Nagtaka man ang magkaibigan sa pagsulpot at pagpapakilala ng babaeng mukhang madaldal at palaban kahit na mahinahon itong magsalita. Para kasing receptionist o tour guide ang dating ni Shiara sa kanila ngunit ang mas nakapagtataka sa kanila ang salitang Interpersonal Department.
Ano ba ang mayroon sa eskwelahan na ito bakit may ganitong set-up? - Kath-kath
“Where is the registrar office?” tanong ni Ren.
“Pardon?”
“Nasaan po iyong registrar office?” sabat ni Kath-kath.
“I will guide you to go in Registrar office so just follow me,” sabi niya kaya sumunod ang magkaibigan.
Nang marating na nila ang Registrar office. Nilabas nila ang envelope sa bag at kinuha ang laman.
“I will teach you in how to scan the documents.” Kinuha niya ang papeles ni Castiel tapos itinapat sa scanner na kulay puti. Umilaw ito na green tapos ini-scan ang documents. Lumabas sa screen na Your documents are already save. Please proceed to Multi-intelligence laboratory.
“Ano iyong Multi-intelligence laboratory?” mausisang sambit ni Kath-kath pagkatapos ang pag-scan ng kanilang documents.
“The Department Head will explain. For now we will headed to lab,” sabi ni Shiara.
Bagamat naguguluhan ang magkaibigan sumunod na lang sila kay Shiara. Pumasok sila sa school building. Sa labas parang ordinaryong eskwelahan na nakikita sa Kdrama or anime. Pero laking gulat ng magkaibigan kung ano ang nasa loob ng school building. May mga estudyante na dala ang hayop. Mayroon naman dala ang microscope na nagsusuri sa halamanan. Gumagawa ng murals sa pader, nag-te-test ng CCTV at kinokontrol ng robot. May mga estudyanteng nag-to-tour sa bagong student. Nagsusulat ng findings sa research nila sa dala nilang notebook.
Napansin nila ang pin na may logo ng eskwelahan sa kaliwa ng coat tapos may isa o siyam na simbolo sa gilid ng pin. Black and White ang kulay ng uniporme.Ang coat nila ay white at black naman ang manggas nito tapos black din ang kwelyo ng polo, necktie slacks at sapatos sa lalaki samantala ganoon din ang pang-itaas sa babae tapos checkered black and white ang lagpas tuhod na palda, naka-itim na stockings at doll shoes.
“They're doing their activities before or after class,” sabi ni Shiara.
“Ang aga naman ng mga estudyante rito,” komento ni Kath-kath.
“Alam mo nakakatalino kapag maaga matulog at maaga magising,” litanya ni Castiel.
Nakasimangot si Kath-kath, alam niya kasing pinapatamaan siya nito ng salita. Para kasing mantika siya kung matulog.
Umakyat sila sa kaliwang hagdan. Dalawa ang hagdan sa magkabilang gilid. May golden chandelier sa gitna. Sa bawat palapag may harang na gintong bakal na bumabakod sa kahabaan ng hallway.
Sa kanang bahagi sa ika-walong room ang lab. Pumasok ang magkaibigan maliban kay Shiara na namaalam na umalis. Pagpasok nila sa lab puro puti ang loob nito pati ang kagamitan. Bumungad sa kanila ang Department Head na lalaking nakasuot ng uniporme pang-guro na prenteng nakaupo sa swivel chair habang ang mga siko ay nakapatong sa mesa at naka-cross fingers na waring sinusuri ang mga bagong estudyante na nakaupo sa armchair. Nakakabinging katahimikan ang namayani sa lab. Umupo ang magkaibigan sa pinakalikod tapos may binigay na form of evaluation ang secretary sa kanila.
Nang siguradong kumpleto na ang lahat ng baguhang estudyante ay tumayo ang Department Head, matipuno ang kanyang katawan at kahali-halinang mukha na sa unang tingin ay di mo na maalis ang iyong mata sa kanya.
“I’m Knight Black the Department Head of Saturday Academy. Before we start the evaluation, I will explain the process of Multi-intelligence harem and the tools to evaluate your skills.”
Nag-flash sa projector ang mga larawan. Ipinakita rito ang teorya ni Howard Gardner na nine Multi-intelligence na siyang pinaliwanag ni Mr. Knight isa-isa. Hanggang sa napunta na sila sa tools. Pinakita ang maliit na bilog na bakal na may logo ng eskwelahan.
“The counterfeit device by the word itself counterfeit which means untrue and fiction. Once the device put in your ear you will experience an untrue scene that encounters the challenges for you to know your real skills. Just relax and don't panic when you are in untrue scene and don't worry it will not harm your brain. Any question?”
Tumaas ng kamay si Kath-kath . “Para saan po itong evaluation?”
“Knowing and improving your skills. This school is not just for academic purposes but also to enhance your multi-intelligence, any more questions?
Walang nagtanong kaya umimik ulit si Mr. Knight. None then we will start.
“When the systems call your name then please get inside the room.” Itinuro ng secretary ang way papunta sa isang room.
Isa-isa pumasok ang ilang estudyanteng tinawag.
'Please get inside Kath-kath F. Benigno, Castiel N. Fuerte and Elton G. Media and Ren T. McLain'
Tumayo na ang kaibigan at pumasok na sa isang room. Nakita nila ang limang kwarto na nahahati ng dalawang pader. Nasa gitna ang controllable bed pero walang pintuan. Kada kwarto mayroong dalawang lalaki at tatlong babae nakasuot na hospital suit.
Lumapit ang magkaibigan sa kanya-kanyang kwarto. Pinahiga sila sa controllable bed.
Just remember that relax and don't panic, paalala ng babaeng singkit kay Castiel Close your eyes. Sinunod naman ni Castiel ang sabi nito. Inilagay ng babaeng singkit ang counterfeit device sa tainga niya.
Pagmulat ng mga mata ni Castiel naramdaman niya ang bigat ng paligid.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 12 Episodes
Comments