(New Body, New Life)

Jamie's POV

Nakahiga nako ngayon sa kama habang nakatitig sa kisame na para bang sasagot ito sa mga katanungan ko. Hindi parin ma process ng brainy kong brain ang mga nangyayari.

Namatay ako.

Hindi ko alam kung malulungkot bako dahil namatay ako or magiging masaya nalang dahil nabuhay ulit ako.

Si Jackson, sigurado umiiyak na yun ngayon. Napaka iyakin pa naman ng lalaki yun. Si Mr. Kim, baka busy yun sa pag-aasikaso sa libing ko pati na rin sa mga negosyong iniwan ko. Na guilty naman ako dahil simula nang mamatay ang mga magulang ko siya na ang nag-alaga sa'kin at sa mga ari-arian ko, tapos ngayon, pati paglilibing sa'kin siya parin. Sana naman tumulong si Jackson hindi yung panay lang siya iyak. Kalalaking tao napaka iyakin.

Napangiti naman ako ng mapait habang inaalala ang mga memories naming tatlo kasama na din ang pamilya ni Mr. Kim na naging pamilya ko narin. Sana hindi nila masyadong dibdibin ang pagkamatay ko.

Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha ko kaya pinunasan ko ito. Bumangon ako saka naglakad-lakad sa buong kwarto. Masakit parin ang saksak ko sa tiyan pero keri pa naman.

Speaking of saksak... Bigla nalang pumasok sa isip ko ang alaala na sinasaksak ko ang sarili ko. Yun siguro ang ginawa ng dating may ari ng katawang to. Ang katawan niya nabuhay muli na naging bagong katawan ko na, pero siya sumakabilang buhay na. Kaya siguro naaalala ko ang mga pangyayari sa kanya noon at pagiging pamilyar ko sa mga tao dito ay dala ng paggamit ko sa utak niya.

Kahit na patay na siya ay ginagamit ko parin naman ang katawan niya pati na rin ang utak niya. Sa utak na re-restore ang mga alaala kaya siguro ganito.

Napatigil ako sa paglalakad nang magawi ako sa bintana. Nakabukas ito kaya pumapasok ang preskong hangin. Dumungaw ako sa bintana at nakita ko ang isang napakagandang tanawin. Akala ko sa painting o sa picture ko lang makikita ang ganitong view. Mas lalo akong namangha nang makita ko ang mga halaman na nakalutang sa hangin. May maliit na ilog din na pamilyar sa'kin. Wag na kayong magtanong kung bakit.

Sa mga oras nato dapat nasa company na'ko, um-attend ng kabi-kabilang meetings, pirma ng mga papeles, at ang pinakapaburito ko sa lahat ay bwesitin si Mr. Kim.

New body, new life. Masakit mang isipin na iniwan ko na ang buhay ko noon, kailangan ko paring tanggapin ang bagong buhay ko ngayon. Pero kahit na hindi na ito ang katawan ko ay ako parin naman si Jamie Quinn, ang babaeng sinumpang maging malakas para mabuhay sa malupit na mundo.

-

Wala akong ginawa maghapon kung hindi ang magpahinga. Pumapasok lang si Faye sa kwarto kapag hinahatiran niya ako ng pagkain. So far, maayos pa naman ang bago kong buhay kahit na nalilito pa ako sa nangyayari.

Nang gumabi ay pumasok si Faye para itanong kung kaya ko na ba daw maglakad dahil nais ng Hari na sumama ako sa kanila kumain.

Suot ang Blue dress na nakita ko lang sa aparador ay lumabas ako sa kwarto. Nakita ko naman sa labas si Faye na naghihintay sakin.

"Magandang gabi mahal na Prinsesa. Napakaganda niyo po." Pambungad na bati ni Faye. Ngumiti lang ako sa kanya saka nagsimula ng maglakad. Hindi pa ako komportable sa kanya. Ikaw ba naman palibutan ng mga kaaway sa negosyo simula bata palang ay magkakaroon ka talaga ng trust issues. Given the fact na isa sa mga bodyguard namin noon ang pumatay kay Mommy.

Ilang lakaran pa ay narating din namin ang napakalaking pinto na binuksan ng mga guard nang mamataan kaming paparating. Bumungad sakin ang isang napakahabang lamesa. Bigla naman akong nagutom nang makita ang napakaraming pagkain.

Inalalayan ako ni Faye na umupo sa isang upuan katabi ni Aaron. Kasing edad ko lang siya sa dati kong buhay—which is 23. Well, I'm a 16 years old now and the younger sister of these lads kaya kailangan ko na silang tawaging 'Kuya'. Psh!

Si Jackson nga na limang taon ang tanda sa'kin, hino-hoy ko lang minsan. Pero kailangan kong panatilihin ang hindi makabasag pinggan na ugali ng dating may ari ng katawang to.

Nagsimula kaming kumain nang walang nagsasalita. Ang Hari ay naka upo sa dulo ng mesa katabi ang Reyna sa kaliwa at si Aaron naman sa kanan. Katabi naman ng reyna si Asta na katabi din ni Arthur.

Siguro sariwa pa rin sa alaala nila ang pagpapakamatay ni Astrid—na pangalan ng dating may-ari ng katawan nato na magiging pangalan ko na din.

Ano kaya ang mararamdaman nila kapag nalaman nilang patay na ang dating Astrid at isa nang 'stranger' ang namumuhay sa katawan nito. Sabihin ko kaya? Imagine the horror in their face if bigla ko nalang sabihin na.

'Hey! Patay na si Astrid at si Jamie na ang bagong nagmamay-ari ng body na to. Ha Ha Ha.'

Parang ang labo naman. Nababaliw na ata ako.

Tapos na silang kumain pero ako kay panay parin ang kain ng kung ano-ano mula sa lamesa. Masarap eh, ba't ba? Wala pa namang nagsasabi na tumigil ng kumain.

"Astrid, anak." Rinig kong sabi ng Reyna.

"Po?" Sagot ko habang panay parin ang subo. Grapes naman ang pinagdidiskitahan ko ngayon.

"Maayos na ba ang iyong lagay? Wala nabang masakit sa iyo? Magsabi ka lang at ipatatawag ko agad si Doktor Kuroo para suriin ka." Bakas ang pag-aalala na sabi ng Reyna. Napatigil naman ako sa pagkain at napatingin sa kanya.

'Mommy...'

Ganyan na ganyan kung mag-alala si Mommy sakin noon. Kunting sugat na dala lang sa paglalaro ay para na siyang aatakihin sa puso habang tinatawagan ang family doctor namin.

Tumikhim muna ako bago sumagot. "Maayos naman na po ang aking kalagayan, I-Ina." Nag-alangan pako nang sabihin ang salitang 'ina' dahil buong buhay ko noon isa lang ang tinuturing kong Ina, walang iba kundi ang Mommy ko.

(Author: And for you, the readers, to know, speaking English in front of a Royal or any person of higher status is considered rude here. Ginagamit lang ang language na English kung kapantay mo lang ang kausap mo or mas mababa sayo.:)

"Tsk." Pang-eepal ng kaharap ko na walang iba kundi si Asta. Salamat sa alaala ni Astrid, alam ko na ang ugali ng lalaking to na salungat sa physical appearance niya. Gwapo nga masama naman ang ugali. "Maayos ka naman na pala, why don't you stab your self again? This time, make sure you're dead. " Pagsasalita niya.

'Oh, Asta dear, you have no Idea na nagtagumpay talaga si Astrid na magpakamatay at hindi na siya ang kaharap mo ngayon.'

Too bad, hindi na ako si Astrid na tatanggapin lahat ng salitang binabato niya. Sasagutin ko na sana siya pero natigil din nang bumukas ang pinto at pumasok ang mga pamilyar na tao. Salamat sa memories ni Astrid, kilala ko na silang lahat.

'Well, hello there, Royalties. It's a pleasure to meet you in person.'

__________S|S__________

Hot

Comments

Subaru Sumeragi

Subaru Sumeragi

Author, you've done it again! Another great read!

2024-08-22

0

See all
Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play