Nanlalamig ang mga kamay ni Yuna. Naroon na siya sa loob ng studio kung saan gaganapin ang audition para sa backup dancers ng Exploded Hype.
Hinati sa dalawang grupo ang mga mananayaw. Napabilang sila ni Trina sa ikalawang grupo na huling magpapakita ng galing sa pagsasayaw. Labinlima lamang ang kukunin kaya naman kanina pa siya nagdarasal na sana ay kasama siyw sa labinlikang iyon.
Katatapos pa lamang nilang magtanghalian ni Trina. Ala una ng hapon. Number fifty pa ang kasalukuyang nasa harap ng mga hurado at ang numero niya ay seventy-three; sunod siya kay Trina. Kasama nila ang iba nilang kaibigan na kasama nila tuwing iniimbitahan silang sumasayaw sa iba't ibang okasyon.
"Ano ka ba, Yuna? Relax ka lang. Hindi ka dapat kabahan magaling ka. Sigurado nang pasok ka," ani Trina na katabi niya sa upuan.
Tumawa siya nang pagak.
"Anong magaling? Hindi, 'noh? At saka, nakita mo naman. Ang gagaling ng mga nag-audition."
"Ano naman ngayon? Magaling ka rin naman ah"
Napailing na lamang si Yuna. Ayaw niyang maging kampante at baka mabulilyaso pa ang gagawin niya mamaya. Pero gusto talaga niyang makasama sa mga pipiliin. Sa sinabi niya sa kanyang amaz malamang ay iyin na talaga ang huli niyang pagsasayaw. Kailangan din niyang tuparin ang sinabi niya.
Napatingin siya sa loob kung saan ginaganap ang audition. Nakikita iyon dahil salamin ang dingding. Nasa harap ng mga hurado——ang manager ng Exploded Hype at tatlong choreographer.
Napahugot siya ng hininga.
Mayamaya, napakunot-noo siya nang mapadako ang tingin niya sa pintuan ng studio kung saan may pumasoi na isang matangkad at mestizo na lalaki. Kumabog ang dibdib niya nang mapatingin din ito sa kanya. Pati mga kasama niya roon ay nakatingin din sa lalaki na animo alien ito. Isang napakaguwapong alien. Sa buong buhay niya, ngayon lang suta nakakita ng ganoon kaguwapong lalaki sa personal. Kasunof nito ang dalawang guwapo ring binata na may kasamang magagandang babae.
Ibinalik niya ang tingin sa naunang lalaki. Ngumiti ito sa kanya nang matipid bago ito pumasok sa loob. Nasundan na lamang niya ito ng tingin. Ang guwapo-guwaoi nito.
Naramdaman niya ang mahinang pagsiko sa kanya ni Trina. "Ang guwapo nila, noh?"
Tumango si Yuna. "Sino ba yon?"
Kumunot ang noo nito. "Hindi mo sila kilala? Jusko day! Miyembro sila ng Exploded Hype."
Napangiwi siya. Kaya naman pala artistahin ang tindig at hitsura ng mga ito. "Alam mo naman na hindi na ako nakakapanood ng TV inday."
"Iyong kanina mo pa tinitingnan, si Chester 'yon, Iyong dalawang lalaki na kasama niya, sina Jun at Andy kasama ang nga mga magiging misis nila. Ang suwerte bg nga babaeng yon, hindi ba?"
Nagkibit-balikat siya.
"Siguro,"
Baka ikakasal na rin iyong si Chester?
Pakialam mo naman, Yuna? Umayos ka ha.
Aniya sa sarili. Nakakita lang siya ng guwapo ay nawawala na siya sa tamang huwisyo.
Pero ang guwapo talaga niya jusmiyo.
kahit sino sigurong babae ay sasang-ayon sa kanya.
•••
Panaka-nakang nakatingin si Chester sa babaeng nasa waiting area. Kung hindi siya nag kakamali ay isa ito sa mga mag o-audition. Nang pumasok siya ay nakuha agad nito ang atensiyon niya kaya walang masyado espesyal dito. She looked very delicate. Simple ang ganda niyo pero charming. Nakatali ang obvious na mahabang buhok nito. Naka blue checkered polo na may nakapailalim na puting panloob na hapit sa katawan niyw, six-pocket jeans na katamtaman lamang ang luwag, at sneakers.
Wow, I can really tell what she's wearing eh?
Ngumiti siya.
Bakiy ba ganoon na lamang siya ka-engrossed sa babae? What was her name, anyway? Ang tanging alam niya ay number seventy-three ito.
"Bro naman, baka matunaw na lang bigla si number seventy-three sa kakatitig mo," kantiyaw sa kanya ni Jun.
Ngumisi siya. "Look at her. She's pretty."
Napailing ito. "Masyadong mabait ang mukha bro. Hindi ka puwede. Masyado kang salbahe para sa kanya."
Pabiro niya itong siniko.
"Mabait ako, hindi n'yo lang alam."
Natawa ito sa sinabi niya.
Ilang sandali pa ay nagyaya na ang mga kasama niya na umalis na sila.
"Mauna na labg kayo. Dito na muna ako," aniya.
Nakatingin sina Andy at Jun.
"Ang sabihin mo may natitipuhan ka na naman dito," nakangising wika ni Andy.
Ngumiti lang siya nang pilyo.
Nauna nang umalis ang mga ito. Siya naman ay nanatiling nakaupo roon at sinusulyapan ang babaeng kanina niya pa tinitingnan. Napangiti siya nang makitang nakatingin din ito sa kanya. Agad na nagbawi ito ng tingin sa kanya.
Pangiti-ngiting umayos siya ng upo. He could not wait to see her dance later. Sana rin ay matanggap ito.
Matagal-tagal pa ang numero ng babaeng hinihintay niya kaya inabala na muna niya ang kanyang sarili sa pakikinig ng music sa cellphone niya. Mayamaya pa ay tinawag na si number seventy-three. Umayos na siya ng upo at napaangat ang tingin nang pumasok sa loob ang babae.
"Hi, Miss Yuna Valdehueza," wika ni Sir Larry.
So, her name is Yuna. Yuna Valde——Valde... Nakakabulol naman apelyido nang babaeng 'yon.
Hindi na niya maalala kung ano ang buong apelyido nito. Basta ang alam niya ay "Yuna" ang pangalan niya. Bagay rito ang pangalan nito.
Bagay sa akin, lalong lalo na sa apelyido ko.
Noon lang niya natitigan nang mabuti ang babae. Ano ba ang mayroon ito at ganoon na lang siya kainteresado rito? Maybe it was here charm; she had that glowing aura. That innocent-looking profile. The gentleness of her personality. Kahit hindi pa niya ito nakikilala ay nababaitan na siya rito.
Napangiti siya nang tumingin ito sa kanya.
She looked nervous.
I know. You like me, woman.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 7 Episodes
Comments