MATAPOS ang duty ni Shiara ay nagtatakbong sumakay sa elevator papuntang seventh floor. Doon kasi ang mga rooms ng Class A mula first year to Senior high.
“Mga sis!” sigaw niya na agaw atensyon sa mga estudyante ng room ng Grade 10 Class A.
“Tawagan ninyo ang iba nating kaibigan may importante akong ibalita. Dali!” Humahangos na sambit niya habang lumapit sa nagkumpulang mga babae malapit sa white board.
“Pahinging tubig.”
Binigay ni Rozu-mari Mikaela Joryokuju ang bottled water kay Shiara. Siya iyong haponesa na tinulungan ni Castiel.
Kinuha ni Hanie Jeonseol ang kanyang cellphone at tinawagan through video call ang mga nasa group chat. Siya ang Koreanang mala-manika ang hitsura. Sinagot naman ng mga kaibigan ang tawag.
“Napa-video call kayo?” bungad ni Analyn Salvacion, ang modernong Maria Clara ng taon.
“What is it again? I'm busy,” sabi ni Jacinth Aloutte Hathaway sa malamya niyang boses habang hawak ang test tube, ang Amerikanang dyosang nerd.
“Spill it out girl,” sabi ni Xandrite Weld, ang British bitchy witch na nasa lugar kung lumaban.
“Hurry up! Tell it now,” sabi ni Gwen Dulyeom, ang half Thai at half Korean boyish na hindi mo alam kung miyembro ba ng LGBTQ+ o hindi.
Lumapit ng konti si Nim Yeoja kay Hanie para makausap sila. Siya ang Koreanang sunshine girl ng grupo.
“May i-che-cheka raw si Shiara,” sabi ni Nim sa bulol niyang pananalita.
“May i-chi-chika hindi che-cheka mag-formal Filipino speaking ka na lang para safe,” sabi ni Shiara.
“Tell it fast or I will shove your head,” sabi ni Gwen.
Umikot ang mga mata ni Shiara. “Oo na. Heto kasi Gwen, Xandrite lalong ka na Rozu, dito mag-aaral ang crush natin.”
“Really?” sabi ni Xandrite sa gulat at masaya niyang boses.
“He's not my crush,” sabay na sabi ni Gwen at Rozu ngunit pagalit ang tono ni Gwen samantalang si Rozu mahinahon namumula ang mukha.
“So what's the plan gossip girl?” pagbasag ni Jacinth sa kilig ni Shiara at Xandrite.
Kung hindi lang kita kaibigan Amerikanang bruha ka!
“Hmm aha! Hanie puwedeng pakiusapan mo ang boyfriend mong playboy na i-hack ang system sa Registrar office?” paghingi niya ng pabor.
“Err don't call him playboy he's just a gentleman. And I won't take advantage of him,” sagot niya.
Napabuntong hininga siya. Naiinis siya sa pagiging bulag ng kaibigan sa pag-ibig. At saka kapag sila ang humingi ng pabor sa kanya ay nagdadalwang isip pa samantala sa nobyo agad-agad sumasangyon sa gusto nito.
“Advantage mo na sana kapalit ng panloloko niya sa iyo. Hmp! Diyan ka na nga babaeng bulag sa pag-ibig!”
“I'm not blinded by love Unnie,” sagot ni Hanie.
“In denial ang bruha. Bulag talaga,” bulong ni Shiara.
“How about I will sneak to his phone? What do you think girls?” suhestiyon ni Xandrite.
“Bawas points iyan sa pagiging babae mo,” ani ni Analyn.
“Whatever. Come on! We don't have much time. He will come out in MI lab within two hours.” Pagmamadali ni Xandrite.
“Pwe! I hate girls' tactics.” Umaaktong nasusuka ni Gwen.
“Game!” sabay-sabay na tugon ng magkaibigan maliban kay Rozu na namumula, si Jacinth na umiikot ang mga mata at si Gwen na napasapo sa noo.
AT ito ang nangyari pagkatapos ng Operation: Know his identity mission nila.
Nagtipa sa chat si Xandrite na nalulungkot sa balitang sasabihin niya.
“May balita na yata si Xandrite!” nagtitiling sambit ni Shiara.
Ang nakakakilig sana na sandali ay napalitan ng lungkot dahil ang crush nina Shiara ay may kasintahan na. Matagal bago sinabi ni Xandrite ang natuklasan niya kay Castiel dahil alam niyang madidismaya ang apat sa kanilaSiya, Shiara at ang dalawa pang idenial na si Rozu at Gwen. Si Hanie at Analyn ay nagpalakas loob sa mga kaibigan na ayos lang iyon samantalang si Jacinth ay napapailing na lang sa reaksiyon ng mga kaibigan.
KINAKAGAT-KAGAT ni Rozu ang kuko niya. He is in relationship. Nangingilid ang luha sa kanyang mga mata na agad niyang pinunasan.
Why I am crying? tanong niya sa kanyang nalilitong isipan. Crush niya lang si Castiel pero bakit ganoon na lang ang epekto ng nararamdam niya sa binata.
Samantala napagod sa kakalibot sa mall ang apat na magkaibigan na napagpasyahang kumain sa fast food chain. Nag-order ng pagkain at umupo sa vacant seats.
Punta lang ako ng CR, wika ni Castiel.
Nagbanyo siya't naghugas ng kamay. Paglabas niya pupunta na sana siya sa kanilang pwesto nang nakita niya si Rozu na mag-isang kumakain. Nilapitan niya ito na may napansin siya sa dalaga. Kinuha ang bagong panyo na kabibili lang niya noong isang araw.
“Ito,” pag-alok niya ng panyo.
Nagulat ang dalaga kaya nabilaukan ito sa pagkain ng burger. Inilapit ni Castiel ang tubig sa kanya na agad nilagok ni Rozu. Habang umiinom umangat ang tingin niya sa binata. Ngumiti ng alanganin ang binata na naka-angat pa ang kamay hawak ang panyo.
What a coincidence
Dahil sa hiya naisip ni Castiel na baka isipin ng dalaga na FC siya masyado.
“Thanks.” Inabot ni Rozu ang panyo.
Hindi dapat umiyak ang babaeng mas mahalaga pa sa diamante, sambit ni Castiel sa malumanay nitong boses.
Tumango lang si Rozu sa kanyang sinabi. Bumalik si Castiel sa kanilang upuan. Hindi napigilan ni Rozu na ngumiti mag-isa. Naibsan ng wasak na puso ang saya. Tila ba harmony ang tibok ng puso niya na kailanman hindi niya malilimutan ang unang pag-ibig kahit na may bumihag na sa puso ng kanyang unang iniibig.
Nagtipa si Xandrite sa chat na Girls if you add him on FB. I'm the last one to add him. He saw me sneak on his phone, too embarrassing.
PINASOK niya ang cellphone sa Louis Vuitton niyang bag. Glamorous that's the trademark of Xandrite's personality from owning the fashionable expensive things to her gorgeous face and body. She has blonde hair, striking blue eyes, kissable lips. On her perfect body shape and big mountains that every man to die for. Nagsilayuan ang mga kababaihan sa kanya dahil baka matarayan sila kapag haharang harang sila sa daan. Hindi pa naman nagsimula magklase kaya puwede silang pagbuntungan ng kagagahan niya.
Pumasok siya sa Grade Class B. Naaakit na tumingin sa kanya ang mga lalaki. Itinaas niya ang kanyang kamay at ginagalaw-galaw niya ang mga daliri niya.
“Hi!”
Parang wala lang nakayuko si Castiel na nagte-text sa nobya. Nasa Grade 9 Class A kasi ang nobya niya.
Goodluck babe
Ngumiti si Castiel pagka-send ng message. Nag-reply agad si Kath-kath.
You too Kuya Castiel
Pasimpleng hinawakan ni Castiel ang bibig sa kilig nadarama. Nakatingin ng masama si Xandrite dahil alam niya kasing ka-text nito ang nobya.
Tumikhim si Xandrite. “For those people who don't know me I will introduce.”
He’s deadma, let see if you don't notice me if I tell it to everyone.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 12 Episodes
Comments