Kabanata 1
"Sagot ko na baloons." Ang tahimik na Alyson kanina sa library ay tila biglang nakawala sa mundo ng katahimikan noong makalabas kami.
"Huh? Saan?" Nalilito kong tanong dahil hindi ko naman alam ang sinasabi niya.
Sinamaan niya ako ng tingin at nag simula nalang mag lakad pabalik sa classroom namin.
"Sa kasal. Saan pa ba?" She chuckled.
"Sa kasal nino? Pinag sasasabi mo riyan!?" Ako noong hinabol na siya dahil masyado nang malayo ang nararating niya.
"Sa kasal niyo ni Law. Ang slow mo naman." Inirapan niya ako. She flipped her hair and looked like she suddenly disliked talking to me.
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. My heart beats with the sudden idea in my head... pero bago ko pa sang-ayunan ang kahibangan ni Aly. Umiling na ako at ngumuso nalang.
Pero wala, napapangiti ako.
"Para kang tanga!" hampas ko kay Alyson.
Napalakas ata ang hampas ko kaya ang sama ng tingin sa akin noong mabalingan niya ako, pero noong bumaba ang tingin niya sa labi kong pinipilit kong nginunguso... naging pilya ang diretso niyang labi.
"Gusto mo rin naman." She said and pinched my arm.
"Ouch!" impit kong hiyaw at sinamaan siya ng tingin.
Napatitig naman siya sa mukha ko at tila bang may hinihintay pang kung anong ekspresyon sa akin.
"What?" kumunot ang noo ko.
"Uy..." Hinigit niya ang braso ko at binulungan ako kahit na kami lang naman ang tao rito sa pasilyo. "... hindi mo dineny! Sabi na, eh. Gusto mo rin!"
Uminit ang pisngi ko roon at agad na umiling kay Alyson.
"Yuck! You're so corny. Anong gusto-gusto sinasabi mo riyan!?"
She just smiled at me. Ngiting aso at hindi nag sasalita kaya mas sumama ang tingin at mas naintriga ako sa iniisip niya.
"Alyson!" I shouted when she really shut her mouth with a naughty smile.
Class hour starts after that. That was my last moment with Law and I'm contented with it.
My daily dose of Law, huh?
I chuckled a bit.
Automatiko na atang kapag bakante ang isipan ko, si Law ang sasagi roon. Mas humagikgik ako sa iniisip.
"You're always laughing. Baliw ka ba?"
Napabaling ako sa nag salita. Nanlaki ang mata ko noong mapagtantong si Law ang naroon.
It's the first time I saw him in different frame, bago ang scenario sa isipan ko kaya tila ako natigilan sa nakikita ko.
"You're always pogi!" bawi ko noong makabalik sa pagkakatulala sa kanya. "And, yes! I'm crazy. Baliw na baliw sayo!"
Tinaas baba ko pa ang kilay at ngumiti nang matamis at pilya sa kanya. He looked down on me, though. Tila siya nakatunghay sa akin dahil sa sobrang tangkad. He looked like a king, full of authority and power...
Bigla kong naramdaman ang kalabog ng dibdib ko. Sinantabi ko nalang 'yon at ngumisi.
Hindi siya nag salita. Ang mahal talaga ng reply nito!
"Magkano ba ang reply mo? Bibilhin ko!" Maarte kong saad at umastang tila naiiyak pa.
To my surprise... Law chuckled with that. Automatic na napaawang ang bibig ko... natulala nanaman ako sa kanya at ang nakakainis pa... noong mapansin niyang nag bago ang ekspresyon ko ay binalik niya ang masungit na aura na lagi niyang suot-suot... sabay nag iwas ng tingin.
I bit my lower lip. Nag iinit ang pisngi ko at gusto kong bumanat pero walang lumalabas sa labi ko.
Natahimik kami pareho.
I pouted when it took us a moment of silence. Tila limang minuto ata kaming natahimik... tapos nakayuko pa ako kasi namumula ang pisngi ko!
