Episode 2

"Saan ka na naman galing?"

   Napabuntong-hininga si Yuna nang marinig ang tinig ng kanyang itay. Abg akala niya ay tulog na ito. Dahan-dahan niyang isinara ang pinto at lumapit dito upabg magmano.

"Nag-ensayo lang po kami sa gym." Nakayukong sagot niya.

   Napailing ito. "Sayaw na naman? Hindi kana ba talaga matatapos diyan sa pagsasayaw mo?"

   Nakayuko pa rin siya at hindi na sinagot ang itay niya. Lalong lang hahaba ang sermon nito kung sasagot siya.

   “Hindi kita pinagtapos ng kolehiyo para sa pagsasayaw mo. Bakit hindi ka mag hanap ng matinong trabaho? 'Wag mong sayangin ang oras mo sa pinaggagawa mo.”

   Nakagat na lamang niya ang ibabang labi niya upang hindi na siya makapagsalita. Wala rung saysay kung sasagot siya at mag dadahilan dahil hindi rin naman niya maiintindihan ng kanyang ama.

   Tumayo na ito at pumasok sa kuwarto. Saka pa lamang sya nakahinga.

   Pumasok na rin siya sa kuwarto niya at nagbihis.

   Nahahapong umupo siya sa kama. Palaging ganoon ang sinasabi ng kanyang ama. Wala na itong nakikitang maganda sa pagsasayaw niya.

   Bakit ba hindi nito maintindihan na masaya siya sa ginagawa niya? Sinaeabi naman niya rito na maghahanap din siya ng trabaho.

   Nagtapos siya ng Accounting noong nakaraang taok ngunit hindi pa niya gustong magtrabaho. Mas nag-e-enjoy siyang sumayaw. Hindi rin niya nakakalimutan na may responsibilidad siyang dapat harapin sa pamilya nila. Hindi rin niya masisisi ang kanyang ama kung bakit ayaw na ayaw nito sa pagsasayaw niya. Isa rin kasing mananayaw ang kanyang ina. Iniwan sila nito ng tatay niya noong sampung taong gulang siya dahil mas pinili nitong magtrabaho sa isang teatro na nakabase sa Amerika. Mula noon ay wala na silang balita tungkol dito. Marahil ay wala na talaga itong pakialam sa kanila. Siyempre, nagalit siya sa kanyang ina dahil sa naging desisyon nito. Ngunit nawala na iyon habang lumalaki na siya. Hindi rin kasi siya ang klaseng tao na nagkikimkim ng galit. Kahit ano pa ang ginawa nito, ina pa rin niya ito.

   Ngayon ay may pangalawang pamilya na ang itay niya. Muli itong nag-asawa noong kinse anyos na siyw. Isang mananahi ang naging asawa nito at nagkaroon ang mga ito ng dalawang anak na lalaki. Anim na taong gulang ang panganay na anak ng itay niya sa pangalawang asawa nito at limang taon naman ang bunso. Malapit siya sa mga kapatid niya ngunit hindi sa inw ng mga ito.

   Masama kasi ang ugali ng madrasta niya at mabigat ang dugo nito sa kanya. Madalas siyang paringgan nito na kesyo pinagtapos na nga siya ng kolehiyo ay wala pa rin siyang maitulong sa mga ito. Hindi iyon totoo. May iniaabot din naman siya sa mga ito mula sa pagsasayaw niya. Kapag may piyesta ay madalas na kinukuha ang grupo nila upang sumayaw. Minsan ay sumasali siya sa mga dance contest kasama ang isang malapit na kaibigan niya.

   Noong nag-aaral pa siya, hindi siya madalas na nanghihingi ng pera sa itay niya. Ayaw niyang makarinig ng mga patutsada mula sa asawa nito. Hindi rin sila mayaman upang umasa lang siya sa mga ito. Driver ng delivery truck ang trabaho ng ama niya.

   Humuhugot siya ng hininga bago nag simulang mag dasal. Pagkatapos niyon ay humiga na siya at pumikit. Dahil sa pagod ay madali siyang nakatulog.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play