Pagkamulat ng mga mata ni Castiel naramdam niya ang bigat ng paligid na parang mayroong bagay nakadagan sa kanyang dibdib na hindi niya mabuhat paalis at parang tumigil ang hininga niya sa nakita niyang sitwasyon sa paligid.
Remember you have a counterfeit device so everything you see is not true.
Narinig niya ang alingaw-ngaw ng boses ng babaeng singkit.
Huminga siya ng malalim at tinahak ang nagkagulong mga tao. Nasirang pagmamay-ari at sugatan na mga tao. May umiiyak, nagtatakbo, humihingi ng tulong at natatakot. Maingay dahil sa baril at pagsabog ng granada.
Hindi siya nagdalawang isip na tumutulong na parang hindi siya dumaan ngayon sa evaluation.
“Dito kayo!”
Inalalayan niya ang mga tao papunta sa parte ng lugar na hindi naaabot ng baril at granada.
“Ligtas kayo rito.”
Kinuha niya ang first aid kit tapos ginamot niya ang mga batang sugatan. Natutunan niya ang first aid kit sa dati niyang school. Nilagay niya ang ointment sa bulak at dahan-dahan inilalagay sa sugat. Pinulupot niya ang tela sa braso at itinali ito. Sa iba na nagdurugo ang ulo. Nilagay niya ang napkin sa ulo para ma-absorb at tumigil ang pagdurugo tapos binalutan niya ng tela.
Samantala sa untrue scene naman ni Kath-kath. Napunta siya sa forbidden mountain kung saan maraming hayop ang nakabulagta sa lupa sa sobrang uhaw. Napaatras siya sa nakita at natakot.
Nagbago ang senaryo napunta si Castiel sa ibang bansa. May division ang opisina na kanya-kanyang computer, upuan, mesa, papeles at assignments. Ramdam niya ang lamig mula sa aircon at medyo nasisilaw siya sa kulay puting ilaw. Nakipag-usap ang mga tao sa lenggwaheng Ingles. May lumapit na babae sa kanya.
Please bring these reports to CEO. Sabay bigay ng papeles kay Castiel.
“Uhm Miss ah.” Hindi siya makapagsalita ng Ingles.
“Bahala na!” sambit niya sa sarili.
Nagbago rin ang senaryo kay Kath-kath, napunta siya sa museum ng arts. Nakita niya ang mosaic na may nawawalang kapiraso.
Siguro bubuin ang mosaic
Napansin niya ang buong salaming may kulay at arts tools. Ginamit niya ang art tools para makagawa ng hiwa na bubuo sa mosaic.
Kay Ren naman ang mga computers na nasira na dapat ayusin na nagawa niyang ikumpuni samantala kay Elton ang pagguhit at pagpinta na hindi alam kung ano ang gagawin.
Nagbago ulit ang senaryo kay Castiel pagkatapos siyang nabigo sa pakipag-usap sa CEO. Natanggal sa trabaho. Napunta naman siya sa isang kwarto na isang white board, puno ng measuring tools at blue print.
Opisina ng Engineer
Nakasulat ang formula sa blue print pero walang overall length ng hectares. Kinuha niya ang notebook at ballpen nakalagay sa puting mesa.
Bago ang lahat nangyari ang lahat ng iyon. Marami nang napagdaan ang magkaibigan sa dalawang linggo na ang nakaraan.
PAGKATAPOS ng paglayas ni Kath-kath dahil sa pressure na binibigay ng pamilya. Pagsipa sa eskwelahan ni Elton dahil sa pagbugbog niya sa janitor na nagmanyak sa ultimate crush niyang sexyng nurse. Paglipat ng bahay nila Castiel at kanyang pamilya. Pagpapaaral ng kapatid na babae kay Ren sa Metro Maynila.
Naglalakad si Castiel sa kalsada papuntang apartment na tinutuluyan nilang magkaibigan. Mahigpit ang hawak niya sa papel na supot na may lamang trentang pandesal. Napahinto siya sa paglalakad nang makita niya ang mala-anghel na haponesa na kinakausap ang nagtawanang lalaking tambay sa kanto. Batid niya pinag-tri-tripan ang haponesa ng mga ito. Habang tawang-tawa ang tambay sa gestures na pinapakita ng haponesa na tumutukoy sa direksiyon ay lumapit na siya.
“Miss may hinahanap ka bang lugar? sabat niya sa usapan.”
Hindi niya kabisado ang lugar pero naglakas-loob na siyang makialam kaysa naman mabastos ang haponesa, mukhang anghel pa naman.
“Do you know the house of Hazel Alonzo?”
Lagot Ingles!
“Um nagtatagalog ka ba?”
“Oh! I'm sorry. Alam mo ba ang bahay ni Hazel Alonzo?”
“Pasensya na Miss hindi ko rin alam. Pero may no. ka ba sa kanya? Para malaman natin ang address niya.”
“Wala,” sambit ng haponesa na nadidismaya.
“Ganito na lang umuwi ka na para hindi ka mapahamak sa paghahanap sa bahay niya.”
Na-op ang mga tambay kaya minabuti na lang na umalis.
“Tara na pre may nanalo na,” sambit ng isa sa dismayadong boses.
“Ok,” sagot ng haponesa.
“Bago ka muna umalis. Aalukin muna kita nito mukhang gutom ka na eh.” Kumuha siya ng isang pandesal sa supot at binigay sa haponesa na magiliw naman tinanggap iyon. Pinagmamasdan niya ang pagkagat nito sa pandesal.
Manipis, malambot at hugis puso ang kanyang labi.
Nag-iwas siya ng tingin.
Hindi puwede ito, parang nasasabik akong dampian ang labi ko ang labi niya.
Pasimple siyang tumingin.
Malago, itim na itim at maikli ang buhok niya. Gaano kaya kalambot ang buhok niya?
Mapupungay, mahahaba ang pilik, at perpektong hugis ng mga mata.
Perpekto ang hulma ng maliit niyang mukha.
Maganda ang katawan. Parang pinakamaswerteng lalaki kapag nakaakbay siya sa bewang niya.
Habang kumakain ng pandesal ang haponesa ay humirit ang binata.
“Alam mo para kang anghel na bumaba sa lupa. Sobrang amo ng mukha mo.”
“Salamat pero hindi ako maganda.”
“Kung ganoon hindi rin maganda si Liza Soberano?”
“Bakit naman?”
“Kasi kapantay mo siya sa ganda.”
Ngumiti siya sa compliment ng binata.
“Miss, pwedeng pahiram ng CP?”
Wait! What he'd doing? He gonna ask my number or what?
Binigay niya ang CP ng walang alinlangan. Ang gaan ng loob niya sa binata kaya nagtiwala siyang ipahiram ito.
Nag-tipa ng no. si Castiel at na-save ito sa contacts. Binalik niya ang cp sa haponesa.
Mobile number iyan ng police station. Diyan ka tumawag kapag emergency.
Bagamat nadismaya ang haponesa sa gusto niya manggyari ay nagpasalamat siya sa pag-aalala sa kanya ng binata. Sinamahan siya ni Castiel sa paradahan ng jeep. Nang masiguro nakasakay na ang haponesa ay lumapit siya sa driver.
“Sa daan po ang tingin Manong ha,” pagpapaalala na may halong pagbabanta ang boses niya sa pasimpleng pagtitig ng malagkit ng driver sa haponesa.
“Kayo po nakasakay sa jeep bantayan ninyo ang babaeng ito hindi iyong kayo pa ang gumawa ng mali.”
Ang ibang mga taong nakasakay doon ay napaismid, ngumiti at walang pakialam.
NANG umandar na ang jeep ang siyang pag-alis ni Castiel sa paradahan. Binabaybay naman niya ang daan pauwi.
“What did you say? Are you fxcking kidding me? All this time I'm such a fool!”
Nabaling ang atensyon niya sa mag-jowang nag-aaway.
Ligaw—In relationship—Masaya—Nag-away— Break-up.
Ganyan lagi ang set-up ng mag-syota ngayon edi sana hindi na lang maging sila kung hindi naman marunong dalhin maayos ang relasyon, ano?
“Aray!”
Napabaling ang tingin niya sa direksyon kung saan nanggaling iyon.
Iyong babae ang tumapon. Tumingin siya sa lupa. Nakita niya ang singsing.
Wedding ring? Balak ng lalaki mag-propose pero tinanggihan ng babae, ang saklap. Siguro nagloko ang lalaki kaya umayaw ang jowa niya.
Kinuha niya iyon. Napansin niyang may naka-engrave sa singsing.
Saturday? Pagbasa niya sa maliliit na letra.
Bakit Saturday ang nakasulat?
Iba rin ang trip ng mga tao kahit ano lang basta raw memorable.
Iniikot-ikot niya ang singsing. Totoo itong ginto na ang disenyo ay infinity eight na may nakasulat na Saturday sa gitna.
Nakarinig siya ng ingay ng motor na mabilis magmaneho. Napatingin siya roon. Nakita niya na biglang hinablot ng nakasakay sa likod ng driver ang bag ng babaeng nagse-cellphone sa kalsada.
Tulong! Iyong bag ko ninakaw! sigaw ng babae habang pilit na hinahabol ang riding in tandem.
Tinitigan ni Castiel ang driver at kahit na naka-helmet siya alam niyang nagtama ang paningin nila. May kung anong hipnotismo sa mga mata ni Castiel na nagpawala sa ulirat ng driver.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 12 Episodes
Comments