"Reincarnation as a Weak Princess"

"Reincarnation as a Weak Princess"

PROLOGUE

Sa mundo ko, kung mahina ka, talo ka. I didn't want to be one of the weak ones, so I dedicated myself to rigorous training in order to become stronger. I pushed my limits, honed my skills, and believed that I could overcome any obstacle.

Pero, namatay lang ako dahil sa pagtulong sa mahina.

I died... That's what I thought.

But as I opened my eyes, na diskobre ko na nasa lugar ako na hindi ko alam. And soon, the realization struck me.

I had been Reincarnated.

Reincarnated as a princess. A weak princess.

WARNING: SELF HARM.

START OF THE REAL STORY

(Astrid)

Astrid's POV

"Mahal na, Prinsesa, oras na po ng inyong pagsasanay."

Napatingin ako sa may pintuan nang pumasok ang pinagkakatiwalaan kong katulong.

"Para saan pa, Faye? Kahit na anong pagsasanay man ang gawin ko, hindi parin ako magiging malakas." Nakatungo kong sabi. Nilapitan naman niya ako't inalo.

"Huwag po kayong panghinaan ng loob mahal na Prinsesa. Bata ka pa at naniniwala akong ano mang araw ay bibiyayaan ka na ng kapangyarihang nararapat sayo. Magiging malakas ka at mapapantayan mo pa ang iyong mga kapatid. Baka nga mahigatan mo pa sila." Pang-aalo sakin ni Faye. Ngumiti naman ako ng bahagya sa sinabi niya.

Matanda ng tatlong taon sakin si Faye pero ayaw niya na tawagin ko siyang ate. Siya ang pinagkakatiwalaan kong tao sa buong kaharian. Siya din ang kasama ko sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob. Parati siyang nasa tabi ko, hindi niya ako kailan man iniwan.

"Kailangan niyo na pong bumangon, magagalit ang inyong ama kapag hindi ka pa po kumilos." Sabi niya kaya ngumiti nalang ako't bumangon na.

Tama siya, magagalit si Ama kapag hindi pako kumilos. Ayaw na ayaw niyang sinusuway ang kanyang utos.

Tuwing umaga habang sila'y narito ay kailangan kong magsanay kasama ang aking tatlong kapatid. Simula bata pa lamang kami ay kailangan na naming magsanay. Isa samin ang magmamana ng trono at hindi papayag si ama na sa isang mahina mapunta ang kaharian.

Nitong nagdaang taon ay ako ang pinakaiinitan ng lahat. Dahil saming magkakapatid ay ako ang pinakamahina. Kahit na kinamulatan na namin ang pagsasanay mula bata palang ay parang wala parin akong alam. Madali din akong mapagod at magkasakit. At higit sa lahat... Wala akong kapangyarihan.

"Hawakan mong mabuti ang iyong pana na para bang parte ito ng iyong katawan. Ipikit mo ang iyong isang mata at sipating mabuti ang balak mong patamaan. Magtiwala ka sa sarili mo at pakawalan ang palaso."

Nakikinig lang ako sa gilid habang pinapakita sakin ni Kuya Arthur kung pano patamain ang palaso. Si Kuya Arthur ay ang pangatlo saming magkakapatid. Dalawang taon ang agwat niya sakin. Sa kanilang tatlo na aking mga kapatid ay sa kanya ako mas komportable. Hindi niya kailan man ako sinigawan dahil mahina ako't parang parating walang alam. Hindi siya nagsasawang turuan ako na talagang pinagpapasalamat ko.

"Astrid, nakikinig ka ba?" Tanong ni Kuya kaya agad akong tumango at ngumiti sa kanya.

"Opo, ku...ya..."

Biglang dumaan sa harap namin si Kuya Asta kaya nawala ang ngiti ko at napayuko nalang. Siya naman pumapangalawa saming magkakapatid. Takot ako sa kanya dahil parati niya akong sinisigawan na para bang lahat ng gawin ko ay mali. Napakahina ko sa tingin niya. Isa akong kahihiyan sa aming kaharian para sa kanya.

"Tsk."

Pinasadahan niya lang ako ng tingin saka nagpatuloy sa paglalakad. Napahinga naman ako ng maluwag dahil don. Ipinagpapasalamat ko nalang na hindi niya ako sinigawan ngayong araw.

-

Natapos ang pagsasanay nang tawagin na kaming magkakapatid sa hapagkainan upang kumain. Kompleto kaming apat na magkakapatid ngayon dahil kasalukuyan silang nagbabakasyon. Nag-aaral silang tatlo sa isang prestihiyosong eskwelahan kung saan ang mga estudyante ay hindi na kailangan pang umuwi araw-araw. May sarili silang kwarto sa loob ng eskwelahan kaya't minsan lang sila namamalagi dito sa palasyo.

