KELVIN
Paggising ko ay lalong bumigat ang pakiramdam ko..Gusto ko sanang manatili na lamang sa silid ko ngunit bigla kong naalala ang aking kakambal kaya hindi ako nag-alinlangan tumayo na at bumaba papunta sa sala
Pagkadating ko sa sala ay umiiyak na si mom na nadatnan ko
"Hindi na ako mapalagay, Kelvin.... Mas mabuti sigurong puntahan mo na ang kapatid mo sa U.S! Hindi na talaga maganda ang mararamdaman ko, kagabi pa parang kinakabog ng husto ang dibdib ko... Tinawagan ko na din ang mga kamag-anak natin, sinabi kong hindi na matutuloy ang pagpasyal natin doon... Mabuti pa ay bumyahe ka ngayon din papunta sa U.S" Wala akong nagawa kundi sumang-ayon na lamang dahil nag-aalala na din ako para sa kanya
GRACE
"Mom, huwag ka po sana magagalit sa sasabihin ko" paunang bungad ko kay mom, medyo kinakabahan ako
" Ano 'yon baby? Na hindi ka matutuloy sa pag-uwi dito?" Mom said
" Nope mom, I have one client who want to see our property, Sunday mom bibyahe kami roon tsaka baka sunday ng Gabi ako makakauwi dito" sagot ko
" Eh ano pa bang magagawa ko baby, alangan naman na hindi ako pumayag eh trabaho o 'yan diba?" Mahinang sambit niya
" Thanks mom, I promise babawi po ako,uuwi po ako sa America kapag hindi na ako busy sa trabaho"
" Mabuti pa siguro ay kami na lamang ng dad mo ang umuwi diyan"napangiti ako dahil sa kanyang sinabi, matagal ko na din kaseng hindi nakikita si mo tsaka miss ko na din siya.
"Are you sure mom?" Tanong ko sa kanya
"Oo naman baby, what if bukas ako bibyahe paputa diyan? Tapos susunod na lang ang dad mo sa akin"sagot niya
" Naku mom, mabuti pa nga para naman makapasyal ka ulit dito, at least kahit nasa trabaho ako magkikita pa rin naman tayo sa hapon pag-uwi ko dito sa bahay galing trabaho diba?"masayang sambit ko sa kanya.
" That's my plan baby.. just for 1 week "
" Bongga!" Saad ko, bahagya namang natawa ni mom dahil sa sinabi ko
" Kung sunday ng gabi ka kamo makababalik diyan eh sa hapon ng sunday nandiyan na ako, pwede na akong mauna diyan... Tutal may duplicate key naman ako sa condo mo"Saad ulit niya
" Tama mom, Kilala ka naman na ng guard dito kaya papapasukin ka nun."
" Okay, wait asan ka ba ngayon?"
" Andito po sa condo ko mom, kase hindi ako pumasok dahil masama pakiramdam ko" I answered
" Take your medicines baby, tsaka magpahinga kana lang muna...sige na at madami pa akong gagawin" mom said
Suddenly i ended the call, after how many minutes, napagpasyahan kong magprepare ng warm tea para sa aking sarili the i open my iPad.
Nang magutom ako sa bandang tanghali,nagpa deliver na lamang ako ng fries and burger sa McDonald's. Ito na lamang ang magiging lunch ko.
After an hour, inantok na ako at hindi ko namamalayang nakatulog na pala ako sa aking sofa.
KELVIN
Nasa kalagitnaan pa lamang ako ng biyahe ng makaramdam ako ng paninilo at ramdam kong mas lalong tumaas pa ang lagnat ko pero pinilit ko pa rin na magmaneho para makarating agad ako sa pupuntahan ko.
Fast Forward...
Pasimple akong pumasok sa loob ng condo ng aking kakambal...Magiliw naman akong binati ng guard.
Dumeretso agad ako sa elevator..Nang umandar ito ay mas lalo pa akong nakaramdam ng pagkahilo.
Sukang-suka na ako, mabilis kong hinugot ang pango sa aking likod ng bulsa ng aking pantalon at itinakip ko sa aking bibig...Sana naman ay nasa unit nito si Kerevin.
Dinukot ko ang aking cellphone sa aking bulsa ngunit hindi ko napigilang mapamura! Lowbat na pala ito, hindi ko pa naman nadala ang aking charger sa kalituhan ko kanina!
___Sa wakas ay nakarating na ako sa fifth floor, pagkatapat ko sa unit ni Kerevin na 504 ay bumuntong hininga muna ako bago ako tuluyang kumatok sa pintuan....Kumatok ako ulit dahil walang tumutugon sa unang pagkatok ko ngunit bigo pa rin ako dahil walang sumasagot.
Sinubukan kong pihitin ang doorknob, laking saya ko ng hindi ito nakalock.
Pumasok ako sa loob, napakunot ang aking noo dahil parang ang laki ng nabago sa unit ng aking kapatid....Ibang sofa na ang nasa sala, noong unang punta ko rito na kasama ko ang mga parents namin ay maroon pa lamang ang kulay nito, ngayon ay light pink na....Halos lahat ng furniture, pati na nga figurine na nakadisplay dito ay parang pambabae na lahat.
Ipinagkibit-balikat ko na lamang iyon, "Kerevin?" sambit ko ngunit tahimik ang buong unit! Wala akong naririnig na kahit na katiting na kaluskos man lang
"Kere---" Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng biglang dumilim ang aking paningin....Mabuti na lamang at nakuha ko pang umupo sa sofa bago ako tuluyang bumagsak at mawalan ng malay.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments