GRACE
Kahit papaano gumaan na ang pakiramdam ko pagkatapos kong nagshower pagkagising ko... Paano ba naman kase napakainit
Nakapulupot sa akin ang towel ko na lumabas sa banyo, halos mapatalon ako sa takot ng makita ko ang isang lalaki na nakasubsob na nakahiga sa aking sofa.
Nagpanic ako at patakbo kong tinungo ang dining area upang maghanap ng maidedepensa sa aking sarili dahil sa aking takot... Kutsilyo ang aking naisip, pero sa sobrang pagkaclumsy ko baka bago ko pa maisaksak ito sa lalaki ay nasugatan ko na ang aking sarili.
Nakuuu! Paano ako napasok ng intruder? Bakit nakatulog ata siya sa sofa ko? Ano naman kaya ang drama niya? Andaming bumabagabag sa aking isipan! Anong style ng akyat bahay ito?
Naisip ko kung nakalimutan ko bang i-lock kanina ang pinto ng aking unit pagbaba ko kanina para bumili ng toilet paper, minsan kase ay scatterbrain ako Hayssttt! Nakakalimutan ko minsan na i-lock ang aking unit ngunit ni minsan wala pa namang nagtatangkang pumasok dito kundi ang isang lalaking 'toh lang!
Safe naman ako sa condo na ito but now?......
God, ano ba ang ginagawa ng mga guard sa ibaba? Bakit sila nagpabaya? Bakit sila nagpapasok ng intruder sa aking unit?
Naalala ko ang cellphone ko kaya naisipan kong tawagan ang guard sa ibaba para humingi ng tulong at nagpakawala ng isang malaking hininga ngunit napawi ang aking ngiti ng maalala kong nasa center table ng sala pala ito.
Nabalik uli sa intruder ang isip ko, bakit nga ba natulog ito?! Napagod ba siya sa pamamasok sa ibang bahay at nakatulog siya dito sa aking unit?
Ano ba talaga siya at sino?
Maingat na kinuha ko ang isang malaking garapon na wala ng laman sa cupboard.
KELVIN
Napadaing ako sa sakit ng aking katawan at gumawa mula sa pagkakadapa ko sa sofa... Pilit kong inimulat ang aking mga mata para bumangon, nagtagumpay naman ako sa aking ginawa kahit na sobrang bigat na ng aking katawan.
Pagkabangon ko ay nakarinig ako ng yabag ng mga paa na nagmumula sa bandang kusina ng unit, bago pa man ako makaimik ay sinalakay na ako ng isang babae.
"Ya----a!"
Sa labis na pagkabigla ko ay hindi ko nagawang iwasan ang unang palo niya sa aking ulo, napahiyaw ako ngunit mabilis ko ding nahawakan ang kanyang kamay "Teka!" pilit na sigaw ko dito.
"Hindi mo ako pwedeng nakawan, Gago ka!" She said with a loud voice
Nagpumiglas siya mula sa pagkakahawak ko sa kanya.
Kahit na nanghihina na ako ay nagkaroon pa rin ako ng lakas para tuluyang maagaw ang garapon na hawak nito... Bumagsak ito sa aming paanan at nabasag.
"Stop it, will you?!" Pasigaw na sambit ko
Ang babae---a rather pretty one---ay susuntokin ako sa aking mukha pero bigla siyang napahinto na parang ahas na natuklaw at napatitig sa akin.
"Ikaw?!"
Bahagyang kumunot ang aking noo, nakita ko na ba siya dati? Napatitig ako sa mukha ng magandang babae na ito at nagulat na lamang ako ng muling magsalita ito sa malumanay na tinig.
"Gosshhh, ginulat mo ako! Akala ko pa naman ay kung sinong intruder! Ikaw lang pala at sorry dahil.... God, you're bleeding!" Nag-aalalang sambit niya, I admit she's pretty.
Napasapo ako sa aking ilong at basa nga ito, pagtingin ko sa aking palad ay nakita kong may dugo.. "shiittt!" mahinang sambit ko
"I'm so sorry.. wait, just stay here" pagkasabi niya sa akin nun ay patakbo siyang pumasok sa kanyang silid.
Napakunot ang noo ko na umupo uli sa sofa, bumalik na naman ang matinding pagkahilo ko at panghihina!
Ang babae bang iyon ay si Valerie? Ang ex girlfriend ni Kerevin?
Posible dahil kilala ako nito.
Kung ganoon, tiyak na naririto din si Kerevin, lalong nadagdagan ang sama ng aking pakiramdam at parang gusto na namang magdilim ng aking paningin.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments