HE GOT ME PREGNANT

"Love." tawag ko kay Jared nang nasa lobby na kami ng condominium building. Hindi niya kasi ako pinapansin, simula pa kanina nung lumabas kami sa pinag-shootingan namin na condo.

"Love, please. Pansinin mo naman ako. Galit ka ba sakin? Love, please wag ka na magalit. Huh?" malambing na tinig kong sinabi sa kanya, pero hindi niya talaga ako pinapansin. Nagtuloy-tuloy lang siya sa paglalakad. At sa bilis ng lakad niya, ay kailangan ko pang bahagyang tumakbo para lang maabutan siya.

"Love, don't be mad at me, anymore. Okay?Hmm?" Patuloy ko pa siyang inamo.

Nagulat ako ng bigla siyang tumigil dahilan para bumangga ako sa matigas niyang likod. Kamuntik pa akong matumba, pero hindi iyon nangyari dahil sinalo niya agad ang baywang ko.

"Don't be mad at you? Really, Ariel? Sinasabi mo talaga sa akin 'yan? To think na may kahalikan ka kanina! No, higit pa nga sa halikan, eh! Ano sige sabihin mo sakin kung paanong hindi ako magagalit?!" pagalit na sigaw niya sa akin.

Alright, alam ko naman na nagseselos siya, e. Ano pa bang magagawa ko, e sa ganito ang takbo ng mga pangyayari sa industriyang kinabibilangan ko? Anong magagawa ko kung sa pagpapahalik lang ang kaya ko para magkapera? Hindi niya naman ako katulad na nakapagtapos ng pag-aaral, mayaman at mayroong sariling kompanya na mapagkukuhanan ng pera?

Gustong-gusto kong ibato sa kanya ang mga salitang iyan pero mas pinili ko na lamang na magbaba ng ulo at humingi ng paumanhin ulit. Ayoko ng iparinig pa sa kanya iyon dahil mas lalaki lang ang away namin. Ayoko noon. Ayokong nag-aaway kami dahil nasasaktan ako. I love him with all my heart.

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot sa kanya. "Sorry, Love. Pasensya ka na. Sa ganitong trabaho lang kasi ako magaling. Sa pag arte lang. Pasensya ka na rin kung kinuha ko ang project na yan kahit na alam kong ayaw mo sa ganyang tema ng proyekto ko. Sorry, Love. Kailangan ko lang kasi ng pera ngayon, e." pagkasabi ko noon ay malungkot akong ngumiti sa kanya. Siya naman ay tila napatulala sa akin.

Inantay ko pa ang sasabihin niya, pero ng wala na siyang sinabi pa ay nagpatiuna na ko pagpasok sa loob ng elevator. "Let's go, love. I know you're tired from work. I'll cook you dinner." Nakangiting sambit ko.

Habang nasa elevator kami ay tahimik lang ako. Kumalma na rin siya. Malamig na ang ulo. Ganyan naman kami mag-away, e. Saglit lang basta ba may maalam na magpakumbaba sa amin.

Hanggang sa buong biyahe ay tahimik lamang kami. Paminsan-minsan ay may tinatanong siya sa akin at sinasagot ko naman iyon.

Nang makarating kami sa tapat ng condominium building niya ay agad akong bumaba ng kotse, hindi ko na inintay pa na pagbuksan niya ako ng pinto.

Hinintay ko lang siya makalabas at saka ako nagpatiuna na para maglakad papasok sa loob ng building.

Nasa tapat na kami ng elevator at lahat ay wala talagang nagsasalita sa amin.

Bumuntong hininga ako. Gusto ko na siyang kausapin, pero may pumipigil sa akin. Gusto kong tingnan kung kakausapin niya ba ko, na siya ang mauunang magsalita. Gusto kong siya naman ang magpakumbaba sa amin ngayon, lagi na lang kasing ako.

Bumukas ang pinto ng elevator kaya pumasok na ako doon. Pero ganoon nalang ang gulat ko ng bigla ay hapitin ako ni Alexander sa baywang ko.

"I'm sorry, Love. If I acted like that a while ago. Sorry. I understand you now." pabulong niyang sambit sa akin.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play