Simula
"Ang gwapo mo." bulong ko sa kanya habang titig na titig.
Nakapangalumbaba pa akong nakatitig sa kanya habang siya naman ay abalang-abala sa librong binabasa. Saglit niya akong tinapunan ng tingin bago tinaasan ng kilay at nag patuloy sa ginagawa.
I smiled as his eyes moved from left to right, the beauty of his eyes became more evident as it keeps on moving. Di nakakasawang tanawin, kinagat ko ang labi ko.
"Ang gwapo mo talaga..." I whispered again, ngayon ay mas malakas at may diin.
Muli niya akong tinapunan ng tingin, blangkong mga mata ang sumalubong sa akin na animo'y hindi natutuwa sa nakikita sa kanyang harapan. I smiled genuinely at him, umayos pa ako ng upo para makita niyang mabuti.
"You're annoying." bitaw na salita ni Law sa matigas na ingles.
Muli niyang ibinagsak ang mata sa binabasa, napanguso naman ako dahil sa sinabi niya. Anong annoying?
"I'm Gave, not annoying." I pouted.
Hindi siya nag salita o tumingin man lang sa akin, and instead of paying attention to me, he just flipped the page of his book. As if telling me that he completely don't give a damn to my presence.
His hooded eyes are fierce on the book he's reading, and when I looked at the cover page of it. I saw a lot of algebratic expressions that I don't really want to include in my memory. Umirap ako at tumingin muli sa kanya.
His fascinating eyes looked really good, everything about him is really good actually, mula sa noo niyang perpektong dumudugtong sa makakapal na pares niyang kilay, sa makipot niyang ilong, sa mapupulang labi... na hindi man lang mangiti, hanggang sa hugis ng kayang panga na madalas kong nakikitang umiigting.
I looked at him in awe, he's really a good looking man. No wonder how I became this passionate to him, I just met him few days ago but here I am... nag pa papansin...
"Quit staring." sa mababang boses niyang sinabi.
Pumangalumbaba pa ako para mas matitigan siyang mabuti, at bagamat hindi siya nakatingin sa akin ay ramdam kong alam niyang mas tinitigan ko pa siya base sa taas ng kilay niya.
"Stop being handsome first." I giggled as I replied.
My insides cheered for that.
I heard him curse underneath his breath, noong tumingin siya sa akin ay baon niya na ang masamang titig. I just laughed at him and smiled even more.
Tinitigan niya muna ako nang ilang sandali bago tuluyang inalis na ang mga mata sa akin, ibinagsak niya na ito sa pahinang binabasa. Nag dudugtong na ang mga kilay niya sa kung anong iniisip niya, pero kahit na ganoon ay ang gwapo niya pa rin talaga.
Ang gwapo talaga niya, wala na akong masasabi kundi... ang gwapo niya talaga.
Napapikit ako sa naiisip, nababaliw na ata ako. I slightly laughed at my thoughts, and before I could even erase the scenery I'm concluding in my head... I heard Law's sighed.
"Why are you laughing?" Seryoso niyang tanong kahit nasa libro pa rin ang tingin.
Umiling ako at humalakhak muli ngunit agad din namang natigil dahil sa saway ng librarian sa akin. I bit my lower lip to stop myself from giggling, ayoko namang mapaalis dito at hindi masilayan si Law. I formed my lips to say sorry, but instead of meeting the librarian's eyes... grupo-grupong mata ang sumalubong sa akin, mga naka taas ang kilay nila sa akin habang nag bubulung-bulungan sa kani-kanilang upuan. I rolled my eyes at them.
Law is a very handsome man, very smart, atheletic and I'm sure he's also kind. Hindi nakakapag taka na sa larong pinapasok ko ay marami akong kakompitensya, but then sorry nalang, kung kuntento na silang nasisilayan lang si Law... ako hindi. I will try my best to capture his sight, I don't usually take the chances away so I'm here.
Ngumiwi ako at tumingin nalang muli kay Law, I caught him smiling a little so I tried to blink to make sure... pero noong dumilat ako ay tila malikmata lang ang ngiting nakita ko. Napangiwi muli ako.
The university's bell rang for the next class. Ngumuso ako at tinignan ang relo sa kanang palapulsuhan ko para makasiguro kung oras na talaga para sa klase ko. Mas ngumuso ako noong nakumpirmang ala una na, simula na nga ng klase ko.
Tahimik akong tumayo at nakangusong inayos ang upuan pabalik sa ilalim ng lamesa, nakuha ko ata ang atensyon ni Law dahil noong lingunin ko siya ay nakakunot na ang noo niya sa binabasa.
"Bye, Law." I playfully said. "I'll be right back." Masaya kong sinabi at kumindat pa kahit hindi naman nakabaling ang atensyon sa akin.
Tinalikuran ko na siya at nag simulang mag martsa paalis ng library, the gossips are still on-going when I looked at the insecured people. Kaya naman nakataas lang ang kilay ko the whole time I'm walking out of the library.
Masaya akong lumabas at tinahak ang daan pabalik sa building ng college of business. Malapit lang iyon sa library kaya siguradong kaunting minuto lang ang pag ka-late ko. Madalas akong late sa after lunch class ko kakatambay ko sa library, pero kahit ganoon ay hindi naman ako nangamba para sa grado ko. If it's Law and studies, I'll gladly choose Law.
Ah, Landi!
I laughed at my thoughts again, I chuckled and slightly pinched myself to get a hold on me. Umiling at ininda ang pakiramdam na ngayon ko lang ata naramdaman.
"It seems like your hobby is to chuckle all the time." a low baritone voice suddenly entered my thoughts.
Gulat akong lumingon sa likuran... and to my surprise... it's Law! Automatic na lumandas agad ang ngiti sa labi ko, at ang pag tatakang narito siyang muli sa likuran ko ay namutawi sa isipan ko.
Hawak niya ang librong binabasa sa library habang gwapong-gwapong nag lalakad kasabay ko, bagay na bagay ang uniporme niyang suot, nag susumigaw iyon ng kagwapuhan at katalinuhan kahit simpleng-simple lang iyon.
"Ah, you're wrong." I replied. I chuckled again and looked at him, nakakunot na ang noo niya sa akin.
"My hobby is to love you." Dagdag ko.
Tinitigan niya ako nang masama, as if telling me to stop my hideous thoughts. Ngumuso ako at tinikom ang bibig, I pouted to stop myself from speaking... at baka mabadtrip pa siya sa akin.
"Why are you here, by the way? Are you done with that?" Tanong ko sabay turo sa librong hawak niya.
Tipid siyang umiling, tumango naman ako. Natanaw ko na ang daang mag dudugtong mula sa library papuntang building namin. The mahogany trees dance with the rythm of the wind, the familiar place feels so special... now that Law is with me. Walang katao-tao sa paligid, siguro'y na sa kani-kanilang klase na ang mga studyante.
And speaking of klase, late na late na ata ako.
"I can't focus..." Law suddenly speak.
"Ha?" tanong ko dahil hindi ko nakuha ang sinabi niya.
"I can't focus so I'm here. Sumabay na ako pabalik sa building namin para doon nalang ituloy ang pag babasa." saad niya.
This is the first time I heard him exceeded in fifteen words. And... by the way...
"You can't focus in the library?" Pag tataka ko dahil tahimik naman doon at nakakarelax kumpara sa classroom.
Nilingon niya ako at tahimik na tinapunan ng tingin. "And... hindi ba't sa kabilang daan ang patungong architectural building?" dagdag ko pa.
Ang gulat ay panandaliang lumandas sa mukha niya, ngunit saglit na saglit lang iyon kagaya ng ngiting kaninang hindi ko sigurado kung nasilayan ko ba talaga sa kanya.
Nag hintay ako ng sagot sa kanya ngunit hindi na siya nag salita pa. Nag bago ang ekspresyon niya at tila galit sa mga puno kung titigan ang mga ito. Itinikom ko naman ang bibig ko, baka hindi niya masyadong nagustuhan ang pang uusosyo ko kaya ganoon.
"You can go now, Law. Sa building niyo..." muli kong saad.
Isang liko nalang ay makakabalik na ako sa building namin, "Sa kabila pa ang building niyo, naliligaw kana ata." I slightly laughed but he just looked at me with burning eyes.
"Stop talking." Masungit niyang sinabi. "Hindi kita gustong i-hatid, may dadaanan lang ako kaya dito ako dumaan."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Huh? Wala akong sinasabing ganoon." Natatawa kong sabi.
"I said stop talking." Giit niya.
I was about to reply when I heard someone calling me.
"Gaveriel!" Rinig kong sigaw pag kaliko namin sa college of business.
I saw my bestfriend, Aly, who's waving at me with her eyes full of excitement. Mula sa pangalawang palapag ay maingay niya akong kinakawayan at pinipigilan sa pag tangkang tumaas.
Tumigil ako sa pag lalakad, at pinanood siyang bumaba. Nilingon ko si Law at tahimik na ngumiti sa kanya, he also looked at me.
"You can go now." I smiled. "Baka malate ka sa dadaanan mo."
He looked at me again with a grin, ang akala ko ay aalis na siya pag katapos kong sabihin iyon, ngunit hindi siya umalis sa kinakatayuan niya kahit na noong hanggang makababa ang matalik kong kaibigan.
Aly's eyes immidiately darted on the man beside me, itinikom niya ang kanyang bibig at may ngiting ibinaling ang tingin sa akin.
"Walang prof," she started.
Agad na lumundag ang saya sa puso ko. Napangiti ako agad sa ibinalita niya at naibsan ang kaba sa takot na late na late na ako ngayon.
"Samahan mo nalang muna ako sa library, may babasahin ako." Dagdag niyang tinanguan ko.
Nilingon ko si Law at nakita ko nang mataman siyang nakatingin sa akin, I don't know why he's still here... kaya napag pasiyahan ko nang mag paalam kung sakaling mag tatagal pa siya rito.
"We don't have prof, sa library muna kami!" Paalam ko sa kanya. "Mauna na kami, Law!"
Nag martsa na kami paalis ni Aly, noong makaliko kami mula sa dinaanan namin kaninang mga mahogany tree, nag simula na siyang humalakhak na tila galak na galak siya sa isang bagay.
"Really, Law? You're calling him Law?" She exclaimed.
I smiled at her. "Why? Is there something wrong with that?" I grinned at her.
Umiling siya at bahagyang ngumisi, "Wala naman, I just heard that he don't want to be called by that name..."
Oh, "Really?"
"Yes, he don't like it. He preffered Caleb or his last name." Tango-tangong sabi ni Aly.
Natahimik ako roon. What should I call him, then?
Ilang sandali ay tumawa si Aly, mukhang may naisip sa sandaling katahimikang naganap sa pagitan namin.
"And by the way..." she paused and looked at me with a smile. "Your confidence really surprise me."
Ngumisi ako sa sinabi niya, umiling at tipid na ngumuso para pigilan ang sarili sa pag ngisi.
"Seryoso ka pala talaga sa sinabi mong susubukan mo si Law." She added, and also infroming me about what I have said few days ago.
Ngumuso ako sa sinabi niya. Of course, I'm serious about that. Law is the first man who makes me feel unwanted, never in this life time na naramdaman kong hindi interisado sa akin ang isang lalaki... until Law came on the scene.
Sa dalawang taon ko sa kolehiyo, kaliwa't kanan ang nag papahayag ng damdamin nila sa akin. Most of them will do everything just for me to smile back at them, pero itong si Law?
Pustahan pa tayo, kahit siguro mag hingalo ako sa harap no'n, ni tingin hindi no'n ipupukol sa akin.
However, It didn't turned me off... mukhang kabaliktaran pa nga ang nangyari.
"But, anyway... are you serious about that? About pursuing Law?" she asked me.
Umiling ako sa kanya. "Of course I'm not serious about that." Humagikgik ako.
Nag bago naman ang timpla ng itsura niya. From a very hopeful eyes into a face full of questions. Nakakunot ang noo niya at ang kilay ay malapit nang mag dugtong.
"So... you're pursuing him just for fun?" Medyo lito niyang sabi.
"I'm kind of thrilled when it comes to him. So... yes?" Tanong kong medyo alanganin pa ata.
Natahimik siya sa sagot ko, saglit siyang nag isip bago ako tinapunan ng tingin at matapos ay umiling sa akin.
"Come on! Don't give me that face." Halakhak ko pang sabi.
Ngumuso siya sa akin, as if telling me that she's disappointed about something. Gwapong-gwapo ito kay Law kaya ganyan siya, gustong-gusto niya raw at nakikita niyang bagay kami kaya pinipilit niya ako roon. At ngayon na marinig sa akin na hindi naman ako talagang seryoso kay Law, hindi niya maitago ang dismaya.
I still remember the first time we saw Law. Nasa malapit kaming coffee shop dalawa at gumagawa ng final project for our first semester finals when we saw him arrived.
Aaminin kong pag kapasok niya palang sa coffee shop ay nakuha na niya agad ang pansin ko, he's just wearing a simple uniform but his aura speaks a lot of things I couldn't explain. Naalala ko pa kung paano akong kinabahan kahit wala namang dapat ipangamba ang puso ko.
He looked so handsome and smart. Halos matunaw ko na ata siya sa titig kung hindi lang ako kinalabit ni Alyson.
"Nakikinig kaba?" Medyo masungit niyang sabi.
She looks so stressed with her laptop, medyo magulo na ang buhok niya at tila naiinis na sa ginagawa.
"Ah, I'm sorry... what is it again?" Tanong ko kahit na ang atensyon ko ay nasa lalaki pa ring pumasok.
He sat down on the coffee seat, and leaned on the coffee table to find something on the menu. Noong matapos siya sa binabasa sa menu, ibinaba niya ang hawak at agad na nag angat ng tingin sa waitress na nag iintay.
"Ang sabi ko... maganda bang ilagay itong part na ito sa unahan o sa huli nalang?"
The man open his mouth to speak, and I saw the waitress giggled while writing on the paper. Kumunot ang noo ko sa nakikita.
"Gaveriel."
Ilang sandali matapos ang mga tanong ng waitress, umalis na ito at tuluyan nang iniwan ang lalaki. My eyes lingered on his eyes, and I watched his hawk like eyes darted in every corner of the coffee shop... as if surveying every bits of the structures of it... and to my surprise... after a moment of looking at the interiors... his eyes landed on mine.
Nag katitigan kami. A slight connection between us was felt in my heartbeats. Kumakalabog ang puso ko sa bagay na hindi ko alam, at habang tumatagal ang pukulan namin ng tingin, mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.
I smiled at him. I'm confident that he will smile at me in return so I bit my lower lip after smiling.
Ngunit ilang sandali ang dumaaan... wala siyang isinukli kundi ang taas ng kilay... at masungit na pag kalas ng tingin sa akin.
What the...
"Di ka naman nakikinig, eh!" bulyaw sa akin ni Alyson dahilan kung bakit nawala ang titig ko sa lalaki.
"Aw, I'm sorry-" she cut me off and looked at where I am looking.
"Sino bang pinag kakaabalahan mo riyan?!" She exclaimed and looked at the right part of the coffee shop... where the man is seating properly and perfectly.
Mula sa inis na mukha ni Alyson ay tila biglaang napalitan ito ng pag kaamo noong madatnan niya ang tinitignan ko.
"Ah. Kaya pala, nadistract sa gwapo." She nodded as if my reason about being outminded is valid.
Umiling ako sa sinabi niya at pinigilan ang ngisi. Well, I can't deny that I'm distracted at mas lalong hindi ko kayang i-deny na gwapo nga ang lalaki!
"Understandable." dagdag niya na nag patawa na sa akin.
"Ang sungit, nginitian ko pero tinaasan lang ako ng kilay." pag iinform ko sa kanya.
Nanlaki ang mata niya at ngumisi. "He did?"
Tumango ako. Muli kong itinapon ang tingin sa lalaki, he's now reading a book with a serious aura that covers him. Mataman niyang binabasa ang librong hawak habang tila walang pakielam sa paligid.
"His name is Law." Natatawa niyang sabi. "Reighlaw Calibre Valenziares."
(Pronunciation: Reyjlo Kaliber Valenzyares.)
Oh. What a nice name.
"Masungit talaga iyan." she informed me. "Pero hindi ko akalaing susungitan ka niya." she smiled at me.
"What do you mean?" I questioned her words because I didn't get it.
"I mean, sa ganda mong iyan. Imposibleng masungitan." she giggled and pinched my cheeks.
She looked so happy at something, to the point that she's humming while doing something in her laptop. Nakakagulat ang sudden change of mood niya, kanina lang ay stress na stress na siya.
I tried once again to caught the man's attention by staring at him. Ilang sandali ang hinintay ko ngunit hindi naman ako nabigo. For the second time around, I once again feel the connection between us. And for the second time... again... I smiled at him...
Hoping for him to smile back at me... but he didn't. He just stared at me like I'm a whole pathetic infront of him. He stared at me like I'm some of a cute puppy... but unfortunately... he's not a dog lover.
I smiled again... but for the nth time... he didn't smile at me. Prente niya lang akong pinasadahan ng tingin habang ang panga ay umiigting at tila galit na sa kung ano.
I licked my lower lip and smirked. This is the first time... I feel rejected. But am I disappointed?
Na-ah. I'm thrilled.
Alyson looked at me while she's moving her head from left to right, iniilingan ako sa pinag gagagawa ko pero nakangiting aso rin naman.
Umiling ako. "Pakipot. Ganyan ang gusto ko... 'yung pinapahirapan ako." I murmured making Alyson laughed and pinched me a bit.
That was what happened. I can still remember every bit of it, It was a clear vision in my memory. And I want to thank my photographic memory because I can still clearly see his snobbish look inside that cafe.
I giggled as I reminisce, ang nakangusong si Alyson ay binalingan tuloy ako ng tingin. Lumiko kami sa daan papuntang library, it's on the fourth floor of the building so we decided to go to the bathroom before going upstairs.
"I thought you're into Law." Pag mamaktol niya pa rin habang tahimik siyang pumapasok sa cubicle.
"I'm attracted, Aly. It's not important if I'm serious or not." Saad ko.
Hindi siya nag salita pero alam kong narinig niya ako. When she goes out of the cubicle, she just rolled her eyes at me.
"Bahala ka." finally she replied.
Umakyat na kami pag katapos mag rest room, it took us five minutes to finally reached the top floor and finally make it to the library.
The familiar silence immidiately covered my ears, the tik-tok from the clock really helps me to calm my system. Ang amoy ng mga libro ay prenteng tumatambay sa ilong ko, mistulan iyong pabango upang maging komportable ang isipan ko.
"Is that Law?" Alyson whispered into my ears.
Nag susulat pa ako ng pangalan naming dalawa sa log book dahilan kung bakit di ako nakapag angat ng tingin.
And besides, sabi ni Law hindi raw siya makapag focus sa library so... I don't give a damn to Aly.
Winter Gaveriel Mendoza
Marianne Alyson Pellio
"Huy, si Law!" Bulong niyang muli.
Pumirma na ako sa pangalang inilagay ko, binabaliwala ko pa rin ang sinasabi niya dahil malamang ay nag iilusyon lang ito.
"Wala iyon dito! Oh, pumirma ka na." Bulong ko pabalik sa kanya at kinuha ang kamay niya para ibigay ang ballpen.
"Anong wala!? Eh, sino 'yan? Doppelganger?" she exclaimed and took my cheeks to make my head move in Law's way.
Nagulat ako noong makita nga si Law. He's on the same spot earlier, nag babasa siya ng libro pero noong siguro'y maramdaman niya ang titig ko, nag angat siya ng tingin sa banda ko.
Oh, he's here nga.
But... he told me he can't focus...
Agad sumilay ang ngiti sa labi ko noong mag tama ang paningin namin. I heard Alyson groaned as she removed her hand on my cheeks and started signing in the log book.
"You can go, ako nalang ang mag hahanap ng table natin. But make sure to be with me after talking to him." Saad ni Alyson na tila bang alam niyang mag papaalam ako.
"Thank you, Aly!" Pag papaalam ko sa kanya at dumiretso na sa banda ni Law.
I saw Law's eyes directed on mine, ni hindi nga ata niya inialis ang tingin sa akin simula noong mag tama ang paningin namin. Nag lakad ako papalapit at nakita ko siyang isinarado ang librong binabasa, he sighed and leaned on the table while waiting for me.
"Hi! I thought you're going back to your building?" Masaya kong bati habang pinipwesto ang sarili sa gilid niya. I seated down the chair and move closer to him.
Hindi siya sumagot, iniwas niya lang ang tingin sa akin at napag pasiyahang buklatin nalang muli ang librong hawak.
Ngumuso ako, at tinignan nalang ang gwapo niyang mukha. Hay! Ang gwapo talaga... lalo na sa malapitan!
"You told me you can't focus here... the reason why you're going back-" he cut me off.
"Stop talking."
"But I'm curious about your-"
Suminghap siya at tinitigan ako. "Stop talking."
Ngumuso ako, nakipag titigan pa siya sa akin ngunit sa huli ay masungit niya lang akong iniwasan ng tingin.
May narinig akong mga sumisinghap sa gilid kaya napatingin ako roon. And there, nakita ko nanaman ang mga masasamang tingin ng mga tao sa akin. Nag kibit balikat ako, wala naman akong pakielam sa kanila kaya imbis na pag tuunan pa sila ng pansin, inilihis ko nalang ang tingin sa kung saan naupo si Aly.
Nahirapan akong hanapin siya, naka ilang lingat na ako sa mag kabilang parte ng library ngunit hindi ko pa rin siya makita. Seriously, where is she?
"Your friend is seating in the table near the stair case." Law suddenly spoke.
I lifted my eyes on where he guided me... and he's right. Alyson is there nga.
"Thank you, Law!" I giggled.
He just looked at me with dark expression before proceeding again to the book he's reading. This is like a deja vu. This scene is just like the scene we created last minutes ago.
"Is that for your finals?" I asked him.
"Uh-huh." he replied.
Kinagat ko ang labi ko at ngumuso. If that's important... then... I guess I need to go now. Baka makaabala pa ako sa mga dapat niyang gawin.
"Okay, read well." I said while standing carefully.
Agad siyang nag angat ng tingin sa akin, nginitian ko naman ang mukha niyang nakakunot at nag tatanong.
Tatalikod na sana ako sa kanya ngunit agad kong naramdaman ang kamay sa palapulsuhan ko. It feels like I'm electrified by something, making me feel so dizzy and unable to understand anything. Bumilis ang pintig ng puso ko sa hawak niya, and to ease my feeling, I slightly move my hand... making him to pull his hand.
"Stay here." he said with finality.
Ang kamay niya ay pinahinga niya sa gilid ng lamesa, tila ba nakaabang itong pigilan ako kung sakaling gustuhin kong piliting lumayo.
"I'm with Alyson, I can't stay here." bulong ko kahit na tila nahihirapan akong mag salita sa ngayon.
Hindi siya nag salita at binalingan lang ako ng matalim na titig. When I tried to turn again my back at him, his hand immidiately enveloped in my wrist again.
Bumukas ang bibig niya at tila may sasabihin, ngunit ilang sandali pa rin akong nag hintay ay walang lumabas sa kanyang bibig.
"Punta na ako roon." paalam ko.
He pouted and looked away. Tila hinaplos ang puso ko noong ngumuso siya, ngunit tila nanaman ako namalikmata sa sobrang bilis lang noon.
"Invite me to your table, then." he whispered.
I bite my lower lip to hide my smile, uminit ang pisngi ko ngunit mas pinili ko nalang ngumisi kesa mapuna niyang namumula ako.
"I-sama mo ako, huwag mo akong iwanan mag-isa rito." he added... making my heart pound and skip for a beat.
Kabanata 1
"Sagot ko na baloons." Ang tahimik na Alyson kanina sa library ay tila biglang nakawala sa mundo ng katahimikan noong makalabas kami.
"Huh? Saan?" Nalilito kong tanong dahil hindi ko naman alam ang sinasabi niya.
Sinamaan niya ako ng tingin at nag simula nalang mag lakad pabalik sa classroom namin.
"Sa kasal. Saan pa ba?" She chuckled.
"Sa kasal nino? Pinag sasasabi mo riyan!?" Ako noong hinabol na siya dahil masyado nang malayo ang nararating niya.
"Sa kasal niyo ni Law. Ang slow mo naman." Inirapan niya ako. She flipped her hair and looked like she suddenly disliked talking to me.
Uminit ang pisngi ko sa sinabi niya. My heart beats with the sudden idea in my head... pero bago ko pa sang-ayunan ang kahibangan ni Aly. Umiling na ako at ngumuso nalang.
Pero wala, napapangiti ako.
"Para kang tanga!" hampas ko kay Alyson.
Napalakas ata ang hampas ko kaya ang sama ng tingin sa akin noong mabalingan niya ako, pero noong bumaba ang tingin niya sa labi kong pinipilit kong nginunguso... naging pilya ang diretso niyang labi.
"Gusto mo rin naman." She said and pinched my arm.
"Ouch!" impit kong hiyaw at sinamaan siya ng tingin.
Napatitig naman siya sa mukha ko at tila bang may hinihintay pang kung anong ekspresyon sa akin.
"What?" kumunot ang noo ko.
"Uy..." Hinigit niya ang braso ko at binulungan ako kahit na kami lang naman ang tao rito sa pasilyo. "... hindi mo dineny! Sabi na, eh. Gusto mo rin!"
Uminit ang pisngi ko roon at agad na umiling kay Alyson.
"Yuck! You're so corny. Anong gusto-gusto sinasabi mo riyan!?"
She just smiled at me. Ngiting aso at hindi nag sasalita kaya mas sumama ang tingin at mas naintriga ako sa iniisip niya.
"Alyson!" I shouted when she really shut her mouth with a naughty smile.
Class hour starts after that. That was my last moment with Law and I'm contented with it.
My daily dose of Law, huh?
I chuckled a bit.
Automatiko na atang kapag bakante ang isipan ko, si Law ang sasagi roon. Mas humagikgik ako sa iniisip.
"You're always laughing. Baliw ka ba?"
Napabaling ako sa nag salita. Nanlaki ang mata ko noong mapagtantong si Law ang naroon.
It's the first time I saw him in different frame, bago ang scenario sa isipan ko kaya tila ako natigilan sa nakikita ko.
"You're always pogi!" bawi ko noong makabalik sa pagkakatulala sa kanya. "And, yes! I'm crazy. Baliw na baliw sayo!"
Tinaas baba ko pa ang kilay at ngumiti nang matamis at pilya sa kanya. He looked down on me, though. Tila siya nakatunghay sa akin dahil sa sobrang tangkad. He looked like a king, full of authority and power...
Bigla kong naramdaman ang kalabog ng dibdib ko. Sinantabi ko nalang 'yon at ngumisi.
Hindi siya nag salita. Ang mahal talaga ng reply nito!
"Magkano ba ang reply mo? Bibilhin ko!" Maarte kong saad at umastang tila naiiyak pa.
To my surprise... Law chuckled with that. Automatic na napaawang ang bibig ko... natulala nanaman ako sa kanya at ang nakakainis pa... noong mapansin niyang nag bago ang ekspresyon ko ay binalik niya ang masungit na aura na lagi niyang suot-suot... sabay nag iwas ng tingin.
I bit my lower lip. Nag iinit ang pisngi ko at gusto kong bumanat pero walang lumalabas sa labi ko.
Natahimik kami pareho.
I pouted when it took us a moment of silence. Tila limang minuto ata kaming natahimik... tapos nakayuko pa ako kasi namumula ang pisngi ko!
"Why are you quiet?" his index finger lift my chin. "Is there something wrong?"
Nagulat ako roon. Kasabay nang gulat ko ay ang kabog ng dibdib ko sa tibok. His hand electrified me again, making me feel so numb.
He removed his hand when he noticed my reaction, bagsak na bagsak ang kamay niyang ginamit pang angat sa mukha ko noong lingunin ko... tila lang walang nangyari.
I bit my lower lip and decided to hide the shy Gaveriel that is rising at this moment.
"Ikaw ha!" Ako sabay tusok sa tagiliran niya.
Sinamaan niya ako ng tingin. Hindi siya nag salita kaya pilya akong ngumiti.
"Pakipot ka lagi, Law. Nagagandahan ka naman sa akin." asar ko sa kanya sabay tusok ulit sa tagiliran.
Ang corny siguro ng buhay ni Law, walang kiliti eh.
Hindi siya gumagalaw kahit halos dutdutin ko na ang tagiliran niya. Kung ako 'yan, di pa nakakalapit daliri niya nakikiliti na 'ko.
He caught my hand and pull it a little forward his chest. Nakaiwas ang tingin sa akin pero nasa kamay naming dalawa ang pansin.
"Don't tickle me." sa mababang tinig niyang bulong.
I pouted, how cute his low baritone voice to hear.
Pero higit sa lahat... may kiliti siya!?
"So... nakikiliti ka pala!?"
He looked at me with anong-tingin-mo-sakin-manhid look.
"Paano ba naman kasi 'di ka naman gumagalaw, paano ko malalaman kung nakikiliti ka pala?"
Sinamaan niya ako ng tingin at tila ang tanga-tanga ko kung tignan niya kaya ngumiwi ako.
"Sige, ulitin ko." I tried to remove my hand from his touch...
Pero hindi niya binitawan... mas humigpit pa nga ang hawak niya.
I was about to try to steal my hand to tickle him when a car suddenly came to the parking space, tanaw ko mula sa kinatatayuan ang mga kotseng parating. At noong mapagtantong kotse namin ang pumapasok sa parking lot, hindi ko lang nabawi ang kamay ko... naitulak ko rin si Law.
"Ay! Alis, Law!" Ako noong palapit nang palapit ang sasakyan namin.
If Manang Celeste is there and she'll see me with a guy, baka maubos ang buhok ko!
Law looked at me with scary look, pinandilatan ko naman siya ng mata sabay tinulak-tulak para kahit papaano'y matago sa iilang sasakyan.
"I'm going!" Saad ko sa tahimik na Law na masama pa rin ang titig sa akin dahil sa pinag gagagawa ko. "My sundo is here na!"
"And why do you need to shoo me?" napanguso ako sa lalim ng boses niya.
"Saka na kasi kita ipapakilala... kapag akin ka na!" I chuckled.
Kahit ako, nagugulat din sa mga pinag sasasabi ko. Hindi ko masisisi si Law kung gusto niya na akong busalan sa bibig, but as long as he's not going to stop me from doing this...
Edi tuloy ang buhay!
Mas dumilim ang nakakatakot niyang mata, pero sanay na kasi ako sa tingin niyang ganyan kaya imbis matakot eh nginisian ko lang siya.
"Bye!" I playfully waved and turned my back on him to go and see my driver, Mang Carlos.
Hindi ko na nilingon si Law, baka mahirapan akong umalis!
Ah, landi!
Nag lakad ako sa kaninang kinaroroonan ko para makalapit sa sasakyan naming tuluyan nang nakapasok.
Nakita ko si Mang Carlos na kabababa lang, I waved at him and immediately peek on our tinted car windows.
"Hello po! Is Manang Celeste there?" I asked.
Nakahinga ako nang maluwag noong umiling si Mang Carlos. Tila ako nabunutan ng tinik dahil kung sakaling sumama siya ngayon sa pag sundo sa akin gaya nang pangako niya... at kung natanaw niya ako kanina habang nakikipag kulitan kay Law... talaga naman!
See you in next life.
"Siya nga pala, hija. Kanina ka pa raw tinatawagan ng daddy mo."
I looked at Mang Carlos and nod, kanina pa tumatawag? Bat di ko naririnig?
Eh, paano busy ka kay Law, Gave!
Oh my gosh, I'm not replacing you dad for Law!
Natawa ako sa mga iniisip ko.
Hinanap ko ang phone sa bag at pumasok na rin ako sa kotse, normally pag nasa loob na ako ay pumapasok na rin si Mang Carlos para makabyahe na kami pauwi. But today, he remained outside.
I got curious so I opened the window to ask. Inuna ko pa ito kahit hindi ko pa nahahanap ang phone para tumawag sa daddy ko.
"Is there something wrong po?" I asked.
"Inaantay ko mga anak ni Ma'am Stella, Gave." he informed me.
"They do not have their driver today?"
He nodded and didn't answer because the twin are here already. Papunta rin sila ng parking lot at mukhang di pa kami nakikita... noong makalapit ay sinalubong na sila ni Mang Carlos.
I saw how the twin's eyes rolled to Mang Carlos. Tila mga spoiled brat na nag mamaktol sa kanilang driver.
"What do you mean we do not have a driver!? We don't want to ride that car! Luma!" Si Graciella.
"True, we rather have a cab than that So ugly!" gatong pa ni Stephanie.
Ngumiwi ako sa kambal. Napakunot din ang noo sa panglalait na naririnig sa kotse namin, this car is our family car and although it's old, it doesn't mean it's ugly or unusable.
Kung may pangit man dito, silang dalawa 'yon.
Hindi ko mapakinggan ang mga sagot ni Mang Carlos pero base sa nakikita ko ay pinipilit niya pa ang dalawang sumakay sa amin. I got irritated so I lowered the window fully and shout.
"If they don't want to... then let's go na po!" I said, making the twin's eyes widened.
Hindi siguro nila ineexpect na narito ako sa kotse. Sinimangutan ko tuloy sila.
My words are absolute, so the moment Mang Carlos heard me... he immediately left the twin, seated inside the driver seat and started the engine.
Hindi ko binaba ang bintana hanggang sa makatapat ako sa kambal, and I just gave them a look that will speak about something I think their little head will understand.
Noong makalampas, saka ko tinaas ang bintana. Umiling ako at pinilig ang ulo ko.
Mang Carlos is looking at me when I move my head from left to right, and I just gave him a smile.
Ang bait ni Mang Carlos, he was my driver since birth. He doesn't deserve those kind of people.
Ilang minuto ang tinagal ng biyahe, noong makarating ako sa bahay ay agad akong dumiretso sa taas upang makapag palit at matawagan si dad. I wear a formal dress to make sure I looked proper with my appointment with Dra. Mendez. And after retouching my face with light make up, naupo ako sa kama at dinial na ang numero ni dad.
Nakatatlong ring ang cellphone ko bago tuluyang nasagot ni dad ito.
"Hello po, daddy." I greeted him.
I smiled, even though we're miles apart and though... surely... he won't see it. "Good evening, anak. Are you home?"
"Yes, dad. I'm ready to go, actually." I informed him.
"That's good. I already set you an appointment for today, ngayong alas otso ang punta mo sa hospital."
Tumango ako sa telepono, "Okay po, I'm gonna go downstairs na para hindi ma-late."
I heard my daddy laughed a bit with my words. Kahit hindi ko alam ang itinatawa niya ay napapangiti nalang din ako.
"Okay, take care. Isama mo si Manang Celeste at alam kong hindi mo naman iintindihin si Dra. Mendez." I heard him laughed again.
I smiled with that. It's been three years when my mom passed away, and since then... this is the first time I heard my daddy laughed. Maybe Tita Stella is really a good match for dad, I'm thankful for her though.
I don't dully accept her as my second mom... but as long as dad is happy... I'm fine with that.
"Sige na. You can go now, Gave." pag papaalam ni dad.
I said my goodbyes to him, and after that, I finally go down to find Manang Celeste.
Noong nakababa ay namataan ko agad ang dalawang anak ni Tita Stella. They are watching TV and both having a snack Alyson gave me yesterday.
Napangiwi ako at medyo nakunot ang noo sa hawak nila. Those are my snacks, hindi naman ako madamot ngunit dapat sana ay nag paalam naman.
"Where are you going? Party?" Tanong ni Graciella.
Umiling ako habang nakatuon pa rin ang tingin sa snacks na hawak nila. Tinapunan ako ni Stephanie ng tingin mula ulo hanggang paa, umismid siya at nag taas ng kilay.
Tinikom ko ang bibig ko.
"I'm going to visit my doctor." I answered.
"Too dressed up for just an appointment." wika niya.
Napatitig ako kay Stephanie na mukhang nang aasar. I just smirked and decided to let things pass. Aalis na lang ako...
I will not stoop down to their level.
"These are yours, right?" maarteng habol ni Graciella, pinapatungkulan ang mga snacks na hawak.
I looked at her and just stood there looking. Parang na tuloy akong si Law... mahal na rin ang reply.
Humalukipkip ako at tinitigan lang ang dalawa.
"You're not going to talk!?" Inis na bulyaw ni Stephanie.
Umirap ako sa dalawa at tinalikuran muli sila, but before I could ever turn my back fully at them, they throw an open snack to me.
Sumabog sa dress ko ang mga snack na pag mamay-ari ko. Marami na rin ang kasambahay na aligagang dumalo sa akin at nag simulang linisin ang mga tinapon nilang chichirya.
I looked at the twin and saw them giggling like as if they won at something. Agad ko namang pinatigil ang mga kasambahay namin sa pag lilinis.
I walked towards the twin and let the chips cracked at the tip of my heels. Hindi ko pinag pagan ang dress ko... lumapit akong ganoon habang nakahalukipkip.
"Clean the floor, both of you." masungit kong sabi.
Ramdam ko ang mga mata ng kasambahay sa amin, I even saw Ate Sanya cheering for me. I smiled at my insides.
Matagal nang nirereklamo sa akin ang mga ugali ng mga ito. Hindi ako naniniwala, syempre. I needed to witness it myself first before I judge them. And now... they gave me what I am waiting for.
"Iw, may mga katulong bakit mo samin-"
"Clean the floor." I whispered, colder than the first one.
Kita ang takot sa mata ng dalawa. Nag katinginan sila at tila na hindi alam ang gagawin. At noong nag dalawang minuto na ang lumipas, nag taas na ako ng kilay.
"Pag balik ko... dapat malinis na 'yan." saad ko habang pinapagpag ang dress na may kaunti ng dumi.
"W-We're gonna tell mommy a-about this." sabay nilang sinabi.
Binalikan ko sila ng tingin at nakitang tila iiyak na sila. I smiled at them and licked my lower lip.
"Don't cry like that, girls. Ang pangit niyo, eh." sabay ngiting aso.
Matapos kong umeksena at mag hapunan ay dumiretso na ako sa labas para salubunging muli si Mang Carlos. Manang Celeste is not yet with me so I think I need to wait for a little moment.
Pumasok na ako sa kotse, the car is already on set and ready to go. Ang dalawang kasama nalang ang kulang. While waiting on the other two to be with me, I open up my phone to check for news or siguro pang palipas oras na rin.
I saw a lot of friends being active in their social media, kaliwa't kanan ang post nila patungkol sa iba't ibang bagay pero may isang post ang pumukaw sa atensyon ko. Minsan lang siyang mag post sa social media, I followed all of his accounts and talagang inaabangan ko ang bawat pag popost niya. It's unusual for him to post stuffs, kaya naman hindi ko mapigilan ang excitement sa sistema ko.
The photo was a clear vision of the city lights together with the moon that is very evident and fascinating to look at.
Kasabay nang pag hagod ng mata ko sa larawan ay siyang pag basa ko sa caption nito sa ibaba. And it says "This was my favorite scene to looked at, and then you came."
Bumilis ang kalabog ng dibdib ko sa nabasa. Kinikilig ata ako kahit na I don't think it was made for me. Pumikit ako at umiling.
Of course it's not for you!
He's not even interested sayo and wala siyang pakielam so tama na ang pag iilusyon. Nginusuan ko ang sarili at umirap na rin, pero kalaunan ay may naisip nanamang gawin.
Napangisi ako habang pinipindot ang comment button. There are a lot of comments and reaction on his post, hindi ko alam kung makikita niya ang comment ko pero susubukan ko pa rin. It seems like he doesn't care about the people who keeps on commenting on his post, ni isa kasi ay wala siyang nireplyan... pero mag cocomment pa rin ako.
Sa kalagitnaan nang pag tatype ko ng icocomment sa post niya... dumating ang dalawa ko pang kasama. Nag angat ako saglit ng tingin sa kanila at saglit rin kaming nag katinginan ni Manang Celeste.
I smiled at her and then looked down to my phone, still smiling for unknown reasons.
"Then you should be glad, I came into your life." I commented.
"Good mood ka ata, maldita?" Manang Celeste with her famous tinatamad tone.
Nag maneho na palabas ng gate si Mang Carlos, katabi niya si Manang Celeste. Manang looked at me and raise her brow, as if asking me why I am smiling for about 2 minutes straight.
"I am po." Sabi ko sabay hagikgik.
She looked at me with her judgmental eyes. Tila diring-diri akong tinitignan dahil sa inaasta kong tila bago sa kanya.
"Mukhang may nanliligaw na sa iyo, hija. Meron na ba?" Singit ni Mang Carlos.
"Naku, bata pa iyan. Huwag munang tumanggap ng manliligaw." Sabat ni Manang Celeste.
"Ah, soon po manliligaw din iyon." hagikhik kong muli.
Manang Celeste eyed me once again, as if telling me to stop what I am saying. I laughed at her reaction, she looked like a posessive mom as always.
"What's the problem with that po? I'm on age." Sagot kong muli.
She rolled her eyes and withdraw in my sight. She's now facing the road along with the traffic lights.
"Hindi ko talaga alam kung saan ka nag mana... mahinhin naman ang mommy mo at mabait naman ang daddy mo..."
My eyes widened. "What do you mean by that, Manang?!" I exclaimed, completely offended.
They laughed at my reaction and that's how our trip to the hospital went. We also talked about the attitudes of the twin and Manang also informed me about them cleaning the mess they made. Napailing ako roon at natawa.
When we arrived, sinalubong agad kami ng ilang nurses dahil na rin sa alam nilang pupunta kami ngayon. My father already fixed this sched and Dra. Mendez cleared her appointments so that she can focus on me.
We're here in the hospital because I have a photographic memory. It's rare, yes. At ang sabi rin nila hindi naman ito nakakatakot na sakit katulad ng mga cancer at iba pa. Pero kahit na ganoon, my dad still wants me to be checked every three months. He wants me to be normal like other teenagers... kahit na alam kong normal naman ako.
"Magandang gabi, Dra. Mendez." Bati ni Manang kay Dra. Mendez noong makarating kami sa mismong place nito sa hospital.
"Good evening po, Dra." I greeted as well.
"Good Evening!" Masigla niyang bati pabalik, inilahad niya rin ang upuan sa tapat niya para sa aming dalawa ni Manang.
Naiwan na si Mang Carlos sa labas, he decided to wait in the car since ang kailangan ko lang naman daw dito ay si Manang Celeste lang.
"You looked beautiful as always, hija." She commend me.
I smiled at her and flipped my hair. "Just like you, Dra." I winked at her, which made her laughed and blushed.
Dra. Mendez is beautiful, she's already in her early fourthy but she looks younger than her age. Eleganteng-elegante rin, halatang may pinag-aralan at may kaya sa buhay. And additionally, according to my researches, she graduated with Latin Honors in both bachelors in Medicine and Psychology.
She's a pretty good role model!
"So, how are you feeling nowadays?" She smiled sweetly at me.
"I'm doing good po, I'm feeling normal." I answered.
Tumango siya at may isinulat sa papel na hawak niya, "Does your head hurts whenever you saw some detailed scenes?"
Nag katinginan kami ni Manang, tulad ni Doktora ay nag hihintay din siya ng sagot sa akin.
"Hindi na po." Umiling ako.
She nodded again. "So... the last time your head hurts was when..." she paused and flipped the notes she had, naroon ata nakasulat ang mga info about me.
"It was three years ago." She correctly said. Yes, that was when my mom died.
She knew what happened three years ago and the way she looked at me speaks a lot of things I know.
Matapos niya akong tanungin nang marami pang tanong, she showed me a lot of detailed pictures and asked me afterwards about how many buildings are there, how many people are on the picture or how many windows does the building has... or something like that.
Nasagot ko nang tama ang lahat ng tanong niya, the picture she gave me was very vivid in my memory to the point I can explain what exactly was in there. Matapos noon ay tumayo si Doctora. She will do something on the paper ata, just like what always happened during my session with her.
Nag paalam siya saglit at pumasok sa isang kwarto sa likod lang namin ni Manang Celeste. Ilang saglit kaming napatingin doon, matapos noon ay narinig ko na ang buntong hininga ni Manang.
"Ang sabi ni doktora noon, hindi naman 'yan gaanong delikado pero hindi pa rin mawala sa akin ang mag-alala sayo." She said.
My heart suddenly feels heavy with what she said. I looked at her and saw how her eyes glowed while looking at me. She have seen a lot of me and my family through years, siya ang nag alaga sa mommy ko... and she was also the one who takes care of her until she died... so I think she was traumatized by that... at ang takot na iyon ay nag patuloy sa akin... at sa kalagayan ko.
"Huwag kang mag-alala, Manang! Wala lang 'to." Pag papalakas ko sa loob niya.
Sasagot na sana siya ngunit bumukas na ang pinto at iniluwa na noon si Dra. Umupo siyang muli sa swivel chair niya at inilahad sa amin ang resulta.
Dra. Mendez smiled at me and looked at Manang. Inayos niya ang coat na suot at pag tapos noon ay humarap sa akin.
"Ms. Mendoza, May I speak to Manang Celeste alone?" Pakiusap ni Dra. na medyo ikinagulat ko.
But, of course I nodded.
"You can go to the room where I came from, this will just take a minutes to discuss and don't worry, my nephew is there to entertain you, hija." She said.
Tumango ako at sinunod siya. I'm a little bit bothered about her sudden agenda with Manang but to respect her, sinunod ko ang pakiusap niya.
Kumatok muna ako sa pinto dahil sabi ni doktora ay narito ang pamangkin niya, matapos ang ilang katok ay tahimik akong pumasok at marahang sinara ang pinto.
Tipid akong nag angat ng tingin sa kabuuan ng kwarto... and to my surprise... I saw Law standing near the glass window behind, showing the familiar city lights that he posted on his account.
He doesn't looked surprise, hindi gaya ko. Dahil noong mag tama ang paningin namin ay agad siyang tumalikod para sa tanawin sa kanyang likod.
Bumuga ako nang hininga, hindi ko alam na pinipiit ko pala ang pag hinga ko at mabilis na kumakalabog ang dibdib ko. Kanina naman ay hindi ako nahihirapang huminga noong pumasok, pero noong mamataan ko siya, bakit tila kay hirap ang kahit huminga?
At bakit ba ako nahihirapan si Law lang naman 'yan?
"You're here." Gulat ko pa ring saad.
Hindi siya nag salita bagkus ay nanatili lang nakatingin sa labas. He's still wearing his uniform, so I think he managed to go straight here after his class.
Tumikhim siya at nanatiling tahimik. At sa hindi ko rin alam na dahilan, nanatili rin akong ganoon. Nakatikom lang ang bibig at tipid na nakatayo sa tapat ng pintuang pinag pasukan.
Naririnig ko ang malalalim niyang hininga mula sa kinatatayuan, at kahit na ganoon lang ay puring-puri pa rin siya ng mismo kong sistema.
Even his back speaks that he's handsome, hindi mo na kailangang paharapin pa para masabing napakagandang lalaki niya.
"You have a photographic memory?" he suddenly asked. Medyo nagulat ako sa tanong na iyon, dahil wala naman akong napag sabihan kahit na sino sa lagay ko... pero... well... maybe Dra. Mendez told him.
I bite my lower lip and answered, "Uhuh."
He groaned, and looked at me with a grinned. I laughed at him though and I manage to smile at him with a heart that's beating so fast.
Pinanood ko kung paano siyang umupo sa hamba ng sofa na malapit sa kanya, he's now facing the city lights again. Tuluyan niyang binigyan ng pansin ang kaakit akit na mga ilaw sa kanyang likuran.
"If you want... you can come here." saad niya na walang pag dadalawang isip ko rin namang sinunod.
Lumapit ako sa kanya at marahang nag lakad, noong makalapit, I stopped with... enough distance. Pero noong mapansin niya ang pag tigil ko, he quickly grab my wrist so that I can be closer to him... and then the electrifying thing in his body once again affects me.
At ngayon, kami nang dalawa ang tumatanaw sa kaninang pinagmamasdan niya.
"So... that does mean your memory is a unique type of memory?" Bulong niya habang marahang tumatayo.
Tumango ako. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay sa akin, pero kahit ganoon ay kumakalabog pa rin ang dibdib ko at nararamdaman ko pa rin ang kuryente sa sistema ko.
"You can clearly pictured out things you just saw right?" Tanong niyang muli.
Tumango ako.
He smiled at me after that. Nagulat ako roon, hindi ko inexpect ang ngiti niya... and even that he's still smiling at me... parang hindi pa rin ako makapaniwala.
Kumalabog ang dibdib ko.
"That's good to hear." He replied and stood up.
He looked really so handsome. Hindi ko alam kung ilang beses ko nang nasabi 'to... hindi ko lang talaga kasing maiwasang purihin siya.
"Uy, nginitian ako." tunog nahihiya kong bulong.
I didn't mean to sound that way, dapat pilya ang tono no'n...
Sinamaan niya ako nang tingin na tila bang sinasabing napakabad timing at panira ko talaga ng moment.
Ngumuso ako.
He loose his tie and remove it from his neck, ibinukas niya ang unang dalawang butones ng uniform niya at ang bagong imahe sa harapan ko ay ikararangal kong itatak sa isipan ko.
Dahan-dahan ang naging pag lakad niya at ang pag punta sa likod ko, we're now facing each other and his smile is still flastered.
Malaya akong tumunghay sa mukha niya, at sa nararamdaman kong kaba ay tila gusto ko nang himatayin, hindi ko na kinakaya ang kalabog ng dibdib ko.
"I'm kind of worried about you... but I think we can take advantage to that memory of yours." Aniya.
Halos mapatalon ako noong hinawakan niya ang dalawang balikat ko, at marahang pinaabante upang mapatalikod sa gawi niya.
I was about to complain about his sudden move, pero hindi ko na nagawa... because I just feel stunned when I saw a huge mirror before us... that perfectly captured the city lights and the two of us infront.
"If you can really pictured out things in your memory..."
Dumulas ang kamay niya palayo sa mga balikat ko.. and although he's not touching me, I feel electrified. Pakiramdam ko ay namamanhid ako... sa gulat sa inaakto niya... at maging sa nararamdaman ko. He's seriously looking at me from behind and I can't deny that... I like this view so much.
No... I love it.
Kumalabog ang dibdib ko at pumikit, at noong dumilat... I saw him leaning on my ear... whispering things I think I couldn't have been more handled.
"Include this memory of us, then." he whispered.
Kabanata 2
Tinakpan ko ang mukha ko ng unan na kanina ay yakap-yakap ko. Nag iinit ang pisngi ko at habang dinidiin ko ang unan ay mas lalo akong nahihiya sa nasa isip ko.
There is nothing to be nervous about since I'm the only one here inside my room but... bakit ba kinakabahan pa rin ako?
The image of us once again flashed inside my mind.
The city lights, si Law at ako.
"Hay!" Buga ko ng hininga dahil tila na ako hihimatayin sa pag pipigil.
Why am I so affected by that?
I shouldn't be right?! And why does Law did it ba? What's his purpose?
I rolled my eyes. Kagat labi akong humiga muli sa kama at pinag masdan nalang ang kisame sa harap ko.
I'm thrilled that's why I'm chasing him. But does that thrill needs to bother me... to the point that I can't sleep properly?
I looked at the clock on the right side of my bed. Pasado alas dose na at may pasok pa ako bukas, pero heto ako at hindi makatulog.
Hinilamos ko ang kamay sa aking mukha and when I took another set of minutes by just staring on my ceiling, I decided to finally get my phone.
Mag ce-cellphone nalang ako at bahala na nga bukas!
I scrolled down my social medias to take away my thoughts in what happened earlier... pero kahit habang pilit ko nang inaabala ang sarili ay naiisip ko pa rin.
I'm usually joyful and flirty when I'm with him... pero kanina... I think I showed him my other side. Which I don't really understand.
Bakit ganoon?! Dati naman ay hindi ako kinakabahan kapag kasama siya, pero...
"Hah! I can't take him out my mind!"
This is useless! This cellphone is useless!
I scrolled more on my social medias... I have a lot of notifications and chats on my accounts but I'm too lazy to entertain all of that.
Habang nag iiscroll ako sa newsfeed, I found a photo of a bunch of barbeques. I don't usually share things on my newsfeed, pero dahil wala nga akong magawa at hindi makatulog... I'm gonna share this nalang.
I finally shared the photo and captioned it with '#cravings' even though I'm not really craving for it.
And then... back to scrolling again.
As expected, my shared post gained a hundred of reactions in just a minute. But the thing that really suprise me was that certain person who first reacted on my post.
'Caleb Valenziares reacted on the photo you shared.'
Heto nanaman ang puso ko, nag simula nanamang kumalabog nang kumalabog.
Hindi ko pa nga siya nawawala sa isip ko, tapos heto nanaman siya!
Ha! Bakit ba sobrang affected ko ha?! It's just a reaction! There's nothing to feel.
Seriously, I'm over reacting!
Napapikit ako, this is getting out of hand. It seems like I'm not on my purpose anymore, I'm supposed to be thrilled not nervous. What the hell?!
I heard my phone beep. At kasabay ng pag hilot ko sa sintido ko ay siyang pag dilat ko upang basahin ang kung anong mensaheng pumasok sa inbox ko.
From: Caleb Valenziares
Still up?
I licked my lower lip as I've seen who slide on my dms. Napabuntong hininga ako as I heard my heart beating so fast, it beats like as if I'm running miles to miles.
I quickly replied though, kahit na tila hirap na hirap na ko sa kakakalabog ng dibdib ko.
From: Gave Mendoza
Nope, still you.
I chuckled as I touched the sent button. Kinakabahan pa ako niyan, ha!!!!
Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko kay Law. I'm kind of nervous these days when I'm with him, but I can't deny that I like this feelings.
Hindi ko mapaliwanag ang pakiramdam ko... it was unexplained but deeply felt.
I mean... nito lang naman ako nag ka ganito. Noong mga unang araw talagang nang titrip lang ako. Ni hindi kinakabahan, ngayon ko lang napansin na nakakaramdam na pala ako ng ganito.
I heard my phone beeped again. Mabilis ko iyong kinuha, the excitement became evident right now as I have calmed myself. This is the first time I talked to him through medias, and yet ngayon ko lang iyon napansin dahil sa kaba.
Patuloy ang pag beep ng phone ko, it took me second to look at it, and to my surprise it was a face time from Law.
Agad akong napabalikwas at nag tungo sa pinakamalapit na salamin sa kwarto. I looked at my face to see where I can put some attentions on to be more beautiful. At noong makitang wala namang problema, inayos ko nalang ang buhok at damit ko.
Don't get me wrong ha! I'm extremely beautiful but Law is a different story!
Natawa ako sa sarili ko.
"Hello!" I greeted once I saw him on the phone.
Hindi siya nag salita, he only looked at me with his usual expression. Nakatago ang kalahating mukha niya sa kumot and his pillow freely touched his face.
Samantalang ako, nakaupo lang sa kama habang ang buhok ay malayang namamahinga sa dalawang balikat.
"Why are you still up?" He finally spoke.
Kinagat ko ang labi ko, hindi alam kung sasagutin ba ang tanong niya gayong siya talaga ang rason kung bakit di ako makatulog.
"And you're craving for barbecue?" He seriously asked.
Umiling ako agad, ngumiti at nanatiling nakatikom ang bibig dahil hindi ko naman alam ang sasabihin.
"If you want it so bad, I can buy some for you." aniya na ikinagulat ko.
I suddenly want to crave for that for real tuloy! Namula ang pisngi ko sa sinabi niya, the thought of him giving me what I crave in the middle of the night is beyond my expectations!
Gusto ko sanang sabihin pang clout lang 'yun... pero nahihiya ako eh. hihi.
"N-No, but thanks!" Utal kong sagot.
I heard him chuckled, nag angat tuloy ako ng tingin sa cellphone ko. Kahit namumula ay napaangat ako ng tingin para tignan kung anong nakakatawa sa sitwasyon namin ngayon.
"I really like it when you're shy and conservative..." puna niya sa inaasta ko ngayon.
Mas pumula ang mukha ko. He chuckled more, bagay na hindi ko yata makayanan dahil sa naninibago kong puso.
"... because it seems like it's another version of you." he continued.
Napatingin ako sa kanya at napatitig, and he's just there, staring at me too, with a hint of amusement in his eyes.
"Law..." binasag ko ang katahimikan na namutawi sa amin ng ilang minuto.
Dahan-dahan akong humiga at ginaya ang posisyon niya, I'm now also covering the side of my face. I rested my phone infront of me, hinayaan ko iyong dumantay sa unan na nasa harapan ko.
"Why did you do that?" hindi ko mapigilang tanong.
"Hmmm... what?" he asked.
"That thing... earlier."
Namungay ang mata niya sa sinabi ko. Humikab naman ako, hindi ko na pala namalayan na inaantok na pala ako.
Saglit akong pumikit para ibsan ang antok na sumasagi sa isip ko. Nakatapat pa rin ang phone ko sa direksyon ko... ngunit habang nakapikit ay... tila hinihila na ako sa pag tulog.
I convince myself to open my eyes, but the next thing I knew.. when I opened my eyes... it's already morning the next day!
"Damn!" sigaw ko noong makitang alas otso na ng umaga at late na late na ako.
Dead battery pa ang phone ko!
"Gaveriel!" Rinig kong sigaw sa pintuan ko... na sinundan pa ng ilang kalabog.
Dali-dali ko iyong binuksan, at noong mabuksan ay agad kong nakita si Manang Celeste na hindi na maipinta ang mukha.
"Ano ka bang bata ka! Kanina ka pa namin ginigising, pinag alala mo pa ako! Umagang-umaga!" Bulyaw niya sa akin.
"Sorry po, napuyat po kasi ako kagabi." Saad ko at sinapo ang ulong nananakit dahil sa mga biglaang pag galaw.
"O siya dalian mo na at humabol ka sa klase mo. Kanina pa tawag nang tawag si Alyson, kailangan mo raw pumasok!" saad niya bago ako tinalikuran at irapan sa sarili kong pamamahay.
Ngumuso ako at sinunod ang sinabi niya. I charged my phone first before entering the bathroom, at habang naliligo ay saka lang nag sink in sa akin kung bakit nga ba ako napuyat kagabi.
It's because of...
It's because of Law!
At natulugan ko pa siya kagabi!
"Hay!" Bulyaw ko at agad na inalis sa isipan ko ang nangyari kagabi.
I managed to prepare as quickly as possible though, so when eight-thirthy arrives, nasa tapat na kami ng school ni Mang Carlos.
Alas sais ang una kong klase, and it's already our second subject but I really doubt if I can make it... so sa third subject nalang ako papasok.
Tama! Sa third subject nalang.
Nag lakad ako sa pinakamalapit na kubo na makikita ko, good thing the kubos are free and no one is in there... so malaya akong makakapag hintay sa third subject namin.
I opened my phone... finally. Noong mabuksan ay agad akong binulaga ng sandamakmak na missed calls at text mula kay Alyson. Her texts are similar to each other, telling me to come to school and never tried to absent since we will have something to do. I texted her that I'm already here, so that she will be at eased.
Marami kaming gagawin today? What is the sudden agenda?
I open my data connection to see... if Law sent me something... or if he chatted me when I fall asleep...
Noong mag loading ang feed ko, our chat box immidiately made its way on me.
I opened it, at ang unang nakita ko ay ang call namin na umabot ng... ng... tatlong oras?!
We started face timing in exact twelve thirthy-eight, at inabot kami ng alas tres.
Teka, what time do I fall asleep? If I'm not mistaken, wala pang ala una ay nakatulog na ako... so that does mean... he continued face timing with me even if I'm already sleeping? or does he fell asleep too?
Napapikit ako sa kabang naramdaman, he's really getting out of my hand.
From: Caleb Valenziares
Seems like your phone got dried out. Goodnight.
That was his text, and it was sent right after the call ended. I bite my lower lip, and smiled. This feeling... is really something. I can really feel the butterflies inside my tummy.
Mag goodmorning ba ako!?
Eh, ayoko!
Siya nga hindi, eh!
Ngumuso ako at pinindot ang pangalan niya, I checked his profile and the first thing I saw is his latest post about something.
It was a video call screenshot, the girl is covering her face with a blanket, her eyes are closed as well like as if she's sleeping, at dahil doon ay hindi mo makikita kung sino ang babaeng iyon.
But then, I face time with him last night... So I'm positive that it was me.
It was me.
My heart beats so fast.
"Thank you, then." his caption.
Kumunot ang noo ko sa caption niya. I scrolled down again even my hand is not with me anymore. Dahil sa kuryoso, tinignan ko ang ilan niyang post maliban doon ngunit wala na.
Ang huli nalang ay ang pinost niya rin kahapon na litrato ng mga nag gagandahang ilaw ng syudad.
Pinindot ko iyon, libo ang comments doon pero agad ko ring nakita ang ikinomment doon.
Oo nga pala, nag comment ako.
"Then you should be glad, I came into your life." This was my comment.
He also reacted on it, too, pala. Ngayon ko lang napansin. Napangiti muli ako, ngunit agad ding napawi noong maalala ang newest post niya.
What is his caption again?
Hinanap ko ang kaninang post na nakita. I immidiately saw it din naman.
"Thank you, then." the caption.
Napapikit ako. Napangiti at napailing. I don't know how to react actually. I'm speechless and somehow... overwhelm?
Pinaypayan ko ang sarili ko dahil sa nag iinit kong mukha, I feel like my face is burning and I can't do anything about it.
Law is too much!
And why am I getting played in the game I actually started?! I suppose to be the one who did things that Law is doing but... why am I just here?! Watching myself to fall on the trap na ako mismo ang gumawa.
"Gaveriel!"
Lumingon ako sa pinanggalingan ng tawag. I still feel my face burning, ngunit huli na nang maalala ko iyon. I already face the man who called me, agad ko rin namang binawi ang tingin noong makita ang tumawag.
"Whoa! Nag bablush ka naman agad sa akin?" Hindi makapaniwala niyang saad.
Agad akong napatikom ng bibig at automatikong umismid. Ang namumula kong mukha ay pinalitan ko nang simangot dahil sa kanya.
"Nope, don't worry." I replied.
Binigyan ko pa siya ng hand gesture tanda nang di pag sang-ayon habang umiiling.
He laughed, and then leaned on the corner of the kubo. Hindi siya pumasok, nanatili lang siya roon sa hamba habang nakangiting nakatitig sa akin.
"Why are you here? Don't tell me you wait for me here? Hinintay mo ba ako dahil sa napansin mo ang pag ka-late ko ngayong araw?"
Umirap ako sa kanya. "Asa ka pa, Jude."
Hinawakan niya ang kanyang dibdib at sabay umaktong nasasaktan sa sinabi ko. He still smiling though, so I knew that he's just exaggerating things.
"You're so rude, you're hurting me." maarte niyang sabi.
"Hay nako, Jude! Wala akong pakielam sayo!" Irap ko sabay sandal sa upuan ng kubo.
I opened my phone and saw Law's post again. Completely ignoring Jude's presence.
"Seriously?! We're talking, Gave! You're so rude."
I rolled my eyes. "Eh, bahala ka sa buhay mo diyan."
"Talaga? Bahala ka mag kakasakit ako rito. Umaambon, oh?" tanong niya sa akin.
Now that he mentioned it, umaambon nga at makulimlim, it will probably rain. At yes, nag papaambon nga siya.
"Don't talk to me like that, ako ba ang nag sabing mag paambon ka?"
"Kung ganoon ayain mo ko riyan sa tabi mo!" he smiled.
Napatitig ako sa kanya. Jude is always like this to me, he's always getting in my nerves but he's very kind, though.
May pake naman ako sa kanya, it's just that... he's annoying. He's talkative and I don't like men like that.
"Pumasok ka rito kung gusto mo, pero wag mo akong tabihan." tamad kong sabi sa kanya habang binabalingan ang phone ko.
Naramdaman ko ang kaunting pag alog ng kubo, so I'm sure he's already inside. Wala na sana akong balak mag angat ng tingin sa kanya pero noong lumubog nang kaunti ang kawayang upuan sa tabi ko ay tumingin na ako sa kanya.
"I told you not to sit down beside me." Nguso kong sabi.
"Stop it nga, Gave. I want to sit here." ginaya niya ang porma ng nguso ko.
He's now also pouting.
Nag katinginan kami, nakipag titigan naman siya sa akin. Parehas kaming nakanguso sa isa't isa at sa hindi ko alam na dahilan ay naiinis ako sa kanya.
"Stop pouting! Ako lang dapat." bulyaw ko.
Mas lalo niyang inginuso ang labi niya, he's slightly smiling so he can't properly pout, mas lalo akong nainis.
I pouted my lips more and slap his arm. "Stop it!" I hissed.
Hinampas-hampas ko ang braso niya, at kahit buong pwersa na ang gamit ko sa pananakit sa kanya ay wala siyang naging ibang reaksyon kundi ang pag tawa lang. He laughed and stop my hand for slapping him, making him hold my hand for a little while.
Napatingin ako roon at agad iyong binawi, umirap ako at tumalikod nalang sa gawi niya para maiwasan ang pang aasar niya sa akin. Tanging ang halakhak niya lang ang namutawi sa apat na haligi ng kubo, and it is really annoying to think that I'm on the edge of laughing too.
Lol. Stop it, Gave, or he might think of something impossible.
"Oh, so the rumors already reached you, Gave?" He asked, out of nowhere.
Lumingon ako sa kanya at nag taas ng kilay, questions are all over my face about rumors he's talking about.
"That! The rumor about Valenziares and Ysay. I bet you're bored 'no? Nag kapanahon ka sa rumors eh!" Sabay turo niya sa cellphone kong naiwan ko palang nakabukas sa lamesa.
Rumors... what? Valenziares... he mean Law and who?!
"What are you talking about?" Medyo iritable ko nang tanong.
"About Valenziares and Ysay! Ysay confirmed she's the girl on the photo, so everyone assumes that they are a thing." Sagot niya.
Ha?
Wait... What?
Itinikom ko ang bibig ko para pigilan ang sarili sa pag sasalita ng kung ano. Who is this Ysay? It's clear that... the girl on the photo was me! That was my blanket resting on my face, that was my room on the background and yet she claimed that she was me... I mean that she was the one on the photo.
"Hey, Are you okay?" Jude poke my arm to caught my attention.
Binalingan ko siya ng tingin at tinaasan ng kilay. "Sino 'yong Ysay?"
Saglit siyang tumitig sa akin at hindi agad sumagot. Pero noong makitang seryoso ako at medyo interisado ay tumango siya at nag patuloy. "She's very popular, I can't believe you don't know her."
"I don't know her so she's not." Maarte kong sabi.
Medyo nagulat siya sa tono ng pananalita ko pero agad din namang nakabawi kahit na halata ang pag tataka sa mga mata niya.
"Her name is Rebecca Ysabella Valerio, everyone calls her Ysay and as I have said she's popular. She won the intramural pageant last year, hindi mo ba siya narinig noon?"
Umiling ako. "I haven't heard anything about her." Ngayon pa lang.
"She has a very angelic face, maganda kaya sikat." Nag kibit balikat siya.
Why does he always include popularity? What's the essence of being popular when in reality you're pathetic?
Okay. Nang judge na ako.
Kalma, Gave.
Eh, kasi naman!
"Hmp!" Tangig nasabi ko nalang bago tumayo at nag martsa palabas ng kubo.
Mainit ang ulo ko, that's a fact. Hindi ko alam kung anong ikinagagalit ko but I badly need to see Law right now. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan ko si Law, pero... ah! Basta!
The bell rang when I'm on my way to the architectural building, napairap ako at inis tuloy na bumalik sa dinaanan. I'm late to my two subjects so... maybe mamaya ko nalang hahanapin si Law.
I need to confirm if I'm really the girl on that picture, although I knew that I'm really the girl... I need atleast an assurance from him.
When I take my steps back on where I was a minute ago, I saw Jude standing near our building and looking at something far from us.
Tinabihan ko siya... to look on where he's looking. And when I directed my eyes on Jude's line of vision. I saw Law... and a girl.
Probably...
"That is Ysay, Gave." Jude whispered. "See? They are a thing."
Law and that Ysay is talking... sa isa sa mga kiosk habang ang mga papel sa harap nila ay malayang nakabalandra sa lamesa.
"She's the popular girl I'm talking about." Dagdag ni Jude.
Umirap ako sa sinabi niya.
Download MangaToon APP on App Store and Google Play