"Why are you quiet?" his index finger lift my chin. "Is there something wrong?"
Nagulat ako roon. Kasabay nang gulat ko ay ang kabog ng dibdib ko sa tibok. His hand electrified me again, making me feel so numb.
He removed his hand when he noticed my reaction, bagsak na bagsak ang kamay niyang ginamit pang angat sa mukha ko noong lingunin ko... tila lang walang nangyari.
I bit my lower lip and decided to hide the shy Gaveriel that is rising at this moment.
"Ikaw ha!" Ako sabay tusok sa tagiliran niya.
Sinamaan niya ako ng tingin. Hindi siya nag salita kaya pilya akong ngumiti.
"Pakipot ka lagi, Law. Nagagandahan ka naman sa akin." asar ko sa kanya sabay tusok ulit sa tagiliran.
Ang corny siguro ng buhay ni Law, walang kiliti eh.
Hindi siya gumagalaw kahit halos dutdutin ko na ang tagiliran niya. Kung ako 'yan, di pa nakakalapit daliri niya nakikiliti na 'ko.
He caught my hand and pull it a little forward his chest. Nakaiwas ang tingin sa akin pero nasa kamay naming dalawa ang pansin.
"Don't tickle me." sa mababang tinig niyang bulong.
I pouted, how cute his low baritone voice to hear.
Pero higit sa lahat... may kiliti siya!?
"So... nakikiliti ka pala!?"
He looked at me with anong-tingin-mo-sakin-manhid look.
"Paano ba naman kasi 'di ka naman gumagalaw, paano ko malalaman kung nakikiliti ka pala?"
Sinamaan niya ako ng tingin at tila ang tanga-tanga ko kung tignan niya kaya ngumiwi ako.
"Sige, ulitin ko." I tried to remove my hand from his touch...
Pero hindi niya binitawan... mas humigpit pa nga ang hawak niya.
I was about to try to steal my hand to tickle him when a car suddenly came to the parking space, tanaw ko mula sa kinatatayuan ang mga kotseng parating. At noong mapagtantong kotse namin ang pumapasok sa parking lot, hindi ko lang nabawi ang kamay ko... naitulak ko rin si Law.
"Ay! Alis, Law!" Ako noong palapit nang palapit ang sasakyan namin.
If Manang Celeste is there and she'll see me with a guy, baka maubos ang buhok ko!
Law looked at me with scary look, pinandilatan ko naman siya ng mata sabay tinulak-tulak para kahit papaano'y matago sa iilang sasakyan.
"I'm going!" Saad ko sa tahimik na Law na masama pa rin ang titig sa akin dahil sa pinag gagagawa ko. "My sundo is here na!"
"And why do you need to shoo me?" napanguso ako sa lalim ng boses niya.
"Saka na kasi kita ipapakilala... kapag akin ka na!" I chuckled.
Kahit ako, nagugulat din sa mga pinag sasasabi ko. Hindi ko masisisi si Law kung gusto niya na akong busalan sa bibig, but as long as he's not going to stop me from doing this...
Edi tuloy ang buhay!
Mas dumilim ang nakakatakot niyang mata, pero sanay na kasi ako sa tingin niyang ganyan kaya imbis matakot eh nginisian ko lang siya.
"Bye!" I playfully waved and turned my back on him to go and see my driver, Mang Carlos.
Hindi ko na nilingon si Law, baka mahirapan akong umalis!
Ah, landi!
Nag lakad ako sa kaninang kinaroroonan ko para makalapit sa sasakyan naming tuluyan nang nakapasok.
Nakita ko si Mang Carlos na kabababa lang, I waved at him and immediately peek on our tinted car windows.
"Hello po! Is Manang Celeste there?" I asked.
Nakahinga ako nang maluwag noong umiling si Mang Carlos. Tila ako nabunutan ng tinik dahil kung sakaling sumama siya ngayon sa pag sundo sa akin gaya nang pangako niya... at kung natanaw niya ako kanina habang nakikipag kulitan kay Law... talaga naman!
See you in next life.
"Siya nga pala, hija. Kanina ka pa raw tinatawagan ng daddy mo."
I looked at Mang Carlos and nod, kanina pa tumatawag? Bat di ko naririnig?
Eh, paano busy ka kay Law, Gave!
Oh my gosh, I'm not replacing you dad for Law!
Natawa ako sa mga iniisip ko.
Hinanap ko ang phone sa bag at pumasok na rin ako sa kotse, normally pag nasa loob na ako ay pumapasok na rin si Mang Carlos para makabyahe na kami pauwi. But today, he remained outside.
I got curious so I opened the window to ask. Inuna ko pa ito kahit hindi ko pa nahahanap ang phone para tumawag sa daddy ko.
"Is there something wrong po?" I asked.
"Inaantay ko mga anak ni Ma'am Stella, Gave." he informed me.
"They do not have their driver today?"
He nodded and didn't answer because the twin are here already. Papunta rin sila ng parking lot at mukhang di pa kami nakikita... noong makalapit ay sinalubong na sila ni Mang Carlos.
I saw how the twin's eyes rolled to Mang Carlos. Tila mga spoiled brat na nag mamaktol sa kanilang driver.
"What do you mean we do not have a driver!? We don't want to ride that car! Luma!" Si Graciella.
"True, we rather have a cab than that So ugly!" gatong pa ni Stephanie.
Ngumiwi ako sa kambal. Napakunot din ang noo sa panglalait na naririnig sa kotse namin, this car is our family car and although it's old, it doesn't mean it's ugly or unusable.
Kung may pangit man dito, silang dalawa 'yon.
Hindi ko mapakinggan ang mga sagot ni Mang Carlos pero base sa nakikita ko ay pinipilit niya pa ang dalawang sumakay sa amin. I got irritated so I lowered the window fully and shout.
"If they don't want to... then let's go na po!" I said, making the twin's eyes widened.
Hindi siguro nila ineexpect na narito ako sa kotse. Sinimangutan ko tuloy sila.
My words are absolute, so the moment Mang Carlos heard me... he immediately left the twin, seated inside the driver seat and started the engine.
Hindi ko binaba ang bintana hanggang sa makatapat ako sa kambal, and I just gave them a look that will speak about something I think their little head will understand.
Noong makalampas, saka ko tinaas ang bintana. Umiling ako at pinilig ang ulo ko.
Mang Carlos is looking at me when I move my head from left to right, and I just gave him a smile.
Ang bait ni Mang Carlos, he was my driver since birth. He doesn't deserve those kind of people.
Ilang minuto ang tinagal ng biyahe, noong makarating ako sa bahay ay agad akong dumiretso sa taas upang makapag palit at matawagan si dad. I wear a formal dress to make sure I looked proper with my appointment with Dra. Mendez. And after retouching my face with light make up, naupo ako sa kama at dinial na ang numero ni dad.
Nakatatlong ring ang cellphone ko bago tuluyang nasagot ni dad ito.
"Hello po, daddy." I greeted him.
I smiled, even though we're miles apart and though... surely... he won't see it. "Good evening, anak. Are you home?"
"Yes, dad. I'm ready to go, actually." I informed him.
"That's good. I already set you an appointment for today, ngayong alas otso ang punta mo sa hospital."
Tumango ako sa telepono, "Okay po, I'm gonna go downstairs na para hindi ma-late."
I heard my daddy laughed a bit with my words. Kahit hindi ko alam ang itinatawa niya ay napapangiti nalang din ako.
"Okay, take care. Isama mo si Manang Celeste at alam kong hindi mo naman iintindihin si Dra. Mendez." I heard him laughed again.
I smiled with that. It's been three years when my mom passed away, and since then... this is the first time I heard my daddy laughed. Maybe Tita Stella is really a good match for dad, I'm thankful for her though.
I don't dully accept her as my second mom... but as long as dad is happy... I'm fine with that.
"Sige na. You can go now, Gave." pag papaalam ni dad.
I said my goodbyes to him, and after that, I finally go down to find Manang Celeste.
Noong nakababa ay namataan ko agad ang dalawang anak ni Tita Stella. They are watching TV and both having a snack Alyson gave me yesterday.
Napangiwi ako at medyo nakunot ang noo sa hawak nila. Those are my snacks, hindi naman ako madamot ngunit dapat sana ay nag paalam naman.
"Where are you going? Party?" Tanong ni Graciella.
Umiling ako habang nakatuon pa rin ang tingin sa snacks na hawak nila. Tinapunan ako ni Stephanie ng tingin mula ulo hanggang paa, umismid siya at nag taas ng kilay.
Tinikom ko ang bibig ko.
"I'm going to visit my doctor." I answered.
"Too dressed up for just an appointment." wika niya.
Napatitig ako kay Stephanie na mukhang nang aasar. I just smirked and decided to let things pass. Aalis na lang ako...
I will not stoop down to their level.
"These are yours, right?" maarteng habol ni Graciella, pinapatungkulan ang mga snacks na hawak.
I looked at her and just stood there looking. Parang na tuloy akong si Law... mahal na rin ang reply.
Humalukipkip ako at tinitigan lang ang dalawa.
"You're not going to talk!?" Inis na bulyaw ni Stephanie.
Umirap ako sa dalawa at tinalikuran muli sila, but before I could ever turn my back fully at them, they throw an open snack to me.
Sumabog sa dress ko ang mga snack na pag mamay-ari ko. Marami na rin ang kasambahay na aligagang dumalo sa akin at nag simulang linisin ang mga tinapon nilang chichirya.
I looked at the twin and saw them giggling like as if they won at something. Agad ko namang pinatigil ang mga kasambahay namin sa pag lilinis.
I walked towards the twin and let the chips cracked at the tip of my heels. Hindi ko pinag pagan ang dress ko... lumapit akong ganoon habang nakahalukipkip.
"Clean the floor, both of you." masungit kong sabi.
Ramdam ko ang mga mata ng kasambahay sa amin, I even saw Ate Sanya cheering for me. I smiled at my insides.
Matagal nang nirereklamo sa akin ang mga ugali ng mga ito. Hindi ako naniniwala, syempre. I needed to witness it myself first before I judge them. And now... they gave me what I am waiting for.
"Iw, may mga katulong bakit mo samin-"
"Clean the floor." I whispered, colder than the first one.
Kita ang takot sa mata ng dalawa. Nag katinginan sila at tila na hindi alam ang gagawin. At noong nag dalawang minuto na ang lumipas, nag taas na ako ng kilay.
"Pag balik ko... dapat malinis na 'yan." saad ko habang pinapagpag ang dress na may kaunti ng dumi.
"W-We're gonna tell mommy a-about this." sabay nilang sinabi.
Binalikan ko sila ng tingin at nakitang tila iiyak na sila. I smiled at them and licked my lower lip.
"Don't cry like that, girls. Ang pangit niyo, eh." sabay ngiting aso.
Matapos kong umeksena at mag hapunan ay dumiretso na ako sa labas para salubunging muli si Mang Carlos. Manang Celeste is not yet with me so I think I need to wait for a little moment.
Pumasok na ako sa kotse, the car is already on set and ready to go. Ang dalawang kasama nalang ang kulang. While waiting on the other two to be with me, I open up my phone to check for news or siguro pang palipas oras na rin.
I saw a lot of friends being active in their social media, kaliwa't kanan ang post nila patungkol sa iba't ibang bagay pero may isang post ang pumukaw sa atensyon ko. Minsan lang siyang mag post sa social media, I followed all of his accounts and talagang inaabangan ko ang bawat pag popost niya. It's unusual for him to post stuffs, kaya naman hindi ko mapigilan ang excitement sa sistema ko.
The photo was a clear vision of the city lights together with the moon that is very evident and fascinating to look at.
Kasabay nang pag hagod ng mata ko sa larawan ay siyang pag basa ko sa caption nito sa ibaba. And it says "This was my favorite scene to looked at, and then you came."
