01

...One...

...▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬...

"To all students and new student of Royale Era University.. Welcome to our campus! Please proceed to your respective rooms and section, you only have 5 minutes before the class start. " 'Yan ang madidinig sa buong school bago magsimula ang mga klase rito.

"So this is REU.." She's on her way right now to her classroom and she's really amaze on how big the school is.

To think na dito sa school na'to 'ko ga-graduate.. Nice. She still can't believe na 'yung dating naririnig lang niya at nababalitaan noon sa TV na sikat na school dito sa bansa ngayon ay papasukan na rin niya. Hindi niya lubos akalain na magkakaroon siya ng ganitong oportunidad na makapag-aral sa ganito kagandang school dahil ang tanging gusto lang naman talaga niya ay maipagpatuloy ang pag-aaral niya at makapagtapos sa kahit anong paaralan.

You can really say that these is the best school in the country because looking at this university right now.. It's really huge and screams richness. Sa mga estudyante pa lang mula sa ayos, tindig, damit at gamit ng mga ito mahahalatang mayayaman nga ang mga nagsisipag-aral dito.

Yeah, Opposite of mine.. She thought while observing the others. Wala kasi siyang kaarte-arte sa buhay lalo na sa gamit, mukha o kung ano pa man. In short, simple pero hindi naman siya 'yung tipong mapapalingon ang iba dahil sa hindi siya mukhang mayaman at mukhang kakaiba ang itsura niya dahil una sa lahat ayaw niyang makaagaw ng kahit anong atensyon sa kanila kaya normal lang ang lahat sa kanya.

"Oops.. sorry!" Paumanhin bigla ng nakasagi sa kanya. Nagmamadali na kasi ang karamihan magsipasok sa kani-kanilang room kaya lakad-takbo na ang ilan sa kanila.

"..." She just nod then continue on walking.

'Di gaya ng iba 'di niya na kailangan pang magmadaling puntahan ang classroom niya dahil nung nag-announce pa lang kanina ay tanaw niya na kung saan ang magiging room niya.

Here it is. Nakarating na nga siya sa tapat ng pinto ng classroom niya pero saglit pa siyang napahinto rito at napatingin sa sign board sa taas kung saan nakasulat ang section niya which is 4-2 matapos non sakto namang pagpasok niya ay halos kasunod lang din nang pagdating ng Professor nila.

"Okay everyone, please have a seat." Agad na nagsulat ng pangalan ang ginang na iyon sa Techboard nila.

Mrs. Kristine Lu

Animo'y parang malaking iPad ang blackboard nila at ang panulat nito ay parang isang ballpen naman.

Very Hi-tech huh.. She's impressed.

"I will be your class adviser for this year so everyone just call me Mrs. Lu. I am an A.P teacher here in your class, Now! I want all of you to introduce yourself, tell your hobbies, favorite subject, and state your rank number." Sabi ng ginang na sa palagay niya ay nasa mid 40's na.

I guess she's strict pero may kilala akong mas istrikto pa sa kanya. Pansin niya rito.

If you're wondering kung ano 'yung Rank Number na tinutukoy ng adviser nila. Ito ay ang top mo sa section niyo based sa nakuha mong score nung entrance exam na nagsisilbing rank mo muna sa mga unang buwan ng pasukan, which is nababago rin naman every grading at resulta ng exam.

Rumble ang section dito kung baga walang mataas na section sa kanila at ang rank number naman ay kada room naman. They used this system para ma-encourage raw ang lahat to do their best in every exam dahil sa pamamagitan nito malalaman mo ang antas ng talino mo na sa tingin niya naman ay wala gaanong epekto at impact sa ilan lalo pa kung tamad talagang mag-aral ang isang estudyante at walang pake sa mataas na grade basta makapasa lang.

Hays.. First day of class is what I hate the most.. Ito ang pinakaayokong gawin t'wing unang linggo ng pasukan.. 'yang paulit-ulit na introduction na 'yan..

Nag-umpisa ng magpakilala isa-isa ang mga kaklase niya at dahil nasa pangalawa sa dulong row pa siya kaya naman medyo matagal pa bago siya.

Isang siyang transferee kaya wala talaga siyang kilala ni isa rito. Hiling niya na sana hindi siya matulad doon sa mga nababasa niya at minsang napanood niya na madalas nagiging tampulan ng bully lalo na sa gaya niyang bagong salta at sa ganitong kasikat na school pa.

'Di naman dahil sa takot siya or ano pa man but still.. as much as possible she wants to have a peaceful school life here in REU dahil baka ito na rin ang last chance niya na makatuntong siya sa paaralan para lang talaga ang mag-aral.

"Next." Sabi ni Mrs. Lu which means na siya na ang susunod na magpapakilala.

"I am Wraselle Fin Faustino,  Hobbies.. Eating snacks and exploring the library,  Favorite subject is MAPEH, Ra—" Naputol ang pagpapakilala niya ng bigla na lang may nagslide ng pinto ng room nila at kasabay din nun ay pagsinghap ng ilang mga kaklase niya.

Tila ba nabuhayan ang mga 'to bigla dahil do'n sa mga bagong dating sa classroom nila na kani-kanina lang naman ay bored na bored ang mga ito at walang pake sa sinasabi niya.

May pumasok kasing apat na lalaki sa room nila kaya naman naiwan siyang nakatayo habang ang buong klase naman nila ay nag-iingay na at dahil nga sa eksenang iyon tahimik na lang siyang naupo at naghintay nang susunod na mangyayari sa classroom nila, tingin din naman kasi niya sapat na 'yung pagpapakilala niya.

"Oh, we're late." Iyon lang ang sabi nung isa na hindi man lang humingi ng paumanhin sa guro nila at diretsong nagsipag-upo sa kabilang side malayo sa kanya.

I see. Typical rich boys syndrome ah. Hmn.. Pati pala sa pinas may ganito na?

Nagkaroon pa ng bulungan at bungisngisan sa buong room nila lalo na 'yong mga babaeng kaklase niya na parang excited na excited at kinikilig pa habang siya(?) ni hindi man lang niya tinapunan ng tingin ang kahit sino sa kanila magmula ng pumasok ang mga 'to kanina bukod kasi sa tinatamad siya ay wala naman siyang pake sa kanila.

"Everyone quiet! Especially the girls, Daldalan nang daldalan. Mga tagabundok ba kayo? Ngayon lang ba kayo nakakita ng mga lalaki? Act like a lady, Kanino na ba tayo huminto kanina? Oh.. Ms. Faustino, please continue." She just give a quick sighed dahil akala niya okay na 'yung mga sinabi niya kanina.

Tch. Takte akala ko naman tapos na.

Medyo maingay pa rin ang mga kaklase niya at kita niya pa ang palihim na pag-ikot ng mata ng iba sa kanila dahil sa sinabing iyon ng professor nila but she doesn't mind any of that, mas pabor pa nga sa kanya kung wala ang atensyon ng mga ito sa kanya.

At dahil nga sa gusto niya ng matapos ang pagpapakilala niya hindi niya na inulit pa 'yung mga sinabi niya kanina at mabilis na inanunsyo na lang ang Rank number niya.

"Rank number 19." At diretso upo na siya. May tiningnan naman sandali sa folder ang professor nila bago muling bumaling sa kanya.

"I see. So you're one of those NO STAR students." Tila natahimik na lang ang lahat sa biglang pahayag ng prof. nila.

No Star? Anong star? Pagtataka niya.

Hindi niya magets kung anong star ang tinutukoy nito at kung bakit ganu'n na lang ang reaksyon ng mga kaklase niya. Hindi niya pa kasi nababasa ang buong Student's HandBook nila dahil madami siyang tinapos bago magpasukan kaya wala talaga siyang kaide-ideya sa bagay na tinutukoy nitong professor nila.

Ano na namang pauso 'yun? May rank number na nga may pastar-star pa..Tch. Nagpalakpakan naman bigla ang mga classmate niya pero pansin niya na karamihan sa mga ito ay labas sa ilong at pakitang unggoy lang sa kanya.

Oh wow, sira na talaga ang ozone layer sa dami ng kaplastikan sa mundo.. Isip-isip niya ng mapansin niya ang mga mukha nito sa kanya, ganu'n pa man hindi niya talaga alam kung anong iaakto niya sa kanila kaya gaya na nga lang kanina pagtango nalang at yuko nalang ang ginawa niya bilang sagot sa kaplastikan ng mga ito sa kanya.

Hindi rin naman kasi siya 'yung mala ice chuchu na babae tingnan, kapag tinitigan mo kasi siya kahit na madalas no reaction siya, mukha lang talagang siyang nababagot at parang wala lang din pakealam sa iba pero hindi naman siya ganu'ng kasuplada dahil magsasalita naman siya kung kakausapin mo siya at magrereact naman siya kung talagang may nakakatawa at nakakainis na bagay para sa kanya.

"Very nice, may scholar pala ako ngayon sa klase ko. One of the Lucky7 huh.. pero sana continue to study hard Ms. Faustino dahil mukhang nagpapetiks-petiks ka yata pagdating nung entrance exam mo.. Afterall, may grades kang kailangang i-maintain para manatiling scholar ka rito." Mahabang pahayag ni Mrs. Lu sa kanya na bahagyang nagpabuntong hininga sa kanya dahil sa binanggit pa nito na isa siya sa mga scholar nila. Ayaw niya na kasi sana itong ipaalam pa sa iba dahil baka mamaya lang may mantrip na agad sa kanya.

"Yes, Ma'am." Munting sagot niya habang naririnig niyang may mahihinang bumubungisngis sa kanya at tinitingnan siya mula ulo hanggang paa.

Base sa report sa TV isa sa dahilan kung bakit lalo pang nakilala ang REU sa buong bansa ay dahil sa isa sa pinakamagandang programa nila ay magbigay ng scholarship sa pitong masuswerteng kapos na mag-aaral na makaranas makapasok sa prehistiyosong paaralang ito at magkaroon ng magandang kinabukasan gaya ng mga nagsipagtapos dito.

Nabanggit din dito na welcome sa kanila ang mga nagiging scholar nila at tanggap sila ng mga estudyante rito, na priority rin nila na bigyan ng tulong ang gaya niya dahil una sa lahat hindi madaling mapili para mapasok dito kaya tinawag itong Lucky7.

Wow. So ganyan na pala iyong expression nang welcome na welcome ngayon?

Psh. Whatta fake news. Napaismid na lang siya sa isip niya.

Matapos sa kanya maya-maya lang din ay sumunod ng nagsalita 'yung mga huling dumating kanina kaya naman all eyes na ang lahat dun sa apat pero siya? Ayun, nakatulala sa harapan kung saan may nakapaskil na mga motivational quotes galing sa mga kilalang tao sa iba't-ibang bansa.

Parang gusto ko ng cloud9 bigla.. dugtong niya.

Makalipas ang ilang oras..

Tumunog na ang alarm ng room nila which means next class na naman nila at dahil nga nakatingin siya ngayon sa schedule nila napansin niyang may 15 minutes pa na bakanteng oras sila bago ang sunod na klase nila.

Kaya naman napagdesisyunan niyang gamitin ang ilang minuto na iyon sa pagbabasa ng lumang libro na nabili niya sa halagang bente pesos malapit sa kanila, naging tahimik na rin ang paligid dahil naglabasan ang karamihan sa mga kaklase niya at halos nasa lilima na lang silang naiwan sa classroom nila.

Mabuti na lang talaga at wala pa ring lumalapit sa kanya para okrayin siya at pagtripan siya dahil nga sa nalaman ng mga ito sa kanya.

So.. Hindi nga kaya nila pinagtitripan ang mga scholar dito? Hmn.. sabagay first day of class. Let's see.

Sa pagsapit ng break time nila naiwan na lang siyang mag-isa sa room nila at pabor na naman itong muli sa kanya dahil nagbaon lang naman siya ng mga tinapay na binili niya sa bakery mula kagabi pa.

Mula sa bintana tanaw niya sa baba ang karamihan ng mga estudyante rito na hindi maikakailang anak mayayaman talaga at alagang-alaga ng mga magulang nila na nasasabi niya dahil sa ayos, kilos, at galaw ng mga ito tipong sunod ba lahat ng luho nila.

Napadako rin ang tingin niya sa mga classmates niyang may katawanan at nag-uusap sa may ground. Naisip niya na hindi niya pa nasubukan ang ganu'n.. na makipagkwentuhan o mag-open up sa ibang tao lalo na ang makipag-usap ng matagal sa iba at hindi patungkol lagi sa mga lakad niya. Nasanay kasi siya na lahat ng bagay sinasarili niya at sa buhay na kinalakihan niya dapat ay tahimik ka.

This is better, ayoko rin namang may inaalala pang iba.

Pagkatapos niyang kumain ay dumiretso na siya Library paakyat sa sunod pang mga palapag mula sa room nila which is very new to her dahil nasa pinakataas na floor pa ito which is sa 5th floor ng building nila.

Nang makarating siya roon tila halos mapatingala siya sa taas ng mga libro pagsilip niya, may mga hagdan din na pwedeng gamitin dito and the whole room is really so peaceful bukod doon ay air conditioned pa.

Nice one, I think I wanna live here. Manghang reaksyon niya.

May natitira pa siyang 40 minutes sa breaktime niya kaya naman gamit ang i.d na meron siya tinap niya ito sa scanner ng entrance ng library nila para makapasok siya matapos ay hinanap niya agad ang fairytales section dito dahil 'yon ang paboritong basahin niya.

After ng ilang minutong paghahanap.. finally, she found what she's looking for at ito ang 'The Ugly Duckling' story.

Humanap siya ng magandang pwesto at doon siya napadpad sa dulong parte ng library na halos walang katao-tao na.

May mga upuan at lamesa naman roon pero ewan kung anong trip niya at doon siya pumwesto sa dulong parte ng mga shelves kung saan may kadiliman na atsaka nag-indian sit paupo sa sahig.

Marami-rami na ang nababasa niya ng may marinig siyang kalabog sa paligid niya, actually malayo ito pero dahil may katahimikan ang lugar kaya kahit papano maririnig mo ito.

"Isa ka talagang malaking kahihiyan!  Alam mo ba na sa pagiging tanga mo hindi lang ikaw ang napapahiya! " Mahina ngunit pasigaw na tinig ng lalaki ang narinig niya.

"Eh Kuya rank 8 naman ako.. next time panigurado sa 1st grading pasok na ulit ako sa Best of 5." Babae naman ang sunod na nagsalita.

Wala sana siyang balak lingunin ang direksyon ng mga ito pero dahil naiistorbo siya natunton ng mga mata niya kung saan ang ingay na iyon nanggagaling.

Nasa kabilang dulo ang mga ito mula sa pwesto niya at kahit may kalayuan man ang mga 'to malinaw niya pa rin itong nakikita.

"Tonta! Mahina talaga utak mo!  Magmula pa kay Lolo hanggang sa'kin lahat kami ni minsan hindi nawala sa rank 5 na 'yan, alam mong isa 'yan sa pinagmamalaki ng pamilya natin.. Ikaw.. Ang hirap sayo sampid ka na nga lang 'di mo pa magawa ng maayos 'yung pagpapaaral sayo gumawa ka pa ng bagong kahihiyan." Gigil na sabi nung lalaki at mahigpit na hinawakan ang panga nung babae sabay marahas itong binitawan.

Binalewala niya na kung ano pa man ang pagtatalo nung dalawa at nagpatuloy na lang sa pagbabasa pero dahil nakita  niyang kumakain ang character sa librong hawak niya tuluyan ng nawala ang focus niya at napatitig na lang sa binabasa niya.

Hmmm.. Saan kaya masarap bumili ng ulam mamaya?

*****

Sa kabilang banda naman...

Halatang pinipigilan lang niya ang maluha habang pinagmamasdan paalis ang kuya niya.

Ilang segundo pa ang lumipas pero nanatiling nakatingin pa rin siya roon hanggang sa biglang napakunot ang noo niya dahil may narinig siyang tunog bigla sa paligid niya kaya naman mabilis siyang napalingon sa kaliwa niya at doon nakumpirma niyang may tumutunog nga.

Isang ringtone.

Mahina ito pero dahil nga sa medyo tahimik ang lugar kahit papano maririnig mo pa rin ito lalo pa kapag pinakinggan mo ito ng maigi.

Mabilis niyang inayos ang sarili niya atsaka hinanap kaagad kung saan eksaktong nanggaling ang tunog na iyon. Naningkit pa ang mata niya ng tila may natanaw siya sa malayo na parang bulto ng isang tao na nakaupo roon sa may sahig kaya naman dahan-dahan siyang lumapit dito at nang masiguro niyang may tao nga roon mabilis niyang tinanaw ang pwesto nila ng kuya niya kanina at ang pagitan nito sa kanila.

Napaisip siya kung mula ba sa ganu'ng agwat ay rinig pa rin sila o kaya kayang kuhaan ang pag-uusap nila sa ganong distansya baka kasi ipagkalat nito ang nakita at narinig sa kanila ng Kuya niya.

Agad niyang nilapitan ang taong 'yun kaya mabilis niyang nakilala kung sino ito.

"That no star girl." Naningkit ang mga mata niya habang iniisip na maaring tama nga ang hinala niya at baka kung ano na lang ang ipagkalat nito bigla sa buong school nila lalo pa't kilalang pamilya talaga sila. Isa pa, may nabanggit pa naman ang kuya niya na hindi maaring malaman ng iba dahil paniguradong lalo siyang kamumuhian ng tumatayong pamilya niya.

At dahil nga nadala na siya ng sobrang inis sa lahat ng nangyayari ngayon sa kanya nang makalapit siya rito ay agad niya itong hinila patayo sa braso nito at mabilis na kumilos para sampalin ito pero ganu'n na lang ang pagtataka niya at napakurap-kurap nalang siya ng tila walang nahagip na pisngi ang palad niya.

Sakto kasing may dinampot ito sa sahig na mukhang nahulog kanina dahil sa biglaang paghatak niya.

"Bakit ka naman biglang nanghahablot?" Maang tanong nito sa kanya matapos pulutin nito ang mga gamit nito atsaka tumingin sa kanya,  bakas din sa mukha nito ang pagtataka kung bakit ganu'n na lang ang itsura niya at posisyon niya kaya naman mabilis niyang inayos ang postura niya at umaktong wala siyang ginawa para hindi siya mapahiya.

Bwisit! Inis na turan niya dahil masyadong siyang nagpadala sa galit niya kaya ayun nagmukha pa tuloy siyang ewan sa ginawa niya.

Nakita niyang may pinupunasan itong bagay at parang nakalimutan na naroon pa siya.

"You know that we're classmate, right?" Mataray na tanong niya rito habang  nakacross arm dito.

"Hmn..? Bakit? May kailangan ka ba sa 'kin?" Tanong nito na hindi man lang siya tinitigan nito at busy-ing inaasikaso ang hawak nito. Mukhang alalang-alala ito roon dahil sa pagkakahulog nito kanina kaya naman napatitig na lang siya sa hawak nito.

IWW. Is that a freaking old phone?! 

It's a 3315 nokia phone.

Don't tell me 'yan 'yung narinig kong tumunog kanina? What the hell.. Yuck huh~ 'Di makapaniwalang reaksyon niya.

"...." Nakatingin na pala ito ngayon sa kanya na kitang-kita nito sa mukha niya ang bakas na pandidiri sa hawak nito kaya agad siyang natauhan atsaka tinarayan ulit ito at pinakita rito na mas nakatataas siya rito kaya dapat itong mangilag sa kanya.

"May nakita ka ba o narinig kanina?" Seryoso at may halong pagtataray na tanong niya.

"Huh? Ah, Cellphone ko ata 'yon kanina nakalimutan kong i-silent.. Naistorbo ata kita." Sagot nito sa kanya na bahagyang inalog pa ang phone nito sa harap niya.

Sa sagot nitong iyon mukhang hindi nito alam kung anong tinutukoy niya at mukha rin namang nagsasabi ito ng totoo sa kanya actually, para ngang wala itong kaalam-alam na naroon siya mula pa kanina dahil busy talaga ito sa pagbabasa nito nung lumapit siya.

At ngayong nandito rin siya sa pwesto nito nakita niyang malayo nga talaga ang distansya nito sa kanila ng kuya niya pero natural, 'di pa rin siya papakampante ng ganu'n-gano'n na lang.

Right.. Knowing that she's poor baka mamaya gold digger pa ito na nagkukunwaring walang alam ngayon at magbalak na i-blackmail ako sa susunod para pagkaperahan. No way in hell she'll let that happen.

She's getting paranoid.

"Siguraduhin mo lang na hindi ka nagsisinungaling at wala ka talagang narinig dahil sa oras na may mabalitaan ako tungkol sa 'kin sisiguraduhin kong pagsisisihan mong pumasok ka rito. No star." Pagbabanta niya rito na 'di napigilan ng mata niyang pasadahan ng tingin ito mula ulo hanggang paa. Hindi na rin masama ang itsura nito para sa kanya pero naiirita siya sa may ilang kahabaang bangs nito na halos tumutusok na sa mga mata nito.

"Pulubi. " Dugtong niya rito sabay walk out sa harap nito.

*****

Meanwhile, Wraselle just watched her walks away. Eleganteng naglakad ito paalis sa harap niya habang tahimik na pinagmasdan niya lang ito hanggang sa makaliko na ito at tuluyang mawala sa paningin niya.

"Hmn. Tama, do'n na lang ako sa karinderya nila Kuya Borj bibili mamaya. " Mahinang usal niya saka ibinalik na 'yung librong binabasa niya pagkatapos chineck niya ang cellphone niya para malaman kung anong oras na.

"Sorry Noknok, kinailangan pa kitang ilaglag kanina. " Mabilis na ibinulsa niya na ito atsaka naglakad pabalik ng classroom nila.

Now. I need to know that Star thing first.

...▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬...

...E͙n͙d͙ o͙f͙ t͙h͙i͙s͙ C͙h͙a͙p͙t͙e͙r͙...

Katapos ko lang iedit. Publish agad!

Thanks for reading!

Sana basahin mo rin yung mga susunod pang chapter.

Hoping na malagay mo ito sa iyong Library or Reading list.

Hehehe!  Kikiligin talaga ako if eva!

Episodes
Episodes

Updated 3 Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play