"Shit"
Hindi ako makapaniwala na ang school na lilipatan ni Kio ay ang aming school. Tiningnan ni Kio ang upuan sa tabi ko. Walang Tao dito.
'Jusq po bakit ba ako dito umupo' ang sabi ko sa aking isipan.
"Um... Hello?" Ang sabi ni Kio. Ngumiti siya sakin. Talagang may itsura nga siya. Eto ang unang time na nakita ko siya.
"Hi" Ang sabi ko naman na nahihiya.
"Ano name mo?" Tanong ni Kio.
"Hilise" Ang sagot ko.
"Hilise? Parang alam ko yung pangalan na yon" Ang sabi ni Kio na pinagiisipan kung saan ba niya narinig ang pangalan na yon.
Sumakit ang dibdib ko matapos marinig ito. Pati ba naman pangalan ko nakalimutan mo na?
"Hindi...." Sabi ko ng mahina.
"Huh?" Tanong ni Kio. Narinig niya ata ako.
"Ah..... Ano hindi mo pa ata yun naririnig... kasi rare talaga yung name ko" Tawa ko naman. Pero sa kaloob looban ko ay nasasaktan ako.
...----------------...
RECESS
"Tara bili tayo sa canteen!" Aya ni Val.
Nakatulala lamang ako sa board. Nag alala si Irene sakin kaya niyugyog niya ako.
"Hoy, Lise!" Sigaw ni Irene.
"Sorry....." Ang sabi ko naman na parang lasing.
"Anyare sayo? Tara na sa canteen" Ang sabi ni Val sabay hawak sa kamay ko.
Habang naglalakad kami, tulala parin ako.
Nag alala na sila Irene at Val kaya tinanong nila ako.
"Ano ba nangyari sayo? Okay ka lang?" Tanong ni Val.
Nakatulala parin ako sa canteen at hindi sumagot.
"Hoy!" Sigaw ni Val na nag aalala na.
"Ah.... Okay lang ako...." Ang sabi ko naman.
Nagtinginan sila Irene at Val na may pagtataka.
...****************...
(KIO POV)
'Shet, siguradong wala akong magiging kaibigan sa school na toh' Sabi ni Kio sa kanyang sarili.
"Lahat po ba talaga sila 19?" Tanong ni Kio.
"Oo, ikaw lang yung 16 dun" Ang sagot ni Sister Rem.
Nag alala na si Kio para sa new high school niya. Sino ba namang Hindi? Sa liit niya, Baka mabully pa siya dun.
Pagpasok ni Kio sa classroom ay nanginig siya sa takot nang makita ang lahat na nakatitig sa kanya. Pero napatigil siya ng makita ang isang babae na nakatulala lamang at parang Hindi siya nakita. Parang gumaan ang loob niya at naisip na baka may isang tao siyang magiging kaibigan sa eskwelahang ito.
"Hello, I'm Sean Rodriguez. You can call me Kio" Ang pagpapakilala ni Kio. Ngumiti siya at tumingin sa babaeng nakita niya kanina. Nagulat siya nang makita ang gulat na expression nito.
"Uh" Tumingin si Kio sa tabi ng babae. Walang taong nakaupo dito. Kaya umupo siya dito at tumingin sa babae na may kuryosidad.
"Uhm.... Hello?" Ang sabi ko. Ngumiti ako sa kanya. Parang natulala siya sakin. Siguro dahil ang pogi ko haha
"Hi" Nagulat ako ng sumagot siya ng Hi. Bakit parang ang cute nung nahiya siya?
"Ano name mo?" Agad kong tanong.
"Hilise" Ang sagot niya na nahihiya parin. Shit Ang cute...... Anyare sakin?
Pero parang may naalala ako.
"Hilise? Parang alam ko yung pangalan na yon" Ang sabi ko na may pagtataka. Sigurado akong may kachat ako na may pangalang ganon.
"Hindi...." Narinig ko siya. Nagulat ako ng makita ko ang malungkot niyang mukha. Bakit..... Siya nalulungkot? Tinanong ko siya kasi curious ako.
"Huh?" Ang tanong ko. Ineexpect ko talaga na itutuloy niya yung sinasabi niya pero......
"Ah..... Ano hindi mo pa ata yun naririnig" Tawa niya.
Siguradong alam ko kung ano yun.
Hindi totoong ngiti.
Alam ko yun...... Dahil lagi Rin akong ganon.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 7 Episodes
Comments