Bumilis ang kalabog ng dibdib ko sa nabasa. Kinikilig ata ako kahit na I don't think it was made for me. Pumikit ako at umiling.
Of course it's not for you!
He's not even interested sayo and wala siyang pakielam so tama na ang pag iilusyon. Nginusuan ko ang sarili at umirap na rin, pero kalaunan ay may naisip nanamang gawin.
Napangisi ako habang pinipindot ang comment button. There are a lot of comments and reaction on his post, hindi ko alam kung makikita niya ang comment ko pero susubukan ko pa rin. It seems like he doesn't care about the people who keeps on commenting on his post, ni isa kasi ay wala siyang nireplyan... pero mag cocomment pa rin ako.
Sa kalagitnaan nang pag tatype ko ng icocomment sa post niya... dumating ang dalawa ko pang kasama. Nag angat ako saglit ng tingin sa kanila at saglit rin kaming nag katinginan ni Manang Celeste.
I smiled at her and then looked down to my phone, still smiling for unknown reasons.
"Then you should be glad, I came into your life." I commented.
"Good mood ka ata, maldita?" Manang Celeste with her famous tinatamad tone.
Nag maneho na palabas ng gate si Mang Carlos, katabi niya si Manang Celeste. Manang looked at me and raise her brow, as if asking me why I am smiling for about 2 minutes straight.
"I am po." Sabi ko sabay hagikgik.
She looked at me with her judgmental eyes. Tila diring-diri akong tinitignan dahil sa inaasta kong tila bago sa kanya.
"Mukhang may nanliligaw na sa iyo, hija. Meron na ba?" Singit ni Mang Carlos.
"Naku, bata pa iyan. Huwag munang tumanggap ng manliligaw." Sabat ni Manang Celeste.
"Ah, soon po manliligaw din iyon." hagikhik kong muli.
Manang Celeste eyed me once again, as if telling me to stop what I am saying. I laughed at her reaction, she looked like a posessive mom as always.
"What's the problem with that po? I'm on age." Sagot kong muli.
She rolled her eyes and withdraw in my sight. She's now facing the road along with the traffic lights.
"Hindi ko talaga alam kung saan ka nag mana... mahinhin naman ang mommy mo at mabait naman ang daddy mo..."
My eyes widened. "What do you mean by that, Manang?!" I exclaimed, completely offended.
They laughed at my reaction and that's how our trip to the hospital went. We also talked about the attitudes of the twin and Manang also informed me about them cleaning the mess they made. Napailing ako roon at natawa.
When we arrived, sinalubong agad kami ng ilang nurses dahil na rin sa alam nilang pupunta kami ngayon. My father already fixed this sched and Dra. Mendez cleared her appointments so that she can focus on me.
We're here in the hospital because I have a photographic memory. It's rare, yes. At ang sabi rin nila hindi naman ito nakakatakot na sakit katulad ng mga cancer at iba pa. Pero kahit na ganoon, my dad still wants me to be checked every three months. He wants me to be normal like other teenagers... kahit na alam kong normal naman ako.
"Magandang gabi, Dra. Mendez." Bati ni Manang kay Dra. Mendez noong makarating kami sa mismong place nito sa hospital.
"Good evening po, Dra." I greeted as well.
"Good Evening!" Masigla niyang bati pabalik, inilahad niya rin ang upuan sa tapat niya para sa aming dalawa ni Manang.
Naiwan na si Mang Carlos sa labas, he decided to wait in the car since ang kailangan ko lang naman daw dito ay si Manang Celeste lang.
"You looked beautiful as always, hija." She commend me.
I smiled at her and flipped my hair. "Just like you, Dra." I winked at her, which made her laughed and blushed.
Dra. Mendez is beautiful, she's already in her early fourthy but she looks younger than her age. Eleganteng-elegante rin, halatang may pinag-aralan at may kaya sa buhay. And additionally, according to my researches, she graduated with Latin Honors in both bachelors in Medicine and Psychology.
She's a pretty good role model!
"So, how are you feeling nowadays?" She smiled sweetly at me.
"I'm doing good po, I'm feeling normal." I answered.
Tumango siya at may isinulat sa papel na hawak niya, "Does your head hurts whenever you saw some detailed scenes?"
Nag katinginan kami ni Manang, tulad ni Doktora ay nag hihintay din siya ng sagot sa akin.
"Hindi na po." Umiling ako.
She nodded again. "So... the last time your head hurts was when..." she paused and flipped the notes she had, naroon ata nakasulat ang mga info about me.
"It was three years ago." She correctly said. Yes, that was when my mom died.
She knew what happened three years ago and the way she looked at me speaks a lot of things I know.
Matapos niya akong tanungin nang marami pang tanong, she showed me a lot of detailed pictures and asked me afterwards about how many buildings are there, how many people are on the picture or how many windows does the building has... or something like that.
Nasagot ko nang tama ang lahat ng tanong niya, the picture she gave me was very vivid in my memory to the point I can explain what exactly was in there. Matapos noon ay tumayo si Doctora. She will do something on the paper ata, just like what always happened during my session with her.
Nag paalam siya saglit at pumasok sa isang kwarto sa likod lang namin ni Manang Celeste. Ilang saglit kaming napatingin doon, matapos noon ay narinig ko na ang buntong hininga ni Manang.
"Ang sabi ni doktora noon, hindi naman 'yan gaanong delikado pero hindi pa rin mawala sa akin ang mag-alala sayo." She said.
My heart suddenly feels heavy with what she said. I looked at her and saw how her eyes glowed while looking at me. She have seen a lot of me and my family through years, siya ang nag alaga sa mommy ko... and she was also the one who takes care of her until she died... so I think she was traumatized by that... at ang takot na iyon ay nag patuloy sa akin... at sa kalagayan ko.
"Huwag kang mag-alala, Manang! Wala lang 'to." Pag papalakas ko sa loob niya.
Sasagot na sana siya ngunit bumukas na ang pinto at iniluwa na noon si Dra. Umupo siyang muli sa swivel chair niya at inilahad sa amin ang resulta.
Dra. Mendez smiled at me and looked at Manang. Inayos niya ang coat na suot at pag tapos noon ay humarap sa akin.
"Ms. Mendoza, May I speak to Manang Celeste alone?" Pakiusap ni Dra. na medyo ikinagulat ko.
But, of course I nodded.
"You can go to the room where I came from, this will just take a minutes to discuss and don't worry, my nephew is there to entertain you, hija." She said.
Tumango ako at sinunod siya. I'm a little bit bothered about her sudden agenda with Manang but to respect her, sinunod ko ang pakiusap niya.
Kumatok muna ako sa pinto dahil sabi ni doktora ay narito ang pamangkin niya, matapos ang ilang katok ay tahimik akong pumasok at marahang sinara ang pinto.
Tipid akong nag angat ng tingin sa kabuuan ng kwarto... and to my surprise... I saw Law standing near the glass window behind, showing the familiar city lights that he posted on his account.
He doesn't looked surprise, hindi gaya ko. Dahil noong mag tama ang paningin namin ay agad siyang tumalikod para sa tanawin sa kanyang likod.
Bumuga ako nang hininga, hindi ko alam na pinipiit ko pala ang pag hinga ko at mabilis na kumakalabog ang dibdib ko. Kanina naman ay hindi ako nahihirapang huminga noong pumasok, pero noong mamataan ko siya, bakit tila kay hirap ang kahit huminga?
At bakit ba ako nahihirapan si Law lang naman 'yan?
"You're here." Gulat ko pa ring saad.
Hindi siya nag salita bagkus ay nanatili lang nakatingin sa labas. He's still wearing his uniform, so I think he managed to go straight here after his class.
Tumikhim siya at nanatiling tahimik. At sa hindi ko rin alam na dahilan, nanatili rin akong ganoon. Nakatikom lang ang bibig at tipid na nakatayo sa tapat ng pintuang pinag pasukan.
Naririnig ko ang malalalim niyang hininga mula sa kinatatayuan, at kahit na ganoon lang ay puring-puri pa rin siya ng mismo kong sistema.
Even his back speaks that he's handsome, hindi mo na kailangang paharapin pa para masabing napakagandang lalaki niya.
"You have a photographic memory?" he suddenly asked. Medyo nagulat ako sa tanong na iyon, dahil wala naman akong napag sabihan kahit na sino sa lagay ko... pero... well... maybe Dra. Mendez told him.
I bite my lower lip and answered, "Uhuh."
He groaned, and looked at me with a grinned. I laughed at him though and I manage to smile at him with a heart that's beating so fast.
Pinanood ko kung paano siyang umupo sa hamba ng sofa na malapit sa kanya, he's now facing the city lights again. Tuluyan niyang binigyan ng pansin ang kaakit akit na mga ilaw sa kanyang likuran.
"If you want... you can come here." saad niya na walang pag dadalawang isip ko rin namang sinunod.
Lumapit ako sa kanya at marahang nag lakad, noong makalapit, I stopped with... enough distance. Pero noong mapansin niya ang pag tigil ko, he quickly grab my wrist so that I can be closer to him... and then the electrifying thing in his body once again affects me.
At ngayon, kami nang dalawa ang tumatanaw sa kaninang pinagmamasdan niya.
"So... that does mean your memory is a unique type of memory?" Bulong niya habang marahang tumatayo.
Tumango ako. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay sa akin, pero kahit ganoon ay kumakalabog pa rin ang dibdib ko at nararamdaman ko pa rin ang kuryente sa sistema ko.
"You can clearly pictured out things you just saw right?" Tanong niyang muli.
Tumango ako.
He smiled at me after that. Nagulat ako roon, hindi ko inexpect ang ngiti niya... and even that he's still smiling at me... parang hindi pa rin ako makapaniwala.
Kumalabog ang dibdib ko.
"That's good to hear." He replied and stood up.
He looked really so handsome. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang nasabi 'to... hindi ko lang talaga kasing maiwasang purihin siya.
"Uy, nginitian ako." tunog nahihiya kong bulong.
I didn't mean to sound that way, dapat pilya ang tono no'n...
Sinamaan niya ako nang tingin na tila bang sinasabing napakabad timing at panira ko talaga ng moment.
Ngumuso ako.
He loose his tie and remove it from his neck, ibinukas niya ang unang dalawang butones ng uniform niya at ang bagong imahe sa harapan ko ay ikararangal kong itatak sa isipan ko.
Dahan-dahan ang naging pag lakad niya at ang pag punta sa likod ko, we're now facing each other and his smile is still flastered.
Malaya akong tumunghay sa mukha niya, at sa nararamdaman kong kaba ay tila gusto ko nang himatayin, hindi ko na kinakaya ang kalabog ng dibdib ko.
"I'm kind of worried about you... but I think we can take advantage to that memory of yours." Aniya.
Halos mapatalon ako noong hinawakan niya ang dalawang balikat ko, at marahang pinaabante upang mapatalikod sa gawi niya.
I was about to complain about his sudden move, pero hindi ko na nagawa... because I just feel stunned when I saw a huge mirror before us... that perfectly captured the city lights and the two of us infront.
"If you can really pictured out things in your memory..."
Dumulas ang kamay niya palayo sa mga balikat ko.. and although he's not touching me, I feel electrified. Pakiramdam ko ay namamanhid ako... sa gulat sa inaakto niya... at maging sa nararamdaman ko. He's seriously looking at me from behind and I can't deny that... I like this view so much.
No... I love it.
Kumalabog ang dibdib ko at pumikit, at noong dumilat... I saw him leaning on my ear... whispering things I think I couldn't have been more handled.
"Include this memory of us, then." he whispered.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 20 Episodes
Comments
Nadeshiko Gamez
Your writing is amazing. Looking forward to more from you!
2025-06-20
0