"You're amazing. You did great."
Napamaang si Yuna kay Chester dahil sa papuring sinabi nito sa kanya. Kakatapos lang ng sayaw niya at naghihintay na lang diya ng result.
"T-thank y-you po."
Bahagya itong natawa. "Drop the ‘po.‘ Magkaedad lang naman siguro tayo." Anito. "By the way, I'm Chester." Iniabot nito ang kamay sa kanya.
Tinanggap naman niya iyon kahit nanlalamig siya. Kapagkuwan ay si Trina naman ang kinamayan nito.
Nagpakilala silang dalawa rito.
"Good luck sa resulta, but I'm sure makukuha kayo," ani Chester bago ito nag paalam at lumabas ng studio.
Saka pa lamang siya nakahinga nang maluwag.
Nakakataranta talaga ang kagwapuhan ng lalaking iyon.
Nang makauwi siya sa bahay nila ay agad na sinalubong siya ng madrasta niya.
"Ikaw ang magluto dahil buong araw kang wala rito sa bahay. Pagod na pagod ako rito." Nakasimangot na utos nito sa kanya.
Tumango na lamang siya at dumeretso na sa kuwarto niya upang magbihis. Hindi na talaga yata babait ang asawa ng itay niya. Palagi na lang talaga itong kontra ss kanya.
Napabuntong hininga si Yuna. Gusto na niyang makita at makasama ang nanay niya. Sana lang ay balikan pa sita nito.
Pagkabihis niya au nagtungo na siya sa kusina upang magluto. Mahirap na at naka umarangkada na naman ang bibig ng madrasta niya.
•••
"I'm just admiring her pare. Ang cute kasi eh. And I must say, she's really a good dancer,"
Natatawang paliwanag ni Chester kay Jun. Nasa Jagger sila at nagkakayayaang mag-inuman.
Napansin pala niyo ang ginawa niyang pagmasid kay Yuna noong audition at ngayon ay tinutukso siya nito.
Biglang bumalik sa isio niya ang ginawa ni Yuna sa audition. Napaka-graceful gumalaw nito. Matagal na rin mula nang makakita siya nang ganoon ka-talented na sumayaw na babae. So far, si Yuna pa lamang ang nakapagpa-impress sa kanya nang ganoon.
"Bro, mamili ka na ng seseryosohing babae. You can't be a womanizer forever," payo ni Jun.
"I am not a womanizer, okay? Ang mga girl lang talaga ang lumalapit sa akin."
"I know. I've been there," nakangising wika nito. "Pero ang ibig kong sabihin, matuto ka na sanang tumanggi sa mga lumalapit sayo at mag stick to one kana."
Napangiti si Chester.
"Darating din tayo riyan. Sa ngayon, mas nag eenjoy pa ako sa ganitong buhay."
Napailing na lamang ito.
KINABUKASAN...
Napakunot ng noo si Chester pag baba niya ng kotse niya. May sexy na babae kasi sa labas ng condominium building niya na ngumiti sa kanya nang makita siya. Mukhang sita ang hinihintay nito. She looked familiar but he could not remember her name.
"Hey, handsome..." Anito sa kanya at agad siyang hinalikan sa labi.
"Hey..." Nakangiting wika niya.
She flashed him a flirtatious smile. "Jessy, remember? We met last week."
Napangiti siya. Naalala niya ito. "Yes jessy."
Bahagya itong natawa at kumapit sa braso niya.
Sabay silang umakyat sa unit niya. For him, that was life at its finest. Sigurado siyang papaligayahin siya ng babae ngayong gabi.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 7 Episodes
Comments