Saturday : The Name, Academy, And Founder
Bobo...
Iyan ang tawag sa taong ignorante, walang pakialam at makitid ang utak.
Sabi nila walang bobo sa mundo pero slow mayroon.
Bakit may salitang bobo kung walang ganoon sa mundo?
Bobo siguro ang nag-imbento ng salitang iyan.
Pero mas bobo ang nagsabi niyan kung totoo ang kabobohan.
Kasi sila iyong bulag hindi nakikita ang halaga ng iba.
Hindi pamilyar sa teorya ni Howard Gardner.
Na sa hindi lang sa logics nababase ang kakayahan ng isang tao.
Kundi marami pang iba...
Pero may lalaki nagpapatunay na may mas mababa sa salitang bobo at mas mataas pa sa salitang matalino.
Iyon ang pag-ibig ika nga niya.
Pag-ibig na walang kondisyon kundi tama at mabuti lang para sa minamahal.
Pag-ibig na hindi kilala ang kabobohan.
Pag-ibig na hindi kailangan ng mataas na inaasahan kundi kung sino ka man tatanggapin ka.
Lalagpasan ang pagsubok na mayroong matibay na pundasyon ng...
Pag-ibig
NAKATINGALA ang apat na kabataan sa paitaas na sementong daan patungong eskwelahan na papasukin nila. Nasa tuktok ng burol ang eskwelahan na iyon kaya nakakapagod maglakad patungo roon. May mga malalagong punong kahoy sa gilid ng daan at mayroon pang hamog sa paligid dahil ala-sais pa lang ng umaga. Napatingin sa isa't isa ang apat na kabataan matapos masulyap ang lugar.
Ito ba ang daan patungong eskwelahan? sabi ni Elton sa bilog nitong boses habang tinitingnan ang website sa kanyang CP, ang binata na may spike hairstyle at maangas na dating.
Oo, ito na nga iyon, sabi ni Kath-kath sa malagalit nitong tono habang sinusuri ang Google map sa CP, ang dalagitang matangkad at morena.
Let's go! sabi ni Ren sa mahinang boses, ang meztizo, may lahing German at pinakaguwapo sa magkaibigan.
Maganda ang lokasyon ng ating eskwelahan dahil pababa ang tubig kapag uulan ng malakas, mahinhin na sabi ni Castiel, ang nakasalaming moreno, ang mga mata ay nakakaakit na kulay kastanyo, matangkad na kasing tangkad niya ang pintuan, at simpleng pumorma.
Nagsimula na silang maglakad paitaas. Malamig ang simoy ng hangin at para kang nasa langit dahil sa hamog na natatakpan ang nasa tuktok ng burol.
Ano kaya ang buhay natin sa school na iyon? Magiging masaya kaya ang high school days natin katulad ng sa dati nating school? bungad na tanong ni Mia sa mga kaibigan.
Hindi ko rin alam babe basta ano man mangyari gawin nating masaya ang bawat oras natin bilang estudyante, sagot ni Castiel.
Basta ako hahanapin ko iyong mala-diyosang babae sa beach. Pagkaalam ko sa eskwelahan na iyon siya nag-aaral, determinadong sabi ni Elton.
You are good in stalking girls Elton. I'm afraid that your admiration will turn into obsession, pag-aalalang sabi ni Ren.
“Hindi iyon, ano ba! tanggi niya.
Tama si Ren kaya tigil-tigilan mo iyang kahibangan mo sa babae. At saka pag-aaral ang pagpasok natin dito hindi kalandian, pangaral ni Kath-kath.
Sus! Ikaw nga lagi kang pumapasok para makasama mo ako, tudyo ni Castiel.
Nagkantiyawan ang tatlong binata kay Kath-kath. Pikon na hinabol sila ng dalagita.
ILANG minuto ng lumipas nang makarating na sila sa eskwelahan. Talagang napagod sila sa pag-akyat pero walang pawis na lumabas sa kanilang katawan dahil nga sa lamig. Sa itaas ng kulay gintong gate ang nakakurbang semento na may nakaukit na Welcome to Saturday Academy na kulay ginto at kulay puti naman ang semento. Itinapat ng magkaibigan ang kanilang dating school id sa biometrics.
“You are now entered. Welcome to Saturday Academy” boses ng babaeng robot pagkatapos na lumabas ang salitang valid sa screen.
Kusang bumukas ang gate at nakapasok na sila. Pinagmamasdan nila ang eskwelahan. Malawak ang espasyo ng eskwelahan. Puti at ginto ang kulay ng tatlong building na nakatayo sa gitna, kaliwa at kanan.Sa itaas ng entrance ng building nakaukit ang Saturday Academy. Nasa gitna ang fountain tapos sa likod ng fountain ang statue ng lalaking arkanghel na si St. Michael na nakawak ang espada. Nakapalibot sa paaralan ang mga magagandang bulaklak na tila galing pa sa ibang bansa. Kalmado at magaan sa pakiramdam ang ambiance ng eskwelahan.
“Good morning! I'm Shiara Ayala the President of Interpersonal Department. How can I help you?”
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 12 Episodes
Comments