The Solstice of December (Ber Months Series #1)
Simula
"Ang gwapo mo." bulong ko sa kanya habang titig na titig.
Nakapangalumbaba pa akong nakatitig sa kanya habang siya naman ay abalang-abala sa librong binabasa. Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago tinaasan ng kilay at nag patuloy sa ginagawa.
I smiled as his eyes moved from left to right, the beauty of his eyes became more evident as it keeps on moving. Di nakakasawang tanawin, kinagat ko ang labi ko.
"Ang gwapo mo talaga..." I whispered again, ngayon ay mas malakas at may diin.
Muli niya akong tinapunan ng tingin, blangkong mga mata ang sumalubong sa akin na animo'y hindi natutuwa sa nakikita sa kanyang harapan. I smiled genuinely at him, umayos pa ako ng upo para makita niyang mabuti.
"You're annoying." bitaw na salita ni Law sa matigas na ingles.
Muli niyang ibinagsak ang mata sa binabasa, napanguso naman ako dahil sa sinabi niya. Anong annoying?
"I'm Gave, not annoying." I pouted.
Hindi siya nag salita o tumingin man lang sa akin, and instead of paying attention to me, he just flipped the page of his book. As if telling me that he completely don't give a damn to my presence.
His hooded eyes are fierce on the book he's reading, and when I looked at the cover page of it. I saw a lot of algebratic expressions that I don't really want to include in my memory. Umirap ako at tumingin muli sa kanya.
His fascinating eyes looked really good, everything about him is really good actually, mula sa noo niyang perpektong dumudugtong sa makakapal na pares niyang kilay, sa makipot niyang ilong, sa mapupulang labi... na hindi man lang mangiti, hanggang sa hugis ng kayang panga na madalas kong nakikitang umiigting.
I looked at him in awe, he's really a good looking man. No wonder how I became this passionate to him, I just met him few days ago but here I am... nag pa papansin...
"Quit staring." sa mababang boses niyang sinabi.
Pumangalumbaba pa ako para mas matitigan siyang mabuti, at bagamat hindi siya nakatingin sa akin ay ramdam kong alam niyang mas tinitigan ko pa siya base sa taas ng kilay niya.
"Stop being handsome first." I giggled as I replied.
My insides cheered for that.
I heard him curse underneath his breath, noong tumingin siya sa akin ay baon niya na ang masamang titig. I just laughed at him and smiled even more.
Tinitigan niya muna ako nang ilang sandali bago tuluyang inalis na ang mga mata sa akin, ibinagsak niya na ito sa pahinang binabasa. Nag dudugtong na ang mga kilay niya sa kung anong iniisip niya, pero kahit na ganoon ay ang gwapo niya pa rin talaga.
Ang gwapo talaga niya, wala na akong masasabi kundi... ang gwapo niya talaga.
Napapikit ako sa naiisip, nababaliw na ata ako. I slightly laughed at my thoughts, and before I could even erase the scenery I'm concluding in my head... I heard Law's sighed.
"Why are you laughing?" Seryoso niyang tanong kahit nasa libro pa rin ang tingin.
Umiling ako at humalakhak muli ngunit agad din namang natigil dahil sa saway ng librarian sa akin. I bit my lower lip to stop myself from giggling, ayoko namang mapaalis dito at hindi masilayan si Law. I formed my lips to say sorry, but instead of meeting the librarian's eyes... grupo-grupong mata ang sumalubong sa akin, mga naka taas ang kilay nila sa akin habang nag bubulung-bulungan sa kani-kanilang upuan. I rolled my eyes at them.
Law is a very handsome man, very smart, atheletic and I'm sure he's also kind. Hindi nakakapag taka na sa larong pinapasok ko ay marami akong kakompitensya, but then sorry nalang, kung kuntento na silang nasisilayan lang si Law... ako hindi. I will try my best to capture his sight, I don't usually take the chances away so I'm here.
Ngumiwi ako at tumingin nalang muli kay Law, I caught him smiling a little so I tried to blink to make sure... pero noong dumilat ako ay tila malikmata lang ang ngiting nakita ko. Napangiwi muli ako.
The university's bell rang for the next class. Ngumuso ako at tinignan ang relo sa kanang palapulsuhan ko para makasiguro kung oras na talaga para sa klase ko. Mas ngumuso ako noong nakumpirmang ala una na, simula na nga ng klase ko.
Tahimik akong tumayo at nakangusong inayos ang upuan pabalik sa ilalim ng lamesa, nakuha ko ata ang atensyon ni Law dahil noong lingunin ko siya ay nakakunot na ang noo niya sa binabasa.
"Bye, Law." I playfully said. "I'll be right back." Masaya kong sinabi at kumindat pa kahit hindi naman nakabaling ang atensyon sa akin.
Tinalikuran ko na siya at nag simulang mag martsa paalis ng library, the gossips are still on-going when I looked at the insecured people. Kaya naman nakataas lang ang kilay ko the whole time I'm walking out of the library.
Masaya akong lumabas at tinahak ang daan pabalik sa building ng college of business. Malapit lang iyon sa library kaya siguradong kaunting minuto lang ang pag ka-late ko. Madalas akong late sa after lunch class ko kakatambay ko sa library, pero kahit ganoon ay hindi naman ako nangamba para sa grado ko. If it's Law and studies, I'll gladly choose Law.
Ah, Landi!
I laughed at my thoughts again, I chuckled and slightly pinched myself to get a hold on me. Umiling at ininda ang pakiramdam na ngayon ko lang ata naramdaman.
"It seems like your hobby is to chuckle all the time." a low baritone voice suddenly entered my thoughts.
Gulat akong lumingon sa likuran... and to my surprise... it's Law! Automatic na lumandas agad ang ngiti sa labi ko, at ang pag tatakang narito siyang muli sa likuran ko ay namutawi sa isipan ko.
Hawak niya ang librong binabasa sa library habang gwapong-gwapong nag lalakad kasabay ko, bagay na bagay ang uniporme niyang suot, nag susumigaw iyon ng kagwapuhan at katalinuhan kahit simpleng-simple lang iyon.
"Ah, you're wrong." I replied. I chuckled again and looked at him, nakakunot na ang noo niya sa akin.
"My hobby is to love you." Dagdag ko.
Tinitigan niya ako nang masama, as if telling me to stop my hideous thoughts. Ngumuso ako at tinikom ang bibig, I pouted to stop myself from speaking... at baka mabadtrip pa siya sa akin.
"Why are you here, by the way? Are you done with that?" Tanong ko sabay turo sa librong hawak niya.
Tipid siyang umiling, tumango naman ako. Natanaw ko na ang daang mag dudugtong mula sa library papuntang building namin. The mahogany trees dance with the rythm of the wind, the familiar place feels so special... now that Law is with me. Walang katao-tao sa paligid, siguro'y na sa kani-kanilang klase na ang mga studyante.
And speaking of klase, late na late na ata ako.
"I can't focus..." Law suddenly speak.
"Ha?" tanong ko dahil hindi ko nakuha ang sinabi niya.
"I can't focus so I'm here. Sumabay na ako pabalik sa building namin para doon nalang ituloy ang pag babasa." saad niya.
This is the first time I heard him exceeded in fifteen words. And... by the way...
"You can't focus in the library?" Pag tataka ko dahil tahimik naman doon at nakakarelax kumpara sa classroom.
Nilingon niya ako at tahimik na tinapunan ng tingin. "And... hindi ba't sa kabilang daan ang patungong architectural building?" dagdag ko pa.
Ang gulat ay panandaliang lumandas sa mukha niya, ngunit saglit na saglit lang iyon kagaya ng ngiting kaninang hindi ko sigurado kung nasilayan ko ba talaga sa kanya.
Nag hintay ako ng sagot sa kanya ngunit hindi na siya nag salita pa. Nag bago ang ekspresyon niya at tila galit sa mga puno kung titigan ang mga ito. Itinikom ko naman ang bibig ko, baka hindi niya masyadong nagustuhan ang pang uusosyo ko kaya ganoon.
"You can go now, Law. Sa building niyo..." muli kong saad.
Isang liko nalang ay makakabalik na ako sa building namin, "Sa kabila pa ang building niyo, naliligaw kana ata." I slightly laughed but he just looked at me with burning eyes.
"Stop talking." Masungit niyang sinabi. "Hindi kita gustong i-hatid, may dadaanan lang ako kaya dito ako dumaan."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Huh? Wala akong sinasabing ganoon." Natatawa kong sabi.
"I said stop talking." Giit niya.
I was about to reply when I heard someone calling me.
"Gaveriel!" Rinig kong sigaw pag kaliko namin sa college of business.
I saw my bestfriend, Aly, who's waving at me with her eyes full of excitement. Mula sa pangalawang palapag ay maingay niya akong kinakawayan at pinipigilan sa pag tangkang tumaas.
Tumigil ako sa pag lalakad, at pinanood siyang bumaba. Nilingon ko si Law at tahimik na ngumiti sa kanya, he also looked at me.
"You can go now." I smiled. "Baka malate ka sa dadaanan mo."
He looked at me again with a grin, ang akala ko ay aalis na siya pag katapos kong sabihin iyon, ngunit hindi siya umalis sa kinakatayuan niya kahit na noong hanggang makababa ang matalik kong kaibigan.
Aly's eyes immidiately darted on the man beside me, itinikom niya ang kanyang bibig at may ngiting ibinaling ang tingin sa akin.
"Walang prof," she started.
Agad na lumundag ang saya sa puso ko. Napangiti ako agad sa ibinalita niya at naibsan ang kaba sa takot na late na late na ako ngayon.
"Samahan mo nalang muna ako sa library, may babasahin ako." Dagdag niyang tinanguan ko.
Nilingon ko si Law at nakita ko nang mataman siyang nakatingin sa akin, I don't know why he's still here... kaya napag pasiyahan ko nang mag paalam kung sakaling mag tatagal pa siya rito.
"We don't have prof, sa library muna kami!" Paalam ko sa kanya. "Mauna na kami, Law!"
Nag martsa na kami paalis ni Aly, noong makaliko kami mula sa dinaanan namin kaninang mga mahogany tree, nag simula na siyang humalakhak na tila galak na galak siya sa isang bagay.
"Really, Law? You're calling him Law?" She exclaimed.
I smiled at her. "Why? Is there something wrong with that?" I grinned at her.
Umiling siya at bahagyang ngumisi, "Wala naman, I just heard that he don't want to be called by that name..."
Oh, "Really?"
"Yes, he don't like it. He preffered Caleb or his last name." Tango-tangong sabi ni Aly.
Natahimik ako roon. What should I call him, then?
Ilang sandali ay tumawa si Aly, mukhang may naisip sa sandaling katahimikang naganap sa pagitan namin.
"And by the way..." she paused and looked at me with a smile. "Your confidence really surprise me."
Ngumisi ako sa sinabi niya, umiling at tipid na ngumuso para pigilan ang sarili sa pag ngisi.
"Seryoso ka pala talaga sa sinabi mong susubukan mo si Law." She added, and also infroming me about what I have said few days ago.
Ngumuso ako sa sinabi niya. Of course, I'm serious about that. Law is the first man who makes me feel unwanted, never in this life time na naramdaman kong hindi interisado sa akin ang isang lalaki... until Law came on the scene.
Sa dalawang taon ko sa kolehiyo, kaliwa't kanan ang nag papahayag ng damdamin nila sa akin. Most of them will do everything just for me to smile back at them, pero itong si Law?
Pustahan pa tayo, kahit siguro mag hingalo ako sa harap no'n, ni tingin hindi no'n ipupukol sa akin.
However, It didn't turned me off... mukhang kabaliktaran pa nga ang nangyari.
"But, anyway... are you serious about that? About pursuing Law?" she asked me.
Umiling ako sa kanya. "Of course I'm not serious about that." Humagikgik ako.
Nag bago naman ang timpla ng itsura niya. From a very hopeful eyes into a face full of questions. Nakakunot ang noo niya at ang kilay ay malapit nang mag dugtong.
"So... you're pursuing him just for fun?" Medyo lito niyang sabi.
"I'm kind of thrilled when it comes to him. So... yes?" Tanong kong medyo alanganin pa ata.
Natahimik siya sa sagot ko, saglit siyang nag isip bago ako tinapunan ng tingin at matapos ay umiling sa akin.
"Come on! Don't give me that face." Halakhak ko pang sabi.
Ngumuso siya sa akin, as if telling me that she's disappointed about something. Gwapong-gwapo ito kay Law kaya ganyan siya, gustong-gusto niya raw at nakikita niyang bagay kami kaya pinipilit niya ako roon. At ngayon na marinig sa akin na hindi naman ako talagang seryoso kay Law, hindi niya maitago ang dismaya.
I still remember the first time we saw Law. Nasa malapit kaming coffee shop dalawa at gumagawa ng final project for our first semester finals when we saw him arrived.
Aaminin kong pag kapasok niya palang sa coffee shop ay nakuha na niya agad ang pansin ko, he's just wearing a simple uniform but his aura speaks a lot of things I couldn't explain. Naalala ko pa kung paano akong kinabahan kahit wala namang dapat ipangamba ang puso ko.
He looked so handsome and smart. Halos matunaw ko na ata siya sa titig kung hindi lang ako kinalabit ni Alyson.
"Nakikinig kaba?" Medyo masungit niyang sabi.
She looks so stressed with her laptop, medyo magulo na ang buhok niya at tila naiinis na sa ginagawa.
"Ah, I'm sorry... what is it again?" Tanong ko kahit na ang atensyon ko ay nasa lalaki pa ring pumasok.
He sat down on the coffee seat, and leaned on the coffee table to find something on the menu. Noong matapos siya sa binabasa sa menu, ibinaba niya ang hawak at agad na nag angat ng tingin sa waitress na nag iintay.
"Ang sabi ko... maganda bang ilagay itong part na ito sa unahan o sa huli nalang?"
The man open his mouth to speak, and I saw the waitress giggled while writing on the paper. Kumunot ang noo ko sa nakikita.
"Gaveriel."
Ilang sandali matapos ang mga tanong ng waitress, umalis na ito at tuluyan nang iniwan ang lalaki. My eyes lingered on his eyes, and I watched his hawk like eyes darted in every corner of the coffee shop... as if surveying every bits of the structures of it... and to my surprise... after a moment of looking at the interiors... his eyes landed on mine.
Nag katitigan kami. A slight connection between us was felt in my heartbeats. Kumakalabog ang puso ko sa bagay na hindi ko alam, at habang tumatagal ang pukulan namin ng tingin, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.
I smiled at him. I'm confident that he will smile at me in return so I bit my lower lip after smiling.
Ngunit ilang sandali ang dumaaan... wala siyang isinukli kundi ang taas ng kilay... at masungit na pag kalas ng tingin sa akin.
What the...
"Di ka naman nakikinig, eh!" bulyaw sa akin ni Alyson dahilan kung bakit nawala ang titig ko sa lalaki.
"Aw, I'm sorry-" she cut me off and looked at where I am looking.
"Sino bang pinag kakaabalahan mo riyan?!" She exclaimed and looked at the right part of the coffee shop... where the man is seating properly and perfectly.
Mula sa inis na mukha ni Alyson ay tila biglaang napalitan ito ng pag kaamo noong madatnan niya ang tinitignan ko.
"Ah. Kaya pala, nadistract sa gwapo." She nodded as if my reason about being outminded is valid.
Umiling ako sa sinabi niya at pinigilan ang ngisi. Well, I can't deny that I'm distracted at mas lalong hindi ko kayang i-deny na gwapo nga ang lalaki!
"Understandable." dagdag niya na nag patawa na sa akin.
"Ang sungit, nginitian ko pero tinaasan lang ako ng kilay." pag iinform ko sa kanya.
Nanlaki ang mata niya at ngumisi. "He did?"
Tumango ako. Muli kong itinapon ang tingin sa lalaki, he's now reading a book with a serious aura that covers him. Mataman niyang binabasa ang librong hawak habang tila walang pakielam sa paligid.
"His name is Law." Natatawa niyang sabi. "Reighlaw Calibre Valenziares."
(Pronunciation: Reyjlo Kaliber Valenzyares.)
Oh. What a nice name.
"Masungit talaga iyan." she informed me. "Pero hindi ko akalaing susungitan ka niya." she smiled at me.
"What do you mean?" I questioned her words because I didn't get it.
"I mean, sa ganda mong iyan. Imposibleng masungitan." she giggled and pinched my cheeks.
She looked so happy at something, to the point that she's humming while doing something in her laptop. Nakakagulat ang sudden change of mood niya, kanina lang ay stress na stress na siya.
I tried once again to caught the man's attention by staring at him. Ilang sandali ang hinintay ko ngunit hindi naman ako nabigo. For the second time around, I once again feel the connection between us. And for the second time... again... I smiled at him...
Hoping for him to smile back at me... but he didn't. He just stared at me like I'm a whole pathetic infront of him. He stared at me like I'm some of a cute puppy... but unfortunately... he's not a dog lover.
I smiled again... but for the nth time... he didn't smile at me. Prente niya lang akong pinasadahan ng tingin habang ang panga ay umiigting at tila galit na sa kung ano.
I licked my lower lip and smirked. This is the first time... I feel rejected. But am I disappointed?
Na-ah. I'm thrilled.
Alyson looked at me while she's moving her head from left to right, iniilingan ako sa pinag gagagawa ko pero nakangiting aso rin naman.
Umiling ako. "Pakipot. Ganyan ang gusto ko... 'yung pinapahirapan ako." I murmured making Alyson laughed and pinched me a bit.
That was what happened. I can still remember every bit of it, It was a clear vision in my memory. And I want to thank my photographic memory because I can still clearly see his snobbish look inside that cafe.
I giggled as I reminisce, ang nakangusong si Alyson ay binalingan tuloy ako ng tingin. Lumiko kami sa daan papuntang library, it's on the fourth floor of the building so we decided to go to the bathroom before going upstairs.
"I thought you're into Law." Pag mamaktol niya pa rin habang tahimik siyang pumapasok sa cubicle.
"I'm attracted, Aly. It's not important if I'm serious or not." Saad ko.
Hindi siya nag salita pero alam kong narinig niya ako. When she goes out of the cubicle, she just rolled her eyes at me.
"Bahala ka." finally she replied.
Umakyat na kami pag katapos mag rest room, it took us five minutes to finally reached the top floor and finally make it to the library.
The familiar silence immidiately covered my ears, the tik-tok from the clock really helps me to calm my system. Ang amoy ng mga libro ay prenteng tumatambay sa ilong ko, mistulan iyong pabango upang maging komportable ang isipan ko.
"Is that Law?" Alyson whispered into my ears.
Nag susulat pa ako ng pangalan naming dalawa sa log book dahilan kung bakit di ako nakapag angat ng tingin.
And besides, sabi ni Law hindi raw siya makapag focus sa library so... I don't give a damn to Aly.
Winter Gaveriel Mendoza
Marianne Alyson Pellio
"Huy, si Law!" Bulong niyang muli.
Pumirma na ako sa pangalang inilagay ko, binabaliwala ko pa rin ang sinasabi niya dahil malamang ay nag iilusyon lang ito.
"Wala iyon dito! Oh, pumirma ka na." Bulong ko pabalik sa kanya at kinuha ang kamay niya para ibigay ang ballpen.
"Anong wala!? Eh, sino 'yan? Doppelganger?" she exclaimed and took my cheeks to make my head move in Law's way.
Nagulat ako noong makita nga si Law. He's on the same spot earlier, nag babasa siya ng libro pero noong siguro'y maramdaman niya ang titig ko, nag angat siya ng tingin sa banda ko.
Oh, he's here nga.
But... he told me he can't focus...
Agad sumilay ang ngiti sa labi ko noong mag tama ang paningin namin. I heard Alyson groaned as she removed her hand on my cheeks and started signing in the log book.
"You can go, ako nalang ang mag hahanap ng table natin. But make sure to be with me after talking to him." Saad ni Alyson na tila bang alam niyang mag papaalam ako.
"Thank you, Aly!" Pag papaalam ko sa kanya at dumiretso na sa banda ni Law.
I saw Law's eyes directed on mine, ni hindi nga ata niya inialis ang tingin sa akin simula noong mag tama ang paningin namin. Nag lakad ako papalapit at nakita ko siyang isinarado ang librong binabasa, he sighed and leaned on the table while waiting for me.
"Hi! I thought you're going back to your building?" Masaya kong bati habang pinipwesto ang sarili sa gilid niya. I seated down the chair and move closer to him.
Hindi siya sumagot, iniwas niya lang ang tingin sa akin at napag pasiyahang buklatin nalang muli ang librong hawak.
Ngumuso ako, at tinignan nalang ang gwapo niyang mukha. Hay! Ang gwapo talaga... lalo na sa malapitan!
"You told me you can't focus here... the reason why you're going back-" he cut me off.
"Stop talking."
"But I'm curious about your-"
Suminghap siya at tinitigan ako. "Stop talking."
Ngumuso ako, nakipag titigan pa siya sa akin ngunit sa huli ay masungit niya lang akong iniwasan ng tingin.
May narinig akong mga sumisinghap sa gilid kaya napatingin ako roon. And there, nakita ko nanaman ang mga masasamang tingin ng mga tao sa akin. Nag kibit balikat ako, wala naman akong pakielam sa kanila kaya imbis na pag tuunan pa sila ng pansin, inilihis ko nalang ang tingin sa kung saan naupo si Aly.
Nahirapan akong hanapin siya, naka ilang lingat na ako sa mag kabilang parte ng library ngunit hindi ko pa rin siya makita. Seriously, where is she?
"Your friend is seating in the table near the stair case." Law suddenly spoke.
I lifted my eyes on where he guided me... and he's right. Alyson is there nga.
"Thank you, Law!" I giggled.
He just looked at me with dark expression before proceeding again to the book he's reading. This is like a deja vu. This scene is just like the scene we created last minutes ago.
"Is that for your finals?" I asked him.
"Uh-huh." he replied.
Kinagat ko ang labi ko at ngumuso. If that's important... then... I guess I need to go now. Baka makaabala pa ako sa mga dapat niyang gawin.
"Okay, read well." I said while standing carefully.
Agad siyang nag angat ng tingin sa akin, nginitian ko naman ang mukha niyang nakakunot at nag tatanong.
Tatalikod na sana ako sa kanya ngunit agad kong naramdaman ang kamay sa palapulsuhan ko. It feels like I'm electrified by something, making me feel so dizzy and unable to understand anything. Bumilis ang pintig ng puso ko sa hawak niya, and to ease my feeling, I slightly move my hand... making him to pull his hand.
"Stay here." he said with finality.
Ang kamay niya ay pinahinga niya sa gilid ng lamesa, tila ba nakaabang itong pigilan ako kung sakaling gustuhin kong piliting lumayo.
"I'm with Alyson, I can't stay here." bulong ko kahit na tila nahihirapan akong mag salita sa ngayon.
Hindi siya nag salita at binalingan lang ako ng matalim na titig. When I tried to turn again my back at him, his hand immidiately enveloped in my wrist again.
Bumukas ang bibig niya at tila may sasabihin, ngunit ilang sandali pa rin akong nag hintay ay walang lumabas sa kanyang bibig.
"Punta na ako roon." paalam ko.
He pouted and looked away. Tila hinaplos ang puso ko noong ngumuso siya, ngunit tila nanaman ako namalikmata sa sobrang bilis lang noon.
"Invite me to your table, then." he whispered.
I bite my lower lip to hide my smile, uminit ang pisngi ko ngunit mas pinili ko nalang ngumisi kesa mapuna niyang namumula ako.
"I-sama mo ako, huwag mo akong iwanan mag-isa rito." he added... making my heart pound and skip for a beat.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 20 Episodes
Comments