Gusto ko mang mag-aral din doon tulad nila pero kahit na anong gawin ko ay hindi ako maka pasa-pasa sa paunang pagsusulit. Ginagawa ng eskwelahan ang paunang pagsusulit upang malaman kung anong klaseng kapangyarihan ang taglay ng taong nais na mag-aral dito. Ang paunang pagsusulit ay kung kaya mo bang palabasin ang kapangyarihang nananalaytay sayo. Hindi nababasi kung gaano ito kalakas o kung gaano mo ito kayang kontrolin. Kailangan mo lang maipalabas ito at maipakita. Bagay na hindi ko magawa.

Kasalukuyan kaming tahimik na kumakain, katabi ko sa upuan ang aking kuya Aaron, ang panganay saming magkakapatid. Siya ang pinaghihinalaang susunod sa trono ng aming ama. Hindi lang dahil siya ang panganay ay siya din ang pinakamalakas saming magkakapatid.

"Astrid."

Napatigil ako sa pagkain at napatingin sa aking ama nang tawagin nito ang aking pangalan. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin.

"Nais kong sumubok ka muli sa paunang pagsusulit." Pag-aanunsyo ni Ama na ikinagulat ko. Napatigil sa pagkain ang aking mga kapatid at napatingin sa kanya. Habang si Ina naman ay nakangiti lang na nakatingin sa akin na para bang sinasabi niya na magiging ayos lang ang lahat.

"Pero, ama, alam naman nating wala siyang kapangyarihan." Pag-aangal ni Kuya Asta. Nabaling naman sa kanya ang atensyon ng aming Ama.

"Kaya nga sinabi kong sumubok siyang muli, Asta." Seryosong turan ni Ama. "Hindi natin alam na baka maipalabas na niya ang kapangyarihang nananalaytay sa kanya." Muling turan ni Ama. Hindi naman nakapagsalitang muli si Kuya Asta.

"Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya, Ama." Tanging sabi ko. Napatango-tango naman si Ama bago nagpatuloy sa pagkain.

"Bibiguin mo lamang muli si Ama." Mahina may narinig ko parin ang sinabi ni Kuya Asta. Hindi na lamang ako umimik pa at pinagpatuloy nalang ang pagkain.

Mahina ako't walang kapangyarihan. Katangiang hindi dapat tinataglay ng isang prinsesa. Tama si Kuya Asta, bibiguin ko lamang si Ama...

-

Maliwanag ang buwan at nagkikislapan ang mga bituin sa kalangitan nang maisipan kong lumabas. Dumiretso ako sa likod ng palasyo kung saan matatagpuan ang isang ilog. Kapag hindi ako makatulog ay dito ako madalas pumupunta.

Ang kaharian namin na pinamumunuan ng aking ama ay tinatawag na 'Reino Aeris' na 'Aeris Kingdom' sa Ingles. Mula kay Ama at Ina hanggang sa aking mga kapatid ay may kapangyarihan ng Hangin.

Malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa aking mukha kung kayat napapapikit ako. Binuklat ko ang aking kamay at pinakatitigan itong mabuti na para bang nandito galing ang malamig na simoy ng hangin na aking nararamdaman. Kahit na sa ganitong paraan ay tila naranasan kong maglabas ng hangin mula sa aking mga kamay. Sana nga may kapangyarihan ako.

Napangiti naman ako ng mapait. Kailan may hindi ko na mararanasan pang magkaroon ng kapangyarihan. Isang mahinang katulad ko ay walang karapatang magkaroon ng kapangyarihan. Hindi na dapat ako nabuhay pa, pinapahiya ko lamang ang aking pamilya dahil mayroon silang kapamilyang katulad ko.

Kasabay ng pagpatak ng aking luha ay siya ring pagtulo ng dugo mula sa aking tiyan.

Ang bigat sa aking puso na pasan-pasan ko simula magkaisip ako ay tila ba naglaho habang sinas-ks-k ko ang aking sarili.

'Ama, Ina, patawad, sapagkat hindi ko na kaya. Hangal man kung iisipin ngunit sa ganitong paraan ko lamang kayo maililigtas mula sa kahihiyan na aking dala. Ang pagkakaroon ng isang anak na tulad kong mahina ay isa ng napakalaking kahihiyan sa ating kaharian. Patawarin niyo sana ako sapagkat hindi na ako nakapagpaalam pa. Naway maging masaya at masagana ang ating kaharian malayo sa kahihiyan na aking dala.'

Napahiga na lamang ako sa damuhan habang hinahabol ang aking paghinga. Unti-unting bumibigat ang aking mga mata pero bago paman ito sumara ay nakita ko pa ang buwan na nagliliwanag sa kalangitan.

Hanggang sa tuluyan ng naghari ang kadiliman...

__________S|S__________

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play