Blank Book

Blank Book

Kabanata 1

Sa isang malalim na bangin ko natagpuan ang aking sarili sa isang bangungot na siya ring sa ‘kin ay gumising. Tanda ko pa ang panaginip ko kagabi, isang bitag na sa akin raw ay huhuli. Naalala ko rin kung papaano ako hinabol ng mga ligaw na kaluluwang naghahangad ng kaligtasan.

Ilang minuto mula nang ako ay magising nabaling ang aking atensyon sa tumutunog na cellphone ko na nakalagay sa ibabaw ng maliit na kabinet. Agad akong bumababa ng kama at kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag. Isang tawag mula sa isang taong napalayo sa amin, isang tawag mula sa aking ina.

‘Di maipinta ang ngiti sa mukha ko ng mabasa ko ang pangalan ng aking ina.

"Mama, kamusta ka na po?" tanong ko sa aking ina na nasa abroad habang kausap ko sa cellphone .

"Ok lang ako anak, ilang months na lang matatapos na ang kontrata ko dito. Uuwi na ako riyan!"excited na pagkakasabi ni mama.

"Talaga po?" ‘di makapaniwala kong tanong. Biglang nagbukas ang pinto ng kuwarto ko at biglaang pumasok ang kapatid ko ng walang pahintulot ko.

"Ate, akin na nga iyan!" sigaw ng aking kapatid sabay hablot ng cellphone ko.

"Ano ba Hol, ‘di mo ba nakikitang kausap ko si mama? Tawagan mo na lang kaya siya may cellphone ka na man diba?" naiinis na sabi ko kay Holy, kapatid kong babae; at binawi ang cellphone na hinablot niya.

"Ano bang nangyayari dyan, Devy? Si Holy ba iyan? I-abot mo nga sa kaniya, please!" pakiusap sa akin ni mama.

"Tssk, oh ayan na Holy epal ka kasi!" Sabay abot ko ng cellphone sa nakababata kong kapatid.

"Mama, totoo po bang uuwi ka? Talaga? Mama pag-uwi mo bilhan mo ako ng maraming chocolates tsaka 'yong teddy bear, tsaka 'yong nasa advertise ma na candy na sinasabi ko sainyo noon. Sige po. Opo. Mama, alam mo po si ate Devy, bumagsak po siya sa Math subject niya. Tsaka po ako nakakuha ako ng tatlong perfect sa exam," dinig kong pagmamayabang ng kapatid ko kay mama.

"Ang yabang mo naman, alam mo Holy noong kasing edad kita ‘di hamak na mas marami ang perfect ko sa exam, sadyang nagmature na talaga ako at narealize ko na grades will never define how smart you are, it's experience that you learn which makes you wise," pagmamayabang ko.

“Ang sabihin mo ate tamad ka!" sigaw niya.

"Gusto mo kunin ko iyang cellphone ko?" pagbabanta ko sa kapatid ko at lumapit sa kaniya.

"Mama si Ate ohh!"

"Ayan, si mama na naman ang tatawagan!" sabi ko at hinablot ang cellphone ko.

"Huwag nga kayong mag-away! Siya nga pala, nasaan si ate Grace ninyo? Si papa mo?" tanong ni mama.

Tumingin ako saglit kay Holy. Nagtinginan kami dahil sa hinahanap ni mama si ate Grace.

"Mama, si Devy po ito. Ma, si ate Grace po pala ay... ah... " At naramdaman kong may humablot sa cellphone ko- si ate Grace.

"Ok lang po naman ako mama! Good grades pa rin, " sabi ni ate Grace.

"Pakiloudspeaker naman!" sabi ni Holy at iniloudspeaker ni ate ang phone ko habang nakatingin sa amin ng may pagtataray.

"Ano bang gusto mong pasalubong pag-uwi ko Grace?" tanong ni mama.

"Ahmm… Makeup kit na lang po siguro, tsaka offshoulder na damit or even kahit anong dress basta in style," sagot ni Ate.

"Okay, ikaw naman Devy, ano ang gusto mong pasalubong ko para sayo?" tanong ni mama sa akin.

"Ahh, wag na lang po siguro," sagot ko.

"Ang OA mo, 'wag ka ngang mag-feeling mabait tinatanong ka ni mama kung ano ang gusto mo. Respeto Devy! " sabi ni ate with matching eye roll pa.

"Okay, mama siguro pocket books na lang po. Basta kahit anong libro na may story," wika ko.

"Duh, hindi na uso ang pocket books ngayon, may mga application na kaya na magagamit para makapagbasa ng stories. Don't be stupid and out of style, wala akong kapatid na old school," bulong ni ate Grace.

Nanahimik na lang ako habang tinitingnan ako ng nakababata kong kapatid na si Holy at nakita ko na lang na umalis na sa loob ng kuwarto ko si ate matapos i-abot sa akin ang cellphone ko.

"Sige anak bibilhan kita ng maraming libro. Sa ngayon manghiram ka muna ng libro sa library at bumili sa mga bookstore," sabi ni mama.

"Sige po," matipid kong sagot.

"I love you mga anak!"

"Love you din po!" At bumalik si ate sa kuwarto ko at kinuha ang makeup kit na naiwan niya na dala-dala n’ya pa noong pumasok siya sa kuwarto ko.

"Siya nga pala, kayong dalawa 'wag ninyong masubukang isumbong ako kay mama ha? Kapag nalaman ko na sinumbong niyo ako kay mama o kahit papa, magkakagulo talaga tayo," pagbabanta ni ate Grace at umalis na sa kuwarto ko.

Ilang sandali, umalis na din si Holy.

Ako ay isang High School student lang na mahilig magbasa ng libro specially ‘yong uri ng libro na nakakategorya bilang isang novel. Halos lahat ng sikat na libro English man o Filipino nabasa ko na. May 10 years old sister ako at ang pangalan niya ay Holy at isa pang sister na College student na mahilig magcutting classes, lumiban, gumimik at maglakwatsa, 21 year old siya, si Michaela Grace o si ate Grace. Ang ama ko ay isang Architect at palaging wala sa bahay. Umuuwi lang siya tuwing biyernes at umaalis tuwing Lunes. Kung minsan wala siya sa buong linggo buhat ng napakahectic ng schedule niya. Kaming magkakapatid ay maykaniya-kaniyang hobbies. Ako mahilig magbasa, si Holy gustong gusto ang pagpipinta. Si ate Grace ay nagpupunta sa mga Club para kumanta o sumayaw, minsan gumagawa din siya ng music video sa pagbabakasakaling sumikat siya. Nag-aaral ako sa isang private na paaralan at ako ay nasa section one, composed of 36 students. Hindi sa pagmamayabang, matalino ako sa lahat ng subject maliban sa mga Math related subjects kasi reading of words ang gusto ko at hindi numbers. Tsaka naniniwala ako na words lang ang kayang mastore na information sa utak ko and a few numbers only. Hindi ako nagsasawang magbasa, pakiramdam ko kasi nakakaalis ako sa gulo ng mundo; nagiging stress reliever ko ang pagbabasa. Iyong tipong na-fe-feel mo iyong magic na nais ipabatid sa iyo ng may akda, isang magic na ‘di lang lahat ang nakakaappreciate. Nakakawala din ng umay ang bawat letra na nakasulat sa bawat librong binasa ko; mapasci-fic, romance, action o comedy man. Alam ko di lang ako ang nakakaramdam ng ganoong uri ng saya sa tuwing nagbabasa.

Mercy's PoV

Dalawang buwan na lamang ang hihintayin ko para makasama ang aking mga anak. Ano na kaya ang hitsura ni Holy ngayon? Ni Devy kaya? Maayos lang kaya si Grace? ‘Di pa rin nagbabago si Holy, mahilig pa rin sa matatamis, gayundin si Devy obsessed pa rin sa mga libro at pocket books. Si Grace naman niyayakap na niya masyado ang edad niya.

Lumalandi na kaya ang batang iyon? Hay... ang bilis ng panahon… parang kailan lang nang magpunta ako dito at parang kahapon lang din nang nakita ko si Grace na iyak ng iyak ng paalis na ako...

Pag-uwi ko, babawi ako. Ibibigay ko lahat ng gusto nila.

"Excuse me Madame, may I ask to have a leave for tomorrow? I am just going to buy some books outside," pagpapaalam ko nang malapitan ko na ang amo kong babae.

"What are you going to do with books?" tanong niya sa akin at pinatay ang telebisyon na kanina pa niya pinapanood.

"It’s for my daughter. "

"If you want, you can have those books in the library. It's up to you what book you want and how many," sabi niya sa akin at ngumiti.

"B-but madame, i-it's expensive... I mean those books in your library are all expensive, " natataranta kong sagot.

"Don't worry... I am old and my children doesn't really love books. Next year I am going to give the books to the charity and sell some, so don't be shy," usal niya at tinapik ako sa balikat.

"Thank you madame!" pagpapasalamat ko. Walang mapagsidlan ang sayang nararamdaman ko sa pinakitang kabutihan ng amo ko, hindi lang nang mga puntong iyon, kundi simula pa lamang nang ako’y dumating dito.

Matapos kong gawin lahat ng gawaing bahay ay agad akong nagpunta sa library na nasa loob lang mismo ng bahay ng amo ko para kumuha ng mga libro. Pinili ko iyong mga librong may matitingkad na kulay dahil tiyak akong nakakaakit iyon at magugustuhan ni Devy. Halos lahat ng libro ni madame Remi ay parang bago pa at napakamahal.

"Somewhere in nowhere... magustuhan kaya ito ni Devy? Pero mukhang maganda naman!" At agad ko itong nilagay sa maliit na kahon.

Ilang minuto lamang habang namimili ako ay iniwan ko ang kahon sa may pinakadulo sa bandang unahan, malapit sa pinto; para lamang maghanap pa ng mas magagandang libro. Ilang sandali lamang ay namatay ang ilaw, pagkatapos ay bumukas ulit at gumalaw ang chandelier na para bang lumilindol. Nagpatuloy ako sa paghahanap at 'di ko ininda ang nangyayari, nang bigla na lamang muli namatay ang ilaw at may tunog na tila ba may nahulog mula sa mataas na lugar at ako na lamang ay napilitang magmadali.

"Pundido na ang ilaw dito... baka kailangan ko nang sabihan si madame na dapat papalitan na ang ilaw," pabulong kong sabi sa sarili ko habang binabalikan ang maliit na kahon.

"Oh...ba't nandito 'to?" Naging reaksyon ko ng makita ang kahon sa gitna mismo ng dalawang shelf na magkaharap, napakamot ako sa ulo sa pagtataka. Sa pagkakatanda ko kasi nilagay ko ang libro sa pinakadulo ng shelf malapit sa pinto.

"Hindi bale na nga!" Agad akong lumabas. Nang makarating ako sa sala hinanap ko ang amo ko. Hindi ko siya makita kahit saang sulok sa bahay. Nagpunta ako sa hardin at doon nakita ko siyang nakahandusay.

"Madame? Madame!"

Third Person’s PoV

Kumuha si Mercy ng walong libro at lingid sa kaalaman niya naging siyam na ito. At doon magsisimula ang pagbubukas ng aklat na babago sa buhay ng mga masasangkot sa estorya.

Hot

Comments

George Wels

George Wels

Hello! interested in gaining more readers or income? please leave me message/email so that I'll let you know

2022-03-12

0

See all
Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play