Chapter 2

Chapter 2

19 na'ko bukas pero.. 17 ka padin, Jay.

"Love!"

Gulat naman akong napatingin kay Jay pero agad ding nagsibagsakan ang mga luhang hindi ko mapigilan sa pagbagsak sa mga mata ko pero agad ding pinunasan ni Jay ang mga ito. Alam kong ayaw niyang makitang naiyak ako.

"M-Miss n-na kita" sira ang boses ko.

"Ok lang ako, ok? I love you so much, Denise"

"Jay, I'm sorry. Mahal na mahal din kita!" agad ko syang niyakap habang nagsisibagsakan ang mga luha sa mga mata ko at maya-maya'y niyakap niya rin ako pabalik.

"Jay, kukunin mona ba ako?" tanong ko pagkabitaw ko sa kaniya sa pagka yakap habang nakakunot noong nakatingin sa kaniya. Nakangiti sya at mukhang maaliwalas ang mukha niya. Nakakasilaw at puti ang suot niya.

"Hindi, love" maaliwalas ang mukha nitong saad habang nakangiti.

"Why not?" nakasimangot na biro kong tanong.

"Magagalit sila tita sa akin." saad niya at ngayon ko na lang ule nakita ang mahinang pagtawa niya. "I love you so much, Denise. Wag kang kumain ng mga pagkaing may peanut ha?" saad niya kasi allergic ako sa peanut tapos nakakalimutan ko iyon ng madalas kaya muntik-muntikan na akong mategi.

Tumango ako habang naluha ulit at tumakbo ako papalapit kay Jay at agad ko syang niyakap ng mahigpit. Niyakap niya ako pabalik at ginulo ang buhok ko.

Napahagulgol na ako ng unti-unti na syang naglaho sa harapan ko. "J-Jay!" Bago iyon ay nakita ko ang malungkot na mukha niya habang nakatingin sa'kin na parang nasasaktan ito habang nakatingin sa mga mata ko.

"Jay!" hindi na matigil ang sunod-sunod na pagpatak ng luha ko.

J-Jay sorry.

"MAY, sila mama at papa ha? Ikaw na bahala" saad ko kahit na nakakaramdam na ng hilo na hindi ko nalang pinapansin. Ang init ng pakiramdam ko at naluluha na ang mga mata ko. Para akong hihimatayin.

"Sure ka poba ma'am na ayos lang kayo? Wag na ho kaya kayong tumuloy?" tanong ni May pero tumango lang ako.

Pagkapasok sa kotse ay agad na pina andar ni manong yung sasakyan.

"YUNG isa dyan may galit ata sa mundo!" sigaw ko kasabayan ng iba pang mga hiyawan ng ibang tao. Dalawang event na nagawa nila Drizo.

Nagulat naman ako ng sa pang apat na beses ay may humila na naman sa buhok ko at sinabunutan ako ng dahil kay Drizo.

"Eto ba yung malanding kala mo girlfriend ni Drizo kung makadikit?!" saad nung isang babae habang masamang nakatingin sa'kin pati na rin nung mga kasama niyang ang f-fresh grabe.

"Hoy ba't naman kayo magdadala ng suka sa event na gan'to?!" saad ko at tinakpan ang ilong sabay talikod pero hinila ulit nito ang mahaba kong buhok na nakalugay na ikinahila ko rin sa anit niya ng madiin at hinila sya ulit ng malakas pabalik at akmang papatol pa'ko ng bigla na lamang akong awatin ni Rey. Issue na naman 'to. Hinawakan ni Rey ng di sadya ang kamay ko.

"Sa sobrang hot mo 'te katawan mo parang may apoy!" pasigaw pa na banat nito ng tumalikod na ako at naglakad papuntang sasaakyan

Tumigil ulit ako sa paglalakad at tumigil sa babaeng halatang drawing ang makapal na black eyebrow nito't may makapal na red lipstick. "Ligo ka muna datu puti!" sigaw ko pabalik. Bago tumalikod ay nakita ko pang umusok ang ilong nito at wala na syang nasabi at mukhang natameme na ikinataray ko at pumasok na sa kotse.

"6 feet daw iyan" saad ni Cris habang nakatingin sa isa sa mga pool ng resort na blue na blue ang kulay at napakalinis ng tubig. Nasa isang resort kami ngayon sa Benguet pagkatapos ng event ng mga ito tapos ayon naisipan na rin naming magbakasyon.

Pumasok muna ko sa loob ng kwarto.

Grabe ang ganda ng resort tsaka paniguradong ang lamig na ng tubig kasi gabi na rin ngayon kaso giniginaw ako jusko! Buti naka jacket ako kanina sa event nila. Hindi kona ata kakayanin yung lamig lalo na't naka two piece pa'ko. Yung nagmamaganda ka pero masama pakiramdam mo.

Nagulat naman ako ng bigla nalang may nagtakip ng mga mata ko gamit ang pawis na mga kamay ng kung sino at amoy mukhang humawak sa mga barbeque.

"H-Hoy ano ba?!"

Nagulat ako ng binitawan ako ng kung sino mang nagtakip sa mga mata ko't tinulak ako nito sa isa sa mga nasa 6 ft. na swimming pool.

Nakita kong yung babaeng assistant pala ni Cris yung tumulak sa'kin at tawa ito ng tawa na parang isang mangkukulam. Kung sya kaya lunurin ko dito letse! Napayakap naman ako sa sarili at napapikit dahil sa sobrang sama ng pakiramdam at sa sobrang ginaw.

"P-Pleas—" hindi kona natapos ang sasabihin ko't nanlabo na ang paningin.

"A-ANO bang nangyari? Drizo sorry nakatulog ako!" saad ko ng makita si Drizo ngunit hinang-hina pa rin ang katawan ko.

"Ayos kalang ba, Denise? Cris already fired that crazy woman." napatingin naman ako sa nagsalitang si Rey at kala Drizo.

"O-Ok lang ako.. Sir, uuwi na po ako"

Pinatigil ako ni Justine at pinaliwanag ang buong nangyari kanina.

"Umuwi kana. Alam ko rin namang wala kang pambayad dito" saad ni Drizo at lumabas.

Ngayon kolang narealize na dinala pala nila ako sa hospital ng makitang puro white ang nasa paligid at naka hospital gown ako.

Pipigilan pa sana ako nila Rey pero agad akong tumayo at sinundan si Drizo.

"Wala kang karapatan ganya-ganyanin ako ha?! Personal assistant mo'ko pero sa loob ng ilang taon tinrato mo'kong parang hayop o parang hindi tao! Bakit gano'n?" Nagulat ako ng akma niya akong hahampasin sa mukha pero agad syang sinapak ni Cris.

"You're fired, shit" saad nito. Tinawag niya akong shit?! Nagulat ako ng bigla na naman syang sinapak ni Cris at nagkanda gulo-gulo na.

"Hoy sa'ting dalawa mas mukha kang shit! Pwe!" nag walk out ako't pinilit maglakad sa hallway habang nahihilo. Matutumba pa ata ako. Hays iinom agad ako ng gamot pagdating sa bahay.

Malapit na sana ako sa hagdan pababa sa first floor ng bumagsak ako sa sahig.

"Denise!" rinig kong saad ni Louise at tumakbo papalapit sa akin.

"L-Louise..." Mag iinat sana ako ng mga braso pero halos hindi ako makagalaw sa sakit ng katawan ko at hindi mapigilang mapadaing.

TUMINGIN ako sa paligid at nakitang nasa kwarto na'ko' sa bahay. Naka hospital gown pa rin ako. Para akong isa sa mga baliw na patient na nakatakas sa hospital. Sino naghatid sa akin sa bahay? Si Louise siguro. Malamang halos himatayin si May sa kilig kanina. Sayang hindi ko nakita reaksyon nito!

*******************

Hot

Comments

BX_blue

BX_blue

The suspense is killing me. Please don't leave us hanging, update now!

2025-09-08

0

See all
Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play