MY LIFE IS NO MORE BORING (TAGALOG)
...Prologue...
...▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬...
"Hayy grabe, kapagod..." Mabilis siyang humilata sa higaan niya matapos gamit ang isang braso niya ay agad niya rin itong pinantakip sa kanyang mukha.
She's really worn out right now, ni hindi niya na nga halos maigalaw pa ang katawan niya at kahit nga may ilang sariwang sugat pa siya sa iba't-ibang parte ng katawan niya tila wala na rin siyang pakealam pa.
Pa'no hindi niya na rin naman kasi ito halos maramdaman pa at sa ganitong pagkakataon doon siya nakakaramdam ng matinding kawalan.
"Really.. What am I doing?" Buntong hininga niya.
Araw-araw lagi nalang ganito..
Pagod at maraming ginagawa pero ba't gano'n? Matapos ang buong araw ko ni wala akong maramdamang tuwa sa kahit anong natapos ko..
I feel so empty. I feel so none.. Mariin siyang napapikit.
Why am I doing all of this? Para kanino ba 'tong ginagawa ko? What for? Hindi ko makitaan ng saysay 'tong pinagpapaguran ko. I really hate this.. I hate my life. She can't help herself but to think like this again.
"Tch. Life is really unfair." She suddenly blurted out. Hindi man lang ako tinanong kung ito bang buhay na 'to ang gusto ko o kung kaya ko bang gawin lahat ng 'to.. They just made me be like this since I can remember.
"Makakaalis pa ba ko rito?" Napabuntong hininga nalang ulit siya atsaka napangisi sa sariling tanong niya. Psh. As if, kahit pa sinubukan ko ngang tumakas dito noon wala ring magandang nangyari sa ginawa ko.. mas lalo ko lang pinalala 'yung dati ko na talagang magulong mundo.
Nothing's change.. It's still me in here with this lifeless and boring life. Sagot niya sa sarili niya.
"Ugh.. Shit.." Munting daing niya nang bahagyang inayos niya ang pwesto niya.
Then later on someone just knock on her door matapos nun ay walang pasabi nalang nitong binuksan ang kanyang pinto. Ni hindi man lang ito nag-abalang tanungin siya kung ayos lang bang pumasok ito sa loob ng kwarto niya basta diretso pasok na lang ito atsaka may inihagis na sobre sa kanya.
"Hey.. Sulat para sayo." Hindi siya nagpakita ng kahit anong interes o reaksyon sa sinabi nito. Hinayaan niya lang itong nandoon hanggang sa mukhang napansin nitong wala siyang balak kibuin ito at nagtulog-tulugan siya rito kaya 'di rin nagtagal nagpasya na rin itong umalis sa kanyang kwarto pero bago pa man ito tuluyang makalabas ng kanyang pinto ay narinig niya pa ang huling sinabi nito.
"You're lucky Fin, mukhang makakapagpahinga ka na rin kahit papano dito sa magulong mundo natin." Sabi nito atsaka maya-maya rin wala na siyang narinig na kahit anong ingay mula rito.
Pahinga?.. Hindi ko alam na uso pa pala 'yang salitang 'yan sa mga gaya natin.. Isip-isip niya dahil sa totoo lang hindi na siya basta-basta naniniwala pa sa sinasabi ng mga ito sa kanya dahil pagod na rin siyang umasa.
Hindi niya pa agad sinilip kung anong laman ng sobreng iyon.
Hindi niya na rin namalayang nakaidlip na pala siya, mabuti na lang at may sariling body clock ang katawan niya kaya marunong siyang gumising sa tamang oras kapag kailangan niya.
After a few hours..
Pagkabangon niya ay agad siyang naglinis ng katawan niya at nagpalit ng damit para sa sunod na lakad niya hanggang sa biglang nasipa niya 'yung sobreng binigay sa kanya kanina na mukhang nalaglag sa sahig nung pagbangon niya.
May kakapalan ang laman nito.
[ Congratulation Apo. Nakapasa ka!.... ] Ito agad ang bumungad sa kanya at dahil do'n nalaman niya agad kung para saan ito.
Mahaba ang sulat nito pero hindi niya na muna binasa iyon bagkus ay inisa-isa niya na lang munang tingnan kung ano pang ibang laman nito.
Fr: 𝐑𝐎𝐘𝐀𝐋𝐄 𝐄𝐑𝐀 𝐔𝐍𝐈𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐓𝐘 🔱
Napangisi siya ng makita ang isa pang sulat na talagang inaabangan niya.
Finally, I'm going back to school.
...▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬...
...E͙n͙d͙ o͙f͙ t͙h͙i͙s͙ C͙h͙a͙p͙t͙e͙r͙...
Hehehe! Yan lang ang opening ko...
Yup, it's not so catchy or masyadong simple but I'll try my very very best na maging worth it ang pagbabasa mo dito.
Uunahan ko na kita mabagal ang magiging update ko dito dahil if makikita mo sa works ko may 2 pending stories pa ako, pinublish ko lang agad ang story na ito dahil...
Trip ko 😝
Peace! Hehehe.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments