Chapter 3

Sa isang iglap dumadaosdos ang motor sa lupa. Tumatakbo ang mga tao papunta doon sa riding in tandem. Ginawa nila ang civil warrant of arrest, pinagtulungan na hawakan ang riding in tandem para hindi makawala at idadala nila sa police station. Nabawi ang bag ng babae.

Itinago niya ang singsing sa bulsa ng pantalon niya. Hindi niya na nakita ang mag-jowa pagkatapos ng nangyari. Marahil nag-iwas sila sa gulo.

PAGKAUWI ay naabutan niya si Mia na nag-browse sa internet, si Ren na nagluluto ng agahan at si Elton na naglalaro ng ML.

“Nandito na ako,” wika niya habang inilapag sa mesa ang pandesal.

“Tsk! ang tagal mo dumating. Nagugutom na ako,” sabi ni Elton na binaba ang cellphone.

“Gutom ka na pala bakit hindi mo tulungan si bunso sa pagluto para makakain ka agad ng agahan,” pabalang na wika ni Castiel.

“Hoy! Baka nakalimutan mo apartment ko ito, nakitira lang kayo.”

Umiling-iling si Castiel. “Apartment mo nga pero ang gawaing bahay sa amin.”

Aakmang babatuhin si Castiel ng cellphone. “Op! Op! Itatapon ko ang pandesal kapag gagawin mo iyan.” Kahinaan niya ang pandesal kaya napatigil siya.

"Halimaw na nga ang mukha pati ugali," bulong niya na naririnig naman.

"Ah ganoon itatapon ko na ito ha," wika ni Castiel sabay pasok sa kwarto.

"Huwag mong itapon iyan! Nagsasayang ka ng pagkain!"

"Pasensya huli na," sabi niya pagkatapos niya lumabas ng kwarto.

"Aba!"

Sa galit niya binunggo ni Elton si Castiel sa balikat saka pumasok sa kwarto para hanapin ang paborito niyang pandesal.

"Throwing foods can cause stomach ache," sabi ni Ren.

"Hindi iyon mangyayari," sabi niya sabay upo sa harap ng mesa.

"Saan mo tinapon?"

"Hindi mo iyan mahahanap." Kinuha niya ang pandesal na nakatago sa malaki niyang jacket.

"Kasi nandito ang hinahanap mo." Saka niya inilapag ulit ang pandesal sa mesa ng nakangisi.

"Hoy! Saan nga?"

"Bahala ka hanapin mo riyan." Nagpipigil niyang tawa.

Lumabas siya ng kwarto. Nanlaki ang mga mata niya. "Inuto mo ako!" Napagtanto niya matapos makita ang paborito niyang tinapay. Hagalpak na natawa sina Ren at Castiel.

Mabilis na giniit sa leeg si Castiel pero hindi iyon alintana sa taong malakas ang trip na tumawa.

"Bago ka makipag-wrestling kay Kuya Castiel tingnan mo muna ang results ng entance exam mo sa UST."

Napatigil sa kalokohan ang mag-bestfriend nang bigla nagsalita si Mia.

Nakakabigla si babe

"May results na pala," wika ni Elton.

"Oo saka nakapasa ako guys!" sabi ni Mia.

"Wow! Congrats!" sabi ni Ren sa mangha nitong boses.

Nagtalon-talon ang dalawa sa tuwa na may pahawak pa ng kamay.

Huminahon ka Castiel huwag kang magselos mag-bestfriend lang sila. Iyon na iyon. Tapos.

Lumapit si Elton sa computer at tiningnan ang monitor.

"Patay! Bagsak! Papaano ko ito ipapaliwanag kay Mom?"

"Iyan kasi puro basag ulo ang inatupag nakalimutan mag-review," wika ni Mia.

"Sila ang lumalapit para makipagbugbugan kaya wala akong nagawa kundi dalhin sila sa ospital."

"Pinatulan mo naman tsk! Bagsak na nga mayabang pa," wika ni Castiel na naiiling sa kayabangan ng kaibigan.

Tama bang ipagyabang na makipag-away sa mga asungot.

"Tumahimik ka Castiel Fuerte! para namang papasa ka kapag nag-test ka sa entrance exam," pang-insulto ni Elton.

"Sabi nga nila wag ka nang umasa na makapasok sa kilalang eskwelahan kung hindi pasok sa standards ang IQ mo," turan ni Castiel.

"Speaking of standards, mayroong advertisement akong nakita ng isang school, hindi gaano kataas ang IQ standards mo para makapasok dito." Umupo ulit si Mia sa harap ng computer.

Lumapit sila sa kanya. "Nag-research ako tungkol dito. And then ito ang reviews, but something catches my attention na parang private na public daw ang school."

"Iba rin," komento ni Castiel saka binasa niya ang pangalan ng school.

Nagkataon ba ito?

Una, sabado ngayon.

Pangalawa, Saturday ang nakaukit sa singsing na binato sa akin.

Pangatlo, Saturday Academy.

"Ngayon lang ako nakarinig na pinangalanan sa eskwelahan ang ika-anim na araw," komento ni Elton.

"It was supposed to be Bizzare Insignia High School branch before.  And then after one year, the owner insisted to change it into Saturday Academy from his grandson's nickname. Unique isn't it? And it shows here how much the owner love his grandson," sabi ni Ren matapos mabasa ang article.

"Bakit palayaw lang? Hindi buong pangalan?" tanong ni Elton.

"I don't know."

"Pa-mysterious ang owner ha, tingnan mo palayaw ang pinangalan sa eskwelahan," komento ni Elton.

"Ano ka ba the important is may school tayong mapapasukan. Hindi na ako tutuloy sa UST sasama na lamang ako sa inyo," sabi ni Kath-kath.

"Sayang din iyon Mia pinaghirapan mong makapasok doon tapos sasama ka sa amin," panghihinayang ni Castiel.

"I don't care with the school reputation. All I want is to be with you guys. Boring ang high school life ko kung wala kayo," sabi ni Kath-kath.

"Oo nga naman dapat sama-sama tayo para mas masaya," pagsang-ayon ni Elton.

"So that school is not popular?" tanong ni Ren.

"Yes, saka six years ago pa lang ito, ano," sagot ni Mia.

"Mamaya na iyan kumain muna tayo." Pagputol ni Castiel sa usapan.

"Wait! May ire-research pa ako," wika ni Mia sabay tipa sa keyboard.

Napatigil siya sa kanyang ginagawa nang nakarinig sila ng alburuto ng tiyan.

"Gutom na gutom ka na Mia pagkumpyuter pa ang inuna, " aniya ni Castiel.

"Ok fine! Kakain na tayo."

Inihanda na ni Ren ang pagkain. Nagsilapitan sila sa hapag kainan at kumain na sila.

One hundred fifty four hectares ang sagot!

Nakangiting tagumpay na sinulat ni Castiel ang sagot sa blue print. Pagkatapos niya isulat ang four ay parang may pumasok sa kanyang utak. Ang pagkahulog galing langit ng lalaking may pakpak sa lupa. Ang pagdaing sa galos natamo nito na umalingawngaw sa disyertong lugar. Ang mga nagliliyab na apoy na hinahabol siya sa tuwing siya ay lalayo.

Humahangos na napamulat ng mga mata si Castiel na hudyat na tapos na ang evaluation.

"How do you feel Castiel?" Sa paraan ng pananalita ng babaeng singkit ay parang matagal na silang magkakilala.

"Hindi po ako ayos kasi napaginipan ko naman—hindi—binabangungot ulit ako" sagot niya.

"You experienced projection, a presentation of a person or things in your dreams. Maybe that presentation is part of your past," paliwanag ng babaeng singkit.

"Ilan kami na may ganito?" tanong ni Castiel.

"They are many. Actually three years ago when the two new students undergo evaluation they experienced projection."

Huminga siya ng malalim at pumikit ulit.

"Sana matapos na ang projection na ito," bulong niya sa sarili.

NATAPOS na ang evaluation at sinabi ng secretary ang papasukin nilang section. Pagmulat nila sa isang untrue scene automatic naka-record na ang kanilang pangalan sa isang section. Binigay sa kanila ang uniform na may pin. Limang simbolo kay Castiel, apat na simbolo kay Kath-kath,at tatlo naman kay Ren at Elton.

Umupo sa bench ang tatlo magkaibigan na napahiwalay naman sa bench si Castiel na nagtitipa sa kanyang CP. Binuksan niya ang data at nag-facebook. Nagtitipa pa lang siya ng email at password nang maramdaman niyang may nagmamasid sa likod. Pagkabukas ng account pinatay niya ang data at tumingala para makita ang nagmamasid. Nakita niya sa likod niya ang babaeng blonde nang nahuli ay pasimple itong nag-iwas ng tingin.

Napataas ang dalawa niyang kilay at namumungay ang kanyang mga mata na tumingin sa babae.

"Castiel daan muna tayo ng mall," paanyaya ni Elton.

Nabaling ang atensyon niya sa kaibigan. "Basta ba libre mo" hirit niya.

"Oo na," sagot ni Elton.

UMALIS na ang magkaibigan. Samantala ang babaeng blonde ay tumakbo paalis. Pagkauwi ng bahay ng babae ay agad siyang umupo sa computer desk. Binuksan ang wifi at nag-facebook.

"His profile name's NFuerte Castiel" sabay tipa sa keyboard.

Nang mahanap niya ang profile ni Castiel at napasigaw siya, "Bravo! I'm a genius"

Matapos mausisa ang bio ay nadismaya siya na mayroong mga tanong na tumatak sa kanyang isipan.

He's in relationship?

But who is that girl?

The girl's name's private.

Nag-click siya sa group chat na SA goddesses  "I'll tell about this to my girlfriends."

Oh! They are all online.

Nagtipa ng message si Xandrite sa SA dream girls group chat.

"May balita na yata si Xandrite!" sambit ni Shiara.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play