KABANATA IV

...I...

Nagpatuloy ang katuwaang usapan ng tatlo, habang nasa ilalim ng buwang kay tamlay—laging matamlay ang buwan para kay Domma, walang sigla, kulang sa sigla.

“Oh tara na pasok na tayo, maaga pa tayo bukas.” palala ni Domma, sa tatlo at ginising na rin niya sina Mia at Edward, inalalayan ni Paul si Francis, habang inalalayan naman ni Faery si Mia, at inalalayan naman ni Domma si Edward.

Sabay-sabay silang pumasok, wala namang problema, ang gabi ay tahimik at mahangin at tanging si Domma lang ang hindi tuluyang nalasing, maliban sa lahat.

Dahan-dahan ding nagsi-akyatan upang magpahinga sa kanilang mga kwarto, ang mga maids ay tuluyan na ring nagpahinga sa ilalim ng utos ni Domma na nagpahinga na rin. Ngunit habang lumalalim ang gabi at tumitirik naman ang buwan, lalong hindi mapakali si Domma, para sa kanya ang gabi ay hindi normal sa nakagawian niya, tila may mali, tila may nagtatago, tila may tinatago. Ito rin ang dahilan kung bakit nakadiskubre siya ng hindi kanais-nais.

Sa lilim ng buwan, sa lalim ng gabi, si Domma ay hindi mapakili at na-isipang bumaba at magbasa upang kahit papaano ay makaginhawa sa pag-aalala, hanggang sa isang tunog, tanging siya lamang ang nakarinig, sa gitna ng madilim na paligid at tanging sa may lamesa lang bukas ang ilaw, pinuntahan ni Domma kung saan nanggagaling ang tunog na kanyang narinig—sa kwarto ni Francis, isang ungol ang narinig tila babaeng umuungol, ngunit hindi sa sakit, ngunit tila sa sarap.

...II...

Kinaumagahan, isang bagong maaliwalas at masimoy na umaga ang muling bumungad sa bawat isa, ito rin ang araw kung saan babalik na sila sa kanilang mga bayan, isang tiyak na byaheng pabarko sapagkat sila ay nasa isang upahang isla, na para lamang sa mga importanteng ganap sa buhay ng isang indibidwal.

Bagamat maganda ang bungad ng panibagong araw, si Hector, ay nananatiling aligaga sa kanyang nawawalang potassium, ang mga mata nitong hindi mapakali, ni hindi makatingin ng diretso kay Domma, at kay Mia.

Hindi sa kalayua'y narinig ni Domma na nagtatanong si Hector sa mga maids kung nakita nila yung potassuim nito, ngunit ni isa sa mga maids ay hindi ito nakita. Ang balisang Hector labis ang pangangamba.

Sa kabilang banda naman ay napagmasdan ni Domma sina Faery at Paul, nagtitinginan isang tingin na sa kanilang mga utak lamang nag-uusap, nakapagtatakang tinginan, habang kaharap si Mia, mga salitang ngiti na binabalot ng kahipokrituhan, isang hindi komportableng pakiramdam para kay Domma.

“Hoy! Tulala ka ah? Ayaw mo pa bang umalis dito?” panggugulat ni Edward kay Domma

“Hindi naman sa ganoon, masaya lang akong nakikita silang masaya kung may anak din ako sigurado akong kasundo rin nila.” pag-aliw ni Domma,

“Ano ba kasi talagang nangyari sa inyo ni Georgina?” pabulong na bigkas ni Edward,

“Hindi ko alam kung totoo bang kilala mo si Georgina o isinisingit mo lang siya sa kakaibang intensyon mo, at wala rin akong oras para pag-usapan siya, ang nakalipas ay nakalipas na. Intindihin natin ang ngayon.”

“Naiintindihan kita, Domma. Pero sa tingin ko—sa tingin ko lang na kapag pinag-usapan natin siya ay makakalaya ka”

“Saan naman ako makakalay, Ed?”

“Sa pangungulila? Hangga't hindi ko nalalaman mung bakit ayun ang laging nasa-isip ko,”

“Salamat, pero hindi na kailangan pa. Paumanhin, aayusin ko na ang maleta ko at maya-maya'y nandyan na ang barko natin.” at inayos na nga ni Domma ang kanyang mga dalahin, sa puso't isipan ni Domma, na sa oras na pinag-usapan ang tanging minamahal niya, ay lalo lang siyang hindi makakalaya, hindi mabibitawan ang nakaraan, isang maaaring maging bangungot, isang nakatitindig na ala-ala ang hindi na maaalis kung magkagayon.

“Handa na ba ang lahat umuwi?” masayang tanong ni Mia sa lahat.

...III...

Ilang minuto ang lumpias at dumating na ang inarkila nilang sapat at hindi gaanong kalaking barko para sa kanila. Isang asul at puting barko na naglalayong magsakay ng sapat na benteng katao.

Sa kanilang pagsamay at sa dahan-dahang pag-andar ng barko sa ibabaw ng mahinahong mga alon ng karagatan, at habang lumalayo ng lumayo ang barko sa malagintong dalampasigan, ay sumasabay ang araw sa pagtirik nito.

Bawat isa may sariling cabin, maliban sa mag-asawa, at sa balcony unang nagtungo si Mia matapos ang pag-aayos ng mga gamit sa kanilang cabin, tinabihan nito si Domma habang lumalanghap ng hangin sa umaandar na barko.

“Naging masaya kaba sa kasal ninyo?” tanong ni Domma habang nakakunot ang noo sa kadahilanang masikat ang araw, mahinahon at mababa.

“Sobra po, hindi ko naman inaasahang siya ang magiging asawa ko, sa dinami-rami ng taong nakasalamuha ko siya lang ang naging tapat.” nakangiting bigkas ni Mia habang ang sinag ng araw ay tumatama sa kanyang mukha.

“Sigurado ka bang siya lang naging tapat sa'yo?”

“Ano pong ibig ninyong sabihin?”

“Si Hector… hindi ba siya naging tapat sa'yo?”

“Hindi ko po alam ang sinasabi ninyo, ninong.”

“Hija, wag kang mag-alala. Kinuwento sa akin ni Hector kung paano kayo nagkakilala,”

“Kinuwento niya? Pati yung…”

“Oo, lahat.”

“Pati yung kay mama?” gulat na paniniguro ni Mia,

“Oo, hindi ko lang maintindihan bakit mo naisipang lumayo kay Hector, ramdam kong mabuti ang puso ni Hector.”

“Ramdam ko rin naman po, pero natakot lang ako ng sobra, napilitan akong gawin ang sinabi ni mama…”

“Na ipalaglag ang bata?”

Tumango si Mia, “Pinilit daw po si mama ni Hector na ipalaglag ang bata sa sinapupunan ko, at kung hindi naman daw po mangyari yon, hindi raw po alam ni Hector kung ano ang magagawa niya, baka makapatay daw siya.”

“Talaga bang sinabi n'ya ang mga salitang 'yan?”

“Sabi lang sa akin ni mama, kaya nang mga panahong 'yon ay nagdamdam ako, napuno ng hinakit ang puso ko para sa kanya. Pero kahit ganun, sinabi pa rin nila mama na kapag namatay sila ng walang sakit, maaaring pinatay sila, at 'wag na 'wag namin sasabihin sa'yo.”

“Bakit ba gustong gusto nila na itago sa akin ang pag-kamatay nila?”

“Hindi ko po talaga alam, basta isa lang daw po ang sigurado na gusto nilang gawin ninyo kung malaman niyong pinatay sila.” paluhang bigkas ni Mia

“Ano 'yon?”

“Kayo na raw po ang maghatid ng hustisya para sa kanila,”

Nagkaroon ng matinding katahimikan nang matapos sabihin ni Mia ang mga salitang yaon. Nababalot ng pagtataka si Domma, mga naglalarong bagay sa kanyang isip ang pilit na siya'y ginugulo.

Hinimas ni Domma ang balikat ni Mia upang ipaalala na kailanman ay 'wag mag-alala sapagkat ihahatid ni Domma ang hustisyang hinihingi ng magulan ni Mia,

“Pumanatag ka't gagawin ko ang hinihiling ng mga magulang mo.”

...IV...

Makalipas ang ilang oras matapos mag-usap sa balkonahe sina Domma, ang barko ay nabalot ng katahimikan, ang bawat isa ay nagpapahinga, habang si Domma ay hindi mahilig magpahinga, bagkus siya ay nag-aaral, patuloy na pinapatalas ang kaisipan.

Nang bigla niyang narinig na isa sa pinto ng cabin ay bumukas, tila may lumabas, ang mga yabag ay hindi pang isang tao, kun'di dalawang tao. Pinakingggan ng mabuti ni Domma ang yabag habang unti-unti itong humihina habang sila ay papalayo, nakarinig muli si Domma ng isa pang pagbukas ng pinto, ngunit sa kabilang direksyon naman nagtungo ang yabag, wala siyang makita, hindi niya makita, hindi rin niya makilala, kaya't naplitan siyang lumabas upang makita kung sino ang lumbas.

Sa paglabas niya sa kanyang cabin, na kita niya na bukas ang pinto nina Francis at Paul, at nagtungo kung saan nagpunta ang unang lumabas. Sa paghahanap ni Domma, napadpad si Domma sa kusina kung saan nagulat siya nang may narinig siyang tila galit na nagsasalita—boses ni Francis;

“Hindi ko na matiis! Hanggang kailan ko ba kailangang maging ganto? Hanggang kailan ako magtitiis na kaonting atensyon lang ang ibinibigay sa akin?”

Hindi makita ni Domma kung sino ang kausap nito, ni makasilip ng bahagya, sapagkat nakaharap sila sa salamin kung saan nasa liko lang si Domma, ngunit para kay Domma, may mali, may tila mangyayari, may tila hindi kanais-nais ang magaganap.

Hindi na naantay ni Domma na sumagot ang kausap ni Francis, at bumalik na siya sa kanyang cabin, sa kanyang pagbalik, may na aninag siya sa hindi kalayuan, na isang tao na nagmamadaling pumasok sa cabin at nakita ni Domma na pumasok ito sa cabin ni Hector kaya napanatag si Domma nang malaman na si Hector lamang ang pumasok.

...V...

Sa loob ng maliit at sapat na cabin ni Domma, ang katahimikan ay isa sa kanyang paboritong oras, ngunit sa katahimikang yaon ay hindi niya nagugustuhan. Naka-rinig si Domma ng kaluskos sa kabilang cabin kung saan ay napapagitnaan siya nina Edward at Hector, isang kaluskos na tila nagmamadali at hindi mapakali. Ngunit hindi ito binigyan ng pansin ni Domma,

Hanggang ang araw ay malapit ng lumubog, at habang nananatili ang barko sa mahinahong alon, na maya-maya'y dahan-dahang tumaas sapagkat pagabi na. Ang bawat dagundong ng alon sa bakal na barko ang siyang bumalot sa katahimikan, tanging mga sarili lamang ang iniisip sa bawat cabin.

Maya-maya'y handa na ang lahat para sa unang hapunan sa barko, ang bawat isa ay lumabas sa cabin, maliban sa isa kay Hector, ang bawat isa ay tila nakapagpahinga ng sobra-sobra. Sa pagtataka ni Domma kung bakit tila hindi pa lumalabas si Hector ay tinanong ni Domm si Edward:

“Bakit hindi nagigising si Hector?” tanong niya habang nakatayo sa tapat ng cabin ni Edward,

“Naku ganyan yan, mamaya pa yan magigising-nasanay na ganyan matulog kahit doktor na.” tugon ni Edward, kampante.

“Sana nga.” huling bigkas ni Domma, at sabay na sila na nagtungo sa hapag-kainan.

Bawat isa ay naka-upo at komportable sa kanilang upuan, habang ipinaghahanda sila ng mga maids—bagong maids sa barko. Habang naghahanda nagsalita si Faery;

“Nasaan si Hector?”

“Tulog pa, napagod ata.” sagot ni Edward, at sabay umalik-ik

“Grabe naman kung tulog pa siya ng gantong oras, 'di ba, eh doktor siya.”

“Hayaan mo na, minsan lang naman 'to, kumain kana muna.” pagpupumilit ni Edward.

Hindi man napansin ng lahat, ngunit si Domma ay napansin si Mia na tila nag-aalala kay Hector, ang kilay nito'y nakababa sa pag-aalala.

Habang si Francis naman sa tabi ni Faery ay masayang sumasandok ng kanyang kakainin, tila gutom na gutom; si Paul naman na katabi ni Mia ay sadyang tahimik at seryoso, pero si Faery ay metikulosong pinapanood bawat galaw ni Mia, tila may inaabangan siyang gawin ni Mia. Lahat ay napapansin ni Domma, hanggang hindi na natiis ni Domma ang pangangamba, at inutusan na ni Domma ang isa sa mga na maid na gisingin na si Hector, sumunod naman ang maid.

“Ano kaba Domma, masyado kang maaalalahanin.“ Maikling bigkas ni Edward, habang ngumunguya.

Sa kanilang pagsasalo-salo, isang malakas na kulog at hangin ang dumaan sa kanila, isang malamig na kakakatindig na hangin at isang nakabibinging kulog sa gitna ng mga ulap.

Sa masayang pagnguya, sa masayang pag-inom, sa masayang pagsasalo-salo, isang sigaw, nakagugulantang na sigaw ang gumulat sa natutulog nilang diwa.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play