Chapter 3
"Arf! Arf! Arf!" rinig kong tahol ng tatlong aso sa'kin na mga naglalaway ngayon at mukha pang walang mga kain tapos napaatras ako ng may isa pang asong papalapit sa'kin.
A-Anong gagawin ko? Wahh!
Bahala na! Agad akong tumakbo pakanan na ikinahabol din sa akin ng mga aso. Tili naman ako ng tili habang paiyak na sa takot. #Wagtularan
Napatingin ako sa paligid kong walang katao-tao. Asan ba kasi mga amo nitong mga asong 'to? Huhu! Habang tumatakbo at tinatahulan ng mga aso ay nabigla ako ng biglang tumigil ang mga ito at hindi kona marinig ang mga tahulan. Pagkalingon ko sa kaliwang daanan ay nakita ko si Andrilo na nakagat na ng isa sa mga aso. Nakaupo sya sa lapag habang iniinda ang kagat sa kaniya ng aso.
Agad ko syang hinila at sabay kaming tumakbo. Maya-maya ay pinigilan niya ako at sumakay kami sa motor. Jusko may motor naman pala syang dala! Ambot!
Agad niyang pinaandar yung motor tapos huminto kami sa isang mall. Pagka hinto ay agad akong bumaba ng hindi sya iniimikan at ni hindi tinitignan ito. Hindi rin sya umimik.
"'Wag mo nalang kalimutang magpaturok ng anti rabies." seryoso kong saad at tinalikuran na ito ng bigla niyang hinawakan ang wrist ko na agad kong ikinaatras at inilayo yung kamay ko sa kaniya.
"Denise, I'm sorry. Ok? And hindi talaga ko nakagat ng rabies.. may sugat na talaga ko ro'n" saad niya pero seryoso lang akong tumingin sa kaniya.
"Ok?" saad kolang at umalis na do'n. Nagulat pa sya sa inakto ko pero wala na ring nasabi nang talikuran ko sya.
Nagsimula na akong maglakad sa abangan ng mga jeep. Maya-maya napatingin naman ako sa kumalabit sa aking lalaki.
Si Cris.
"Pauwi na rin ako may dinaanan lang. Sabay kana?" nakangiti niyang tanong na ikinatango ko.
"Ok kalang?" tanong niya pagkababa namin pareho sa motor niya sa tapat ng bahay namin. Napapatingin naman ako kay May na nasa loob ng bahay na nakikichismis at halatang kinikilig at panay turo kay Cris.
"Ok lang ako, iyong kaibigan mo ata 'di okay" saad ko at napataray ng maisip si Andrilo.
MAYA-MAYA pagkatapos namin mag usap ng onti eh gumayak na rin sya pauwi.
"Boyfriend mo ma'am?" kinikilig na tanong ni May pagkapasok ko sa loob ng bahay na ikinailing-iling ko nalang sa kaniya.
"Happy birthday nga pala ma'am! Dumating na po yung mga pagkain kanina" saad pa niya. Yung mga handa ko yung tinutukoy niya.
Pumasok naman ako sa kwarto nila mama at papa at ngumiti.
"Ma! Pa! Anak niyo 19 na! Nasa kalendaryo pa rin!" saad ko at niyakap pareho ang mga magulang ko. May sakit at bed ridden man ang mga magulang ko pero alam kong masaya sila sa mga naabot ko at alam kong mahal na mahal nila ako.
"Ma'am may mga naghihintay sainyo sa labas"
Lumabas ako sa kwarto at agad na pinagbuksan ng pinto sila tita.
Mama ni Jay ng late boyfriend ko.
Andito pa rin sila para sa akin.
"Happy birthday, 'nak!" saad ni tita Celine at niyakap ako nito. Habang yakap-yakap ako ay bigla na lamang nagsimula syang umiyak habang paluha na rin ako no'ng una palang at napa iyak na rin.
"Hindi magugustuhan ni Jay na nag iiyakan tayo dito, ma! Ay nako pag nakita no'ng umiiyak si Denise malulungkot iyon. " saad ni ate Diane na bumeso na rin at hinagod-hagod ang likod ko. Nagpunas na kami ng luha at mga nagsi ngitian ule at pumunta na sa hapag. 3 years. 3 years simula nung iniwan ako, kami ni Jay. Nagsisisi ako. Sana pinakinggan ko sya na sana nag stay nalang ako noon.
"Love 2 days lang naman kami ro'n at tsaka may mga babae naman kaming co-workers"
magbabakasyon kami ng mga co-workers ko sa probinsya sa antique, working student na kasi ako noon. Excited na excited pa naman ako pero itong boyfriend kong si Jay ewan ko pero ang lungkot niyang tignan ngayon kakahawa ng mood.
"At tsaka nakakahiya naman oh. Sige na, please?" nag pout pa'ko dito. Lagi naman niya akong pinapayagan. Nagulat ako ng bigla nalang syang tumayo at niyakap ako nito.
"Mag stay ka nalang dito please, love?" saad niya habang yakap-yakap ako. Yayakap na sana ko pabalik ng nagulat kami ng bigla na lamang nahulog yung picture ng boyfriend ko na nakalapag sa isang lagayan sa bahay nila. Nakita ko naman sa baba nung lagayan yung galang pusang pumapasok pag naiiwang nakabukas yung pinto. Nabagsak ata nung pusa.
Napatingin naman ako sa poging mukha ng boyfriend ko na parang hindi rin maganda ang pakiramdam at malungkot ang itsura.
Ewan ko pero hindi ko rin maintindihan at hindi rin ako mapakali tapos ang sama ng pakiramdam ko pero baka nahahawa lang ako kay Jay kasi kanina pa niya ako pinipilit na mag stay nalang sa bahay. Hindi pa rin sya nakabitiw sa pagyakap sa'kin ngayon.
Nagpa lechon pa'ko ngayon na akala mo'y hindi natanggal sa trabaho. Well may nag contact sa'kin na isa pang music artist na gusto raw akong maging personal assistant.
"'Nak, blow mona yung candle" saad ni tita at nagsimula naman silang magsilabasan ng cellphone at nag video.
"Ma'am sila sir Rey, L-Louise, Cris at sir Justine!" kinikilig na saad ni May habang titig na titig kay Louise at parang sinampal pa ng ilang beses sa pula ng mukha nito dagdag pa ng makapal na blush-on niya. Gulat naman akong napatingin sa apat.
Yung mga ibang kamag-anak ni Jay nagsimula na ring magbulung-bulungan at may nagtalo pa sa dalalwang tita ni Jay kung sinong mas pogi sa apat. "Sorry nahuli na ata kami" nakipag beso sa akin si Cris na nakangiti ngayon at kahit na naka simpleng balck jacket lang ang lakas pa din ng dating nito.
"Magsisimula pa lang, hijo!" biglang saad ng isang tita ni Jay at inalok na agad nitong kumain ang apat.
"Baks!!!" nabigla naman ako ng biglang may tumakbo at yumakap sa akin pero agad ding nakahinga ng maluwag ng makitang si Aria ito. Ang Bff ko simula pa nung high school palang kami. Buti nakapunta sya! Sayang nga lang hindi na kami kumpleto magbabarkada.
Sinimulan na ni ate Diane magpatugtog ng kantang happy birthday at kinantahan na nila ako.
"Blow the candle na, 'nak! Para makakain at makapag inom na!" saad naman ni tito Edrin na papa ni Jay at nagtawanan ang mga tito, kapatid ni Jay pati na rin nila Justine.
"Wish!!" sigawan nila.
Sana masaya ka Jay kung nasa'n ka man.
Binlow kona yung candle at nagsihiyawan naman sila at nag simula ng kumuha ng mga tig iisang paper plate.
Lumabas ako at nagsimulang maglakad para bumili ng alak nila tito. Maya-maya ay may nakita akong tindahang parang ngayon kolang nakita. Nakita kong matandang babae ang tindera dito.
"Nay, pabili nga po ng alak" saad ko at sinabi ang bibilhin ko. Hindi ko alam pero hindi maalis ng matandang babae yung titig niya sa akin na parang may gustong sabihin o parang ngayon niya lang ako nakita.
"Nay?" tumango naman sya at kumuha ng ng isang kaha ng alak.
"Alam kong may iniisip ka at may pagsisisi ka mula sa nakaraan mo" saad niya na para bang alam lahat ang tungkol sa akin.
Gulat naman akong tumingin sa matandang babae. "May paraan para makabalik ka sa araw na iyon" saad niya at bigla nalang may inabot na kwintas sa akin.
"Kwintas po? Haha salamat po" saad ko sabay kuha ng kwintas sa kamay ng matandang babae habang tinulungan naman akong dalhin nung isang binata na na nakaupo sa gikid ng tindahan nung matandang babae na mukhang apo niya.
Wala pang isang oras ang dami na agad lasing kanina.
Naglakad na'ko pabalik sa bahay. Jusko dai baka habulin na naman ako ng mga aso!
Pagkabalik ay nakita kong nakabukas na yung videoke at may iba na kala tito na nagsasayawan.
Nagulat naman ako ng isa sa mga tito ni Jay ay sumayaw sa harap ko para ayaing sumayaw din. Pagkabitaw sa kaha ng alak ay naki join naman ako sa kanila sa harap na akala mo'y maoy na rin.
Hindi ko nalang inisip yung sinabi ng matandang babae kanina. Baka wala lang magawa at need lang kausap ni nanay.
"'Ta, cr lang po ako" saad ko kay tita Celine at pagewang-gewang na naglakad papunta sa loob ng kwarto ko.
Hindi ko alam kung ilang bote na naubos namin ng pamilya ni Jay. Kanina pa umuwi sila Cris at Aria. Pagkapasok sa kwarto ay agad akong napaupo sa kama at muntik ng mauntog sa pader.
"Hmm?" Kinuha ko yung kwintas na binigay sa'kin nung matandang babae kanina at isinuot ito.
Benta ko kaya 'to?
Sinearch ko yung kwintas at nakitang sterling silver soulmate heart neclace ito.
Infairness ang ganda.
"UMMMP!" Agad akong umupo sa kama at inalis ang mga tubig sa ilong ko.
"Ano ba 'yan? May?!" Saad ko habang gulat na gulat nang magising ako dahil sa bigla nalang may nagbuhos ng tubig sa mukha ko.
"Gaga! Sinong May? Hoy ante baka nakakalimutan mo may exam tayo ngayon!" gulat naman akong napatingin kay Rossalyn. Ang beki kong friend no'ng highschool palang ako. Jusko nasa ibang bansa na 'to ha? Ang alam ko nasa japan sya tsaka bakit parang wala atang nagbago sa mukha niya?
Rossalyn/Rosy (Ross Garcia) - Malambot pero lalaki kung manamit parin 'tong bff ko na 'to nung highschool kami. Takot kasi syang malaman ng mga magulang niya na beki sya. Takot umamin si 'akla!
"Ano ba? Ay nako susumbong talaga kita kay tita! Eme ano cutting ba maya? Jk! Ano na kasi dai? May tuyong laway kapa sa gilid ng labi mo!" saad niya at tinuro ng kaunti yung gilid ng labi ko.
Nakita ko namang nakasuot sya ng uniform namin nung grade 10 kami at hindi ko napigilang matawa. "Anong trip mo baks? Bakit naka uniform ka? Angas naman ng bungad mo galing Japan oy!" saad ko habang tawa ng tawa na ikinataas naman ng kilay niya.
"Anong tingin mo ngayon, baks? Linggo? May pasok tayo gaga!" saad niya at hinila na'ko papatayo sa higaan ko hanggang sa cr.
Pero bumalik din agad ako sa kwarto at naabutan si Rosy na nakaupo na ngayon sa kama ko tapos nakita ko naman ang isang bag na ginagamit niya nung highschool palang kami na nakalagay sa isang upuan sa kwarto ko. Yung kwarto ko mukhang nag iba rin. Punong-puno ng posters at mga gamit ko nung highschool tapos yung kama ko katulad nung kama ko noong highschool ako na kulay pink pa ang sheets.
Ano bang trip nito?
"Baks, hindi ka manlang nagsabi na uuwi ka ngayon!" saad ko sabay yumakap sa kaniya tapos nag react naman ito na parang nandidiri.
"Anong uuwi? Bakit payag kana bang dito ako tumira?" pabirong saad niya at tumawa.
Ano na nga ulit date? May trabaho pa'ko mamaya.
Napatingin naman ako sa calendar at nakitang 2022 ang nakalagay dito.
"Baks, maligo kana! Pag tayo na late kukutusan kita tamo!" biro niya sabay hila sa'kin papuntang cr.
Naligo nalang ako at agad na nagpalit ng fit na fit na dress na ikinakunot naman ng noo ni Rosy. "Hala siya! Tinalo mopa principal natin 'te! Anong trip iyan baks? School punta natin!" saad niya habang napapa iling-iling habang nakatingin sa akin.
"Ma l-late na talaga tayo 'te mag uniform kana"
"Denise?!" Gulat naman akong napatingin kay mama ng marinig ko ang boses nito. Pero mas nagulat ako ng makitang nakakapaglakad siya at yung itsura ni mama ay gano'n na gano'n nung highschool ako.
"Denise oh yung perdible na hinahanap mo! Hayaan mo baka may maayos pang palda mga pinsan mo magtatanong ako mamaya" saad ni mama tapos inabot sa'kin yung perdible at umalis na.
N-Nasa year 2022 ba'ko?!
********************
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments
Lie
Gagi hahahahqh
2025-09-08
0