Pagkauwi namin, napaupo agad ako sa aking upuan sa kwarto at binuksan agad agad ang phone ko. Pagpindot ko sa FB ay nakita ko agad yung post ni Kio.
"In a relationship with Hannah....."
Parang bumagsak ang mundo ko ng mabasa ko ito. Gusto ko siya pero may gusto na siyang iba.
Tinakpan ko ang aking mata gamit ng aking mga kamay. Gusto kong umiyak na Halong Hindi.
Nanginig ang aking mga kamay at pinindot ang new chat ni Kio.
Kio: Omg! In a relationship na ako sa kanya kaso Drs palang....
You: So?
Kio: Sooner or later, magiging real na relationship namin
Hindi ako nag reply matapos makita iyon. Talaga bang hindi niya Alam na may gusto ako sa kanya O inaavoid lang ba niya ang feelings ko?
Tandang tanda ko pa rin yung unang nagkakilala tayo.
Leona: Lise gusto mo add kita sa isang GC?
You: Anong GC ba?
Leona: Basta parang household
You: Okay, sure
Leona Neuschwanstein Added you to the Group.
?: Welcome
?: Welcome
?: Welcomeeeee
Irene: Haluh nandito ka na rin welcomeeee
Limuel: Kilala mo?
Irene: Siyempre kaklase ko yan eh
You: Hiiii Irene!!!
Cali: Haluh nandito ka rin vebs
You: Hahaha hello
Kio: Sino yan, @leona?
Leona: Admin sa isang GC ko
You: Nice to meet you all poooo
pagtapos nun ay di ko na muna binuksan ang GC.
Masyadong tinamad na ako.
Biglang may notif.
"Sino Kaya toh?" Tanong ko sa aking sarili. Nakita ko ang pangalan nito "Sean Kio"
Pinindot ko ito at nakita ko ang chat niya.
Kio: Hi
You: Hello
Kio: How old are you?
You: 19 po
Kio: hahaha 15 palang ako
You: Bata.
Kio: Hala, Lola mano po
You: Anong Lola? Bataaaaaaaa~
Kio: Hahaha makalimutin na talaga mga lola ngayon isip parin nila bata sila.
You: Basta bataaaaa
You set the nickname of Sean Kio to Bata~
Kio set your nickname to Lola
Kio: Lola~
You: Bahala ka nga diyan.
Kio: Hala bye
Pagtapos nun ay humiga na ako ng biglang may notif na naman.
"Ano ba yan?!!!!" Nainis kong sigaw.
Tiningna ko yung notif.
Sean kio tagged you with a post
"Ano ba problema nito?" Tanong ko sa aking sarili.
Tumingin ako sa post niya na nakatag ako.
"@Hilise Mano po, Lola Hahaha"
"Kangina di toh makakamove on sa Lola" Nainis na ako kaya nag post rin ako.
"@Sean Kio Bata, gusto mo candy? Para manahimik ka na."
Natawa ako pagtapos nun. Nag laugh react naman si Kio sa post ko. Nagulat ako ng may nag comment.
"Luh si lola oh~"
Hindi talaga titigil tong batang toh.
Ang sabi ko sa aking sarili.
Pinindot ko yung family and ni list ko siya as my grandson.
You: Oh ayan lola na ako. Masaya ka na?
Kio: Sinong nagsabi na masaya ako. I'm just saying the truth~
You: Shut up you idiot
Natulog na lamang ako pagtapos nun.
Simula noon naging close na tayo at laging nagchachat. Lagi mo akong pinapatawa at ako naman yung laging naiinis.
Pero isang araw, Biglang nag bago ka.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 7 Episodes
Comments