naman sa'kin lahat ng kasama ko sa room maliban kay Jay na seryoso lang.
Tumingin naman ako sa kanila na parang sinasabing 'bakit sa'kin kayo nakatingin?'
"Ms.Cresino?" tumingin sa gawi ko yung guidance counselor.
"Hindi ko naman ho kase inaagaw si Denise, may sinabi lang ho ako kanina tapos ayon bigla naman nanuntok si Jay. Siya naman talaga nagsimula, Ma'am" saad ni Reynald na ikinabigla ko at takang-taka na.
"Eh kasi Ma'am kung ano-ano pong kabastusan sinasabi niyang si Reynald tungkol kay Denise na narinig ni Jay. Crush niya po kasi pero hindi naman ata tama yung mga sinabi niya tsaka mayabang din kase talaga iyan, Ma'am bully po iyan tsaka laging namimikon!" saad ng isa mga lalaki.
Parehas naman kaming nagulat ng guidance counselor.
"SANA hinayaan mo nalang iyon, love" saad ko at tumingin kay Jay na seryoso lang ang itsura at nakatingin sa daan. Pauwi na kami ngayon at pinapatawag ang mga magulang namin jusme!
"Eh binabastos kana syempre hindi ko hahayaang ganunin kalang"
"Cam! Guys!" sigaw ko ng makita sila Cam, Rose at Aria sa daanan. Si Cam lang hindi pumansin sa'kin. Pinilit lang siya ni Rosy at Aria papunta sa amin ni Jay.
"Nagtatampo lang iyan, baks! Nalaman niya kasi na crush ka ni Reynald kanina eh alam mo namang crush na crush niya iyon dati palang" bulong ni Aria sa'kin at napatingin naman ako kay Cam ngayon na hindi ako tinitignan at parang hindi ako nakikita.
"Gusto karin naman no'n, Cam... sa panaginip" saad naman ni Rosy na ikinasiko ko sa kaniya.
Sabay-sabay kaming umuwi lahat ng wala kaming pansinan ni Cam.
Pagkahatid nila sa akin sa bahay ay naabutan kong lasing si papa na nasa sala at nakasalubong ko pa ang isa sa mga kainuman niya na may bitbit na isang bote ng alak na pabalik na.
"Nak!" agad akong nagmano kay papa ng bigla ako nitong binigyan ng 300.
"Oum sayo iyan" saad niya at humiga sa sofa at maya-maya lang humihilik na.
Paano ko sasabihin na pinapapunta sila sa guidance? Wah!
"Denise? Jusko bakit punong-puno ng ballpen iyang uniform mo?! Student kaba o palaboy, 'nak?" biglang rinig kong sigaw ni mama na kakapasok lang ng sala at kaagad akong nagmano sa kaniya.
"Nasulatan lang ma!"
"Hay nako, Denise! Labhan mo iyan agad, ha?" tumango naman ako kay mama at agad na pumasok sa kwarto ko. Binato ko lang yung bag ko sa kama at agad na inalis ang mga sapatos at medyas ko.
"Ang init grabe!" nagsimula na rin akong magpalit ng fit na dress na kulay orange sabay hilata sa higaan ko. Hays hindi pa rin ako makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Kahit sino naman siguro.
Nagulat naman ako ng biglang tumunog ang phone ko at mukhang may nag text sa akin sa isa mga ngetpa kong kaibigan.
Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung sinong nag text. Tsk si Rosy as usual for sure mag aaya na naman ito si gaga!
Rosy: 'Te, gising kapa ba? May work kaba now? Mall us, baks!
Me: Jusko baks hindi ako free now. Ang dami kong lalabhan what if tulungan mo nalang ako?
Hindi naman talaga sandamakmak mga lalabhan ko ngayon pang eechos ko lang kay Rosy iyon. Well maliban do'n sa uniform ko na pinapalabhan agad sa'kin ni mama.
Pumikit na ako at akmang matutulog na ng marinig ko bigla ang boses ni mama.
"Denise, may nakatok sa pintuan kanina pa! Buksan mo nga dali!" napa 'tsk' naman ako at tumayo sa higaan. Please lang ang sakit ng katawan ko ngayon! Huhu!
Pero what if si Jay iyon?
Nag liwanag naman ang mukha ko sa naisip at agad na pumunta sa harap ng pintuan at pinagbuksan kung sino man yung nakatok. Agad namang bumasangot ang mukha ko ng makitang si Rosy ito jusko!
"Ay Rosy pasok! Tamang-tama kakaluto ko lang ng ulam hapunan na namin!" saad ni mama at inakay sa bahay as usual si Rosy.
Pagpasok sa loob ng bahay ay nakita kong nakain na ang kaibigan kong sobrang feel at home lagi at punong-puno ang plato nito at onti nalang ang natirang ulam sa akin.
Umupo na rin ako at sinamaan sya ng tingin habang masayang nakain si 'akla na akala mo'y sya yung anak nila mama.
"Well tuloy pag m-mall natin at na chat ko na rin sila Aria pasunod na" saad niya pero inirapan ko lang sya.
********************
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments