Chapter 4
"Wahhh si Rodel!" Sigaw ni Rosy habang nakatingin sa naglalakad na si Rodel kasama ibang tropa nito. Bigla namang may lumapit sa aming dalawang tao at nagulat naman ako ng mamukhaan sila.
Si Cam ta's si Aria. Isang gay and girl kong bestfriend din nung highschool. Inakbayan naman kami nito at sabay-sabay kaming pumasok sa loob ng campus.
"Hala! Ang gwapo! Cam! Yung crush mo si Reynald!" hiyaw ni Aria pagkapasok na pagkapasok namin sa loob.
Napatingin naman ako sa mestizong lalaking may kinakausap na isang babae. May kahabaan ang buhok, makapal ang kilay at may brace.
"Gaga kay Cam iyan!" saad ko.
Hindi ko alam kung anong nangyayari. Paanong nakabalik ako sa year 2022?
Pagkapasok sa lumang building at paakyat na sana sa hagdan papunta sa second floor ng bigla nalang may humila at kumuha sa bag ko.
Napatulala naman ako sa lalaking kumuha at nagsuot nito. Si Jay yung late boyfriend ko. Kami na sa mga taong ito. Hindi kona napigilan ang pagbagsak ng mga luha ko at agad na yumakap kay Jay.
Halata sa mukha niya ang gulat pero hindi ko ito pinansin at niyakap lang sya ng mahigpit. "Hala si 'akla kala mo 1 year silang hindi nagkita ng jowabels niya eh halos magkapalit na nga kayo ng mukha" rinig kong saad ni Rosy na ikinatawa naman ni Cam at Aria.
"J-Jay!" saad ko habang naiyak pagkabitaw ko sa pagkakayakap sa kanya at napa upo sa sahig na ikinagulat nilang lahat.
"May men's kaba 'te? Ginagawa mo dyan?" rinig kong biro naman ni Cam.
"Love?" agad naman akong inalalayan ni Jay at tinulungang makatayo kahit na nagtataka.
Nakita ko nalang ang sarili kong baktot-baktot niya habang nasa hallway at papuntang room namin at binuhat paupo ng upuan. Akala siguro nila nasakit lang talaga puson ko.
Napatingin naman lahat ng kaklase ko at ang teacher naming si Ma'am
Mariane sa akin.
"Anong nangyari dyan?" takang tanong ni Ma'am na mukhang kakarating lang din.
"Nalumpo, Ma'am" saad ni Cam at kaagad naman syang sinuway ni Aria.
"Palit muna tayo, pre" rinig kong saad ni Jay sa kaibigan niyang lalaki na seatmate ko, hinayaan nalang din sya ni ma'am Mariane.
"Ano bang nangyari, love? May kailangan kaba? Papaalam nalang ako kay ma'am bibili ng gamit para sa project mamaya"
Hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari.
Sobrang saya ng puso ko.
Itong araw na 'to dati wala akong kaalam-alam sa mga mangyayari na 1 week pagkatapos ay may masamang mangyayari kay Jay. "Pinulikat lang, love"
"WHY aren't you answering Ms. Cresino?" tanong ng prof. namin sa math habang nakatayo naman ako't hindi makasagot sa tinanong niyang equations sa'kin.
Eh paano ba naman matatandaan ko paba iyon?
Bigla nalang itong lumapit sa harapan ko at tinapon yung bag at mga gamit ko sa labas ng hallway.
"S-Sir, kasalanan ko po. Hiniram kopo kasi yung notebook niya kung nasa'n yung assignment niya tapos naiwan ko sa bahay. Sorry Sir" saad ni Jay. Ang tanda ko pag napapagalitan ako ng mga teacher noon lagi namang kasalanan ko, inaako niya lang lagi pero masusungit talaga mga teacher namin noon.
"Leave o kakaladkarin pa kita? I DON'T NEED USELESS STUDENT IN MY CLASS!"
"M-May pilay po si Denise, sir." rinig kong dagdag pa ni Jay.
"I don't care Mr. Balanag! Both of you get out of my class!" galit na saad ng prof at pinalabas kami sa room at agad na ni lock iyon. Agad naman akong hinawakan ni Jay para hindi ako matumba at isinandal sa kaniya.
"Bakit ba kasi nangielam kapa? Tignan mo dalawa na tuloy tayong nasa labas ng room ngayon. Nadamay kapa" Imbis na sumagot pabalik ay inayos niya lang ang pagkakahawak sa kamay ko at dinala ako sa mga tindahan sa loob ng campus.
Tsk gutom ata.
Bumili sya ng mga siomai, lumpia tapos tatlong kanin. "T-Teka love! Parang grabe naman ata iyang pagkain mo?" takang tanong ko pero nilagay niya sa paper plate yung mga shanghai tapos dalawang kanin at nilapit sa harapan ko yung mga pagkain habang isang kanin at dalawang siomai naman sa kaniya.
Napangiti naman ako.
"Alam kong hindi ka nag-aalmusal tsaka hindi ka rin nag recess kanina. Mamaya pag uwian na saan mo gustong kumain? Request kalang" saad niya sabay subo sa kinakain.
"Request? Pwede bang dito ka nalang, love?" Nagtataka naman syang tumingin sa'kin pero agad rin akong natauhan.
"I-I mean w-wala, lagi ka nalang nagastos para sa akin wala ng natitira sayo, sabi nila tita may gustong-gusto ka raw bilhin ah? Bakit 'di mo nalang iyan ipunin para sayo?" napatingin naman ako sa mukha ni Jay na nakangiti at may kinang pa ang mga mata.
Moreno, sobrang tangos ng ilong at marami talagang nagkakagusto kay Jay nung highschool palang kami. 17 na sya kaso umulit kaya grade 10 tapos 16 naman ako sa taong 'to. Infairness na miss ko yung itsura ko dati wah!
HABANG naglalakad pabalik sa room ay bigla na lang ginulo ni Jay yung buhok ko na ikinatingin ko sa kaniya. Pagkadating sa tapat ng room namin ay naabutan namin do'n yung iba naming mga kaklase tsaka yung iba pang mga kaibigan ni Jay sa ibang room. "Hoy mga kumag ba't may dala kayong yosi sa school?!" tanong ni Jay pagkakita naming may inilabas na yosi ang mga ito at mukhang sisindahan na gamit ang dalang lighter ng isa sa kanila.
"Anong ginagawa niyo sa tapat ng room?" Napatigil kami lahat at parang mga naging estatwa ng marinig ang boses ng prof. namin sa english.
Nagulat ako ng ibato no'ng mga kaibigan ni Jay sa aming dalawa yung mga yosi dahil sa gulat.
Sinipa ni Jay sa likod ang mga ito at bigla namang nauna ng pumasok sa room at magsibalikan ang mga mokong. Iniwan kami ro'n sa labas habang masama ang tingin ng prof. sa amin ni Jay jusme!
Pinandilatan naman kami ng mata ng prof. at kinumpiska yung yosi sa amin ni Jay.
"Kailangan kong makausap at kailangang pumunta ng mga magulang niyo dito bukas, MALIWANAG?"
********************
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments