A few weeks after
Devy's PoV
Kakagising ko lang ng biglaan na lamang akong sinalubong ng nagagalak na si Holy.
"Ate!Ate! Dumating na ang package ni mama! Ate!" paggising sa akin ni Holy.
"Ano ba?" naiinis kong sabi at napilitang bumangon.
"Ang package! Buksan natin!" pagyaya ni Holy.
"Naman o! Nasaan ba si papa?" tanong ko.
"Maagang umalis ate! Tara na!" Hinila ako ni Holy pababa ng hagdaanan.
"Buksan mo na!" Nananabik na pag-uutos sa akin ni Holy at inabutan ako ng gunting.
"Bwesit kang bata ka!"
Binuksan ko na nga ang package at tumambad sa amin ang napakaraming mga bagay tulad ng damit, sapatos at bags. Syempre hinanap ko rin iyong sa akin, ang mga libro.
"Ate mukhang sa iyo ito!" sabi ni Holy at itinuro ang isa pang kahon sa loob ng package.
"Anong nangyayari dito?" tanong ni ate Grace na kabababa lang ng hagdanan.
"Dumating na ang package ni mama!" masayang pagkakasabi ni Holy.
"Nasaan ang sa akin?" tanong ate at hinalungkay ang package.
"Ito!" sabi ko sabay abot sa kaniya ng make-up kit.
"First batch pa iyan ate!" Sabi ni Holy pero hindi siya pinakinggan ni ate Grace at umalis na lamang ito na wala man lamang iniwan na salita.
"Maldita!" pabulong na sabi ni Holy.
“Mag-break sana kayo ng jowa mo!”
“Wala akong jowa!” sagot ni ate Grace.
“Hindi ka na sana magkajowa!” pang-aasar niya pa kay ate Grace.
“Hoy, ‘pag ikaw binalikan ni Ate, ‘wag kang iiyak-iyak ha!” sabi ko sa nakababata kong kapatid at nakipagtitigan lang siya sa akin.
“Saan mo natutunan ang mga salitang iyon?” Tanong ko at bigla niyang nilihis ang usapan.
"Ate, patingin ng libro mo!"
"Hindi ito pwede sa mga bata tulad mo!"
"Ten na ako!"
"Bata pa rin ang edad na iyon!"
"Ano bang meron diyan! The more na pinagbabawalan mo ako, the more na gusto kong basahin iyan!"
"Bata ka! Nag-iingat lang ako baka may mature content ito na hindi pwede sa iyo!"
"Mature content?"
"Sabi ko Nature content!"
"Pero..."
"Shhh... magbihis ka na at maaga tayong papasok ngayon!" sabi ko sa kaniya habang tinatakpan ko ang bibig niya.
Pumasok ako sa kwarto ko at binuksan ang kahon.
"Finding Chelsea!, Gravity and love... mukhang maganda ito ah... Ito! One Real Friend.. ito ang una kung babasahin!" Itinago ko kaagad ang kahon sa ilalim ng kama at naghanda na para sa pagpunta ko ng paaralan.
At School
"Llenas, Carmena?"
"Present!"
"Makata, Leah Anne?"
"Present!"
"Bernalles, Divine?"
.
.
.
"Bernalles, Divine!"
"Ma'am? Ah.. Present!" gulat na gulat kong sabi at nagsitawanan ang lahat.
"Devy? Are you okay?" tanong ng seatmate kong si Geneva sa akin.
"Oo... okay lang ako,"sagot ko.
Hindi ko alam kung ano ang nangyayari sa akin. Ang alam ko lang may bagay na tila ba hindi ko maipaliwanag.
"Class... may bago pala kayong kaklase! At nasa labas siya ngayon," sabi ng adviser namin.
"Sino naman kaya iyan?"
"Lalaki kaya o babae?"
"Sana lalaki!" dinig kong bulungan ng aking mga kaklase.
Hindi ako makapagfocus at ang nakakainis hindi ko alam kung bakit. Nakatulala lang ako ngayon sa bintana.
"Please introduce yourself!" sabi ng adviser namin sa kaniya.
"Psst...Pssst." Kinalabit ako ni Geneva na nasa likuran ko.
"Ano?" tanong ko sa kaniya.
"Nakatingin sa iyo ang transferee!" sabi ni Geneva.
Wait, why is he staring at me?
Napansin ko na habang nakatingin siya sa akin kahit na hindi pa siya nakakapagpapakilala ay agad naman akong tiningnan ng klase.
"What?" tanong ko. Nalilito ako ba't ako tinitingnan ng lahat.
"Is there something wrong? Magkakilala ba kayo?" tanong ng adviser namin.
"Hindi." Matipid na sagot ng lalaking transferee at inialis ang tingin sa akin.
Bakit parang ganoon siya makatingin?
"Crush ka yata niya!" kinikilig na wika ni Geneva sa akin at hindi ako nakasagot.
"Introduce yourself," muling sabi ng adviser namin.
"I am Lucero, West Shon. I am from Crihilston Private High School," pagpapakilala niya.
What a weird name..
"Okay West, now let's discuss kung saan ka mauupo!"
Oh no! God! Please huwag malapit sa akin! Ang creepy niya.
"Babaguhin natin ang arrangements ng seat. Ngayon Geneva maupo ka sa last seat sa first column."
Oh no! No! No! Please!
"West, maupo ka sa likuran ni Devy at sa tingin ko magkakasundo kayo!"
Did I offend you in my past life fate? Why am I this unlucky today?
"Ma'am Marites, pwede ka bang makausap sandali?" pang-iisturbo ng isang guro sa kabilang section.
Habang nakikipag-usap ang adviser namin, ako naman ay nakakaramdam ng 'uncomfortable feeling' habang ang transferee ay nasa likod ko.
"Class! Mukhang hindi lang isa ang transferee natin ngayon ah!"
May isa pa? Sana naman hindi weirdo!
Ilang segundo lang ay pumasok na sa klase ang isang gwapong lalaki.
"Hi! I'm Bailey Stewart from Crihilston High School," pagpakilala niya.
Whoaa! Same school with the first one?
"Bailey, maupo ka sa tabi ni Daniella."
Whooa! First row and first column!
"Okay ngayon, may pupuntahan lang muna ako at babalik ako kaagad. Kaya please open your book at page number 71 and answer the following questions! Class president, please monitor those students who are sharing thier answers and kindly list down their names."
"Yes ma'am!" sagot ni Daniella na para bang napakaresponsable niyang tao.
Masasabi kong si Daniella ay matalino at the same time irresponsible. Kahit na binilinan siya ng guro namin na pamunuan kami ay hinihikayat pa niya kami na mag-inggay. Nakikipagdaldalan tapos kapag nahuli ng guro namin sasabihin niya ang linyang... 'sinabihan ko na po sila na tumahimik pero ang tigas po talaga ng ulo nila!' Tsk...
Nang makaalis ang guro namin nagsipuntahan agad ang mga estudyante sa kaniya-kaniya nilang barkada. Maging ako na hindi mahilig lumipat ng upuan ay napalipat saglit malapit kay Geneva dahil sa hindi ako komportable sa upuan ko.
“Bakit ka nandito?”
“Hayaan mo muna ako ako dito, saglit lang naman. Ang creepy kasi ng transferee!”
"Sos...may 'creepy' ka pang nalalaman. Gwapo naman din siya!"
"Hindi siya marunong magsuklay! Tingnan mo nga ang buhok niya, parang pugad ng ibon!" sabi ko at panakaw na tinitingnan ang weirdo na transferee.
"Sa tingin ko pa rin guwapo siya."
"Bahala ka! Paniwalaan mo ang gusto mong paniwalaan."
Uwian
"Bye Devy!" Pagpapapaalam sa akin ni Gen habang binubuksan ang pinto ng kotse nila.
"Bye Gen!"
Ngayong araw kailangan kong magcommute pauwi dahil may kaibiigan akong dapat daanan.
Habang tinatahak ko ang daan pauwi ay napansin ko ang lalaking nagngangalang West na tila ba hinihintay ako.
Oh my god!
Imbes na magpatuloy ay bumalik ako sa daang nadaanan ko na at binilisan ko ang paglalakad. Habang naglalakad ako, naririnig ko rin ang yabag ng sapatos niya.
Sinusundan niya ako! Paano na ito?
Agad akong tumakbo at hinabol niya ako. Nang tingnan ko siya sa likod wala na siya ngunit pagharap ko nakita ko siya na papalapit nang papalapit sa akin.
"Dios ko po!"
"Itapon mo na," mahinang pagkakasabi niya.
"Ang ano?" Nagtataka na lang ako sa mga salitang binibitawan ng bagong salta.
"Ang libro na kulay itim! Ang Blank Book."
"Itim? N-nakadrugs ka ba?" nanginginig kong tanong.
"Huwag mong babasahin ang libro na iyon. Ang librong walang pamagat."
"Ano bang pinagsasabi mo? Baliw ka ba?" tanong ko.
"Nakikita ko siya sa likod mo. Hihikayatin ka niya na basahin ang libro. Ang libro na maghahatid ng kamalasan sa buhay mo."
"S-sinong 'siya'?" naguguluhan kong tanong at napalingon sa likod.
"Ang itim na usok." sagot niya.
Nagiging mas creepy na ito kaysa kanina ah.
"Itim na usok?" tanong ko.
"Basta, huwag mong babasahin!" saad niya at tumalikod at naglakad palayo.
Napaupo ako sa takot at halos mapaiyak sa kaba.
Damn psychopath!
Third Person's PoV
Nang makarating si Devy sa bahay nila ay agad siyang dumeretso sa kwarto niya at napahiga sa kama.
Habang tinititigan ang kesame ay pilit na pumapasok sa kaniyang isipan ang sinabi ng lalaki na nagngangalang West.
"Itapon mo na ang kulay itim na libro."
"Bwesit! May ganoong libro ba ako? Itim at walang pamagat?" sabi ng dalaga sa kaniyang sarili at napatayo at nag-umpisang maghanap ng itim na libro na walang pamagat.
Hinalughog niya ang kwarto ngunit wala pa rin siyang nakikita.
"Damn! Nahalughog ko na ang buong bahay pero wala naman! Sa susunod na tatakutin niya ako tatawag na talaga ako ng pulis!"
Habang napaupo ang dalaga ay napansin niya ang kahon sa ibabaw ng aparador at naalala ang kahon na nasa ilalim ng kama niya. Ang kahon na may tatlo pang librong natitira.
Binuksan niya ito at binasa ang bawat cover at may nakita nga siyang librong itim na walang pamagat.
"Manghuhula siya!" namamanghang sabi ng babae.
Nangingilabot man ay pilit na dinadalaw si Devy ng 'curiosity' niya.
"Bakit naman hindi ko ito pwedeng basahin?" tanong niya sa sarili.
"Hindi naman kaya naglalaman ito ng treasure map? Buwesit mas lalo tuloy akong na-cucurious!" pahayag niya.
"Bubuksan ko o hindi?"
Gustong buksan ni Devy ang libro dahil sa curiosity niya at ayaw niya rin at the same time dahil sa seryusong pagkakasabi ng transferee na kaklase niya.
"Papaano kung magsisi ako kapag nabasa ko ito? O baka magsisi din ako na hindi? Ah basta hindi ko ito babasahin!" palahaw ng dalaga at inilapag ang libro.
"Pero, sisilip lang naman ako at wala namang makakaalam eh! Hanggang chapter 1 lang!" nakangiti nitong sabi at pinulot muli ang inilapag niyang libro.
Binuksan na nga ng dalaga ang libro na itim na walang pamagat at nang buklatin niya ito tumabad sa kaniya ang salitang 'Do not open. Lahat ng pagkakautang ay may katumbas na kabayaran; mapa salapi o buhay man.' na nakasulat pa sa kulay pula na ink... Ink nga ba?
"Wow! Ang catchy naman! Three words pa nga lang but it gave me more reason to open it! Tsaka, para talagang totoong dugo ang pinangsulat!" ani ng dalaga sa sarili habang ino-obserbahang mabuti ang sulat sa unang pahina.
At binuklat pa ng dalaga ang libro.
"Discontinue reading and you'll die," pagbabasa ng dalaga at nagsimula na siyang kabahan.
Tama kaya itong ginawa ko?
Lunok-laway na binuklat pa ng dalaga ang pahina at biglang humangin sa loob ng kwarto niya. Hindi natinag ang dalaga na basahin iyon.
"Ngayong araw na ito ay nakakatakot na araw para sa akin. Hindi na rin ako makatulog buhat ng inggay na naririnig ko sa ilalim ng aking kama at mga boses na tumatawag sa pangalan ko, pati na sa iyak ng babaeng nasa loob ng kabinet ko. Takot akong bumaba ng hagdananan dahil…" Pinagpatuloy ni Devy ang pagbabasa na wala man lamang pagdududa kung bakit ang linguaheng nakasulat ay tulad ng ginagamit niya gayong mula pa iyon sa ibang bansa.
Nasisiyahan pa lalo ang dalaga sa pagbabasa at hindi na nga niya namalayang nakatulog siya.
At isang malakas na hangin ang nagsara sa libro.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments