Episode 3

"Ang daya mo talaga, bro. Mag aasawa ka na talaga?" Napapailing tanong ni Chester sa kaibigan at kabanda niyang si Andy. Naroon sila sa studio nila at hinihintay ang mga kaibigan nila at si Sir Larry dahil may meeting sila para sa kanilang first concert.

  "Bro, hindi ko na papakawalan si Emma. Niyaya ko na siyang magpakasal, and she said 'yes," nakangiting wika nito.

  "Hindi naman maitatago sa aura mo na umoo siya sa'yo." Natatawang wika niya.

  Napatingin siya sa kanyang cellphine nang mag-ring yon. Nag excuse muna siya sa kaibigan niya upang sagutin 'yon. Ang mommy niya ang tumatawag.

 

  "Hello, Mom?"

  "Hijo, congratulations sa album ninyo." Mababakas ang kasiyahan sa tinig ng kanyang ina.

 

  Napangiti sya "Thanks, Mom."

  "Pati ang daddy mo at mga kapatid mo ay masayang masaya. We know you've dreamed of this."

"Sabihin mo sa kanila na salamat, ‘My. And, guess what? Magkakaroon na kami ng first major concert," nakangiting balita ko.

  "Really? Oh, God, we're so happy for you and your friends, hijo."

  Patuloy na nag salita ito kung gaano ito kasaya sa mga na-achieve ng banda nila. Hanggang sa mag paalam ito ay hindi pa rin maalis ang ngiti sa mga labi niya. Alam niyang masayang-masaya ito para sa kanya. Todo-suporta talaga sa kanya ang pamilya niya mula pa nang nagdesisyon siyang sumali sa Exploded Hype kahit sa umpisa nag dadalawang isip siya roon. Ngunit laking pasasalamat niya nang sabihin ng mga magulang niya na walang problema sa mga ito kung magbabanda siya.

  Bilang kapalit, tumutulong din siya sa pamamalakad ng negosyo ng pamilya nila, kasama ng nakatatandang kapatid niya. Tatlong mall ang pag-aari ng pamilya nila na nakakalat sa buong Luzon.

  Pagbalik niya ng studio ay naroon na sina Jun at Alex kasama ang kanya-kanyang fiencee ng mga ito. Katulad ng inaasahan niya, siya na naman ang naging sentro ng tuksuhan. Ngumiti lang siya at sinabing mas maligaya siya ngayon sa buhay niya—at iyon naman talaga ang totoo.

AUTHORS NOTE:

T_T Kapagod mag isip kung ano ba dapat ang isusunod ko : (

"Yuna, hinahanap ka ng kaibigan mo!" malakas na wika ng asawa ng itay niya. Nasa likod-bahay siya at nag lalaba.

Mabilis na pinunasan niya ang mga kamay at pumasok sa loob.

Sila lang ng madrasta niya ang nasa bahay nang araw na iyon. Nasa trabaho ang kanyang itay at ang dalawang kapatid naman niya ay nakikipaglaro sa kapitbahay.

Nadaanan ni Yuna sa kusina ang madrasta niya.

"Baka yayain ka na naman niyang mag-ensayo sa walang kuwentang pagsasayaw at hindi kana na naman makatulong dito sa bahay," wika nito.

Hindi na lamang siya sumagot at nagtungo na sa labas. Napailing na lamang siya. Ni hindi man lamang nito pinatuloy sa loob si Trina.

"Halika, pasok ka muna," Yaya niya sa kaibigan niya.

"Naku, 'wag na," tanggi nito. "Baka lalong mag sungit ang dragon sa loob."

Bahagya na lamang siyang natawa sa sinabi nito. "May kailangan ka ba?"

"May audition sa susunod na araw sa recording studio ng Exploded Hype. Kailangan nila ng backup dancers para sa concert nila. Mag audition tayo."

Napaisip siya. Ang Exploded Hype ay ang sikat na banda ngayon sa bansa. Para sa kanya na nangangarap ng isang trabaho na gusto niyw, isa iyong napakagandang oportunidad. Wala sigurong masama kung susubukan niyang mag-audition diba nga teh? Ang problema lang ay baka hindi pumayag ang itay niya.

Ah, bahala na.

"Sige," wika ni Trina

Nang gabing iyon, nag-ensayo siya kung ano ang sasabihin niya sa kanyang ama. Siyempre, kailangan niyang maging maingat sa pagkumbinsi rito.

Hindi niya napigilan ang mapasimangot nang makita niyang nasa sala rin ang kanyang madrasta kasama ang itay niyw. Nasa kuwarto na ang mga kapatid niya at natutulog.

"Puwede ko po ba kayong makausap, 'Tay?" Tanong niya nang makalapit siya sa mga ito.

Tumango ito.

Nakita niyang umismid ang madrasta niya habang nakatutok ang paningin nito sa telebisyon. Sa palagay niya ay may ideya na ito kung ano ang sasabihin niya sa kanyang ama.

Umupo siya. "May audition po kasi sa susunod na araw para ea kukuning dancers sa isang concert. Gusto ko po sanang subukan," aniya sa kanyang ama.

Napatingin ito sa kanya. "Sayaw na naman?"

Tumango siya. "Eh, mag-o-audition lang naman po ako. At kung sakaling matanggap ako, last na po 'to, Itay. Hindi n'yo na ako makikitang nagsasayaw. Mag hahanap na po ako ng trabaho pagkatapos nito."

Puno ng pagsusumamo ng boses niya. Kusa na lang iyong lumabas sa bibig niya para makumbinsi niya nang mabuti ang ama. Siguro pagkatapos niyon ay maghahanap na siya ng trabahong gusto ng ama.

Hindi ito nag salita.

"Sige na naman, 'Tay. Last na ho talaga."

"Naku, hindi ka naman makakapasa riyan sa sinasabi mong audition kaya mabuti pa ay 'wag kana lang sumali at atupagin mo na lamang ang pag hahanap ng trabaho na may magandang sahod at nang makatulong ka naman dito," lintanya ng madrasta niya.

Hindi na lamang niya pinansin ang deretsahang pagmamaldita nito sa kanya.

"Hilda..." Anang ama niya. Kapag ganoon ang madrasta niya ay sinasaway ito ng kanyang ama. Iyon nga lang, minsan ay hindi talaga napipigil ang bunganga ng babae.

"Tay, sige na naman." Pamimilit niya.

Bumuntong-hininga ito. "Papayag ako sa gusto mo, pero tuparin mo ang sinabi mo na huli na 'yan"

Napangiti siya sa narinig.

"Naku, salamat po, Itay. 'Wag po kayong mag-alala, tutuparin ko po ang pangako ko."

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play