...Two...
...▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬...
Nakauwi na siya ng bahay nang matiwasay matapos ang buong klase niya kahit pa na may unting ganap sa library kanina.
Oras na ng hapunan at gaya nga ng sabi niya doon siya bumili ng pagkain niya sa karindirya ni Kuya Borj. Ang binili lang naman niya ay dalawang klase ng ulam at limang kanin na para lang lahat sa kanya, tamad na kasi talaga siyang magluto pa.
Dito siya nakatira ngayon sa isang pabahay na isang sakay lang papuntang school nila. Maayos ang pagkakagawa rito sa tinutuluyan niya at tahimik din naman dito kahit papaano, mayroon din itong ikalawang palapag at dalawang kwarto na isa sa taas at isa sa baba. Sa lolo niya kasi ang bahay na ito na inayos lang at kinumpleto ang gamit para lang sa kanya pero wala siyang kasama sa bahay ngayon, tanging siya lang talaga mag-isa rito ngayon pansamantala.
Matapos kumain at gumawa ng mga ilang dapat niyang gawin gaya ng mga nakaraang araw hirap na naman siyang makatulog siguro dahil sa hindi talaga siya sanay magstay sa ganitong kaayos na bahay, malambot na higaan na may matitinong kagamitan at lalo na ng hindi umaalis sa gabi para sa mga lakad niya kaya sa ilang araw pa lang niya rito ay talagang nanibago ang buong sistema niya at ito nga't anong oras na ay gising pa rin siya.
Mayroon namang isang bagay na tumutulong sa kanyang magpaantok at 'yun ay makinig ng radyo hanggang sa makatulog siya na iniiwan niya lang bukas buong magdamag habang nakikinig ng iba't-ibang music dito.
So this is how peaceful life is? Sana lagi na lang ganito. Piping hiling niya na sana nga ay magtagal ang ganitong buhay niya.
Exactly 6 o'clock in the morning ay bumangon na siya.
Ganito siya palagi parang may sariling alarm clock ang katawan niya kaya hindi niya kailangan ng kahit anong pampagising kung anong oras siya dapat bumangon.
Nag-ayos lang siya ng sarili at sinuot ang paboritong sports wear niya— isang gray hoodie jacket at black jogger pants matapos ay inumpisahan niya na ang pagjojogging niya.
Nalaman niya kasi agad ang pasikot-sikot dito sa bagong tinutuluyan niya kaya naman mabilis siyang nakagawa ng rutang tatakbuhin niya.
•••••
Malayo-layo na ang nararating niya ng mapagdesisyunan niya munang huminto sa isang convenience store para bumili ng maiinom niya.
Habang nainom ay patuloy pa rin siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa isang villa, paano'y may daan din kasi 'yung parke rito pabalik sa bahay niya.
Gandang-ganda talaga siya sa lugar na ito bukod kasi sa sobrang tahimik na, madami ring puno pa at napakalinis din talaga. Idagdag mo pa ang malalaking bahay na narito kaya pag nandito talaga siya palaging dahan-dahan lang ang takbo niya pero ngayon ay halos naglalakad na lang talaga siya para bumwelo mamaya sa mabilisang pagtakbo niya pabalik sa bahay niya.
"Kung ako sayo bata hindi na ko lalaban at susunod na lang sa sinasabi ko." Nakarinig siya bigla ng nagsasalita sa kung saan. Boses 'yon ng isang lalaki kaya ng suriin niya kung saan iyon nanggagaling ay natanaw niya ang isang kotseng na nakahinto sa may liblib ng mapunong parte nitong villa.
Hindi siya lumapit dito bagkus ay prenteng naglakad siya ng walang tunog paabante rito para ba mas makita niya kung anong nangyayari roon at mula nga sa pwesto niyang 'yon kita niyang may dalawang bulto ng lalaki ang naroon.
Napansin din niyang may tama ng kutsilyo ang kaliwang parte ng braso nung isa.
Pamilyar siya sa akin. Ang tinutukoy niya ay 'yung lalaking sugatan.
"The hell I care for a piece of shit like you! Sino ka ba?!" Pasigaw na sabi nito.
"Ah, tama isa sa.. Ano nga ba 'yun? G4? L4?.. Hmn.. (1 minute later.) Ah, Naalala ko na E4." Nakilala niya rin agad 'yung lalaking kausap nito na pinaglalaruan pa ang balisong nito.
Psh. Ano naman kayang ginawa nito at talagang si Tres pa ang kinalaban niya?
Bigla siyang napaisip na baka isa ito sa away ng mga gang at ito ngang dalawa ay nag one on one, ganu'n naman kasi 'yon madalas.. Na 'yung mga lalaking sikat sa paaralan ay may mga grupo rin na kinatatakutan sa labas ng iskwelahan.
Pero kilala niya rin 'tong si Tres hindi 'to 'yung tipo ng tao na basta nalang kikilos ng walang perang involve, basta pera kasi ang usapan kahit buhay pa ang kukunin nito ay 'di rin talaga 'to magdadalawang isip na gawin iyon.
Napatingin siya sa cellphone niya ng biglang magvibrate ito at dahil doon napagtanto niya kung anong oras na.
Kailangan ko ng umuwi may pasok pa.
Tinapakan niya ang lalagyanan ng iniinuman niya atsaka inihagis ito sa basurahan na halos malapit lang dun sa dalawa pero bago pa niya maipagpatuloy ang pagjojogging niya napansin niyang 'di pala ito na shoot sa tamang basurahan pero dahil sa may kalayuan ito sa kanya kaya hinayaan nalang niya ito roon.
Bayaan na nga magluluto pa ako.
•••••
Kasalukuyan na siyang papasok sa mahabang entrance way ng REU gamit ang roller blade niya and actually kanina pa talaga siya pinagtitinginan ng mga nakakotseng estudyanteng nakakasabay niya na karamihan talaga ay binubuksan pa ang mga bintana nila para lang makita siya.
Ito ang opisyal na araw na nakasuot sila ng uniform dito, every monday kasi ay nakasibilyan sila which she finds really weird again dahil t'wing first day of class nakacivilian sila.
Maya-maya lang din ay binagalan niya na ang takbo niya hanggang sa makarating na nga siya sa mismong gate nila matapos ay sunod-sunod na ring nagsipasok 'yung mga kotse na halos kasunod niya.
Nakarinig siya bigla ng maraming bulungan at pigil na kilig mula sa karamihan na napapatingin pa sa direksyon niya at tila nakatingin lahat sa kanya.
Well, false alarm mga kapatid. Syempre, hindi naman talaga 'yon dahil sa kanya.
Natural, hindi naman siya ang inaabangan ng mga ito kahit pa nga ata mabagal siyang dumaan sa harap ng mga ito para bang 'di siya nakikita ng mga 'to dahil tila na freeze na ba ang mga mata nila roon sa mga lalaking halos nasa likuran lang niya.
Hindi niya na kailangan pang lingunan ito para lang malaman kung sino ang mga 'yon dahil may ideya na siya kung sinong tinutukoy nila kaya nagpatuloy na lang siya sa pagslide ng roller blade niya hanggang makarating siya sa locker room nila atsaka doon nagpalit ng sapatos niya.
"Nakita niyo ba 'yong braso ni Dylan, Ano kayang nangyari do'n at naka arm sling siya ngayon?" Narinig niyang usapan ng ilang nakasabay niya habang inaayos niya 'yung gamit niya.
"'Di ko rin alam noh~ Basta ang gagwapo talaga nila! Goshh!" Pigil na tili naman nung isa at mula sa pwesto niya kita niyang papasok na rin ang mga ito pati 'yung lalaking tinutukoy nitong mga nag-uusap kanina kaya naman umayos na siya ng tayo at naglakad papuntang room niya.
So nakaya niyang labanan si Tres..? Sabagay mukhang siya rin naman ang leader sa grupo nila. Diresto upo kaagad siya pagkapasok niya sa room nila pero 'di pa man gaanong nag-iinit ang pang-upo niya nang bigla nalang magvibrate ang cellphone niya.
