KELVIN
Napapailing ako na tumayo mula sa pagkakaupo ko at nagtungo papunta sa kusina para kumuha ng tubig
Tiyak na napatrouble na naman si Kerevin. Sa aming magkapatid si Kerevin ang matatawag na "evil" tsaka ako ang matatawag na "good twin" heheheh kaya hindi ko masisisi ang mga magulang ko lalo na si dad, kung medyo malayo ang loob nila kay Kerevin...May pagkapasaway kase ang kakambal ko kaya ganon.
Pagkabalik ko sa sala ay tapos ng makipag-usap kay Kerevin si mom...umupo ulit ako sa kanyang tabi
"Ano naman daw ang problema niya mom?" Tanong ko sa kanya
Bumuntong hininga ito bago tuluyang nagsalita ulit "Hmmm! Problema niya na naman ang pagkakatrouble niya sa bar na pinuntahan nila ng mga kaibigan niya three nights ago...Nagkarambulan daw sila ng nakursunadahan ni Kerevin ang isa sa mga costumer, umiral na naman ang pagiging basagulero ng kakambal mo kaya binasag daw nito ang nguso ng kalaban niya" napapailing na sagot niya
" Nakasuhan nga raw siya pati na din ang mga kasamahan niya, ayaw daw magpaareglo nong nakalaban nila kase bugbog sarado siya...Gusto daw niyang tirahin ang kapatid mo....Nakatanggap daw siya ng ilang tawag sa unknown number at pinagbantaan daw ang buhay niya! Mabuti naman at naisipan niyang umuwi muna dito para sa kaligtasan niya at gusto din daw niyang iwasan yung Valerie dahil nakukulitan na siya sa babaeng 'yon....Nagulat daw siya kung paano nalaman non kung saan siya nakatira, ayaw daw naman niyang bastusin at palayasin ng ganon ganon na lamang."mahabang paliwanag ni mom, tsk! Malademonyo talaga ugali nung kapatid ko.
Saglit lang nakarelasyon ng kakambal ko si Valerie kaya hindi pa niya nakikita ang dalaga, basta ang alam lang niya ay isa itong businesswoman.
"Bakit ba naman kase hindi matigil yan pagtambay-tambay niya sa mga bar kasama ang mga basagulerong kaibigan niya?! Ilang beses ko na siyang pinangaralan pero sadyang matigas talaga ang ulo niya! Ni hindi man lng siya nagtitino sa mga nangyayari sa kanya!" Galit na sambit ni dad
" Dad, hindi mo naman masisisi si Kerevin...Binata eh" mahinang sambit ko sakto lang para marinig nila.
" Hindi ka naman ganyan noong binata ka eh! Sadyang pasaway at mahirap mapagbago ang kapatid mong 'yan! Mabuti na lang na iwan na niya ang trabaho niya doon at umuwi na dito para dito na siya manirahan ng permanente at matulungan ka din niya sa pamamalakad sa business natin" sagot ni mom sa usapan.
" Iyan ang dapat mong sabihin sa kanya pagdating niya dito mom" mahinang tinig na sambit ko dito
" Gagawin at sasabihin ko talaga 'yan!"
_______Two days passed pilit kong kinokontak ang kakambal kong si Kerevin para sana kumustahin siya pero wala itong reply sa mga text ko o di sinasagot ang mga tawag ko, laging naka-off ang kanyang cellphone....Nag-email na ako pero Wala akong natanggap na reply!
"Sabi niya bukas na siya bibyahe papunta dito!" Naiinis na saad ni dad "Bakit hindi man lang siya tumawag o nagtext ulit?!"
" Ewan ko nga dad, Kung galit siya sa'kin pwede naman siyang magtext sayo o kay mom diba?"sambit ko.
Nag-aalala na naman si mom sa kanya! Hindi man lang kase nagtetext.. masyadong mataas ang pride.
"Mom, pwede ba huwag kang mag-isip ng kung ano-ano? Tatawag din yun mom, huwag ka ng mag-alala diyan" pagpapakalma ko sa kanya, bakas sa mukha ni dad ang pagkairita at galit
" Kailangan ko na atang turuan ng leksiyon ang batang 'yan! Sawang-sawa na ako sa mga inaasal niya!" Ani nito
_____Friday na ngayon ngunit wala pa rin tawag ang kakambal ko...nag-aalala na si mom sa mga inaasta niya! Hanggang ngayon ay naka-off pa rin ang kanyang phone
Ngunit kahit ganon ay hindi pa rin kami nawalan ng pag- asa baka kase nasa biyahe na si Kerevin,baka mamayang gabi andito na siya sa bahay.
Kahit medyo masama ang pakiramdam ko dahil sa walang tigil na pag-ubo at medyo may sinat pa ako, Hindi pa rin ako tumigil sa pagkontak sa aking kakambal....Kung nag-aalala ang mga parents namin ay mas nag-aalala ako para sa kapatid ko, kahit na hindi maganda ang pakikitungo niya sa akin ay hindi ko maipagkakaila na nag-aalala ako
"Matulog kana Kelvin" sambit ni mom "Magpahinga kana para maging maayos na ang pakiramdam mo bukas" dagdag pa niya, tumango na lamang ako tsaka nagtungo sa silid ng aking anak na si Louie.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments