Kabanata 4

Kabanata 4

"It's Law, Okay?" Ulit niya.

I smiled and nodded, I also bit my lower lip to stop myself from smiling more. Namula ang pisngi ko at kumalabog ang dibdib ko nang husto, ngunit kahit ganoon ang pakiramdam ko... ay hindi ko maitatanggi ang saya sa kabila ng mga iyon.

"Say it." He ordered, hindi kuntento sa pag tango ko.

I licked my lower lip and looked at the girl beside Law. She's looking at us quietly, but her face speaks a lot... I saw disgrace and disgust in there.

I equal the emotions she's giving and smiled geniunely... the smile is for Law anyway...

"Law..." I wholeheartedly said, sabay lipat ng tingin kay Law na nag hihintay sa akin.

This is my way of marking Law.

I may not like him... but... pumikit ako sa naisip. Basta!

Saglit at kakarampot na ngiti ang isinukli sa akin ni Law. His eyes twinkled too and that was the reaction I'm looking forward to see.

"M-May k-klase na tayo..." Ysay informed Law.

Law was interrupted by Ysay, nabitin din ang ngiti niya. His aura changed again, and saglit niya siyang binalingan. I saw irritation in Law's eyes, ngunit hindi ako sigurado kung guni-guni ba iyon dahil sa amo rin ng mukha niya.

"Yes, you can go now." Law licked his lower lip.

The girl bit her lip as well, she looked offended while looking at Law and it seems like she didn't expect Law to say that.

"H-Hindi ka pa ba p-papasok? Sabay n-na tayo..." she whispered.

Law looked at her like as if he was calculating her. Nakakunot na ang noo niya at talagang kita na ang kasungitan sa mukha niya.

"You can go, baka ma-late ka." Saad ko noong ilang minuto na ang lumipas ngunit nakatitig lang si Law kay Ysay.

Law looked at me and his reaction is unbelievable, he's now looking at me like as if I'm speaking something impossible.

"What?" Tanong ko sa kanya dahil hindi ko makuha ang reaksyon niya.

"Hahatid muna kita, papasok din ako pag tapos." he informed me.

My heart beats so fast but I chose to neglect it again. Tinignan ko ang relos ko para ma divert ang vision ko sa iba at mawala ako sa titig ni Law.

It's twelve fifthy already, if ever he wants to send me back... baka ma-late siya. Although the kubos are nearer than our building, baka hussle pa rin sa kaniya.

"It's twelve fifthy already." I uttered.

"W-We're going to be late. Come on, let's go?" Ysay said.

A slight irritation poke me, why is she still here anyway? She's interrupting me.

Law looked at me with annoyance, ngumiwi naman ako sa kanya at itinaas ang relos para ipakita sakanyang limang minuto nalang at mag sisimula na ang pang hapong klase.

"I'll send you back." Pag mamatigas niya.

"We're going to be late!" Ysay shouted, she sounded so irritated and she looked like it too.

Namumula na siya at tila sasabog na sa galit. Tumaas ang kilay ko, Law looked at her and his brow almost reached each other as he point his vision to the girl.

"Huwag mo akong intindihin, mauna ka na." He said politely.

"N-No." Pag mamatigas niya. "I-I need help, Mabigat ang mga dala kong libro." Saad niya habang inaangat ang librong hawak.

Tinanaw ko ang dalawang maninipis na libro na yakap-yakap niya at sabay umiling sa kawalan. I am not wrong when I labeled her as 'pathetic' even before I didn't know her.

Because she is.

She's pathetic.

I understand that Law is the one we are talking about here. Kung sabagay nga naman, Law is worthy of all of these. Worth it kahit mag mukha kang tanga, worth it kasi si Law naman 'yan.

But she's too much.

I cannot hide my irritation kaya inilihis ko ang mukha ko sa kanila. I don't want to show my face, baka kasi mairapan ko bigla ang isa riyan.

Nabaling lang muli ang paningin ko sa kanila noong may biglang tinawag si Law di kalayuan sa aming tatlo. Sinenyasan ni Law ang isang lalaki, agad-agad din naman itong lumapit.

He looked like our age and he has the same uniform as Law so I assume they are blockmates. Matangkad ito at maputi, matipuno rin at may malaking ngisi sa labi habang palapit.

"Yo!" He lively smiled and poke Law's arms.

Law smiled a little, matapos noon ay bumaling na siya sa Ysay sa tabi. Pinanood ko kung paanong nakuha ni Ysay ang mangyayari, ang inis at irita ay basang-basa sa mukha niya. Mukha siyang nahulog sa sariling patibong, hindi ata inasahan ang gagawin ni Law.

"May you please accompany her to our room? Nabibigatan daw sa libro." Law pointed out.

Bumaling ako kay Law habang sinasabi niya 'yon, pero hindi nag tagal ang titig ko sa kanya dahil nabaling agad ang tingin ko sa lalaki na tila titig na titig sa akin.

"You're Gaveriel, right?" Biglang salita noong lalaki.

Tumaas ang kilay ko sa kanya, itinikom ko rin ang bibig ko dahil hindi ko alam kung paano ako mag rerespond.

I saw Ysay glanced at my side, at ganoon pa rin... iritable pa rin ang mukha niya.

"Kidd." Law whispered.

The man looked at him, nag katitigan silang dalawa pero agad din namang ibinalik ni Kidd ang titig sa akin.

"I had a crush on you... matagal na." He confessed unexpectedly.

Tumaas ang kilay ko, "So... anong gagawin?" Tanong ko.

I want to offend him but unfortunately... he laughed with what I have said.

Law sighed and looked at the man with seriousness.

"Kidd." Ulit niya rito.

Kidd looked at Law... and I don't know why... but Kidd's eyes became more intense as Law's eyes became darker.

Saglit na saglit lang naman iyon... Kidd compose himself afterwards and showed me his joyous aura.

"Now go, ihatid mo na si Valerio." Ulit ni Law sa utos.

"Huh, bakit?" Gulat na tanong ni Kidd.

The bell rang, hudyat na ng susunod na klase at sa huling pag kakataon...

"Come on... Let's go, Law." Iyong Ysay.

"Nabibigatan sa libro, paki tulungan." Law answered Kidd's question.

Kidd looked at the girl and I saw his forehead moved as his eyes met the books she's carrying.

"Bigat na bigat ka na riyan?!" Medyo over reacting na tanong ni Kidd.

I laughed at my insides. Finally, someone voiced out what I really wanted to say.

I don't know who the hell is this Kidd but I seem to like him. I love the attitude, keep this up.

Namula si Ysay sa tanong ni Kidd. I understand what she's feeling though, If I were in her place I would be offended... really bad.

He disgustedly looked at Kidd... and to me... and after that she turned her back at us.

Kidd and Law looked at each other. The connection between them is intriguing but I didn't ask something though.

Pinanood nila si Ysay na tila padabog na umaakyat sa hadgan, there's a mocking on Kidd's face but I'm not sure if it is really the thing on it.

"Nangyari roon?" Kidd innocently asked.

Umiling si Law. "You're rude."

I pouted to hide my almost smiling face, pinigilan ko ang sarili kong matawa sa nangyari dahil narito si Law. He's kind, and he finds what happened 'rude' the reason why I can't laugh right now.

Pero ibahin mo si Kidd... because he laughed... he laughed like there is no tomorrow ahead of us.

"Anong rude? I just asked her if she already find those two books heavy, nothing more!" He hissed then look at me.

I smiled at him, hindi napigilan ng nguso ko ang pag angat dahil sa nakikitang ugali sa kanya. He smiled at me too, and then he winked.

Law looked at me when Kidd winked, masama na ang tingin niyang ibinaling... kaya naitikom ko bigla ang aking bibig.

"Pumasok na tayo, Law. Malelate tayo." Kidd informed Law while slightly hitting his arms.

"I'll send her first." Si Law habang tinatanggal ang kamay ni Kidd sa kanya.

"Why? At saka, why are you with her from the first place?" Kidd showed another emotion.

"Just go, Kidd." Masungit na saad ni Law.

Natahimik si Kidd at bumaling sa akin. Tila naman automatiko ang switching ng aura niya kapag nalilipat ang mata sa akin. Bigla-bigla kasi itong nangingiti at kumikindat-kindat sa akin.

"Kidd." for the third time... Law whispered.

Nag katitigan silang muli. I don't know what's happening but I remained looking at them even I do not know what is happening.

Naputol lang ang titigan nila noong may tumawag kay Kidd mula sa building nila kalayuan.

Kidd looked at the guy and nodded, bumaling sa akin at ngumiti.

"Una na ako, Gaveriel." paalam niya bago tumingin kay Law.

Law looked at him and noded as well, Kidd remained his serious looked to Law.

"Let's talk later. Hope you're not going to be like him as well." habol na sabi ni Kidd bago kami tinalikuran.

Kidd took his way out of our sight, pero titig na titig pa rin si Law sa kinaroroonan ni Kidd kanina. I wonder... what was the meaning of what Kidd said...

Gave... that's none of your business. Stop it.

I was in thoughts when Law move... marahan akong hinila ni Law pabalik sa kubo kung nasaan ang gamit ko at ang mga kaklase namin.

Agad nawala sa isipin ko sina Ysay at Kidd dahil sa kanya.

The comfortable silence between us feels so promising, alam niyo iyong pakiramdam na ganoon? Iyong hindi na kailangan pang mag salita para maging komportable sa isa't isa, sapat na ang presensiya na meron kayong dalawa.

The slight annoyance about Ysay earlier is still evident inside my chest, but in what happened earlier, and the fact that Law is here with me... is enough for my heart to feel at ease.

"You didn't go in the library." basag niya sa katahimikan.

Inilipat ko ang tingin sa kanya, hindi siya nakatingin sa akin ngunit alam kong sinisipat niya ako sa gilid ng mga mata niya. Ngumiwi ako at ngumuso, ibinaba ko rin ang tingin ko kung kaya't nabaling ang tingin ko sa kamay niyang nakahawak sa akin.

"We're busy. Alyson asked for my help, the reason why I cannot go there. Na late pa ako ng two subjects kaya mas lalong hindi ako nakatanggi."

Napatingin siya sa akin, a slight amusement is fluster on his face. "You're late in your two subjects?"

Kumunot ang noo ko at sabay tumango. "Yeah."

"Why?" He added.

Agad akong pinamulahan sa tinanong niya. Bakit nga ba, ha?! Kasi napuyat ako kakavideo call sayo?! Nag init ang mukha ko sa naisip na isagot sa kanya, just thinking about my reason makes my heart beats abnormally.

"So you mean noong nakita kita kanina, you just arrived here in the campus?" tanong niyang mas mahirap sagutin.

I can't say na napalabas ako, nakakahiya. But I can't answer his first question either. I licked my lower lip and look at him, I saw him looking at me... waiting for my answer so I just look away.

Mahirap pa siyang sagutin kesa sa accounting.

It took me a lot of minutes to finally come up with an answer, but before I could even open my mouth... I heard my bestfriend's shout infront of us.

"Gaveriel!" Sigaw niya di kalayuan sa amin, nakataas ang kilay niya habang naka halukipkip.

She looked like a teacher... a terror one.

"Ang sabi ko sayo huwag ka munang hahaliparot-" I ran as fast as I can to cover her mouth.

Noong matakpan ko ang bibig niya ay pinandilatan ko siya ng mata... I talked to her through eyes and I saw her raised her brow two times... kaya binitiwan ko na siya. Napikit ako sa hingal sa biglaang pag takbo, at noong dumilat... doon ko lang napansin sina Markus at Jude na kasunuran pala ni Alyson.

Nag katinginan kami ni Jude, mataman siyang nakatitig sa akin ngunit tila may kahulugan naman ang titig ni Markus kaya ako napabaling. Nag katinginan kami ng ilang segundo, may kung ano sa tingin niya at wala na akong balak alamin pa iyon. Nag iwas ako ng tingin, muli kong ibinaling ang tingin kay Law na unti-unti nang lumalapit.

"Nag pahatid ka pa talaga, hindi ba 'yan male-late?" tahimik na bulong ni Alyson.

I just looked at her and pouted, hindi na ako nag karoon ng pag kakataon na mag salita dahil nasa harapan na namin si Law.

I looked at Law and smiled, I am concerned sa kanya and I don't want him to be late. Hanggang dito nalang ang pag hahatid niya sa akin.

"Law, sasabay na ako kay Alyson papunta sa building. You can now go... attend your class."

Law looked at me, he looked at Aly and then to the boys who's surely staring at us from the back. Nag tagal ang tingin ni Law sa likuran, ngunit ilang sandali ay ibinalik niya rin ang titig sa aking mga mata.

Unti-unting inangat ni Law ang kamay niya, at habang papalapit ang kanang kamay niya sa aking mukha, tila bumagal nang husto ang oras at mas lalong kumalabog ang dibdib kong tila hindi na huhupa sa kakatibok.

He cupped my cheeks, the heat that his hand deals sends my heart a slightly burning ache. Kinagat ko ang labi ko at hindi na pigilan ang pamumula lalo na noong ngumiti siya.

"Teka, Jude! Hintay!" Markus' shout suddenly poke me into my senses.

Doon ko naalala na hindi lang kaming dalawa ang narito ni Law. Nilingon ko sina Markus sa likod, and I saw them walking towards our building, hinahabol ni Markus si Jude... si Jude...

Si Jude na dala-dala ang bag ko... and at that moment, hindi ko alam... he's just carrying my bag... pero kumirot nang husto ang dibdib ko.

Marahang hinila ni Law ang pisngi ko, making my head turns his way, noong mamataan ko siya... he's already smiling... at tila sa paraang iyon ay ipinapakita niya sa aking naroon siya sa harap ko.

I heard Alyson's sighed... lilingon sana ako sa kanya kaso pinipigil ng kamay ni Law ang alinmang pag imik na gagawin ng mukha ko.

I looked at Law and saw him in his usual stare, ganoon din ako sakanya ngunit pinili kong ngumiti para maibsan kahit papaano ang nararamdaman kong kaba at... guilt.

Kaba para kay Law... at guilt para kay Jude.

He pinched my cheek, he smiled and cupped it. At habang ginagawa niya 'yon ay tila may humihipo sa puso ko.

I hate to admit it, pero medyo naibsan ang guilt ko kay Jude dahil sa nakikita kong imahe sa harap ko.

I'm selfish, I guess... and I feel sorry for that.

"Aral mabuti." he smiled and pinched my left cheek.

His action made me speechless, saglit akong napatunganga sa kawalan at kung hindi pa ako hinatak ni Alyson ay hindi ko namamalayang wala na pala si Law sa harap ko.

She giggled after we entered the building, making me looked at her. She smiled with a hidden meaning, and after that she shrugged.

"Sige na. Pinapatawad na kita sa pag salisi mo sa akin." She said.

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "I told you already, nakita ko lang siya noong nag banyo ako." Paliwanag ko.

"O siya sige, okay na nga diba?" nangingiti niyang saad habang umaakyat sa hagdan.

I took a step on the staircase too, nauuna siya sa akin at kahit ganoon ay nasisilayan ko pa rin ang impit ng ngisi niya.

"Stop it." I gave her my warning.

"What?" inosente niyang tanong.

"Stop smiling, wala lang iyong kanina." Paliwanag kong muli.

"Well, mukha kasing nag kakamabutihan na kayo." she pointed out what she's thinking.

My heart skipped a bit, but I immediately neglect it. Tila palasong nag aapoy ang sinabi niya, at ako ay pilit nang iniiwasan iyon kahit may kakarampot na sugat akong natamo sa talim no'n.

"Wala lang iyon." Saad ko at nilampasan nalang siya.

Diretso akong nag lakad papasok sa room namin, I heard Alyson giggled behind me but I'm bothered by something kaya hindi ko na pinansin iyon.

Hindi ko rin alam kung bakit tuwing may nag tatanong o kumukumpirma sa nararamdaman ko kay Law, lagi nalang akong nababalisa at laging naka depensa.

As I have said I'm just thrilled. From the first place, why does Alyson always ask me about liking him?

My heart once again skipped a bit, and for the second time, I neglected it. Napapikit ako, even to myself... hindi ko maiwasang maging ganito.

I entered the room and saw all of my blockmates, kami nalang ata ni Alyson ang kulang. Ang mga titig ng iilan ay madali ko lang inignora, pero ang titig ni Markus at Jude ay hindi madaling iwasan.

My eyes slide on their way, I saw them looking at me while Markus is tapping Jude's shoulder while speaking. I bit my lower lip and sighed, pinutol ko ang titig at nag madali nalang maupo sa likuran.

I saw my bag sitting comfortably on my seat. It looked like it was placed carefully, and by that... guilt slid on my system agan.

Aba! Bakit ba ako na gu-guilty?

Naupo ako at sinandalan iyon, pumangalumbaba ako habang pinapanood si Alyson na dahan-dahang umuupo sa gilid ko.

"Paki sabi kay Jude... salamat sa pag dadala ng bag ko." I whispered, enough for my bestfriend to hear.

Nangunot ang noo niya habang inaayos ang gamit sa desk, pinasadahan niya ako ng tingin at sabay nilipat ang tingin sa bag sa likuran ko.

"I forgot about your bag, so Jude took care of it?" marahan niyang sinabi.

"I think so." I replied.

"Oh, bakit ako ang mag papasalamat?" she suddenly asked.

Just like Markus, I think Alyson is also clueless about Jude's feelings. Ako lang ang nakakaramdam kaya natural lang na ako lang ang nakakaalam noon.

"Tinatamad lang ako." Palusot ko.

Naningkit ang mata niya at tinaasan lang ako ng kilay. Binalingan niya na nang tuluyan ang mga gamit niya habang ako ay nakatitig pa roon sa kanya.

"Ikaw na ang mag sabi. Marami akong ginagawa." natigilan ako sa tono niya... she sounded too bitter as she pointed out the obvious.

I pouted and nodded, mukhang wala akong magagawa dahil busy nga si Alyson.

Matigas pa rin ang loob kong mag pasalamat, I slightly don't want to do it because of some things but it is rude if I will never thank him.

Kaya... I decided to make a deal with myself.

Kapag wala ang prof, ako ang mag papasalamat. Kapag nariyan, I will just leave it behind.

Tama! Ayun nalang.

But time flies so fast, our afternoon first period will going to end in five minutes... and our prof is not here yet. I sighed and bit my lower lip.

Wala atang professor.

So... I should thank him, then?

Yes, I should.

I looked at Jude's way to see what he's doing. I saw him holding his phone while he's seriously looking at it. Medyo kunot ang noo niya, parang galit.

Pumikit siya saglit at dahil doon ay napaharap ang direksyon ng phone sa akin, when I slightly have a glimpse of it, If I am not mistaken... I saw my face on the wallpaper screen. It was stolen, and I'm not sure if it was me but it looks like it.

Medyo nanlaki ang mata ko, and unfortunately, Jude opened his eyes and it looks like he will look this way. Dali-dali akong lumingon kay Alyson, medyo pakiramdam ko ay namumula ako... kaya noong makalingon ay kunot noong mukha agad ni Aly ang tumambad sa harap ko.

"Anyare sayo?" she asked doubtedly.

Umiling ako. Kinalma ko rin ang sarili ko at bumuga ng hininga.

"You're going to thank Jude, right?" her unexpected follow up question.

I nodded and still compose myself.

"Good, do it now. Papunta siya rito." She said and point something behind.

Hot

Comments

robleis_XD

robleis_XD

You have a real talent. Keep sharing your stories.

2025-06-21

0

See all

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play