Kio

You: Hello, Good morning

Kio: Morning

You: Nag seseen ka nalang lagi sa mga chat ko ah

Kio: Busy kasi ako

You: Busy kakachat sa iba

Kio: Ano ka ba, Lola? ikaw ba nanay ko?

You: Ako Lola mo.

Kio: Hahahahaha

You: So anyare sayo? Di ka na nagchachat.

Kio: Wala lang......

You: Weh? May nangyare sayo Alam ko yan

Kio: Nubayan Lola!

You: Shut up Bata. Ano nga nangyari?

Kio: Nag ka crush ako hehe

You: ....

Hindi ako makapag Salita. Sa mga panahong ito ay nagkagusto na ako sa kanya. Nagsimula sa araw na iyon ang kanyang pagbabago. Tuwing nag chachat siya, puro crush niya ang bukang bibig. Nagsimula na rin niyang I-ignore ang mga chat ko.

Kio: Lolaaaaaa nugagawen?

You: Bakit? Anyare?

Kio: Lilipat na ako sa ibang school wahhhhh Di ko na makikita crush koooo

You: Di ko na yan problema

Kio: Mag coconfess na pala ako btw

You: Oh talaga?

Kio: Oo nga

You: Okay goodluck

Sinirado ko ang phone ko at nagsimulang umiyak. Wala na talaga akong pag asa.

BACK TO CURRENT TIME

SA SCHOOL......

"Anyare sayo beh?" Tanong ni Irene.

"Wala lang, umiyak" ang sagot ko. Nakatulala ako sa mga batang naglalaro.

"Bakit naman?" Tanong ni Irene ulit. "In a relationship na crush ko" Ang sagot ko. "Weh? In a relationship na kio mo?" Gulat na sigaw ni Irene.

"Bakit, single ba kio mo?" Tanong ko.

(Same nickname yung both crush namin pero magkaibang tao sila)

"Married nga ehhh" Ang sabi naman ni Irene.

"Hoy, ang aga aga pa Kio na naman pinaguusapan niyo" Ang sabi ni Val na tila pagod na.

Pagtapos ng klase namin, Dali daling bumaba kami ni Val.

"Ice cream~" Ang sigaw naming dalawa.

Pagkalabas namin sa school ay nandun ang ice cream stall at bumili kami agad. Sarap na sarap kami habang dumaan si Irene.

"Uy, palibre hahaha" Ang sabi ni Irene.

"Hala, umutang nga lang ako eh" Ang sabi ko. "Sige sure basta bayaran mo bukas ah" Sabi naman ni Val

"Anong libre yan?" Ang tanong ko. "Scam." Sabi ni Irene at nagmadaling umalis.

"Lagot ka Val" Ang sabi ko. Tinarayan na lamang ako ni Val at sumakay na kami sa service.

"Chismisan na naman!" Ang sabi ko.

"So may chismis ka, Cali?" Tanong naming dalawa ni Val.

"Wala hahaha si Nicole ata" Ang Sabi ni Cali.

"Haluh bat nakatingin kayo sakin wala akong chismis. Nakikinig lang~" Ang tawa ni Nicole.

"Ay may chismis pala ako!" Ang sigaw ko.

"Nuyon?" Tanong ni Val. "Drs lang sila ni kio!!!" Ang sigaw ko. Pagtapos nun ay tinakpan ni Val ang tenga niya. "Tumigil ka na pls sa kaka kio mo. One million times mo na yan sinabi" Ang sabi ni Val.

Pero napatigil siya ng makita niya akong malapit Nang umiyak.

"Lagot ka Val" Ang sabi ni Cali.

"Hala wag kang umiyak Lise, Bawi nalang next life" Sabi ni Nicole na pabiro.

"Gara tumigil ka diyan Nicole" Ang sabi ni Cali at tumawa.

"Gusto kong mag move on pero di ko kaya" Ang iyak ko. Iyak ako ng iyak. "Hala sorry na beh" Ang Sabi ni Val habang cinocomfort ako.

"Punta ka sa CR dun ka umiyak" Ang biro ni Cali.

Napatawa ako ng malakas pagtapos marinig ito.

"Diba ang funny ko" Tawang Sabi ni Cali.

"May umiiyak diba? Panira talaga ng moment" Ang tawa ko habang pinupunasan ang aking luha.

Pagtapos nun ay blinock ko na si Kio.

I will forget him. Yun ang sabi ko sa sarili ko.

Pero bakit ganito ang tadhana?

Lagi kaming pinagtatagpo. Kahit sa school na toh.

"Class, may bago kayong kaklase. Mas bata siya sa inyo kasi nag skip lang siya" Ang sabi ng aming teacher.

"Magpakilala ka" Ang sabi ng aming teacher ulit.

"Hello, I'm Sean Rodriguez. You can call me Kio" Ang ngiti ni Kio.

"Shit"

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play