Devy’s PoV
Habang ako ay natutulog naramdaman ko na may kumakalabit sa akin. Naramdaman ko rin ang likido na pumapatak sa mukha ko. Ang mga mata ko ay pilit kong ibinubukas at napasigaw ako sa nakita ko. Isang babaeng gumagapang sa kesame ang nakita ko at bigla akong nagising na panaginip lang pala ang lahat.
"Nakapatay ang ilaw?" mahinang tanong ko sa sarili ko ngunit hindi ko na ito muling pinansin pa bagkos sinubukan kong muling matulong.
Nang ipinikit ko na ang mga mata ko naramdaman ko na naman na parang may tutumutulak sa kama ko at naririnig ko ang mga inggay sa ilalim pero natulog pa rin ako.
The more na hindi ko ito pinapansin the more na lumalakas ang inggay na ginagawa nito.
At sa bawat paglakas ng inggay kasabay ko ring naririnig ang tibok ng puso ko na palakas ng palakas.
Lumalakas ang hangin sa loob ng kuwarto, lumamig ang paligid, biglang bumukas ang bintana at ang pinto ay naririnig kong bumubukas din. Agad akong nagtalukbong ng kumot at nagdasal.
Panaginip lang ito! Hindi ito nangyayari!
Habang nakatalukbong ako ng kumot napansin kong nawala ang inggay at uminit ang paligid. Iminulat ko ang mga mata ko habang nasa ilalim pa rin ng kumot at napansin ko ang aninong nakaharap sa akin na tila ba sasaksakin ako.
Naramdaman ko ang likido na dumadaloy sa tagiliran ko. Pero kinabukasan nagising ako at wala namang sugat akong nakita.
"Sabi ko na nga ba! Panaginip lang! Grabe talaga ang librong iyon! ipapabasa ko rin kay Geneva nang bangungutin din!"
At School
Habang papasok ako sa klasroom ay naramdaman ko na may nakatingin sa akin. Lumingon ako sa paligid at nagpatuloy muli sa paglalakad.
Wala na masyadong estudyante ang dumadaan. Mag-isa na lamang akong umaakyat ng hagdanan. At habang ako ay papaakyat nakaramdam ako muli ng kakaiba, parang may sumusunod na sa akin. Huminto ako at lumingon sa likod. Dumungaw ako sa baba habang nasa gilid ako ng hagdanan. Nakikita ko sa baba ang kulay itim na damit na papaakyat.
Ang dyanitor kaya iyon?
Ang yabag ng mga paa na papaakyat na tila sumusunod sa akin ay napahinto rin sandali ng inialis ko ang ulo ko sa gilid ng hagdan.
Napalunok ako ng laway ko at dahan-dahang umakyat ng hagdanan ng nakatalikod. Nang ako ay papaakyat naririnig ko na naman ang mga yabag ng paa gayundin ang tibog ng puso ko. Nagpatuloy ako sa pag-akyat nang biglang may humawak sa aking likuran at hinila ako.
"Ahhhhhh---"
"Shhh! Huwag kang maingay! Maririnig ka niya..." sabi ng isang lalaki habang tinatakpan ang bibig ko. Kumawala ako sa kaniya at halos mapaluha muli sa nakita.
"West? Ikaw na naman?"
"Binalaan na kita na huwag mong bubuksan ang libro pero binasa mo pa rin!" mahinahon na may pagkagalit niyang pagkakasabi.
"Paano mo nalaman?" tanong ko.
"Ngayon kailangan mo ng basahin ang libro at huwag kang hihinto!" pag-uutos niya sa akin.
"Sabihin mo papaano mo nalaman na binasa ko ang libro ha? Stalker ka ba?" tanong ko. Hindi siya sumagot sa akin bagkos tiningnan niya ako ng deretso sa mata.
"Sumagot ka! Akala mo nakakatuwa na paglaruan ang emosyon ng tao? Akala mo namamangha ako sa ginawa mo? Binabalaan kita, lumayo ka sa akin kung ayaw mong tumawag ako ng pulis!" .Tumalikod siya at aktong baba ng hagdanan.
"Nakita ko siya, nakita ko sila, hinahanap ka nila. Ang itim na usok na nakita ko kahapon ay mas lumaki at mas maitim pa. Gusto nilang makakain ng itim na usok na nasa iyo, dahil na sayo ang libro. Hindi na ako makikialam pero sana ay mag-inggat ka!" sabi niya at nagpatuloy sa paglalakad.
"May pa 'sila' ka pang nalalaman! eh ikaw naman ang gumawa ng lahat!"
"Bwesit na Weirdo na iyon! Ha...ha…"
Napatingin ako sa relo ko at saktong may sampung minuto pa ako bago magsimula ang klase.
Nang buksan ko ang pinto nagulat ako ng pagalitan ako ng teacher namin sa math.
"Miss Bernalles, You're too early for the second period!" sarcastic na pagkakasabi ng teacher namin.
What the?
Muli akong napatingin sa relo ko at nakita ko ito na hindi umaandar.
Umaandar ito kanina ah?
Napatingin ako sa orasan na nasa klase at nakita ko na fourty-five minutes na akong late.
Ano man ang nangyari ngayong araw hindi ko na ito inisip pa. Hindi ako nakasali sa discussion ng first subject at nakatayo ako sa labas ng halos limang minuto.
"Girl! Bakit ka late?" tanong ni Geneva sa akin.
"Sira ang relo ko Gen at tsaka akala ko maaaga pa."
"Di nga?" natatawa niyang tanong.
"Ahmmm...change topic na nga tayo! Sandali, pumasok na ba si Beverly?" tanong ko.
"Hinahanap ninyo ako?" sagot ni Beverly na umabsent kahapon.
"Bakit ka lumiban kahapon?"
"Personal problems. By the way, hindi ninyo sinabi sa akin na may dalawang guwapong lalaki pala ang nagtransfer dito, kaso medyo creepy iyong isa ha. Kamusta nga pala ang araw ninyo kahapon?" At inakbayan kami.
Dahil sa tanong niya naalala ko tuloy ang pananakot ni West na sa akin. Pero hindi ko na binahagi pa, mas pinili ko na lang na isekreto ang lahat.
"Guiz, may ipapabasa akong isang horror book sa inyo!" nakangiti kong sabi at iniabot ang libro.
Nag-abot ang tingin nina Beverly at Geneva at sabay nagkibit-balikat.
"What's that? Baka tulad lang iyan ng mga nabasa ko at napanood kong movies ha!" ani Beverly.
"Promise! Babangungutin kayo pagsapit ng gabi!" nakapikit kong pagkakasabi na tila ba confident sa inirerekomenda kong libro.
"Words and Horrors?" sabi ni Geneva.
Ibinuka ko ang mata ko na medyo nagulat sa sinabi niya.
"Ano?"
"Ang title ng librong binigay mo, Words and Horrors" Inagaw ko kaagad ang libro.
"Wait wala kaya iyang...."
"Are you okay?" tanong sa akin ni Geneva at tinapik ang balikat ko.
"…title." Dugtong ko.
"Ano?" naguguluhang tanong ni Beverly.
Wala talaga akong makitang title...
"Baka hindi mo lang napansin! Tingnan mo nga naman oh, black font at background." pahayag ni Geneva.
"Siguro nga," sagot ko pero ang totoo wala akong mabasang kahit anong title.
Nang panahon na iyon, ipinagsawalang bahala ko na lamang ang nangyari, maaring niloloko nga talaga ako ng aking mga kaibigan.
"Basahin na kaya ninyo iyan at sabihin sa akin ang opinion ninyo?" nakangiti kong sabi at kinuha nila ang libro at binuklat ito.
Nakita ko sa mga mata nila ang pagiging seryuso.
Ayan na! Takot na sila!
Muli na namang nagkatinginan ang dalawa na tila ba gulat.
"So? Ano na?" tanong ko.
"Sigurado ka ba na ito na iyong libro na iyon?" tanong ni Beverly at tumango ako. Nagkatinginan silang muli at nagsimulang tumawa.
"Bakit?" naiinis kong tanong.
"Ipapabasa mo sa amin eh wala ngang nakasulat! Anong babasahin namin? Isa itong Blank Book!" pasigaw na sabi ni Beverly at sinundan naman ng pagtawa.
"Akin na nga!" At hinablot ko ang libro mula kay Beverly.
Binuklat ko ang libro. Nakita ko na na iba na ang nakasulat sa unang kabanata na binasa ko kahapon.
"Anong ginawa ninyo?"
"Ano bang pinagsasabi mo eh ngayon mo lang kaya iyan binigay!" sabi ni Geneva.
"Ang Chapter one nabago!"
"Aminin mo nga sa amin Devy, umiinom ka na ba ng alak? Baka kasi nakainom ka nang basahin mo iyan kaya ka naghahalucinate na may letra ang libro na ibinigay mo!" sabi ni Beverly.
"Hindi ito nakakatuwa! Nabago ang chapter one!"
Wala na ang chapter one.
“Chapter two, Ang unti-unting pagkawala.” Iniharap ko ang libro sa kanila at ipinakita ang nabasa ko.
"Eh ano palang tingin ninyo riyan? Numbers? May nakasulat naman ah!" naiinis kong sabi at tiningnan nila ang libro at nagtawanan ulit.
Tiningnan ko na naman ang libro at mayroon nga.
Pinaglalaruan yata nila ako ah.
"Sige nga basahin mo nga!" Sabi ni Beverly.
"So ayaw ninyong aminin na nakikita ninyo ang letra para ako ang magbasa ano?" sabi ko.
Natigilan sila sa pagtawa at nagbigay ng titig na hindi makapaniwala ang dalawa.
"Okay makinig kayo, Chapter two, Ang unti-unting pagkawala.
Pumasok ang dalaga sa paaralan kasama ang kaibigan niya at tulad ng normal na araw lang ang mga naging karanasan niya. Ang pinagkaiba nga lang ay huli siyang nakarating sa klase. Mas maganda ang araw na iyon kaysa sa kagabi... Isang kaklase niya ang napapabalitang nawawala at.... "
"Hahahahaha!" Nagsitawanan na naman sila.
"Ano bang problema ninyo?"
"Sorry, sorry! Whow! Ang galing mo palang gumawa ng story! Napabilib mo kami!" sabi ni Beverly at pumalakpak.
Mas lalo akong nainis sa pagpapanggap nila.
"Ano ba kasi ang..."
At pumasok na ang English teacher namin at bumalik na ako sa upuan.
Ilang sandali ay dumating na late si West.
"Sorry I'm late ma'am." paghingi niya ng paumanhin at pinaupo naman kaagad ng teacher.
Ayan na naman ang lalaking hindi marunong magsuklay!
Hindi ko siya tiningnan sa mata pero hindi sinasadya habang napadaan siya sa tapat ko nakita ko ang kunting bahid ng dugo sa white part ng uniform niya at nagsimula na akong pangilabutan.
Habang nagdidiscuss ang teacher namin hindi ko mapigilan na mapalingon sa kaniya upang muling masulyapan ang dugo sa damit niya.
Sigurado ako! Dugo iyon!
"Open your book at page 78 and please answer the following." sabi ng guro namin.
Natataranta ako at hindi ko alam kung bakit. Sa tingin ko dahil ito sa hindi ako mapalagay at komportable na si West ay nasa likod ko.
Habang binubuksan ang libro ko nahulog ko ang nag-iisa kung ballpen at gumulong ito paatras. Gumulong ito sa direksyon ng kinauupuan ni West.
Lagot.
Nagkasalubong ang mga tingin namin ngunit agad niyang inilihis ang tingin sa bintana.
Tsk... hindi talaga niya pupulutin? Wow!
Tiningnan ko siya ng ilang segundo at napataas ang kilay ko ng hindi pa rin niya pinulot ang ballpen.
"Hindi mo ba pupulutin?" tanong ko sa kaniya habang tinitingnan ko ang ballpen ko na nasa paanan niya. Napatingin siya sa akin at inisnob ako.
Iniisip pa rin kaya niya ang sinabi ko kanina?
"Pakikuha naman ng ballpen ko oh! Please!" sarkastiko kong sabi.
"Kanino ba iyan?" tanong niya.
"Akin?" sagot ko at tinaasan siya ng kilay.
"Sa iyo naman pala eh...edi pulutin mo!" sabi niya at muling tinanaw ang view sa labas ng bintana.
Wala akong nagawa kundi pulutin ang ballpen ko.
Uwian
Habang papauwi, binasa ko ang libro-ang continuation ng chapter two.
Naglalakad ako sa gilid ng daanan at hawak ko ang libro.
"Naglalakad ako ng mga oras na iyon kasama ang kaibigan ko at napansin ko ang pagkunti ng mga tao." pagbabasa ko.
Napatingin ako sa paligid ko at kumunti din ang mga tao.
"Napatingin ako sa maganda at maunlad na na mundo. Nilaliman ko na ang aking paghinga at muling tinanaw ang isang matayog na building. Mula sa taas ay binaba ko ang aking tingin at napansin ang kumpol ng mga tao na tila nag-uusap, sa ‘di kalayuan ang tanawing tinatanaw ko ay nasapawan ng ‘di makataong kaganapan. Isang bata ang nasagasaan sa harap ko, muntik na rin sana ako pero napigilan ako ng aking kaibigan."
Nagiging boring na masyado ang story na ito ah…
Iginala ko rin saglit ang mata ko sa paligid at nakapansin din ako ng grupo ng mga tao tulad ng nabanggit sa libro ngunit sa puntong ito nag-aaway ang mga nakita ko. Nais kong lumapit sapagkat tila hinihila ako ng aking mga paa papalapit doon. Ngunit bago ko pa man maihakbang ang kanang paa ko ay may isang bata na tumakbo sa gilid ko patawid ng kalsada at nahagip ng kotseng napakabilis nang andar. Napailalim ang bata at naliligo sa sarili nitong dugo. Anim na malalaking hakbang lang ang layo ko sa bata at nagulat ako sa nakita. Hindi maalis sa isip ko ang nangyari. Sobrang bilis ng mga kaganapan. Nagbabasa lang ako at... at...
Nabasa ko na ang mangyayari bago pa man ito maganap sa totoong buhay?
Tinakpan ko ang bibig ko at napaluha dahil sa hindi ako makapaniwala sa nangyayari.
Nagsitakbuhan ang mga tao palapit sa nasagasaang bata.
Kung tumuloy ako sa pagtawid kasama ko sana ang batang iyan ngayon na nakaratay sa daan.
Napatingin ako ng malalim sa libro na hawak ko at unti-unti ko nang nauunawaan ang kahulugan ng 'Bawal'. Napagtanto ko din ng mga oras na iyon na ang libro na ito ay hindi ordinaryo.
"Magdadala ng kamalasan," naalala kong sabi ni West.
Ngayon alam ko na na ang nangyayaring kaganapan sa libro ay nagkakatotoo at hindi panaginip lamang.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments