HE GOT ME PREGNANT

Umiiyak akong pumasok sa kwarto ko. Gutom na gutom ako pero wala na akong pakialam.

Mas masakit ang nararamdaman ng puso ko kaysa sa nararamdaman ng tiyan ko.

Pagod na pagod ako sa buong maghapon, pero pag-uwi ko ganto pala ang isasalubong sa akin? Nasaan na ang mama ko dati?

Wala na. Naalala ko na. Nang mamatay nga pala ang kakambal ko ay namatay na rin ang mama ko. Namatay na rin ang pagmamahal niya sa akin.

I wonder, kung ako ba ang namatay sa aksidenteng iyon. Magiging ganto rin kaya si mama? Magiging ganto rin kaya ang trato ni mama kay Ariela? Siguro, hindi. Paborito nga pala si Ariela dahil matalino siya.

Ilang sandali lang ang pinalipas ko ay tumayo na ako sa kama at tumungo na sa closet ko.

Kinuha ko ang maleta sa itaas noon at sinimulan nang isa-isahing ilabas ang aking mga damit at ilagay na sa maleta.

Matapos akong mag-impake ay agad akong tumayo.

Handa na akong iwan ang lahat ng ala-alang mayroon ang kwartong ito.

Sinuyod ko ng tingin ang buong kwarto at malungkot na napangiti.

Bawat gamit at sulok sa kwartong ito ay nagbibigay sa akin ng mga malulungkot at masasayang ala-ala.

Ang closet ko na siyang naging taguan ko sa tuwing naglalaro kami ni Ariela, at sa tuwing papagalitan ako ni mama dahil napaiyak ko ang kakambal ko.

Ngayon ko lang din napagtanto at unti-unting natatanggap sa sarili ko na sa simula pa lang. Si Ariela na ang mas matimbang sa puso ni Mama. Si Ariela ang laging una. Si Ariela ang bawal masaktan, bawal paiyakin at bawal mawalan. Si Ariela ang laging priority. Habang ako? Wala. Lahat sila Lola lang ang mayroon ako, na nawala din ng dahil sa akin.

Ang vanity mirror ko, kung saan madalas kong makita ang replika ko at ng kakambal ko. Kung saan lagi kaming pumupwesto sa tuwing inaayusan niya ako ng buhok.

Ang study table ko na naging tambayan ni Ariela, sa tuwing gagawin niya ang mga assignments at projects ko.

Napadako naman ang tingin ko sa aking kama. Malungkot kong tinitigan ang mga unan ko. Ang kumot ko. Ang mga unan ko na siyang naging sabihan ko ng lahat ng sama ng loob, ang siyang sumalo sa lahat ng luha ko, at higit sa lahat ang kumot ko na siyang yumayakap sa akin sa tuwing malungkot ako.

Everything in this room reminds me of my painful and happy memories.

Sayang lang at iiwan ko na ang lahat ng ito.

Tuluyan na akong lumabas ng kwarto at bumaba na sa sala. Inilapag ko sa sofa ang mga gamit na dadalhin ko sa pag-alis.

Bago ako tuluyang umalis sa bahay na ito ay gusto ko munang magpaalam kay mama...at papa.

Pumunta na ako sa kwarto nila mama at papa. Pagpasok ko doon ay si papa lamang ang naabutan ko.

Sa sandaling tumama ang paningin ko sa kanya ay agad na nagbagsakan ang mga luha ko.

"Pa, sorry. Sorry kasi kasalanan ko kung bakit nawala sa atin si Ariela. Sorry kasi dahil sakin, nakaratay ka lang diyan. Sorry kasi hindi pa kita maipagamot. Sorry kasi dahil sa nagawa ko noon ay maraming nawala at nagbago sa pamilya natin na kailanman ay hindi ko na maibabalik pa. Sorry papa. Huwag kang mag-alala pa, gagalingan ko sa trabaho para maipagamot na kita. Para makapagpa-opera ka na. Para...para...para mayakap mo na ulit si Mama. Sorry papa kase ang pasaway ko." iyak lang ako ng iyak habang sinasabi ko ang mga katagang iyon. Ang sakit-sakit ng puso ko. Parang paulit-ulit akong pinapatay.

Hilam sa luhang tumayo ako upang umalis na. Pero bago ko tuluyang isara ang pinto ng kwarto nila Mama ay nag-isang sulyap pa muna ako. "I love you, papa. Babalikan kita. Maipagmamalaki niyo na ako ni mama sa pagbabalik ko." iyon lang at tuluyan na akong lumabas sa kwarto.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play