NovelToon NovelToon

"Reincarnation as a Weak Princess"

PROLOGUE

Sa mundo ko, kung mahina ka, talo ka. I didn't want to be one of the weak ones, so I dedicated myself to rigorous training in order to become stronger. I pushed my limits, honed my skills, and believed that I could overcome any obstacle.

Pero, namatay lang ako dahil sa pagtulong sa mahina.

I died... That's what I thought.

But as I opened my eyes, na diskobre ko na nasa lugar ako na hindi ko alam. And soon, the realization struck me.

I had been Reincarnated.

Reincarnated as a princess. A weak princess.

WARNING: SELF HARM.

START OF THE REAL STORY

(Astrid)

Astrid's POV

"Mahal na, Prinsesa, oras na po ng inyong pagsasanay."

Napatingin ako sa may pintuan nang pumasok ang pinagkakatiwalaan kong katulong.

"Para saan pa, Faye? Kahit na anong pagsasanay man ang gawin ko, hindi parin ako magiging malakas." Nakatungo kong sabi. Nilapitan naman niya ako't inalo.

"Huwag po kayong panghinaan ng loob mahal na Prinsesa. Bata ka pa at naniniwala akong ano mang araw ay bibiyayaan ka na ng kapangyarihang nararapat sayo. Magiging malakas ka at mapapantayan mo pa ang iyong mga kapatid. Baka nga mahigatan mo pa sila." Pang-aalo sakin ni Faye. Ngumiti naman ako ng bahagya sa sinabi niya.

Matanda ng tatlong taon sakin si Faye pero ayaw niya na tawagin ko siyang ate. Siya ang pinagkakatiwalaan kong tao sa buong kaharian. Siya din ang kasama ko sa tuwing pinanghihinaan ako ng loob. Parati siyang nasa tabi ko, hindi niya ako kailan man iniwan.

"Kailangan niyo na pong bumangon, magagalit ang inyong ama kapag hindi ka pa po kumilos." Sabi niya kaya ngumiti nalang ako't bumangon na.

Tama siya, magagalit si Ama kapag hindi pako kumilos. Ayaw na ayaw niyang sinusuway ang kanyang utos.

Tuwing umaga habang sila'y narito ay kailangan kong magsanay kasama ang aking tatlong kapatid. Simula bata pa lamang kami ay kailangan na naming magsanay. Isa samin ang magmamana ng trono at hindi papayag si ama na sa isang mahina mapunta ang kaharian.

Nitong nagdaang taon ay ako ang pinakaiinitan ng lahat. Dahil saming magkakapatid ay ako ang pinakamahina. Kahit na kinamulatan na namin ang pagsasanay mula bata palang ay parang wala parin akong alam. Madali din akong mapagod at magkasakit. At higit sa lahat... Wala akong kapangyarihan.

"Hawakan mong mabuti ang iyong pana na para bang parte ito ng iyong katawan. Ipikit mo ang iyong isang mata at sipating mabuti ang balak mong patamaan. Magtiwala ka sa sarili mo at pakawalan ang palaso."

Nakikinig lang ako sa gilid habang pinapakita sakin ni Kuya Arthur kung pano patamain ang palaso. Si Kuya Arthur ay ang pangatlo saming magkakapatid. Dalawang taon ang agwat niya sakin. Sa kanilang tatlo na aking mga kapatid ay sa kanya ako mas komportable. Hindi niya kailan man ako sinigawan dahil mahina ako't parang parating walang alam. Hindi siya nagsasawang turuan ako na talagang pinagpapasalamat ko.

"Astrid, nakikinig ka ba?" Tanong ni Kuya kaya agad akong tumango at ngumiti sa kanya.

"Opo, ku...ya..."

Biglang dumaan sa harap namin si Kuya Asta kaya nawala ang ngiti ko at napayuko nalang. Siya naman pumapangalawa saming magkakapatid. Takot ako sa kanya dahil parati niya akong sinisigawan na para bang lahat ng gawin ko ay mali. Napakahina ko sa tingin niya. Isa akong kahihiyan sa aming kaharian para sa kanya.

"Tsk."

Pinasadahan niya lang ako ng tingin saka nagpatuloy sa paglalakad. Napahinga naman ako ng maluwag dahil don. Ipinagpapasalamat ko nalang na hindi niya ako sinigawan ngayong araw.

-

Natapos ang pagsasanay nang tawagin na kaming magkakapatid sa hapagkainan upang kumain. Kompleto kaming apat na magkakapatid ngayon dahil kasalukuyan silang nagbabakasyon. Nag-aaral silang tatlo sa isang prestihiyosong eskwelahan kung saan ang mga estudyante ay hindi na kailangan pang umuwi araw-araw. May sarili silang kwarto sa loob ng eskwelahan kaya't minsan lang sila namamalagi dito sa palasyo.

Gusto ko mang mag-aral din doon tulad nila pero kahit na anong gawin ko ay hindi ako maka pasa-pasa sa paunang pagsusulit. Ginagawa ng eskwelahan ang paunang pagsusulit upang malaman kung anong klaseng kapangyarihan ang taglay ng taong nais na mag-aral dito. Ang paunang pagsusulit ay kung kaya mo bang palabasin ang kapangyarihang nananalaytay sayo. Hindi nababasi kung gaano ito kalakas o kung gaano mo ito kayang kontrolin. Kailangan mo lang maipalabas ito at maipakita. Bagay na hindi ko magawa.

Kasalukuyan kaming tahimik na kumakain, katabi ko sa upuan ang aking kuya Aaron, ang panganay saming magkakapatid. Siya ang pinaghihinalaang susunod sa trono ng aming ama. Hindi lang dahil siya ang panganay ay siya din ang pinakamalakas saming magkakapatid.

"Astrid."

Napatigil ako sa pagkain at napatingin sa aking ama nang tawagin nito ang aking pangalan. Seryoso ang mukha nito habang nakatingin sa akin.

"Nais kong sumubok ka muli sa paunang pagsusulit." Pag-aanunsyo ni Ama na ikinagulat ko. Napatigil sa pagkain ang aking mga kapatid at napatingin sa kanya. Habang si Ina naman ay nakangiti lang na nakatingin sa akin na para bang sinasabi niya na magiging ayos lang ang lahat.

"Pero, ama, alam naman nating wala siyang kapangyarihan." Pag-aangal ni Kuya Asta. Nabaling naman sa kanya ang atensyon ng aming Ama.

"Kaya nga sinabi kong sumubok siyang muli, Asta." Seryosong turan ni Ama. "Hindi natin alam na baka maipalabas na niya ang kapangyarihang nananalaytay sa kanya." Muling turan ni Ama. Hindi naman nakapagsalitang muli si Kuya Asta.

"Gagawin ko po ang lahat ng aking makakaya, Ama." Tanging sabi ko. Napatango-tango naman si Ama bago nagpatuloy sa pagkain.

"Bibiguin mo lamang muli si Ama." Mahina may narinig ko parin ang sinabi ni Kuya Asta. Hindi na lamang ako umimik pa at pinagpatuloy nalang ang pagkain.

Mahina ako't walang kapangyarihan. Katangiang hindi dapat tinataglay ng isang prinsesa. Tama si Kuya Asta, bibiguin ko lamang si Ama...

-

Maliwanag ang buwan at nagkikislapan ang mga bituin sa kalangitan nang maisipan kong lumabas. Dumiretso ako sa likod ng palasyo kung saan matatagpuan ang isang ilog. Kapag hindi ako makatulog ay dito ako madalas pumupunta.

Ang kaharian namin na pinamumunuan ng aking ama ay tinatawag na 'Reino Aeris' na 'Aeris Kingdom' sa Ingles. Mula kay Ama at Ina hanggang sa aking mga kapatid ay may kapangyarihan ng Hangin.

Malamig ang simoy ng hangin na tumatama sa aking mukha kung kayat napapapikit ako. Binuklat ko ang aking kamay at pinakatitigan itong mabuti na para bang nandito galing ang malamig na simoy ng hangin na aking nararamdaman. Kahit na sa ganitong paraan ay tila naranasan kong maglabas ng hangin mula sa aking mga kamay. Sana nga may kapangyarihan ako.

Napangiti naman ako ng mapait. Kailan may hindi ko na mararanasan pang magkaroon ng kapangyarihan. Isang mahinang katulad ko ay walang karapatang magkaroon ng kapangyarihan. Hindi na dapat ako nabuhay pa, pinapahiya ko lamang ang aking pamilya dahil mayroon silang kapamilyang katulad ko.

Kasabay ng pagpatak ng aking luha ay siya ring pagtulo ng dugo mula sa aking tiyan.

Ang bigat sa aking puso na pasan-pasan ko simula magkaisip ako ay tila ba naglaho habang sinas-ks-k ko ang aking sarili.

'Ama, Ina, patawad, sapagkat hindi ko na kaya. Hangal man kung iisipin ngunit sa ganitong paraan ko lamang kayo maililigtas mula sa kahihiyan na aking dala. Ang pagkakaroon ng isang anak na tulad kong mahina ay isa ng napakalaking kahihiyan sa ating kaharian. Patawarin niyo sana ako sapagkat hindi na ako nakapagpaalam pa. Naway maging masaya at masagana ang ating kaharian malayo sa kahihiyan na aking dala.'

Napahiga na lamang ako sa damuhan habang hinahabol ang aking paghinga. Unti-unting bumibigat ang aking mga mata pero bago paman ito sumara ay nakita ko pa ang buwan na nagliliwanag sa kalangitan.

Hanggang sa tuluyan ng naghari ang kadiliman...

__________S|S__________

(JAMIE)

Jamie's POV

"98. 99. 100! Nice one, Jamie!" Sabi ng pinsan kong si Jackson. Lumapit siya sakin at binigyan ako ng tuwalya at bottled water na agad ko namang tinanggap.

Katatapos ko lang mag push up ng 100 times kaya't hinihingal kong tinunga ang tubig na binigay ni Jackson sa'kin.

"Nga pala, tumawag si Mr. Kim kanina. Hindi ka raw sumipot sa sparring mo kahapon?" Sabi ni Jackson. Binuhos ko muna sa ulo ko ang tubig na naiwan bago siya sinagot.

"Puro mahihina pinapa-sparring nya sakin. Isang sipa ko lang tumba agad. Tsk. Tsk."

Sparring ay isang paraan kung saan pinaglalaban ang dalawang magkaibang tao.

Hindi naman sa pagmamayabang pero lahat ng klase ng pakikipaglaban ay alam ko. With weapon man o hand to hand combat ay alam ko. Hindi lang basta alam, magaling din. Kaya siguro nahihirapan nang maghanap si Mr. Kim ng mga worthy opponents na ipang-s-sparr sakin.

Bata palang ako namulat nako sa mundo ng negosyo. Nag-iisa akong anak ng isang business tycoon. I'm an heiress kaya maraming banta sa buhay ko. Madaming kaaway si Daddy at ako ang parating target ng mga ito. Ako ang parating target dahil mahina ako. Hindi ko kayang ipagtanggol ang sarili ko.

At nang dahil sakin... Namatay ang Mommy ko. Ako ang target pero pinagtanggol ako ni Mommy kaya siya ang nawala. One year after my mon died, sumunod naman si Dad. He died because of depression. He loves my Mom so much at dumating na sa puntong pati ang buhay niya winakasan na niya.

If I wasn't weak, buhay pa sana sila. Kung malakas lang sana ako no'n, maipagtatanggol ko sana si Mommy at sana hindi siya namatay. Hindi sana magpapakamatay si Daddy.

I was just 13 years old back then. At hanggang ngayon sariwa parin sa alaala ko ang nangyari ng mga panahong yun.

Winaksi ko ang mga iniisip ko at tumayo na. Tinignan ko si Jackson na busy sa pag type ng cellphone nya na para bang walang ibang tao dito maliban sa kanyan.

"Nga pala, pupunta ako sa mall. Sama ka?" Tanong ko. Umiling-iling naman siya habang nakatingin parin sa cellphone nya.

"Pass. May date ako." Sabi niya sabay wink sakin.

"Ew. Jackson Cooper. Ew. Akala ko ba wala kang planong makipag date? Eh ano yan?" Sabi ko. Tumawa naman siya.

"People change, Jamie." Sabi niya sabay tawa na parang nababaliw na.

"Whatever, Jackson. Whatever."

I'm in a mall right now. Nagtitingin tingin ng mga pwedeng bilhin. Ganito ko e spoil ang sarili ko. Sa pamamagitan ng pagbili ng mga gusto ko. Deserve ko naman dahil puro nalang negosyo ang inaatupag ko lately.

At the age of 23, I've become a successful business woman. Lahat ng business at ari-arian ng mga magulang ko ay napunta sakin simula nang tumungtong ako sa edad na 18. Maaga kong tinapos ang business degree ko at pinalago ang business na iniwan sakin ng Daddy ko. Kasabay nito ang patuloy kong pag eensayo ng kahit anong pakikipaglaban. Katuwang ko si Jackson at si Mr. Kim na siyang nag-alaga ng business ko nong wala pako sa legal na edad.

Sikat ako bilang isa sa pinakabatang entrepreneur sa bansa, pero wala ako ni isang bodyguard man lang. Para saan? Kaya kong ipagtanggol ang sarili ko sa mga taong magtatangka sa buhay ko.

I'm busy buying dresses when suddenly the surface began to shake. Nagpapanik na ang lahat ng tao habang palakas ng palakas ang lindol. Nasa 3rd floor ako ng mall at ramdam na ramdam ko ang pag-uga ng kinatatayuan ko. The people around me are busy finding their way out of this building. Habang ako? Nakatayo lang habang nanginginig ang kamay.

I'm afraid of earthquakes. Bata palang ako kay takot na talaga ako sa lindol.

Nabangga ako ng mga taong tumatakbo kaya't napa upo nalang ako. Hindi parin tumitigil ang lindol at ganon din ang nanginginig kong mga kamay. Nilibot ko ang tingin ko sa buong mall at kapansin pansin ang mga ding-ding na unti-unti nang nagkakaroon ng crack. Nagsitumbahan na din ang mga estante.

It's a total chaos and my heart is beating faster na para bang sinasabayan nito ang lindol.

'No. I'm strong. Hindi dapat ako matakot ng ganito. Jamie, lindol lang to. Ikaw si Jamie Quinn Romero ang babaeng sinumpang maging malakas kaya't tumayo ka! Please lang.'

Nanginginig akong tumayo saka nilibot ang tingin ko. Nakita ko ang hagdan pababa kaya agad akong pumunta. Kunti nalang ang tao kaya baka naka labas na ang iba. Lucky them.

Humihina na ang lindol kaya nabawasan ng kaunti ang kaba ko. Nasa 2nd floor nako nang bigla na namang lumindol. This time, napakalakas na nito. Palaki ng palaki ang mga crack sa dingding, may mga maliliit nadin na semento ang nahuhulog.

I cover my head using my hands at ready na sanang bumaba sa hagdan nang may narinig akong iyak ng bata. Nilibot ko ang tingin ko kaya't nakita ko ang batang umiiyak. Nasa gilid siya ng isang mannequin. Nanginginig may nilapitan ko siya't hinawakan ang kamay niya.

'curse to the mother of this child for leaving this kid behind.'

"We have to get out of here, kiddo. Let's go."

Hawak ko ang bata habang tumatakbo kaming dalawa. The ceiling is already falling little by little. Hanggang sa may nahulog na talagang malaking semento at matatamaan na sana nito ang batang kasama ko pero agad ko siyang tinulak at tuluyan nang bumagsak sakin ang natibag na semento.

How ironic. I'm so confident saying na kaya kong ipagtanggol ang sarili ko laban sa mga taong gustong saktan ako, pero hindi pala tao ang mananakit sakin.

I didn't want to be one of the weak ones, so I dedicated myself to rigorous training in order to become stronger. I pushed my limits, honed my skills, and believed that I could overcome any obstacle.

Pero, mamamatay lang pala ako dahil sa pagtulong sa mahina.

Namamanhid ang ulo kong nabagsakan ng kisame. Marami nang dugo ang tumutulo. Unti-unti nading humihina ang paghinga ko.

'I wonder if nagsasaya ngayon si Jackson sa Date niya. Si Mr. Kim kaya? Siguro busy parin siya sa paghahanap ng pwedeng ka sparring ko. Inaasikaso niya rin siguro ang mga trabahong iniwan ko.'

As my breath weakened nakita ko pa ang batang tinulungan ko. Akay na siya ng isang rescuer. Nakita ko pang tinuro niya ako habang umiiyak. I can't help my self to smile. At least ligtas siya. I'm sure one day mari-realize niyang hindi dapat siya maging mahina. Ganito siguro ang naramdaman ni Mommy nong sinalo niya ang balang dapat tatama sakin. A relief that my life risk for is safe.

Naramdaman ko pang pinagtutulungan ng mga rescuer ang batong nakadagan sakin. Hanggang sa hindi ko na namalayan ang lahat.

And everything went black.

__________S|S__________

(Reincarnated)

Jamie's POV

I can't move but I'm aware of my surroundings. Nakapikit ako pero naririnig ko ang mga boses sa paligid ko.

Pilit kong inaalala ang mga nangyari pero walang pumapasok sa isip ko.

Sinubukan kong imulat ang mata ko ng paunti-unti at nagawa ko naman. No'ng una ay blurry pa pero makalipas ang ilang segundo ay luminaw din. Una kong nakita ang asul kisame. Masakit ang buong katawan ko kaya hindi ako makagalaw. Ilang sandali pa ay may narinig akong mga yabag.

"Gising na ang mahal na Prinsesa. Faye, ibalita mo ito sa mahal na Hari at Reyna." Rinig kong sabi ng kung sino.

"Makakaasa kayo, Doktor." Rinig ko pang sabi ng isa saka naglakad paalis.

Naramdaman kong may lumapit sakin kaya't babalaan ko na sana siya pero walang boses na lumalabas sa bibig ko. Sinubukan ko muling gumalaw pero hindi ko magawa, parang ang bigat-bigat ng katawan ko.

Kasalukuyan akong sinusuri ng Doctor–kung Doctor nga ba. Wala akong nagawa dahil hindi naman ako makagalaw. Masakit ang buong katawan ko kaya hindi nako maka angal pa.

Ilang sandali pa ay may narinig ulit akong sunod-sunod na mga yabag. Bumukas ang pinto at pumasok ang mga hindi ko kilalang mga tao.

Hindi ko alan kung anong nangyayari pero bigla nalang sumakit ng todo ang ulo na para bang sasabog na. Mas lalong sumakit din ang buong katawan ko kaya napapikit nalang ako at tiniis ang sakit.

'Fvck!'

Ilang sandali pa ay nawala ito kasabay ng paghinga ko ng malalim. Parang may kung anong pumasok sa katawan ko at bigla ko nalang naalala ang lahat. Simula nong mag desisyon akong mag-mall, hanggang sa lumindol at nabagsakan ako ng semento galing sa kisame. Naalala ko pa ang pagtulong ko sa bata.

Sa tindi ng tama ko sa ulo at sa buong katawan ko imposibleng nabuhay pako. Pero ano to?

Sinubukan ko muling igalaw ang katawan ko na nagawa ko naman. Dahan-dahan akong bumangon at nilibot ang tingin sa buong kwarto kung nasaan ako. Una kong nakita ang nag-aalalang mukha ng isang babae. May katandaan na ito pero hindi parin nawawala ang kagandahang taglay niya. Katabi nito ang isang lalaki na sa tingin ko ay asawa niya dahil nakayakap ang isa nitong kamay sa bewang nito na para bang inaalo siya. Napapikit naman ako nang bigla uling sumakit ang ulo ko at pumasok ang mga alaala na hindi ako pamilyar. Hindi ko na lamang pinansin dahil mas lalo lang sumasakit ang ulo ko.

Napahawak naman ako sa may bandang tiyan ko nang sumakit ito. Binaba ko ang tingin ko and I saw a white cloth coveringy my belly. Para saan to?

Biglang lumapit sakin ang isang babae na sa tingin ko ay kaedad ko lang o mas bata? Ewan. May dala itong tubig at binigay sakin. Nag-alangan pakong inumin dahil baka may lason. Well, immune nako sa lason kaya wala naman na sigurong mangyayari kung iinumin ko to. Para namang nakahinga ako ng maluwag nang mainom ko ang may katamtamang lamig na tubig.

"Salamat, Faye." Sabi ko. Bigla naman akong napatigil dahil sa sinabi ko. "F-Faye, tama?" Tanong ko. Tumango-tango naman siya habang may ngiti sa mukha.

How did I come to know her? Sa pagkakaalam ko never ko pang nakita ang babaeng to o kahit sino man sa kwartong to. Pero bakit lahat sila ay para bang kilala ko? Nababaliw naba ako?

Napahawak ako sa ulo ko nang sumakit muli ito. Hinayaan ko nalang ang sarili ko na humiga dahil sa panghihina.

"Mabuti po sigurong iwanan muna natin ang Mahal na Prinsesa. Maraming dugo ang nawala sa kanya at kagigising niya lamang kaya't nararapat na siya'y magpahinga muna." Rinig kong sabi ng Doctor. Narinig ko pang kinausap niya ang hari at reyna—oh god! Anong hari at reyna ang pinagsasabi ko? Ni hindi ko nga sila kilala. Mas lalo atang sumakit ang ulo ko.

"Tawagin mo lamang po ako Mahal na Prinsesa kung may nais kayong ipag-uutos. Nasa labas lamang po ako ng iyong kwarto. Hinihiling ko po ang iyong mabilisang paggaling." Huling narinig ko bago ko naramdamang umalis na sila. Nang masigurado akong wala ng tao ay bumangon ulit ako at nilobot ang tingin sa buong kwarto.

Maayos at maaliwalas ang paligid. Pinaghalong puti at asul ang pintura sa dingding at ang nakakapagbigay ilaw dito ay ang katamtamang laki na chandelier. May isang napakalaking color skyblue na aparador sa gilid at isang bookshelf na puno ng libro.

'Wow.'

Maganda pero hindi ito ang kwarto ko at mas lalong hindi ito ang Hospital. Kung ganon, nasan ako? Kaninong kwarto to? Pamilyar sakin ang lahat na nandito pero hindi ko naman maalala na nakapunta nako dito. Nilibot ko muli ang tingin ko dahil baka makita ko ang cellphone ko. Gusto kong tawagan si Jackson o kaya si Mr. Kim para tanungin kung saan nila ako dinala. Sigurado ding matutuwa ang mga yun kapag nabalitaan nila na gising nako.

Ilang araw o linggo kaya akong natulog? Sa tindi ba naman ng tama ko maswerte nalang at nabuhay pako.

Imbis na cellphone ang makita ko ay isang malaking gintong salamin ang namataan ko. Kumikinang ang paligid nito na siyang ikinaganda nito.

'Baka isa na naman to sa binili ni Jackson para sakin. Alam pa naman non na mahilig ako sa mga salamin.'

Lumapit ako para tignan ng mabuti ang salamin pero imbis na mamangha ay gulat at pagkalito ang naramdaman ko.

'Sino to?!'

Hinawakan ko ang mukha ko na ginaya naman ng babae sa salamin. Napakaganda niya at Oo maganda ako pero kung ipagtabi kami ay aaminin ko na mas maganda siya. Nakasuot siya ng puting pajama at may puting tela din na naka palibot sa tiyan katulad ng sakin. Sumayaw-sayaw pako na parang baliw sa harapan ng salamin at ginagaya din naman ako ng babae.

Subrang pagkalito ang naramdaman ko. Hanggang sa biglang pumasok sa isip ko ang alaala kung saan nag-uusap kami ni Kara—anak ni Mr. Kim, tungkol sa isang Fantasy book na nabasa niya.

'Alam mo ba ate Jamie, may nabili akong libro kahapon sa national bookstore. Ang ganda ng plot ng story dahil namatay yung main character tapos paggising niya nasa ibang katawan na siya. Parang Reincarnation ata ang tawag don? Ang galing pa ate dahil may powers ang bagong katawan niya.'

Namatay at nabuhay muli pero sa ibang katawan na. Hindi kaya... No! Napaka imposible. Sa Libro lang nangyayari ang ganon. Masyado siguro talagang napuruhan ang ulo ko kaya ako nagkakaganito.

Muli akong tumingin sa salamin.

"Pero pa'no kung totoo nga? Ibig sabihin... Na Reincarnate ako?" Pagkausap sabay pagturo sa sarili ko. "Bilang ikaw?" Sabi ko pa sabay turo sa babae sa salamin.

'Lalagnatin ata ako.'

__________S|S__________

Download NovelToon APP on App Store and Google Play

novel PDF download
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play