NUNAL CALLING ■■■■
Tch. Bakit naman tumatawag 'tong isang 'to?
Hindi niya muna ito sinagot atsaka naglakad palabas ng room nila matapos naghanap siya ng lugar na wala masyadong tao na makakarinig sa kanila.
Playground? Napahinto siya ng may makita siyang isang playground na nasa bandang likuran na ng building nila.
Halatang hindi ito nagagalaw dahil maayos pa rin ang pagkakapintura rito at wala talaga siyang nakikitang tao malapit dito marahil dahil hindi naman isip bata ang estudyante sa REU kaya 'di sila nagagawi rito, 'yun pa.. mga sosyalin 'yung mga 'yon.
Nasa ganu'ng pag-iisip siya ng magvibrate ulit ang phone niya kaya tumingin muna siya sa paligid niya atsaka napatingala.. At nung may makita na siyang magandang pwesto ay agad niya itong pinuntahan atsaka do'n niya lang sinagot 'yong tawag.
"What the hell do you need?" Bagot na tanong niya rito pagkasagot niya sa tawag nito.
"I—kaw... HEHEHEHE!" Sagot naman nito sa malanding tono habang tumatawa pa ito na tila manyakis.
Gago. Pinatayan niya nalang ito ng tawag bigla.
Napatingin siya sa paligid niya dahil sa ganda nitong napwestuhan niya idagdag mo pa ang malakas na simoy ng hangin rito. Nasa isang mataas na puno ngayon kasi itong kinauupuan niya and yet hindi lang ito basta mataas talagang mataas dahil halos aabot na ito sa 3rd floor ng school building nila.
Nasa kalagitnaan siya ng pagmumuni niya ng makarinig siya ng yabag palapit sa kinaroon niya at dahil nga mataas 'tong kinaroroonan niya nakilala niya agad kung sino iyong natatanaw niya.
Tahimik siyang nagmasid dito at bagot na pinagmasdan ang bawat kilos nito.
Kakaiba kasi ang kinikilos nito.
Una, tumigil ito sa harap ng seesaw pagkatapos ay luminga-linga 'to sa paligid nito sunod naman ay pumunta ito sa likurang parte ng building nila na katabi lang nung playground atsaka bahagyang lumuhod ito roon pagkatapos tila may dinampot ito sa lupa.
At dahil natatabunan ng halaman ang kalahati ng katawan nito kaya 'di niya kita kung anong ginagawa ng lalaking 'yon basta nakausli lang ang pwetan nito at bahagyang gumigiling ito matapos makalipas ng ilang minuto ay tumayo na rin ito na ngayon ay may bitbit na itong isang malaking bato, hirap man dahil hindi nito magamit ang kaliwang kamay nito ay nakayanan pa rin nitong bitbitin iyon.
Pagkatapos, huminto muli ito sa harap ng seesaw atsaka inilapag sa may kanang upuan no'n 'yung bato matapos may kung anong inayos ito roon atsaka may dinukot sa ilalim ng upuan no'n. Isa itong gomang panali na ipinulupot nito sa katawan nung bato.
Madaling pinagpag nito ang kamay nito atsaka nag-unat ito ng braso at ulo, inayos din nito ng bahagya ang uniform nito at pagkatapos nga ay nakipag-seesaw na ito sa bato habang sobrang seryosong ginagawa iyon.
Isa pa 'tong gago..
Maya-maya lang ay huminto na rin ito sa ginagawa nito.
"Do you think I wouldn't know that you are there watching my every move?" Ngumisi pa ito habang napapailing.
Hindi siya gumalaw sa pwesto niya, naisip niya na malakas din palang makaramdam 'tong Dylan na tinatawag nila dahil hindi talaga madaling matukoy ang distansya niya.
"'Wag mo kong minamaliit, Kikiam." Napakunot noo siya bigla dahil sa huling sinabi nito kaya hindi niya napigilang ikuyom ang kamao niya hindi niya kasi nagustuhan ang tinawag nito sa kanya.
Lintek 'to ah. Paano dalawa lang naman silang naroon kaya kung hindi siya nagkakamali siya talaga ang sinasabihan nito.
Balak niya na sanang bumaba roon at patagong batuhin ito ng kung ano nang may mapansin siyang gumagalaw sa paahan nito.
Isang napakabalbon na kulay brown na tuta iyon na mabilis pa ang pagkibot-kibot ng pwet habang paikot-ikot sa paa nito, ni halos 'di mo na nga makita ang mukha nito dahil sa sobrang kapal ng balahibo nito.
"Ano? Ha? Anong tinitingin mo sa 'kin? Akala mo siguro hindi ko alam na kanina ka pa nakamasid diyan ha. Psh." Kausap nito sa tuta na nakatingala lang sa kanya habang nakalabas pa ang dila.
Pinanood niya na lang muli ito na busy na ngayon sa pagkikipaglaro sa tuta.
Sa totoo lang nakakagulat itong nakikita niya pero hindi niya magawang magreact o matawa rito bagkus ay naiinggit pa siya rito.
Paano ba naman kasi 'yung leader ng E4 na gwapo, malakas, makisig, matalino, mataray, at chick magnet sa mata ng iba na hinahangaan ng lahat dito sa school nila ay kasalukuyang...
"Akuchikuchikuchikuchiku.. Ano ha? Rawwrr.. Eto pa.. Akuchikuchikuchiku." Parang siraulo sa mata niya na humahaba pa ang nguso habang kinukulit ang alaga nito.
Tumayo na rin ang lalaki at may sinagot na tawag pagkatapos ay tumingin sa relo nito atsaka umalis na roon.
Shit. Late na pala ako.. Napagtanto rin niya, ngayon lang ito nangyari sa kanya na parang nakalimot siya at hindi niya namalayan ang oras bigla.
Mabilis siyang bumaba ng puno ng 'di gumagawa ng kahit anong tunog pagkatapos ay madali siyang naglakad papunta sa classroom nila. Hihinto pa sana siya dahil sa pagliko niya nang sakto namang naroon pa rin sa tapat ng pinto ng room nila 'yung apat na lalaking kaklase niya na napatingin din bigla sa direksyon niya.
Nauna nang pumasok ang tatlo habang seryosong nakatitig lang si Dylan sa kanya.
Tch. Minamalas ka nga naman oh.
Marahil iisipin ng iba na bakit magkakasama sila at magkasabay pa silang late na pumasok ng klase nila partida, medyo nagpahuli pa nga siya para mauna ito sa kanya pero eto at nagkaabutan pa rin sila tapos kasama pa 'yung iba.
Bigla na lang inilagay ni Dylan ang isang kamay nito sa bulsa nito atsaka sinenyasan siyang pumasok na at mauna na sa kanya.
Hindi talaga sana siya susunod dito at kunwaring magpapakumbaba na lang dito na animo'y ang buang na prinsipe na lang ang mauna sa kanya pero sinupladuhan siya nito at inulit pa 'yung pagtingin sa kanya na tila sinasabing mauna na nga kasi siya rito kaya no choice na talaga siya dahil ang tagal na nila sa may pinto ng room nila kaya nakayukong pumasok na lang din siya.
"The hell.. Bakit sila magkasabay ni Dylan?" Rinig niyang bulungan at ingay ng mga kaklase niya na mukhang sobrang gulat at inis ang mga ito dahil sa nakita nila. Hindi na rin halos paawat ang ingay sa classroom nila na parang sobrang big deal nitong nangyari sa kanila.
OA huh.
"Silence everyone." Sabi naman ni Dylan na mabilis sinunod ng madla.
"Turuan natin mamaya ng leksyon 'yang no star na 'yan." Mahinang bulong ng isa pero rinig na rinig naman niya kaya mukhang tila umpisa na ngayon ng magulong highschool life niya.
Bwisit.
...▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬▬...
...E͙n͙d͙ o͙f͙ t͙h͙i͙s͙ C͙h͙a͙p͙t͙e͙r͙...
Katatapos ko lang magsulat. 😣😣😣😣
Ganito ang magiging sistema ko sa story na ito saka ko na lang iedit kapag madami na..
Read mo na rin other works ko.. Pwiiiisssss~
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments