Admiring From Afar (Tagalog)
THIS IS MY FIRST TIME MAKING A TAGALOG NOVEL SO PLEASE DON'T EXPECT TOO MUCH FROM ME. I WOULD POST AN ENGLISH VERSION LATER AFTER I DO A 10 CHAPTERS OF THIS NOVEL SO ENGLISH READERS MIGHT HAVE TO WAIT.
Characters:
Main leads:
Hilise Morado - Female lead
Sean (Kio) Rodriguez - Male lead
Side Characters:
Irene Naize - Side FL
Limuel David - Side ML
Valerie Cruz - Side FL
Xavier Mortos - Side ML
...****************...
"Irene!!" Sigaw ko.
Napatakbo si Irene papunta sakin matapos niya akong marinig.
"Lise! Akala ko nasa classroom na si teacher" Sabi ni Irene at napaupo.
"Ang aga mo naman Irene" Sabi ni Val na may pag ka taray sa boses.
"Bakit? Ayaw mo ba na maaga ako?" Tanong ni Irene na may panghihinanakit.
"Aba tumigil na nga kayo kanina pa dito tumatawa si Cali" Napatawa kong sabi. Mas lalo kaming nagtawanan ng makita namin si Cali na hindi tumitigil sa pagtawa.
"Anyare sayo?" Tanong ni Ella na malapit naring matawa.
Mad lalong napatawa sila Irene at Val nang tumawa ako ng napakalakas.
"ahahahahahahaha! Nahahawa na ako sayo, Cali!" Ang pasigaw kong sabi. Nagulat kaming lahat ng may tumatawang babae ang kumalabit sakin.
"Ikaw, Hilise dapat hinihinaan mo yung boses mo! Alam mo naman may misa pa sa ngayong oras" Sabi ng aming principal sa mahinahong boses.
Agad akong humingi ng paumanhin at siya'y umalis na lamang.
Nakalimutan ko atang sabihin na ako'y nag aaral sa isang pribadong eskwelahan. Ito ay isang Catholic School.
"Hala ka Lise! Napagalitan ka ni Sister!" Pabirong sabi ni Ella.
"Ano ba yan! Tigilan niyo nga ako!" Ang sigaw ko habang naiiirita.
"Ayan ka na naman ang ingay ingay mo talaga" Ang sabi ni Val.
"Hoy Val! Tingnan mo nga katabi mo tawa ng tawa! Mas maingay pa sakin...." Ang sabi ko habang mistulang nagtatampo.
(Nakalimutan ko ulit sabihin. Dahil wala pa kaming teacher nasa school grounds pa kami)
Napatawa ulit kami ng hindi parin matapos ang pagtawa ni Cali.
"Hoy, Kayo diyan tumigil na kayo nandyan na si teacher" Ang saway ni Joanne. Napasigaw sa tuwa si Ella at dali daling tumakbo sa aming Classroom. Nagmadali ko na ring sinuot ang Aking bag at tumakbo paakyat ng classroom. Nakasunod sakin Sila Val at Irene na pagod na pagod na sa napakataas na hagdanan. Naiwan naman ang tawang tawang si Cali na ambagal maglakad kakatawa.
Napaupo ako sa Aking upuan habang hinahabol ang Aking hininga.
"Hindi na talaga ako dadaan sa hagdanang iyon ulit, Irene" Sabi ko habang hingal na hingal.
Laking gulat ko ng makita kong halos mahimatay na si Irene sa hingal. Napatawa na lamang ako habang ineexagerate niya ito.
Nagsimula na ang klase at hindi parin tumitigil si Cali sa pagtawa.
"Irene, Ano ginagawa niyo?" Tanong ko na halos pabulong pagtapos kong lumingon.
"Truth or Dare. Sali ka?" Tanong ni Val na nag aaya.
"Ayoko, nandito pa si teacher" Pagtanggi ko. Sa kaloob-looban ko naman ay gustong gusto kong Sumali. Ngunit, ang payo ng aking mga magulang ay nasa ulo ko parin.
Matapos ang klase namin, Nagsimula na ang Recess.
"Gusto niyo bang bumili sa canteen?" Tanong ni Irene na may pag aaya.
"Mamaya na! Tingnan mo yung napakahabang pila" Ang sagot ko habang nakatitig sa mga estudyante sa ibaba.
"Sige, Mag truth or dare nalang tayo" Ang sabi naman ni Val.
Agad akong pumayag sapagkat gustong gusto ko ang larong ito.
"Truth or Dare?" Ang tanong ni Irene sakin.
"Truth" Ang sagot ko.
"May crush ka ba? Sino?" Sabat ni Val.
"Hoy ako yung magtatanong diba?!" Ang sigaw naman ni Irene. Kinabahan ako kasi akala ko mag aaway sila.
"Hayaan mo na, pwede naman ikaw mag tanong next time" Ang sabi ni Val na may pagkataray sa boses.
"So yan talaga tanong mo?" Ang tanong ko kay Val.
"Oo nga" Sagot niyang naiirita na.
"Oo may crush ako pero wala siya dito sa school" Ang sagot ko.
"Edi sino nga?!" Tanong ni Val na hindi na makapagantay sa Aking isasagot.
"Kilala mo si Kio? Siya yung crush ko" Ang sabi ko naman.
"Huh? Hindi ba delikado yun, may crush ka sa online friend mo?" Ang tanong ni Val sa pagkagulat.
"Alam ko pero..... ang sweet niya kasi" Ang sabi ko naman.
"Halah beh, mag move on ka na may gf na yun diba?" Ang sabi naman ni Irene.
Hinawakan naman ni Val ang pisngi ni Irene at napatawa.
"Sabi ng marupok na toh na nag intay sa crush niya for 8 years" Sabi ni Val na parang nanglalait.
"Hoy, malapit na akong mag move on" Sabi ni Irene at pinikit ang kanyang mga mata.
Napahinga ako ng malalim at pinisil ang Aking kamay.
Tunay ngang may gusto parin ako sa kanya.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 7 Episodes
Comments