...Prologue...
...▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬...
"Hayy grabe, kapagod..." Mabilis siyang humilata sa higaan niya matapos gamit ang isang braso niya ay agad niya rin itong pinantakip sa kanyang mukha.
She's really worn out right now, ni hindi niya na nga halos maigalaw pa ang katawan niya at kahit nga may ilang sariwang sugat pa siya sa iba't-ibang parte ng katawan niya tila wala na rin siyang pakealam pa.
Pa'no hindi niya na rin naman kasi ito halos maramdaman pa at sa ganitong pagkakataon doon siya nakakaramdam ng matinding kawalan.
"Really.. What am I doing?" Buntong hininga niya.
Araw-araw lagi nalang ganito..
Pagod at maraming ginagawa pero ba't gano'n? Matapos ang buong araw ko ni wala akong maramdamang tuwa sa kahit anong natapos ko..
I feel so empty. I feel so none.. Mariin siyang napapikit.
Why am I doing all of this? Para kanino ba 'tong ginagawa ko? What for? Hindi ko makitaan ng saysay 'tong pinagpapaguran ko. I really hate this.. I hate my life. She can't help herself but to think like this again.
"Tch. Life is really unfair." She suddenly blurted out. Hindi man lang ako tinanong kung ito bang buhay na 'to ang gusto ko o kung kaya ko bang gawin lahat ng 'to.. They just made me be like this since I can remember.
"Makakaalis pa ba ko rito?" Napabuntong hininga nalang ulit siya atsaka napangisi sa sariling tanong niya. Psh. As if, kahit pa sinubukan ko ngang tumakas dito noon wala ring magandang nangyari sa ginawa ko.. mas lalo ko lang pinalala 'yung dati ko na talagang magulong mundo.
Nothing's change.. It's still me in here with this lifeless and boring life. Sagot niya sa sarili niya.
"Ugh.. Shit.." Munting daing niya nang bahagyang inayos niya ang pwesto niya.
Then later on someone just knock on her door matapos nun ay walang pasabi nalang nitong binuksan ang kanyang pinto. Ni hindi man lang ito nag-abalang tanungin siya kung ayos lang bang pumasok ito sa loob ng kwarto niya basta diretso pasok na lang ito atsaka may inihagis na sobre sa kanya.
"Hey.. Sulat para sayo." Hindi siya nagpakita ng kahit anong interes o reaksyon sa sinabi nito. Hinayaan niya lang itong nandoon hanggang sa mukhang napansin nitong wala siyang balak kibuin ito at nagtulog-tulugan siya rito kaya 'di rin nagtagal nagpasya na rin itong umalis sa kanyang kwarto pero bago pa man ito tuluyang makalabas ng kanyang pinto ay narinig niya pa ang huling sinabi nito.
"You're lucky Fin, mukhang makakapagpahinga ka na rin kahit papano dito sa magulong mundo natin." Sabi nito atsaka maya-maya rin wala na siyang narinig na kahit anong ingay mula rito.
Pahinga?.. Hindi ko alam na uso pa pala 'yang salitang 'yan sa mga gaya natin.. Isip-isip niya dahil sa totoo lang hindi na siya basta-basta naniniwala pa sa sinasabi ng mga ito sa kanya dahil pagod na rin siyang umasa.
Hindi niya pa agad sinilip kung anong laman ng sobreng iyon.
Hindi niya na rin namalayang nakaidlip na pala siya, mabuti na lang at may sariling body clock ang katawan niya kaya marunong siyang gumising sa tamang oras kapag kailangan niya.
After a few hours..
Pagkabangon niya ay agad siyang naglinis ng katawan niya at nagpalit ng damit para sa sunod na lakad niya hanggang sa biglang nasipa niya 'yung sobreng binigay sa kanya kanina na mukhang nalaglag sa sahig nung pagbangon niya.
May kakapalan ang laman nito.
[ Congratulation Apo. Nakapasa ka!.... ] Ito agad ang bumungad sa kanya at dahil do'n nalaman niya agad kung para saan ito.
Mahaba ang sulat nito pero hindi niya na muna binasa iyon bagkus ay inisa-isa niya na lang munang tingnan kung ano pang ibang laman nito.
Fr: 𝐑𝐎𝐘𝐀𝐋𝐄 𝐄𝐑𝐀 𝐔𝐍𝐈𝐕𝐄𝐑𝐒𝐈𝐓𝐘 🔱
Napangisi siya ng makita ang isa pang sulat na talagang inaabangan niya.
Finally, I'm going back to school.
...▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬...
...E͙n͙d͙ o͙f͙ t͙h͙i͙s͙ C͙h͙a͙p͙t͙e͙r͙...
Hehehe! Yan lang ang opening ko...
Yup, it's not so catchy or masyadong simple but I'll try my very very best na maging worth it ang pagbabasa mo dito.
Uunahan ko na kita mabagal ang magiging update ko dito dahil if makikita mo sa works ko may 2 pending stories pa ako, pinublish ko lang agad ang story na ito dahil...
Trip ko 😝
Peace! Hehehe.
...One...
...▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬...
"To all students and new student of Royale Era University.. Welcome to our campus! Please proceed to your respective rooms and section, you only have 5 minutes before the class start. " 'Yan ang madidinig sa buong school bago magsimula ang mga klase rito.
"So this is REU.." She's on her way right now to her classroom and she's really amaze on how big the school is.
To think na dito sa school na'to 'ko ga-graduate.. Nice. She still can't believe na 'yung dating naririnig lang niya at nababalitaan noon sa TV na sikat na school dito sa bansa ngayon ay papasukan na rin niya. Hindi niya lubos akalain na magkakaroon siya ng ganitong oportunidad na makapag-aral sa ganito kagandang school dahil ang tanging gusto lang naman talaga niya ay maipagpatuloy ang pag-aaral niya at makapagtapos sa kahit anong paaralan.
You can really say that these is the best school in the country because looking at this university right now.. It's really huge and screams richness. Sa mga estudyante pa lang mula sa ayos, tindig, damit at gamit ng mga ito mahahalatang mayayaman nga ang mga nagsisipag-aral dito.
Yeah, Opposite of mine.. She thought while observing the others. Wala kasi siyang kaarte-arte sa buhay lalo na sa gamit, mukha o kung ano pa man. In short, simple pero hindi naman siya 'yung tipong mapapalingon ang iba dahil sa hindi siya mukhang mayaman at mukhang kakaiba ang itsura niya dahil una sa lahat ayaw niyang makaagaw ng kahit anong atensyon sa kanila kaya normal lang ang lahat sa kanya.
"Oops.. sorry!" Paumanhin bigla ng nakasagi sa kanya. Nagmamadali na kasi ang karamihan magsipasok sa kani-kanilang room kaya lakad-takbo na ang ilan sa kanila.
"..." She just nod then continue on walking.
'Di gaya ng iba 'di niya na kailangan pang magmadaling puntahan ang classroom niya dahil nung nag-announce pa lang kanina ay tanaw niya na kung saan ang magiging room niya.
Here it is. Nakarating na nga siya sa tapat ng pinto ng classroom niya pero saglit pa siyang napahinto rito at napatingin sa sign board sa taas kung saan nakasulat ang section niya which is 4-2 matapos non sakto namang pagpasok niya ay halos kasunod lang din nang pagdating ng Professor nila.
"Okay everyone, please have a seat." Agad na nagsulat ng pangalan ang ginang na iyon sa Techboard nila.
Mrs. Kristine Lu
Animo'y parang malaking iPad ang blackboard nila at ang panulat nito ay parang isang ballpen naman.
Very Hi-tech huh.. She's impressed.
"I will be your class adviser for this year so everyone just call me Mrs. Lu. I am an A.P teacher here in your class, Now! I want all of you to introduce yourself, tell your hobbies, favorite subject, and state your rank number." Sabi ng ginang na sa palagay niya ay nasa mid 40's na.
I guess she's strict pero may kilala akong mas istrikto pa sa kanya. Pansin niya rito.
If you're wondering kung ano 'yung Rank Number na tinutukoy ng adviser nila. Ito ay ang top mo sa section niyo based sa nakuha mong score nung entrance exam na nagsisilbing rank mo muna sa mga unang buwan ng pasukan, which is nababago rin naman every grading at resulta ng exam.
Rumble ang section dito kung baga walang mataas na section sa kanila at ang rank number naman ay kada room naman. They used this system para ma-encourage raw ang lahat to do their best in every exam dahil sa pamamagitan nito malalaman mo ang antas ng talino mo na sa tingin niya naman ay wala gaanong epekto at impact sa ilan lalo pa kung tamad talagang mag-aral ang isang estudyante at walang pake sa mataas na grade basta makapasa lang.
Hays.. First day of class is what I hate the most.. Ito ang pinakaayokong gawin t'wing unang linggo ng pasukan.. 'yang paulit-ulit na introduction na 'yan..
Nag-umpisa ng magpakilala isa-isa ang mga kaklase niya at dahil nasa pangalawa sa dulong row pa siya kaya naman medyo matagal pa bago siya.
Isang siyang transferee kaya wala talaga siyang kilala ni isa rito. Hiling niya na sana hindi siya matulad doon sa mga nababasa niya at minsang napanood niya na madalas nagiging tampulan ng bully lalo na sa gaya niyang bagong salta at sa ganitong kasikat na school pa.
'Di naman dahil sa takot siya or ano pa man but still.. as much as possible she wants to have a peaceful school life here in REU dahil baka ito na rin ang last chance niya na makatuntong siya sa paaralan para lang talaga ang mag-aral.
"Next." Sabi ni Mrs. Lu which means na siya na ang susunod na magpapakilala.
"I am Wraselle Fin Faustino, Hobbies.. Eating snacks and exploring the library, Favorite subject is MAPEH, Ra—" Naputol ang pagpapakilala niya ng bigla na lang may nagslide ng pinto ng room nila at kasabay din nun ay pagsinghap ng ilang mga kaklase niya.
Tila ba nabuhayan ang mga 'to bigla dahil do'n sa mga bagong dating sa classroom nila na kani-kanina lang naman ay bored na bored ang mga ito at walang pake sa sinasabi niya.
May pumasok kasing apat na lalaki sa room nila kaya naman naiwan siyang nakatayo habang ang buong klase naman nila ay nag-iingay na at dahil nga sa eksenang iyon tahimik na lang siyang naupo at naghintay nang susunod na mangyayari sa classroom nila, tingin din naman kasi niya sapat na 'yung pagpapakilala niya.
"Oh, we're late." Iyon lang ang sabi nung isa na hindi man lang humingi ng paumanhin sa guro nila at diretsong nagsipag-upo sa kabilang side malayo sa kanya.
I see. Typical rich boys syndrome ah. Hmn.. Pati pala sa pinas may ganito na?
Nagkaroon pa ng bulungan at bungisngisan sa buong room nila lalo na 'yong mga babaeng kaklase niya na parang excited na excited at kinikilig pa habang siya(?) ni hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang kahit sino sa kanila magmula ng pumasok ang mga 'to kanina bukod kasi sa tinatamad siya ay wala naman siyang pake sa kanila.
"Everyone quiet! Especially the girls, Daldalan nang daldalan. Mga tagabundok ba kayo? Ngayon lang ba kayo nakakita ng mga lalaki? Act like a lady, Kanino na ba tayo huminto kanina? Oh.. Ms. Faustino, please continue." She just give a quick sighed dahil akala niya okay na 'yung mga sinabi niya kanina.
Tch. Takte akala ko naman tapos na.
Medyo maingay pa rin ang mga kaklase niya at kita niya pa ang palihim na pag-ikot ng mata ng iba sa kanila dahil sa sinabing iyon ng professor nila but she doesn't mind any of that, mas pabor pa nga sa kanya kung wala ang atensyon ng mga ito sa kanya.
At dahil nga sa gusto niya ng matapos ang pagpapakilala niya hindi niya na inulit pa 'yung mga sinabi niya kanina at mabilis na inanunsyo na lang ang Rank number niya.
"Rank number 19." At diretso upo na siya. May tiningnan naman sandali sa folder ang professor nila bago muling bumaling sa kanya.
"I see. So you're one of those NO STAR students." Tila natahimik na lang ang lahat sa biglang pahayag ng prof. nila.
No Star? Anong star? Pagtataka niya.
Hindi niya magets kung anong star ang tinutukoy nito at kung bakit ganu'n na lang ang reaksyon ng mga kaklase niya. Hindi niya pa kasi nababasa ang buong Student's HandBook nila dahil madami siyang tinapos bago magpasukan kaya wala talaga siyang kaide-ideya sa bagay na tinutukoy nitong professor nila.
Ano na namang pauso 'yun? May rank number na nga may pastar-star pa..Tch. Nagpalakpakan naman bigla ang mga classmate niya pero pansin niya na karamihan sa mga ito ay labas sa ilong at pakitang unggoy lang sa kanya.
Oh wow, sira na talaga ang ozone layer sa dami ng kaplastikan sa mundo.. Isip-isip niya ng mapansin niya ang mga mukha nito sa kanya, ganu'n pa man hindi niya talaga alam kung anong iaakto niya sa kanila kaya gaya na nga lang kanina pagtango nalang at yuko nalang ang ginawa niya bilang sagot sa kaplastikan ng mga ito sa kanya.
Hindi rin naman kasi siya 'yung mala ice chuchu na babae tingnan, kapag tinitigan mo kasi siya kahit na madalas no reaction siya, mukha lang talagang siyang nababagot at parang wala lang din pakealam sa iba pero hindi naman siya ganu'ng kasuplada dahil magsasalita naman siya kung kakausapin mo siya at magrereact naman siya kung talagang may nakakatawa at nakakainis na bagay para sa kanya.
"Very nice, may scholar pala ako ngayon sa klase ko. One of the Lucky7 huh.. pero sana continue to study hard Ms. Faustino dahil mukhang nagpapetiks-petiks ka yata pagdating nung entrance exam mo.. Afterall, may grades kang kailangang i-maintain para manatiling scholar ka rito." Mahabang pahayag ni Mrs. Lu sa kanya na bahagyang nagpabuntong hininga sa kanya dahil sa binanggit pa nito na isa siya sa mga scholar nila. Ayaw niya na kasi sana itong ipaalam pa sa iba dahil baka mamaya lang may mantrip na agad sa kanya.
"Yes, Ma'am." Munting sagot niya habang naririnig niyang may mahihinang bumubungisngis sa kanya at tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.
Base sa report sa TV isa sa dahilan kung bakit lalo pang nakilala ang REU sa buong bansa ay dahil sa isa sa pinakamagandang programa nila ay magbigay ng scholarship sa pitong masuswerteng kapos na mag-aaral na makaranas makapasok sa prehistiyosong paaralang ito at magkaroon ng magandang kinabukasan gaya ng mga nagsipagtapos dito.
Nabanggit din dito na welcome sa kanila ang mga nagiging scholar nila at tanggap sila ng mga estudyante rito, na priority rin nila na bigyan ng tulong ang gaya niya dahil una sa lahat hindi madaling mapili para mapasok dito kaya tinawag itong Lucky7.
Wow. So ganyan na pala iyong expression nang welcome na welcome ngayon?
Psh. Whatta fake news. Napaismid na lang siya sa isip niya.
Matapos sa kanya maya-maya lang din ay sumunod ng nagsalita 'yung mga huling dumating kanina kaya naman all eyes na ang lahat dun sa apat pero siya? Ayun, nakatulala sa harapan kung saan may nakapaskil na mga motivational quotes galing sa mga kilalang tao sa iba't-ibang bansa.
Parang gusto ko ng cloud9 bigla.. dugtong niya.
Makalipas ang ilang oras..
Tumunog na ang alarm ng room nila which means next class na naman nila at dahil nga nakatingin siya ngayon sa schedule nila napansin niyang may 15 minutes pa na bakanteng oras sila bago ang sunod na klase nila.
Kaya naman napagdesisyunan niyang gamitin ang ilang minuto na iyon sa pagbabasa ng lumang libro na nabili niya sa halagang bente pesos malapit sa kanila, naging tahimik na rin ang paligid dahil naglabasan ang karamihan sa mga kaklase niya at halos nasa lilima na lang silang naiwan sa classroom nila.
Mabuti na lang talaga at wala pa ring lumalapit sa kanya para okrayin siya at pagtripan siya dahil nga sa nalaman ng mga ito sa kanya.
So.. Hindi nga kaya nila pinagtitripan ang mga scholar dito? Hmn.. sabagay first day of class. Let's see.
Sa pagsapit ng break time nila naiwan na lang siyang mag-isa sa room nila at pabor na naman itong muli sa kanya dahil nagbaon lang naman siya ng mga tinapay na binili niya sa bakery mula kagabi pa.
Mula sa bintana tanaw niya sa baba ang karamihan ng mga estudyante rito na hindi maikakailang anak mayayaman talaga at alagang-alaga ng mga magulang nila na nasasabi niya dahil sa ayos, kilos, at galaw ng mga ito tipong sunod ba lahat ng luho nila.
Napadako rin ang tingin niya sa mga classmates niyang may katawanan at nag-uusap sa may ground. Naisip niya na hindi niya pa nasubukan ang ganu'n.. na makipagkwentuhan o mag-open up sa ibang tao lalo na ang makipag-usap ng matagal sa iba at hindi patungkol lagi sa mga lakad niya. Nasanay kasi siya na lahat ng bagay sinasarili niya at sa buhay na kinalakihan niya dapat ay tahimik ka.
This is better, ayoko rin namang may inaalala pang iba.
Pagkatapos niyang kumain ay dumiretso na siya Library paakyat sa sunod pang mga palapag mula sa room nila which is very new to her dahil nasa pinakataas na floor pa ito which is sa 5th floor ng building nila.
Nang makarating siya roon tila halos mapatingala siya sa taas ng mga libro pagsilip niya, may mga hagdan din na pwedeng gamitin dito and the whole room is really so peaceful bukod doon ay air conditioned pa.
Nice one, I think I wanna live here. Manghang reaksyon niya.
May natitira pa siyang 40 minutes sa breaktime niya kaya naman gamit ang i.d na meron siya tinap niya ito sa scanner ng entrance ng library nila para makapasok siya matapos ay hinanap niya agad ang fairytales section dito dahil 'yon ang paboritong basahin niya.
After ng ilang minutong paghahanap.. finally, she found what she's looking for at ito ang 'The Ugly Duckling' story.
Humanap siya ng magandang pwesto at doon siya napadpad sa dulong parte ng library na halos walang katao-tao na.
May mga upuan at lamesa naman roon pero ewan kung anong trip niya at doon siya pumwesto sa dulong parte ng mga shelves kung saan may kadiliman na atsaka nag-indian sit paupo sa sahig.
Marami-rami na ang nababasa niya ng may marinig siyang kalabog sa paligid niya, actually malayo ito pero dahil may katahimikan ang lugar kaya kahit papano maririnig mo ito.
"Isa ka talagang malaking kahihiyan! Alam mo ba na sa pagiging tanga mo hindi lang ikaw ang napapahiya! " Mahina ngunit pasigaw na tinig ng lalaki ang narinig niya.
"Eh Kuya rank 8 naman ako.. next time panigurado sa 1st grading pasok na ulit ako sa Best of 5." Babae naman ang sunod na nagsalita.
Wala sana siyang balak lingunin ang direksyon ng mga ito pero dahil naiistorbo siya natunton ng mga mata niya kung saan ang ingay na iyon nanggagaling.
Nasa kabilang dulo ang mga ito mula sa pwesto niya at kahit may kalayuan man ang mga 'to malinaw niya pa rin itong nakikita.
"Tonta! Mahina talaga utak mo! Magmula pa kay Lolo hanggang sa'kin lahat kami ni minsan hindi nawala sa rank 5 na 'yan, alam mong isa 'yan sa pinagmamalaki ng pamilya natin.. Ikaw.. Ang hirap sayo sampid ka na nga lang 'di mo pa magawa ng maayos 'yung pagpapaaral sayo gumawa ka pa ng bagong kahihiyan." Gigil na sabi nung lalaki at mahigpit na hinawakan ang panga nung babae sabay marahas itong binitawan.
Binalewala niya na kung ano pa man ang pagtatalo nung dalawa at nagpatuloy na lang sa pagbabasa pero dahil nakita niyang kumakain ang character sa librong hawak niya tuluyan ng nawala ang focus niya at napatitig na lang sa binabasa niya.
Hmmm.. Saan kaya masarap bumili ng ulam mamaya?
*****
Sa kabilang banda naman...
Halatang pinipigilan lang niya ang maluha habang pinagmamasdan paalis ang kuya niya.
Ilang segundo pa ang lumipas pero nanatiling nakatingin pa rin siya roon hanggang sa biglang napakunot ang noo niya dahil may narinig siyang tunog bigla sa paligid niya kaya naman mabilis siyang napalingon sa kaliwa niya at doon nakumpirma niyang may tumutunog nga.
Isang ringtone.
Mahina ito pero dahil nga sa medyo tahimik ang lugar kahit papano maririnig mo pa rin ito lalo pa kapag pinakinggan mo ito ng maigi.
Mabilis niyang inayos ang sarili niya atsaka hinanap kaagad kung saan eksaktong nanggaling ang tunog na iyon. Naningkit pa ang mata niya ng tila may natanaw siya sa malayo na parang bulto ng isang tao na nakaupo roon sa may sahig kaya naman dahan-dahan siyang lumapit dito at nang masiguro niyang may tao nga roon mabilis niyang tinanaw ang pwesto nila ng kuya niya kanina at ang pagitan nito sa kanila.
Napaisip siya kung mula ba sa ganu'ng agwat ay rinig pa rin sila o kaya kayang kuhaan ang pag-uusap nila sa ganong distansya baka kasi ipagkalat nito ang nakita at narinig sa kanila ng Kuya niya.
Agad niyang nilapitan ang taong 'yun kaya mabilis niyang nakilala kung sino ito.
"That no star girl." Naningkit ang mga mata niya habang iniisip na maaring tama nga ang hinala niya at baka kung ano na lang ang ipagkalat nito bigla sa buong school nila lalo pa't kilalang pamilya talaga sila. Isa pa, may nabanggit pa naman ang kuya niya na hindi maaring malaman ng iba dahil paniguradong lalo siyang kamumuhian ng tumatayong pamilya niya.
At dahil nga nadala na siya ng sobrang inis sa lahat ng nangyayari ngayon sa kanya nang makalapit siya rito ay agad niya itong hinila patayo sa braso nito at mabilis na kumilos para sampalin ito pero ganu'n na lang ang pagtataka niya at napakurap-kurap nalang siya ng tila walang nahagip na pisngi ang palad niya.
Sakto kasing may dinampot ito sa sahig na mukhang nahulog kanina dahil sa biglaang paghatak niya.
"Bakit ka naman biglang nanghahablot?" Maang tanong nito sa kanya matapos pulutin nito ang mga gamit nito atsaka tumingin sa kanya, bakas din sa mukha nito ang pagtataka kung bakit ganu'n na lang ang itsura niya at posisyon niya kaya naman mabilis niyang inayos ang postura niya at umaktong wala siyang ginawa para hindi siya mapahiya.
Bwisit! Inis na turan niya dahil masyadong siyang nagpadala sa galit niya kaya ayun nagmukha pa tuloy siyang ewan sa ginawa niya.
Nakita niyang may pinupunasan itong bagay at parang nakalimutan na naroon pa siya.
"You know that we're classmate, right?" Mataray na tanong niya rito habang nakacross arm dito.
"Hmn..? Bakit? May kailangan ka ba sa 'kin?" Tanong nito na hindi man lang siya tinitigan nito at busy-ing inaasikaso ang hawak nito. Mukhang alalang-alala ito roon dahil sa pagkakahulog nito kanina kaya naman napatitig na lang siya sa hawak nito.
IWW. Is that a freaking old phone?!
It's a 3315 nokia phone.
Don't tell me 'yan 'yung narinig kong tumunog kanina? What the hell.. Yuck huh~ 'Di makapaniwalang reaksyon niya.
"...." Nakatingin na pala ito ngayon sa kanya na kitang-kita nito sa mukha niya ang bakas na pandidiri sa hawak nito kaya agad siyang natauhan atsaka tinarayan ulit ito at pinakita rito na mas nakatataas siya rito kaya dapat itong mangilag sa kanya.
"May nakita ka ba o narinig kanina?" Seryoso at may halong pagtataray na tanong niya.
"Huh? Ah, Cellphone ko ata 'yon kanina nakalimutan kong i-silent.. Naistorbo ata kita." Sagot nito sa kanya na bahagyang inalog pa ang phone nito sa harap niya.
Sa sagot nitong iyon mukhang hindi nito alam kung anong tinutukoy niya at mukha rin namang nagsasabi ito ng totoo sa kanya actually, para ngang wala itong kaalam-alam na naroon siya mula pa kanina dahil busy talaga ito sa pagbabasa nito nung lumapit siya.
At ngayong nandito rin siya sa pwesto nito nakita niyang malayo nga talaga ang distansya nito sa kanila ng kuya niya pero natural, 'di pa rin siya papakampante ng ganu'n-gano'n na lang.
Right.. Knowing that she's poor baka mamaya gold digger pa ito na nagkukunwaring walang alam ngayon at magbalak na i-blackmail ako sa susunod para pagkaperahan. No way in hell she'll let that happen.
She's getting paranoid.
"Siguraduhin mo lang na hindi ka nagsisinungaling at wala ka talagang narinig dahil sa oras na may mabalitaan ako tungkol sa 'kin sisiguraduhin kong pagsisisihan mong pumasok ka rito. No star." Pagbabanta niya rito na 'di napigilan ng mata niyang pasadahan ng tingin ito mula ulo hanggang paa. Hindi na rin masama ang itsura nito para sa kanya pero naiirita siya sa may ilang kahabaang bangs nito na halos tumutusok na sa mga mata nito.
"Pulubi. " Dugtong niya rito sabay walk out sa harap nito.
*****
Meanwhile, Wraselle just watched her walks away. Eleganteng naglakad ito paalis sa harap niya habang tahimik na pinagmasdan niya lang ito hanggang sa makaliko na ito at tuluyang mawala sa paningin niya.
"Hmn. Tama, do'n na lang ako sa karinderya nila Kuya Borj bibili mamaya. " Mahinang usal niya saka ibinalik na 'yung librong binabasa niya pagkatapos chineck niya ang cellphone niya para malaman kung anong oras na.
"Sorry Noknok, kinailangan pa kitang ilaglag kanina. " Mabilis na ibinulsa niya na ito atsaka naglakad pabalik ng classroom nila.
Now. I need to know that Star thing first.
...▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬...
...E͙n͙d͙ o͙f͙ t͙h͙i͙s͙ C͙h͙a͙p͙t͙e͙r͙...
Katapos ko lang iedit. Publish agad!
Thanks for reading!
Sana basahin mo rin yung mga susunod pang chapter.
Hoping na malagay mo ito sa iyong Library or Reading list.
Hehehe! Kikiligin talaga ako if eva!
...Two...
...▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬...
Nakauwi na siya ng bahay nang matiwasay matapos ang buong klase niya kahit pa na may unting ganap sa library kanina.
Oras na ng hapunan at gaya nga ng sabi niya doon siya bumili ng pagkain niya sa karindirya ni Kuya Borj. Ang binili lang naman niya ay dalawang klase ng ulam at limang kanin na para lang lahat sa kanya, tamad na kasi talaga siyang magluto pa.
Dito siya nakatira ngayon sa isang pabahay na isang sakay lang papuntang school nila. Maayos ang pagkakagawa rito sa tinutuluyan niya at tahimik din naman dito kahit papaano, mayroon din itong ikalawang palapag at dalawang kwarto na isa sa taas at isa sa baba. Sa lolo niya kasi ang bahay na ito na inayos lang at kinumpleto ang gamit para lang sa kanya pero wala siyang kasama sa bahay ngayon, tanging siya lang talaga mag-isa rito ngayon pansamantala.
Matapos kumain at gumawa ng mga ilang dapat niyang gawin gaya ng mga nakaraang araw hirap na naman siyang makatulog siguro dahil sa hindi talaga siya sanay magstay sa ganitong kaayos na bahay, malambot na higaan na may matitinong kagamitan at lalo na ng hindi umaalis sa gabi para sa mga lakad niya kaya sa ilang araw pa lang niya rito ay talagang nanibago ang buong sistema niya at ito nga't anong oras na ay gising pa rin siya.
Mayroon namang isang bagay na tumutulong sa kanyang magpaantok at 'yun ay makinig ng radyo hanggang sa makatulog siya na iniiwan niya lang bukas buong magdamag habang nakikinig ng iba't-ibang music dito.
So this is how peaceful life is? Sana lagi na lang ganito. Piping hiling niya na sana nga ay magtagal ang ganitong buhay niya.
Exactly 6 o'clock in the morning ay bumangon na siya.
Ganito siya palagi parang may sariling alarm clock ang katawan niya kaya hindi niya kailangan ng kahit anong pampagising kung anong oras siya dapat bumangon.
Nag-ayos lang siya ng sarili at sinuot ang paboritong sports wear niya— isang gray hoodie jacket at black jogger pants matapos ay inumpisahan niya na ang pagjojogging niya.
Nalaman niya kasi agad ang pasikot-sikot dito sa bagong tinutuluyan niya kaya naman mabilis siyang nakagawa ng rutang tatakbuhin niya.
•••••
Malayo-layo na ang nararating niya ng mapagdesisyunan niya munang huminto sa isang convenience store para bumili ng maiinom niya.
Habang nainom ay patuloy pa rin siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa isang villa, paano'y may daan din kasi 'yung parke rito pabalik sa bahay niya.
Gandang-ganda talaga siya sa lugar na ito bukod kasi sa sobrang tahimik na, madami ring puno pa at napakalinis din talaga. Idagdag mo pa ang malalaking bahay na narito kaya pag nandito talaga siya palaging dahan-dahan lang ang takbo niya pero ngayon ay halos naglalakad na lang talaga siya para bumwelo mamaya sa mabilisang pagtakbo niya pabalik sa bahay niya.
"Kung ako sayo bata hindi na ko lalaban at susunod na lang sa sinasabi ko." Nakarinig siya bigla ng nagsasalita sa kung saan. Boses 'yon ng isang lalaki kaya ng suriin niya kung saan iyon nanggagaling ay natanaw niya ang isang kotseng na nakahinto sa may liblib ng mapunong parte nitong villa.
Hindi siya lumapit dito bagkus ay prenteng naglakad siya ng walang tunog paabante rito para ba mas makita niya kung anong nangyayari roon at mula nga sa pwesto niyang 'yon kita niyang may dalawang bulto ng lalaki ang naroon.
Napansin din niyang may tama ng kutsilyo ang kaliwang parte ng braso nung isa.
Pamilyar siya sa akin. Ang tinutukoy niya ay 'yung lalaking sugatan.
"The hell I care for a piece of shit like you! Sino ka ba?!" Pasigaw na sabi nito.
"Ah, tama isa sa.. Ano nga ba 'yun? G4? L4?.. Hmn.. (1 minute later.) Ah, Naalala ko na E4." Nakilala niya rin agad 'yung lalaking kausap nito na pinaglalaruan pa ang balisong nito.
Psh. Ano naman kayang ginawa nito at talagang si Tres pa ang kinalaban niya?
Bigla siyang napaisip na baka isa ito sa away ng mga gang at ito ngang dalawa ay nag one on one, ganu'n naman kasi 'yon madalas.. Na 'yung mga lalaking sikat sa paaralan ay may mga grupo rin na kinatatakutan sa labas ng iskwelahan.
Pero kilala niya rin 'tong si Tres hindi 'to 'yung tipo ng tao na basta nalang kikilos ng walang perang involve, basta pera kasi ang usapan kahit buhay pa ang kukunin nito ay 'di rin talaga 'to magdadalawang isip na gawin iyon.
Napatingin siya sa cellphone niya ng biglang magvibrate ito at dahil doon napagtanto niya kung anong oras na.
Kailangan ko ng umuwi may pasok pa.
Tinapakan niya ang lalagyanan ng iniinuman niya atsaka inihagis ito sa basurahan na halos malapit lang dun sa dalawa pero bago pa niya maipagpatuloy ang pagjojogging niya napansin niyang 'di pala ito na shoot sa tamang basurahan pero dahil sa may kalayuan ito sa kanya kaya hinayaan nalang niya ito roon.
Bayaan na nga magluluto pa ako.
•••••
Kasalukuyan na siyang papasok sa mahabang entrance way ng REU gamit ang roller blade niya and actually kanina pa talaga siya pinagtitinginan ng mga nakakotseng estudyanteng nakakasabay niya na karamihan talaga ay binubuksan pa ang mga bintana nila para lang makita siya.
Ito ang opisyal na araw na nakasuot sila ng uniform dito, every monday kasi ay nakasibilyan sila which she finds really weird again dahil t'wing first day of class nakacivilian sila.
Maya-maya lang din ay binagalan niya na ang takbo niya hanggang sa makarating na nga siya sa mismong gate nila matapos ay sunod-sunod na ring nagsipasok 'yung mga kotse na halos kasunod niya.
Nakarinig siya bigla ng maraming bulungan at pigil na kilig mula sa karamihan na napapatingin pa sa direksyon niya at tila nakatingin lahat sa kanya.
Well, false alarm mga kapatid. Syempre, hindi naman talaga 'yon dahil sa kanya.
Natural, hindi naman siya ang inaabangan ng mga ito kahit pa nga ata mabagal siyang dumaan sa harap ng mga ito para bang 'di siya nakikita ng mga 'to dahil tila na freeze na ba ang mga mata nila roon sa mga lalaking halos nasa likuran lang niya.
Hindi niya na kailangan pang lingunan ito para lang malaman kung sino ang mga 'yon dahil may ideya na siya kung sinong tinutukoy nila kaya nagpatuloy na lang siya sa pagslide ng roller blade niya hanggang makarating siya sa locker room nila atsaka doon nagpalit ng sapatos niya.
"Nakita niyo ba 'yong braso ni Dylan, Ano kayang nangyari do'n at naka arm sling siya ngayon?" Narinig niyang usapan ng ilang nakasabay niya habang inaayos niya 'yung gamit niya.
"'Di ko rin alam noh~ Basta ang gagwapo talaga nila! Goshh!" Pigil na tili naman nung isa at mula sa pwesto niya kita niyang papasok na rin ang mga ito pati 'yung lalaking tinutukoy nitong mga nag-uusap kanina kaya naman umayos na siya ng tayo at naglakad papuntang room niya.
So nakaya niyang labanan si Tres..? Sabagay mukhang siya rin naman ang leader sa grupo nila. Diresto upo kaagad siya pagkapasok niya sa room nila pero 'di pa man gaanong nag-iinit ang pang-upo niya nang bigla nalang magvibrate ang cellphone niya.
NUNAL CALLING ■■■■
Tch. Bakit naman tumatawag 'tong isang 'to?
Hindi niya muna ito sinagot atsaka naglakad palabas ng room nila matapos naghanap siya ng lugar na wala masyadong tao na makakarinig sa kanila.
Playground? Napahinto siya ng may makita siyang isang playground na nasa bandang likuran na ng building nila.
Halatang hindi ito nagagalaw dahil maayos pa rin ang pagkakapintura rito at wala talaga siyang nakikitang tao malapit dito marahil dahil hindi naman isip bata ang estudyante sa REU kaya 'di sila nagagawi rito, 'yun pa.. mga sosyalin 'yung mga 'yon.
Nasa ganu'ng pag-iisip siya ng magvibrate ulit ang phone niya kaya tumingin muna siya sa paligid niya atsaka napatingala.. At nung may makita na siyang magandang pwesto ay agad niya itong pinuntahan atsaka do'n niya lang sinagot 'yong tawag.
"What the hell do you need?" Bagot na tanong niya rito pagkasagot niya sa tawag nito.
"I—kaw... HEHEHEHE!" Sagot naman nito sa malanding tono habang tumatawa pa ito na tila manyakis.
Gago. Pinatayan niya nalang ito ng tawag bigla.
Napatingin siya sa paligid niya dahil sa ganda nitong napwestuhan niya idagdag mo pa ang malakas na simoy ng hangin rito. Nasa isang mataas na puno ngayon kasi itong kinauupuan niya and yet hindi lang ito basta mataas talagang mataas dahil halos aabot na ito sa 3rd floor ng school building nila.
Nasa kalagitnaan siya ng pagmumuni niya ng makarinig siya ng yabag palapit sa kinaroon niya at dahil nga mataas 'tong kinaroroonan niya nakilala niya agad kung sino iyong natatanaw niya.
Tahimik siyang nagmasid dito at bagot na pinagmasdan ang bawat kilos nito.
Kakaiba kasi ang kinikilos nito.
Una, tumigil ito sa harap ng seesaw pagkatapos ay luminga-linga 'to sa paligid nito sunod naman ay pumunta ito sa likurang parte ng building nila na katabi lang nung playground atsaka bahagyang lumuhod ito roon pagkatapos tila may dinampot ito sa lupa.
At dahil natatabunan ng halaman ang kalahati ng katawan nito kaya 'di niya kita kung anong ginagawa ng lalaking 'yon basta nakausli lang ang pwetan nito at bahagyang gumigiling ito matapos makalipas ng ilang minuto ay tumayo na rin ito na ngayon ay may bitbit na itong isang malaking bato, hirap man dahil hindi nito magamit ang kaliwang kamay nito ay nakayanan pa rin nitong bitbitin iyon.
Pagkatapos, huminto muli ito sa harap ng seesaw atsaka inilapag sa may kanang upuan no'n 'yung bato matapos may kung anong inayos ito roon atsaka may dinukot sa ilalim ng upuan no'n. Isa itong gomang panali na ipinulupot nito sa katawan nung bato.
Madaling pinagpag nito ang kamay nito atsaka nag-unat ito ng braso at ulo, inayos din nito ng bahagya ang uniform nito at pagkatapos nga ay nakipag-seesaw na ito sa bato habang sobrang seryosong ginagawa iyon.
Isa pa 'tong gago..
Maya-maya lang ay huminto na rin ito sa ginagawa nito.
"Do you think I wouldn't know that you are there watching my every move?" Ngumisi pa ito habang napapailing.
Hindi siya gumalaw sa pwesto niya, naisip niya na malakas din palang makaramdam 'tong Dylan na tinatawag nila dahil hindi talaga madaling matukoy ang distansya niya.
"'Wag mo kong minamaliit, Kikiam." Napakunot noo siya bigla dahil sa huling sinabi nito kaya hindi niya napigilang ikuyom ang kamao niya hindi niya kasi nagustuhan ang tinawag nito sa kanya.
Lintek 'to ah. Paano dalawa lang naman silang naroon kaya kung hindi siya nagkakamali siya talaga ang sinasabihan nito.
Balak niya na sanang bumaba roon at patagong batuhin ito ng kung ano nang may mapansin siyang gumagalaw sa paahan nito.
Isang napakabalbon na kulay brown na tuta iyon na mabilis pa ang pagkibot-kibot ng pwet habang paikot-ikot sa paa nito, ni halos 'di mo na nga makita ang mukha nito dahil sa sobrang kapal ng balahibo nito.
"Ano? Ha? Anong tinitingin mo sa 'kin? Akala mo siguro hindi ko alam na kanina ka pa nakamasid diyan ha. Psh." Kausap nito sa tuta na nakatingala lang sa kanya habang nakalabas pa ang dila.
Pinanood niya na lang muli ito na busy na ngayon sa pagkikipaglaro sa tuta.
Sa totoo lang nakakagulat itong nakikita niya pero hindi niya magawang magreact o matawa rito bagkus ay naiinggit pa siya rito.
Paano ba naman kasi 'yung leader ng E4 na gwapo, malakas, makisig, matalino, mataray, at chick magnet sa mata ng iba na hinahangaan ng lahat dito sa school nila ay kasalukuyang...
"Akuchikuchikuchikuchiku.. Ano ha? Rawwrr.. Eto pa.. Akuchikuchikuchiku." Parang siraulo sa mata niya na humahaba pa ang nguso habang kinukulit ang alaga nito.
Tumayo na rin ang lalaki at may sinagot na tawag pagkatapos ay tumingin sa relo nito atsaka umalis na roon.
Shit. Late na pala ako.. Napagtanto rin niya, ngayon lang ito nangyari sa kanya na parang nakalimot siya at hindi niya namalayan ang oras bigla.
Mabilis siyang bumaba ng puno ng 'di gumagawa ng kahit anong tunog pagkatapos ay madali siyang naglakad papunta sa classroom nila. Hihinto pa sana siya dahil sa pagliko niya nang sakto namang naroon pa rin sa tapat ng pinto ng room nila 'yung apat na lalaking kaklase niya na napatingin din bigla sa direksyon niya.
Nauna nang pumasok ang tatlo habang seryosong nakatitig lang si Dylan sa kanya.
Tch. Minamalas ka nga naman oh.
Marahil iisipin ng iba na bakit magkakasama sila at magkasabay pa silang late na pumasok ng klase nila partida, medyo nagpahuli pa nga siya para mauna ito sa kanya pero eto at nagkaabutan pa rin sila tapos kasama pa 'yung iba.
Bigla na lang inilagay ni Dylan ang isang kamay nito sa bulsa nito atsaka sinenyasan siyang pumasok na at mauna na sa kanya.
Hindi talaga sana siya susunod dito at kunwaring magpapakumbaba na lang dito na animo'y ang buang na prinsipe na lang ang mauna sa kanya pero sinupladuhan siya nito at inulit pa 'yung pagtingin sa kanya na tila sinasabing mauna na nga kasi siya rito kaya no choice na talaga siya dahil ang tagal na nila sa may pinto ng room nila kaya nakayukong pumasok na lang din siya.
"The hell.. Bakit sila magkasabay ni Dylan?" Rinig niyang bulungan at ingay ng mga kaklase niya na mukhang sobrang gulat at inis ang mga ito dahil sa nakita nila. Hindi na rin halos paawat ang ingay sa classroom nila na parang sobrang big deal nitong nangyari sa kanila.
OA huh.
"Silence everyone." Sabi naman ni Dylan na mabilis sinunod ng madla.
"Turuan natin mamaya ng leksyon 'yang no star na 'yan." Mahinang bulong ng isa pero rinig na rinig naman niya kaya mukhang tila umpisa na ngayon ng magulong highschool life niya.
Bwisit.
...▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬...
...E͙n͙d͙ o͙f͙ t͙h͙i͙s͙ C͙h͙a͙p͙t͙e͙r͙...
Katatapos ko lang magsulat. 😣😣😣😣
Ganito ang magiging sistema ko sa story na ito saka ko na lang iedit kapag madami na..
Read mo na rin other works ko.. Pwiiiisssss~
Download MangaToon APP on App Store and Google Play