Echoes of Yesterday (Tagalog/Filipino)

Echoes of Yesterday (Tagalog/Filipino)

Chapter 1

Disclaimer! This is a work of fiction. All characters, names, places, and incidents are either products of the author's imagination or used fictitiously. Any resemblance to actual people or events is purely coincidental.

No part of this story may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means.

Chapter 1

"Drizo, alam mo sa totoo lang may itsura ka sana eh kaso 'yang kilay mo parang angry birds lagi! Parang ikaw yung male version ni miss Minchin!" nagkatinginan naman at narinig kong nagtawanan yung mga kasamang rapper ni Drizo. "Drizo, umamin ka nga sa'kin... hmmm.. type mo ba'ko? Halata ka kaya hmm?" saad ko at muntikan ng mahulog sa pagkasandal sa balikat ni Drizo at muntikan na ring tumama yung mukha ko sa sahig pero agad inayos ni Drizo ang pag-alalay sa akin.

Unti-unti nitong nilapit ang mukha niya sa akin habang nakatitig lang ako sa kaniya at nagtataka tapos.. bigla nalang niyang inilapit ang labi niya sa tapat ng kanang tenga ko at may ibinulong.

Jusko! Ang gaga ko mawawalan ako ng trabaho nito! Kung ano-anong pinaggagawa ko!

Nagmamadaling hinablot ko ang cellphone ko at ni-dial ang number ni boss. Nalintikan na!

"Drizo, k-kasi uhmm.. hindi ko na po kase talaga tanda yung mga nangyari kagabi. Sorry po kung may nagawa man akong mali kagabi, sorry! Wala kasi talaga akong maalala" napapikit kong saad pagkasagot na pagkasagot nito ng call habang napapakagat sa bottom lip ko.

"Bakit ba tumawag kapa?! Malapit na yung event namin! Alam mona gagawin mo"

"Fired na po ba ako?" gulat na tanong ko.

"Ayoko ng tatanga-tanga. Ano ba kita?!" tanong niya sabay baba ng call.

Letse! Napaka basura ng bibig ni Drizo. Kala mo kung sino! Hays atleast may trabaho pa rin ako phew!

Nag suot naman ako ng croptop dress at pagkatapos mag-ayos ay bumaba na sa second floor. Syempre kailangan magmukha pa ring fresh haha!

"GO Drizo!!! Whoo!!!" sigaw ko kasabay ng sobrang daming taong naghihiyawin din na akala mo'y isa lang ako sa mga fans ni Drizo. Nagulat ako ng bigla syang tumingin sa'kin at kumindat. Natawa na lang ako.

Napatingin ako sa mga kasamahan ni Boss na mga rapper din.

Si Rey Desear. Ang laki ng katawan ng isang 'to. Papi! Ang kapal ng mga kilay niya, sobrang tangos ng ilong tapos ang pula ng labi parang may lahing americano!

Louise Colil. May sense of humor ang isang 'to. Halos lahat ng babae napapatawa niya. Kahit sino ata mapapangiti din pag nakita ang mga ngiti nito. Friendly din. Kayumanggi, katamtaman ang tangos ng ilong tapos ang ganda ng shape ng mukha!

Cris Montuya. Mestizo at si Cris ang pinaka playboy sa mga ito. Half spanish at ito yung madalas makaaway ni Drizo. Ang ganda at ang haba ng mga pilik mata niya tapos minsan kala mo tulog haha! Ang pula din ng labi ng isang 'to.

Andrilo Bonsato (Drizo). Ang boss ko sa tatlo tsk. Sobrang seryoso tsaka napaka workaholic pero sa napansin ko pagdating sa pamilya lalo na sa mga magulang niya sweet na tao. Ang sungit pero grabe kung magbigay ng bonus. Ang sama kung tumingin ng mga mata nito. Pinaka matangkad sa mga kasamahan niya. Mestizo at sobrang yaman. Bagong gupit at ako ang nagpumilit na magpagupit na sya ng buhok para na kasing bunot yung buhok niya dati lalo na't music artist pa naman si sir! As a friend lang naman pakielamera bumbaga haha! Ang tangos ng ilong niya tapos pa heart shape yung labi. Habulin sya ng mga babae.

At pinaka last si Justine Sayde. Pinaka bata sa grupo. Malapit na mag trenta mga kasamahan niya pero si sir Justine kasing edad kolang. Isa pa 'to sa seryoso. Moreno at idol talaga sa pag rap! Ang tangos ng ilong at may pagka palabiro din. Playboy nga lang.

Sa kanilang lima? Si Rey pinaka bet ko marunong na makisama hindi katulad ng isa jan na ubod ng sungit!

Nagwawala na yung mga tao. Nakita ko namang may isang babaeng pilit hinila si Cris sa stage na sana kakamayan lang nito. Muntik ng masubsob at mahulog si Cris pero agad na tinulak ng isang guard yung babae. Nagsimula ulit mag rap si Cris at pagkatapos ng line niya ay si Justine naman.

"TUBIG nga!" rinig kong pasigaw na utos ni boss.

Nasa dressing room na kaming lahat at si Drizo nalang ang kasama ko tsaka mga kasamahan niyang mga rapper din.

"Boss oh!" nakasimangot kong inabot ito sa kaniya.

"You look wonderful sa dress mo, Denise" nakangiting biglang saad ni Cris tapos parang nakapikit na naman dahil sa singkit na mga mata nito.

"Thanks! Ang popogi niyo kanina tapos ang daming pumuntang mga fans halos masubsob yung mukha ko sa lapag kanina!" saad ko na ikinatawa nila maliban kay Drizo.

"Uhmm... Louise pwede pengeng autograph? May nakisuyo lang." Mahina akong tumawa at inabot ang isang papel at ballpen dito.

Idol kasi ni May -yung ni hire kong kasambahay si Louise.

"Autograph? Hmm? Pakisabi sa kaniya baka gusto niyang free meet nalang" saad ni Louise pero seryoso parin ang mukha.

"Sige nga meet nalang? Meet the parents daw" saad ko na ikinatawa naman namin.

"Your parents ba, Denise?" birong tanong pa ni Louise na tinawanan ko nalang.

Pinirmahan na niya yung papel at inabot sa'kin habang tahimik lang sa isang sulok si Drizo na parang may sariling mundo at nakatutok lang sa cellphone habang ang ingay-ingay ng mga kasama niya.

"Ano? G na ba sa place na iyon?" biglang tanong ni Rey na ikinatingin nila sa isa't-isa.

"Oo g! Sama ka, Denise?" tanong ni Justine na sobrang fresh parin.

Umiling naman ako. Nakakahiya.

"Hindi na haha!"

AYON yung sinabi ko pero maya-maya'y nakita ko na lang ang sarili kong naka upo sa tapat ng lamesang punong-puno ng masasarap at mamahalin na pagkain kasama yung mga music artist at si Drizo.

Pinilit ako ng pinilit ni Rey and syempre ako paba tatanggi sa masarap at mamahaling pagkain?

Lapit ng lapit sa'kin ng pagkain si Cris at Justine na kala mo'y alam na alam na ng mga ito ang mga favorite kong pagkain. Sa sobra koba namang tagal na personal assistant ni Drizo at close kona rin ang mga ito. Bale magkakilala na kami ni Drizo nung nagsisimula palang sya as a music artist.

"Grabe busog na ata ako!" saad ko sabay hagod sa tyan na animo'y merong bata sa sinapupunan.

"Ilang months na iyan, Denise?" tanong naman ni Cris na ikina busangot ng mukha ko.

"4 months na panagutan mo ha?" saad ko na ikinatawa nila.

"YUNG mga gamit dali!" rinig kong saad ni Drizo. Pabalik na kami sa kotse at may kasama ng mga body guard. Sa akin niya pinabuhat lahat ng mga bag.

Pasimple namang kinuha nila Louise at Cris yung mga bag sa'kin.

Nagulat ako ng biglang may mga sumambunot sa nakalugay na mahaba kong buhok ko habang pasakay sa kotse kasama ang grupo.

Muntik din ako mahila kanina jusme! Hindi naman ako nag perform sa event kanina nila sir. Hiningal ako don!

Napatingin naman ako sa sumulpot na palad sa harapan ko. Inabutan ako ni Drizo ng tubig. Pagkaabot ay nagsimula na syang mag drive.

Agad na rin kaming umuwi kasi madilim na rin tapos halos kami-kami nalang din. "Nakita niyo yung issue kay Cris? May nabuntis daw sya tas inabandona?" tawa ni Rey na ikinatawa rin ng iba dahil alam naming isa lang iyon sa mga fake news na pinapakalat tungkol sa kanila.

Si Cris paba?!

Nagulat ako ng biglang tumigil yung sasakyan at muntik na kami mahulog sa bangin dahil nasa part na kami ng daanan na sobrang delikado tapos sobrang dilim na

ilaw na lang ng sasakyan yung nagbibigay ng liwanag. Napapapikit ako at bigla na lamang akong niyakap ni Louise para protektahan.

Akala ko katapusan kona pero buti napreno agad ni Drizo ang kotse at napahinga kami ng maluwag lahat. Nagkatitigan naman kami ni Louise pero agad din kaming parehas umiwas ng tingin.

"Kung mag iinom ho kayo! 'Wag kayo mandamay! Mapapahamak pa girlfriend ko sayo!" sigaw ni Jay sa driver ng bus. Lasing pala kasi ito tapos muntik na kaming may makabanggaan. Nakayakap sya ng mahigpit sa'kin at pinoprotektahan ang ulo ko habang naka hawak ang kamay sa hawakan para di kami ma out of balance pareho. Kanina nga muntik na niyang basagin yung bintana ng bus.

"Ano bang pake mo ha?" nagulat ako ng bigla na lamang kaming nilapitan nung driver at tinulak pa nito ng malakas yung konduktor na sana aawat sa kaniya.

Siga itong lumapit at masamang tumingin sa amin pareho na animo'y sinapian at unti-unting naglakad papalapit sa akin.

Nagulat ang lahat ng bigla nalang itong may dinukot sa bulsa nito at naglabas ng isang 'di gaano kalakihang kulsilyo.

Akma akong sasaksakin ng lasing na driver ng makita kong parang nandidilim ang paningin ng boyfriend ko at agad na inagaw sa driver yung kutsilyo at agad na sinuntok ito sa lalamunan na agad nitong kinabagsak. Akma pa sana itong susuntok at lalapit do'n sa driver pero agad ko syang pinigilan at hinila. Nakita ko namang may saksak sya sa leeg at mga braso.

"Love, may saksak k—" hindi kona natapos ang sasabihin ko nang tinignan niya ako kung ayos lang ba ako.

Niyakap niya ako at hinawakan ang kamay at sabay kaming bumaba sa bus na iyon. Anniversary din namin no'n.

"Okay kalang ba, Denise?"

"O-Okay lang ako..." saad ko kay Louise na mukhang nag aalala ngayon at umiwas ako ng tingin.

"Dude, nababaliw kana ba? Ako na nga magmamaneho!" sigaw ni Cris at akmang pupunta sa driver seat galing back seat pero agad naman syang inawat ni Rey na nasa passengers seat.

"Bro, shut up! Muntik na nga tayong mahuli noon kasi nag speeding ka!" balik na sigaw naman ni Drizo habang nakatigil pa rin yung sinasakyan naming kotse at hindi pa niya pinapaandar at andito pa rin kami sa gitna ng madilim at walang katao-taong kalsada na marami ng aksidenteng nangyari.

"Guys kalma! Ako na lang magda-drive para matapos na!" nakataray kong saad na ikinagulat nila.

"Eh baka matuloy na y— este eh diba muntik na ngang magsuka si Louise at Cris noon nung si Denise pinag-drive natin? Ayusin mo na lang pagmamaneho mo, pre tsaka ang dilim na rin ng daan eh bilis-bilisan na natin" saad ni Rey at umayos ng sandal sa kinauupuan niya.

"Hindi naman! Wala pa kasi silang kain noon pero uminom agad ng beer!" sabat ko naman at dumiretso na ng tingin sa daanan at nakitang ang sama makatingin ni Cris kay boss.

Nagsimula ng paandarin ni boss yung sasakyan habang nakahinga na kami ng maluwag pagkatapos ng nangyari kanina.

Grabe inaantok na ako! Marami pa akong aasikasuhin mamaya at magbabasa tapos mag f-food trip pa ako! Kanina kasi kakarating lang ng mga order kong pagkain na puro maaanghang. Cravings ko rin iyong graham balls kaya ayon meron din.

Maya-maya habang nasa byahe ay nakita kong nakapikit na si Justine at mukhang tulog na tulog na habang nakasandal ang ulo nito sa bintana at gano'n din naman si Cris na rinig na rinig pa ang hilik nito. Nabigla ako ng bigla na lang napasandal ang ulo ni Louise sa balikat ko at nakita kong nakapikit ito at mukhang nakatulog na rin.

Unti-unti na rin akong pumikit at akmang mahuhulog pa sa kinauupuan ko dahil sa antok ng biglang sumigaw si Rey. "Ahhhh! A-Ano iyon?!" natatakot na saad niya.

"May nabangga ata tayo, pre!" napailing na lang ako sa kaniya. Hays kahit kailan talaga!

"Humps lang iyon. Kumalma ka nga dyan!"

Sinipa ni boss ang paa nitong malapit na sa manibela.

"Kape pa!" natatawa kong saad at nawala na ang antok ko dahil kay Rey. Nagsimula na syang mahinahong sumandal ulit sa upuan niya.

"Pre, naalala mo yung babaeng kinukwento ko sayo noon? Grabe model na sya ngayon at halos nasa lahat ng magazine!" ang genuine ng ngiti ni Rey habang binabanggit niya ang mga salitang iyon habang nasa gitna ng daanan lang ang tingin.

"Yung kinukulit mo at ini-snob kalang?" tanong naman ni boss na ikinatawa lang ni Rey.

"Naging girlfriend ko kaya iyon! Wala na kami. Pinagsabay pala kami nung isa sa mga fan kong lalaki." mukhang nalungkot si Rey habang sinasabi ang mga salitang iyon kasi halata sa mukha niya. Hindi ko alam na ang isang Rey Desear minamalas din. Tumingin naman ako sa bintana kahit na puro malalaking puno lang naman ang nakitita ko at ilog para hindi nila mahalatang nakikichismis ako haha!

"2 timer pala iyong babaeng iyon? Katulad pala iyon ng isang babae din dyan" saad ko at pagkatingin sa rearview mirror ay tumingin sa akin si boss at ibinalik ulit ang tingin sa daan.

Eh ako lang naman babae dito?! Pinapararinggan ba niya ako? Dalawang nanligaw iyon sa akin na parehas hindi ko type paanong 2 timer??

Eh paano ba naman kasi...

Suitor no. (1):

Si Kevin. 27 yrs old na, moreno, 5'8 ang height at may itsura naman pero napakayabang grabe! Mabisyo at tambay lang lagi sa kanto kasama mga tropa niya. Napaka immature din ng isang ito!

Suitor no. (2)!

Kai, 23, patpatin at mestizo ang isang ito at hindi gaanong kagwapuhan tapos patay na patay sa akin ang isang ito! Kung ano-anong binibiling pagkain para sa akin iypng mga gusto ko tsaka mga gamit na rin na pag niya lang na gusto ko yung bagay na iyon bibilhin niya agad at ibibigay but! Naawa sa akin yung tropa niya at pinakita ang isang video na lasing si Kai at nag iinuman silang tropa habang hindi niya napapansin na vinivideohan na pala sya ng tropa niya. "Alam mo iiwanan ko lang din agad ng basta-basta yung si Denise pag nakama kona iyon. Nakakainis nga eh pakipot pa ayaw pa talaga pumayag." saad niya sa video pagkatapos ay tumawa pa habang mukhang inaantok na. Pinahiya pa niya ako pagkatapos kong malaman ang lahat ng iyon sa mga tao at sinabing malandi ako at ako naman talaga ang may gusto no'n. Pinagkalat ko yung video at tinapunan ko sya ng tubig noon tapos iniwan syang parang mukhang ewan na basang-basa sa daan at naglakad papalayo doon.

********************

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play