Episode 2

GRACE

"Kung magpayo ka naman parang expert ka sa pag-ibig ah!" pagmamaktol na sambit niya.

" Nagbabasa kaya ako ng *******" pamimilosopo ko pero totoo namang addict ako sa ******* eh!  "Hay! nagawa mo pa akong kutyain... Iligo mo lang yan Dha, tignan mo para kang bruha ang gulo-gulo ng buhok mo gosssshhhh!"Natatawang sambit ko sa kanya.

" Hindi Grace, iba itong nangyari sa amin ni Leo... Imagine, two years na rin naman kaming mag-on at ni minsan hindi siya nagloko sa akin... Ngayon lang!"malungkot na saad niya

Tinapik ko ang aking noo dahil sa kanyang sinabi..."Ano pa nga ba? Hmmmp! Bahala ka na nga." Iniba ko na ang usapan namin. " Nagbake ka ba ng cake para sa atin?" tanong ko

" Oo meron na,nasa ref." Ani 'ya

"Good! Ehh anong ulam natin mamaya?" dagdag ko

"Ikaw na lang ang magluto,ubos na ang energy ko"nakayukong sagot niya sa'kin.

" Oo na,Tara na sa kusina para makapagsimula na ako sa pagluluto" tsaka na kami pumunta sa kitchen.

KELVIN

"Oh! My super handsome grandson" masiglang sambit ni mommy sa anak ko...Oo may anak ako ngunit hindi maganda ang kinalabasan ng pagsasama namin ng kanyang mommy.

"Oh shhhhh!! I'm your grandmother Louie, I'm your Lola okay?"

" Naninibago pa siya sayo Mom, ibigay mo na lang muna kay Rian," sambit ko, ang tinutukoy kong Rian ay ang Yaya ng anak ko..."Kailangan na rin muna niyang matulog dahil sa mahabang biyahe"dagdag ko pa.

" Tama si Kelvin darling,"sulpot ni dad

" Okay"tipid na sagot ni mom kay daddy.

"Rian, iakyat mo na muna si Louie sa taas..Nakaready na ang room niya doon" utos ko...Binuhat na ni Rian si Louie at nagsimula ng maglakad patungo sa ikalawang palapag ng aming bahay at nagtungo naman kami ni dad sa living room.

"Anong sabi ng mga magulang ni Arlene sayo?" tanong nito sa'kin

" Wala naman dad, sinabi lang nila sa akin na huwag ko daw papabayaan si Louie...Masakit din para sa kanila na malayo ang apo nila and well, masakit din para sa kanila na ganoon ang kinalabasan ng pagsasama namin ni Arlene....Galit sila kay Arlene dahil sa ginawa niya, lalo pa at hindi sila boto sa lalaking sinamahan niya" mabahang paliwanag ko kay dad

Bumuntong hininga ito " Anong sinabi nila sa annulment case ninyo ni Arlene?" dagdag na tanong niya

Huminga muna ako ng malalim saka muling sumagot..." Masakit din para sa kanila, pero alam naman nila na 'yon ang nararapat....I have to start my new life dad at hindi ko 'yon magagawa kung nakatali lang ako sa nakaraan namin ni Arlene."sagot ko kaya naman tinapik lang niya ang aking balikat.

"Tama ka diyan anak, pero tingin mo ready ka na ba talaga kapag naibaba ang desisyon ng annulment case ninyo?" Tanong ulit niya

" Of course dad, may dalawang taon na rin akong naghihintay roon...Gusto kong magkaroon ng tuldok ang relasyon namin,at kung talagang Mahal niya'yong lalaking sinamahan niya ay mabuti na rin na ma annual na ang kasal namin para mapakasalan na rin niya 'yong pinili niya kung sakali." Saad ko

" You sound as if parang hindi ka bitter sa nangyari" natatawang sambit niya

" Nagpakatatag lang ako dad....Mahal na Mahal ko si Arlene noon at hindi ko in-expect na magagawa niya sa akin 'yon, considering na halos apat na buwan pa lamang si Louie noon....Ang pagkakamali ko lang ay pinakasalan ko ang babaeng immature ang pag-iisip! Well,don't want to dwell on the past dad, kung nagloko siya then so be it! Nariyan naman si Louie at kahit papano naman dad ipinagpapasalamat ko na pumayag siya na kunin ko ang anak namin"

Kahit na medyo busy ako sa trabaho ay nabibigyan ko pa rin ng atensiyon ang aking anak na si Louie.

Kung noon ay eight o'clock pa lang ng umaga ay nasa opisina na ako,ngayon ay ten o'clock na ako nagre-report ng sa ganon ay nabibigyan ko ng oras si Louie bago ako pumasok sa trabaho.

Tuwing luch time ay hindi na din ako sa opisina kumakain...Umuuwi ako sa bahay para makasalo at makita ko ang aking anak.....Sa hapon naman ay sa halip na five o'clock ako uuwi, inaagahan ko na ng isang oras ang pag-uwi.

"Ipapasyal ko si Louie sa mga kamag-anak natin sa this weekend mom" sambit ko kay mom habang kumakain kami ngayon

" Ehhh sasama din ako anak" sagot niya, kung sasama si mom baka sasama din si dad.

"Owkey mom, pwede tayong mag-overnight doon, tapos babalik tayo dito ng Sunday ng hapon para masulit naman natin ang pamamasyal kung sa ganon hindi tayo maboring dito"natatawang sambit ko, totoo naman kase eh..napaka boring dito tsk!

" Owkey, para din malibang ang baby boy natin, marami naman siyang mga pinsan doon na pwede niyang makalaro"ngiting sambit niya sa akin habang ngumunguya ng pagkain

Natigilan kami sa pagkukwentuhan ng biglang tumunog ang phone ko kaya agad ko itong dinampot at sinagot ang caller

"Si mama?" Tsk! Hindi man lang naghello ang kambal ko bago ito nagtanong!

Oo may kakambal ako at siya si JHON KEVERIN FUENTAVELLA at ako naman si KELVIN JOHN FUENTAVELLA oh diba parang walang pinagkaiba hahahahaha!

"Hi Tol" mapang-asar na sagot ko sa kabilang linya pero hindi man lang nito sinagot ang pagbati ko sa kanya ng hi...sungit sungit tsk! Masungit din naman ako kaso mas masungit ang kakambal ko grrrr!

"Nandito sa tabi ko si mom, kamusta ka na pala diyan?" Tanong ko pero hindi man lang ulit pinansin yung tanong ko kainis naman.

"Ibigay mo kay mom ang cellphone mo at kakausapin ko siya,hindi ko kase siya matawagan nakapatay ata yung phone niya"

Napabuntong hininga muna ako bago ko ipasa kay mom ang phone ko, sanay na kase ako na ganoon ang trato ng kambal ko sa akin.

"Okay" maikli at cold na sagot ko dito

Habang kausap ni mom ang kambal ko ay nakontento na lamang akong makinig sa mga isinasagot ni mom sa kabilang linya.

Sa tuwing ako ang nakakasagot sa tawag ng kakambal ko ay hindi ako kinakausap nito, just say kinakausap niya ako kaso hindi maganda ang trato niya o pananalita niya sa'kin...Noon pa lamang ay malayo na ang loob ng kakambal ko sa akin dahil naging girlfriend niya noon si Arlene.

Umuwi ito ng lasing na lasing sa isang gabi ng bigla na lamang niya akong pinagsusuntok sa mukha habang minu-mura niya ako sa mga malulutong na salita....Dahil hindi ko na kinaya ang mga sakit ay ipinagtanggol ko ang aking sarili dahilan para tuluyan na kaming magkasakitan.

"Uuwi ka rito sa Friday anak? Sure ka? Akala ko ba busy ka sa trabaho mo? May problema ka ba anak? Magsabi ka lang sa amin"nag-alalang sambit ni ma'am sa kabilang linya kaya napatitig ako sa kanya na bakas sa aking mukha ang pagkakaba at pag-aalala dahil sa mga binibitawang salita ni mom.

Ano na naman kaya ang problema ng kambal ko this time? A few months ago kase napaaway na naman siya sa isang bar.

"Nakuuu naman anak" usal ni mom sa kabilang linya "Bakit ba kase umiinom kayo? Tapos hindi niyo naman pala kaya? 'yong laging sinasabi ng dad niyo sayo na huwag kang masyadong magpapakalasing .....Tama lang na umuwi kana muna dito, mahirap na!" Nag-aalalang saad ni mom dito.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play