Bumaba na kaming tatlo after naming mag Truth or Dare.
"Sobrang nakakahingal talaga tong hagdanan natin" Ang reklamo ko. Naiinis na ako kaya hinawakan ko ang kamay nila Val at Irene at tumakbo ng napakabilis.
"Hoy, Lise! Pag nadapa tayo!" Ang sigaw ni Irene na may Halong pag aalala.
"Okay lang yan Hahaha!" Ang sabi ko naman.
Hingal na hingal kami pagdating sa canteen.
Pumila na nga kami at napakaunti ng mga bumibili. Sakto lang kami ah.
Nung kami na yung bibili, Wala nang ibang estudyante na dumating pa.
Nagbiro yung Sister na nagtitinda.
"Mga dalaga na kayo ah, siguro may crush na kayo?" Ang birong sabi ng sister.
"Meron pong crush si Val!" Sigaw naming dalawa ni Irene habang tinutulak si Val.
Tawang tawa kami habang namumula ang mukha ni Val.
"Sino crush mo Val?" Tanong ni Sister Rem.
"Sister Rem naman eh...." Nahihiyang sabi ni Val.
Kaming dalawa naman ni Irene ay nagpatuloy sa pag sabi ng "Ayieee"
Nagsimulang manghula si sister Rem kung Sino ang crush niya.
"Sino ba? Si Jace?" Ang tanong ni Sister Rem.
Hindi sumagot Si Val kaya kami ang sumagot ni Irene.
"Hindi po!" Sabay naming sagot.
"Si Cyd?" Tanong naman uli ni Sister Rem.
"Lalong hindi po!" Sigaw namin ni Irene Ulit.
"Edi Sino? Yung kambal?" Tanong ni Sister Rem.
Napatili kami at pumalakpak.
"Malapit na po, Sister!" Tawa namin nila Irene.
"Si Pau ba?" Tanong ni Sister Rem.
"Yuck! No!" Sigaw ni Val.
"Si Mark?" Tanong ni Sister Rem.
"Hindi, yuck talaga" Sabi naman ulit ni Val na Nandidiri.
"Edi si Xav?" Tanong ni Sister Rem.
Napahinto si Val at hindi makapagsalita. Siya ay pulang pula na.
"Tama po, sister Rem! Hahaha!" Napatili kami sa kilig at nagyakapan. Napatawa nalang kami at si Val ay pinipigilan kami sa inis.
"Ikaw naman, Hilise, May crush ka?" Tanong ni Sister Rem. Di ako nakasagot. Nagmistulang estatwa ako at hindi nakagalaw.
"Wala po yung crush ni Lise dito sa school" Ang sabi ni Val.
Napa "ah" nalang si Sister Rem. Ngayon naman, ay tinanong niya si Irene.
"Ikaw? Sino crush mo?" Tanong ni Sister Rem.
Biglang nagulat si Irene at sabay naming dalawang isinigaw na crush ni Irene ay si Pau.
Nagulat si Irene at sumigaw ng "Hindi ko siya crush!" Napatakbo siya habang hila hila ako. Hindi ko kayang pigilan siya dahil napakabilis ng pangyayari. Naiwan ang mga binili namin na yogurt stick. Napahingal ako at hindi halos makatayo ng Maayos sa pagod.
"Ano ka ba, Irene?! Iniwan na natin si Val!" Ang sigaw ko. Hingal na hingal ako habang tumatawa.
Ang araw na iyon ay Isa sa mga araw na hindi ko malilimutan.
"So, anyare sa inyo ni kio?" Tanong ni Irene.
Napasigaw si Val sa inis.
"Ayan na naman kayo! Kio ng Kio!" Ang sigaw ni Val. Naiirita na siya dahil halos isang milyong beses na niyang narinig ang pangalang iyon.
"Gusto niyo bang ipost ko kayo with #marupoksihiliseatirene ?" Ang iritang tanong ni Val.
"Okay lang, marupok naman talaga kami" Ang sabi ni Irene. Napatawa na lamang ako.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 7 Episodes
Comments
Athy Inoaden
@Calixta basahin mo na daliiii
2022-12-02
0