HE GOT ME PREGNANT

Nang makabalik ako sa sala ay nakita ko doon si Mama na nag-iinom nanaman.

Napabuntong hininga ako at lumapit sa kanya. "Ma, tama na please. Tigilan mo na ang pag-inom. Hindi makakabuti sayo iyan, baka magkasakit ka pa."

"A-ano bang pakelam mo-mong bata ka?ha? Mas gusto ko na nga iyon, eh! Ang m-mawala na!" sigaw niya sa akin.

Pilit kong inaagaw ang alak na hawak niya pero tinatabig niya lang ang kamay ko. "Ano ba! Bitawan mo nga! Huwag mo akong pakialaman dahil kasalanan mo lahat! Mas mabuti ng mamatay na rin ako tutal wala na rin naman ang anak ko, at wala na rin ang asawa ko!" this time umiiyak na si Mama. And God knows how much it hurt me!

"M-ma, buhay pa si papa at nandito pa ko! Ma, anak mo rin ako!" humihikbing sagot ko sa kanya.

Nakakaloko siyang tumawa habang ang luha ay walang awat sa pagtulo. "A-anak? H-hindi kita anak! Dahil wala akong anak na puta!" Sigaw ni mama.

"Kasalan mo lahat ng ito, eh! Kung sana hindi ka nagpasaway noon, kung sana hindi ka malandi, kung sana hindi ka tatanga-tanga noon, edi sana...sana...buhay pa ang anak ko! Arieeeeel, anak miss na miss na kita anak!!" paulit-ulit na hagulgol ni mama.

Ang sakit, ang sakit-sakit sa pakiramdam na marinig iyon mula kay mama, kahit sanay na ako. Ang sakit pa rin.

"Umalis ka na! Wag ka nang babalik dito!" sigaw ni mama sa akin.

Wala akong nagawa sa mga sandaling iyon kundi ang kunin ang mga gamit ko. "M-ma, aalis na ko. H-huwag p-po kayong mag-alala. Magsisikap ako m-ma, para sa pagdating ng panahon, kaya mo na akong ipagmalaki at tanggapin. Sorry mama, I love you." humihikbi man ay nagawa ko iyong maisatinig.

Lumabas na ako sa bahay namin, at mula sa labas ay muli kong pinakatitigan ang aming bahay, ang bahay na kinalakihan ko. Kung saan sabay kaming lumaki ni Ariel, ang malungkot lang ay hindi ko na siya kasama ngayon. Dahil kasalanan ko.

Mula dito sa gate ng bahay namin ay nadidinig ko pa rin ang paghagulgol ni mama at ang pagtawag niya sa pangalan ni Ariel. Hanggang sa huli...si Ariel pa rin.

Gusto ko man siyang yakapin ay ayaw niya sa akin. Panatag naman ako dahil nandoon naman si Nanay Soling na pinapakalma si Mama.

Tatlong minuto ang inilagi ko pa roon at tuluyan na akong umalis. Paalis sa bahay kung saan ako lumaki, mabuo at madurog ng paulit-ulit.

'Babalik ako, Ma, Pa. Sa pagdating ng panahon na babalik ako. Alam kong mapapatawad mo na ako ma...'

Matapos kung bigkasin sa isip ko ang mga katagang iyon ay tuluyan na akong tumalikod at lumakad papunta sa kotse ko.

Nica thank you po ng marami🥺. Hayaan niyo po, pipilitin ko po na makapag-update ng mabilis Hope you like it like nyo rin po pagkatapos nyo basahin .thankyouu po sa inyo sa lahat ng sumosupoporta sakin

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play