The Hidden World of Acartha
Denise's POV
"Ayusin mo nga yung pag na-navigate Che, kanina pa tayo nag lalakad dito eh." Si Lovely na kanina pa naiinip dahil wala pa kami sa destinasyon namin, "baka naman naliligaw na tayo. Sabihin mo lang." Mataray ngunit may takot na dagdag pa niya.
Well, sino ba namang hindi maiinip at matatakot at the same time kung kanina pa kami nag lalakad sa gubat! Oo, nasa gubat kami ng mga kaibagan ko. Eto kasi ang napag desisyonan naming mag ka-kaibigan, ang pumunta sa gubat na ngayon lang naming napuntahan ng walang guide.
"Chill ka lang Lovely, tama naman yung dinaraanan natin. Baka mamaya lang nandun na tayo." May pagka positive na sagot naman ni Cheryl.
"Saan mo ba kasi 'yan nakuha? At talaga bang mapa 'yan ng gubat na 'to?" Tanong naman ni Daryl na may hawak na chi-chirya sa kamay at panay ang subo nito.
Tumigil naman sa paglalakad si Che at saka hinarap si Daryl at nameywang.
"Nakita mo namang may pangalan ng gubat diba? Eh saan ba yung gubat na 'yon? Hindi ba ito 'yon, kaya sigurado ako na dito 'yon. At actually, nakita ko 'to sa attic nila Denise tapos nag paalam ako sa Mama niya kung p'wede bang akin na lang, pumayag naman si Tita kaya kinuha ko at eto, nandito tayo ngayon." Aniya at saka mabilis na bumalik sa pag lalakad. Hindi ko alam na may mapa kami ng gubat sa bahay?
"Samin galing? Kailan ibinigay sayo ni Mama?" Tanong ko naman.
"Nung nag lilinis tayo sa attic niyo." Simpleng sagot niya naman at nang naalala kung kailan 'yon ay saka tumango tango naman ako. Nag patuloy lang kami sa pag lalakad, ilang oras pa kaming naglakad ng mag salita si Vince.
"Baka gusto niyo namang mag pahinga? Hindi ba kayo napapagod? Gutom na rin ako, kayo ba?" Pagka sabi niya non ay bigla kong naramdam ang pagkalam ng sikmura ko, shet gutom na nga ako. Luminga naman ako sa kanila, nakangiwi at naka hawak sa tiyan, na para bang ngayon lang din sila nakaramdam ng gutom.
"Buti na lang pina-alala mo, Vince! Muntikan ko nang makalimutan kumain." Si Daryl.
"Ikaw? Makalimutan kumain? Hoy Daryl! Kanina ka pa nga lapang ng lapang diyan, puro balat na ng chi-chirya yung bag mo!" Si Nicole na akala mo hindi rin siya kumain.
"Wow ha, nakakahiya. Ikaw na nga umubos nong huli kong binuksan! Wow lang Nicole ha, wow." Napapantastikohang aniya ni Daryl.
"Jusko, ayan na naman kayo. Parehas lang naman kayong patay gutom!"
"Luh, Nikka kung makapag salita ah." Si Daryl.
"Anong sabi mo?!" Sigaw niya, napalunok naman si Daryl at ngumiwi, maya-maya ay nagsimula na siyang tumakbo. Nag patay malisya lang naman kami habang sa tuluyang mag habulan ang dalawa habang kami kaniya kaniyang sabi nang. . .
"What's this? Soil?" - Vince
"Uy! Puno, ngayon lang ako nakakita nito!" - Nicole
"Bakit kaya hindi nilalagam yung asin?" - Lovely
"Shet! Kulay green pala yung dahon!" - Ako
"Isa, dalawa, tatlo. . . ang dami nilang langgam. - Cheryl
"Ang ganda pala nitong ugat, wala samin neto." - Khairro
"Ipag da-dasal ka na lang namin Daryl. . . Amen." Bulong ni Eloise.
----
"Ako! Ako na to!" Naka ngisi kong sigaw sabay turo kay Nikka. Nag t-truth or dare kasi kami habang nag papalipas ng pagod, at natapos ang kantang Leron, Leron Sinta kay Nikka, at ang mag tatanong dapat ay katapat niya.
"Gago! Bakit ikaw?!" Asik naman niya. Nag make face ako at saka nag isip kung anong itatanong at ipapagawa sa kaniya bago mag tanong ng 'truth or dare'.
"Hmm, ok! Truth or Dare?" Ngising aso kong tanong.
"Bakit kasi ikaw pa? Eh ayoko sa mga tinatanong mo eh!" Bugnot na aniya, tumawa lang kami sa reaksyon niya. Kapag kasi ako ang mag tatanong O may ipa gagawa sa kanila ay ayaw nila, aniya nila ay malala raw akong mag utos medyo masakit sa damdamin pero totoo naman. Ngumisi ako.
"Kaya mo 'yan Nikka! Ikaw pa." Nag thumbs up si Che sa kanya na inirapan lang niya.
"Truth. Ayusin mo ha, kapag ako napahamak dito yari ka talaga sa'kin."
"Hmm, totoo bang mas gusto mo ang Soju kesa sa Tequila?" Tanong ko na ikanasinghap naman nila, napaka o-oa.
"Grabi ha."
"Gagi totoo?"
"Shet, totoo ang chismis, mas gusto ni mareng Nikka ang Soju!"
"Oh to the M to the G!"
"Kung ang jowa ay ipinag papalit sa malapit, si mareng Nikka ipinag palit ang Tequila sa Soju!"
"Anong connect non?"
"Wala gusto ko lang."
Kaniya kaniya silang side comment na ikinatawa ko, si Nikka naman ay nakabusangot na, alam kong wala namang mali don pero dahil sa comment nila sa tanong ko ay parang may mali na mas gusto ni Nikka ang Soju kesa sa Tequila.
"Grabihan? 'tong mga taong 'to! Akala mo hindi ako sinamahan ubusin yung limang Soju ko sa ref!" Apila ni Nikka.
"So ano na nga? Mas gusto mo ba talaga ang Soju kesa sa Tequila?"
"Tsk. Oo." Sagot niya.
"HAHAHAHA." si Daryl na naunang tumawa samin na nakatanggap ng batok kay Nikka.
"Kung makatawa ka ah!"
Naka ilang rounds pa kami ng truth or dare nang mapinsin ko si Vince na katabi ko na palinga linga sa paligid.
"Huy, may hinahap ka?" Tawag pansin ko sa kanya.
"Huh? Wala. Nag. . .iisip lang ako." Naku po! Nag tagalog ang lolo niyo, it means it's serious! Ano ba 'yan pati ako napapa english din eh! Kagaya kanina nag tagalog siya, gutom na kasi eh AT seryoso 'yon para sa kaniya, ayaw niyang nagugutom. Umiling naman ako at nag seryoso, serious si our very own 'father' of the group so kailangan serious din ako.
"Ano naman 'yon?" Tanong ko. Sa aming mag ka-kaibigan ay hindi ko alam kung bakit sa'kin 'to palaging nakadikit, hindi ko sinabing ayaw ko ha, at saka sinabi naman sa'kin ni Vince na comfortable siya sa'kin kaya ganon, kahit kela Daryl nga ay minsan lang siya sumama, sa totoo lang, kung hindi ko 'to niyaya ay hindi pa siya sasama. NI HINDI NGA SIYA NAG S-SEEN SA GC! #nonchalantsikoya.
"Parang kasing hindi. . . dumidilim? Kanina pa tayo dito, tapos hindi pa dumidilim." Kumunot naman ang noo ko. Naguguluhan. "What I mean is we left the city early in the morning and we arrive here exactly at eleven o'clock a.m, were walking non stop since we enter the forest and now, we're here eating and playing for more than two hours already?"
Sabi niya na nagpa-isip sa'kin, tama si Vince, kanina pa kami dito at hindi pa rin dumidilim. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalmat na hindi pa dumidilim pero naka kapag takha nga namang hindi pa dumidilim, dapat sa mga oras na 'to ay madilim na ang kalangitan. Tumingala ako. I saw the blue sky above me na nakapag pa kunot sa noo ko, why? Why is it still blue? Tumigil ang mga kaibigan ko sa ginagawa nang mag salita ako.
"Guys, wala ba kayong napapansing kakaiba?"
"Like?" Si Cheryl na ngumunguya pa.
"Like sa time? Look, hindi pa dumidilim guys na dapat kanina pa madilim." Sabi ko naman sa kanila.
Napatigil naman sila sa mga ginagawa. Tumingala sila at saka mahinang napamura nang napagtantong tama nga ang sinabi ko. I sighed.
"Vince, if we're at the city, what do you think would be the time?" Si Eloise.
"Estimated?" He ask. We nodded in unison. "Well, if estimated time, the time is now five in the afternoon." Si Vince na tumingala at saka tumingin sa baba, "but based on our shadows? It's just like fucking eight in the morning." Pagka sabi niya noon ay napa nga-nga kaming lahat at siya naman ay napapikit.
"I think we're in a weather glitch? Or time?" Napapaisip na sabi ni Khairro.
"The heck?! Imposible naman ata 'yon?" Natatarantang sabi ni Lovely.
"Imposible nga. . ." Daryl trailed off.
"There's a possibility though." Si Vince.
"Kung totoo nga, how do we get out?" Si Nikka.
There's a weather glitch? Kung bakit kami nandito ay dahil sa mapa na nakuha ni Che sa attic namin. Kung posibleng weather glitch nga 'to. . . no, wait. There's no way that's happening! Please no, hindi pwedeng maging weather glitch ang nangyayari ngayon, hindi pwede. Lumibot ang paningin ko sa gubat at napapikit nang may natanto.
"Che, nung sinabi mo kay Mama na sayo nalang yung mapa. . . anong sabi niya?" Napahinto naman si Cheryl sa pag uusap at umaktong nag iisip. Naghihintay kaming lahat sa sasabihin ni Che. Lahat kami ay naka tingin sa kanya.
"Gago nakaka pressure pala pag lahat kayo nakatingin sakin. Aray!." Biro niya pa dahilan kung bakit siya nakatanggap ng batok kay Nikka.
"Eto naman hindi mabiro." Nakangusong aniya ni Che, "I remembered, sabi ni Tita, it's ok that I could have the map. In fact akala ko hindi niya ibibigay sakin yung mapa dahil parang tressure siya sa totoo lang, nung nakita ko kasi ay naka lagay pa sa kahon, tapos parang maingat ang nag lagay sa mapa ron, nakatiklop din ng maayos kasi at may tali pang parang ginto eh, may gold dust din sa loob nung box." Mahabang paliwanag niya samin.
"Fuck." Mahinang mura ko. "So tama nga ang hinala ko." Bulong ko sa sarili habang nakatingin sa dinaanan namin kanina.
"Huh? Hey Denise? What are you talking about?" Si Vince na hindi man halata na nangangamba ay makikita mo naman sa mata niya na hindi niya alam ang gagawin at nalilito na rin siya sa nangyayari.
"May idea ka, Denise?" Si Khairro, na parang alam niya na rin ang alam ng isip ko. Tumango ako.
"Shet!" Biglang sigaw ni Daryl na ikinagulat ni Lovely na nasa tabi niya.
"The fudge! Bakit ka bigla biglang na sigaw?!" Aniya at hinampas sa braso si Daryl.
"Sorry naman, masyado na kasing nakaka suffocate yung atmosphere saka masyado na tayong nag pa-panick." Aniya at napatango kami sa kaniya. Naiitindihan namin siya, kung ako rin ay hindi ko na maitatago na natatakot na rin ako, hindi dahil sa sa liwanag na dapat ay madilim na ngayon, kundi sa kalagayan namin ngayon.
"Vince, look. What do you see?" Tanong ko kay Vince at iginiya ang dinaraanan namin kanina.
"Putangina." Mura niya sa tagalog. Fuck, this means we're in trouble, ayaw ko mang lagyan ng meaning kapag nag sasalita siya sa tagalog pero kasi! Nag tatagalog lang naman kasi 'to kapag may hindi magandang nangyayari at kapag seryoso siya! Kaya fudge! I know we're in trouble this time.
Miski sila Lovely ay napa tingin sa kaniya dahil alam din nila ang ibig sabihin ng pag tatagalog ng englisherong 'to.
"We're in trouble, ain't we?" Si Khairro na tumango tango pa.
"Yes, of course! Nag tatagalog lang naman yang si Vince kapag seryoso siya O kaya delekado ang sitwasyon! Oh gosh!" Aniya ni Lovely.
"Um, let us stay calm down please, everyone. We still have the map with us." Sabi ni Eloise na pinipilit maging positive kahit naluluha na. But no, we cant, hindi namin pwedeng iasa sa mapa ang magiging direksyon namin, ngayon pang alam na namin, ngayon pang alam ko na.
"Guys do you see the trail?" Tumango naman kami kay Daryl. Oo syempre, kanina pa.
"Um, it is just me, or the trail is in a slope line?" Aniya ni Nicole.
"No, hindi lang ikaw. Talagang naka slope siya, Nicole." Pag sang ayon ko sa kanya. "And yung sin-u-ggest ni Eloise? Hindi natin pwedeng gawin 'yon, we can't use the map this time." Dagdag ko pa.
"So ah, my theory is correct, right?" Si Khairro na na nag hahanap ng konpirmasyon, tumango kaming dalawa ni Vince na nag papikit ng mga mata ang iba pa naming kaibigan dahil alam din nila kung anong ibig sabihin non. Ilang minuto kaming natahimik nang basagin ito ni Nikka at nag salita.
"Denise, oo nga pala why did you ask Che kung anong sinabi ni Tita Helena sa kanya?" Aniya.
"That? Dahil kay Abuela Lorittia pa yung mapa na 'yon. Hindi ko alam na nasa bahay pala namin, dahil kinukwento lang naman sa'kin 'yon ni Mama na may mapa raw na pag mamay-ari ng pamilya namin, hindi ko alam kung bakit ibinigay saiyo 'yan ni Mama dahil kay Abuela Lorittia yung mapa." Paliwanag ko sa kanila.
"Lorittia? Akala ko ba ay Florence ang name ng grandmother mo?" Si Che na ikinatango ko naman.
"Oo nga, pangalan ni Mamita 'yon. Ang tinutukoy ko ay ang Mama ng Mama ni Mamita." Saad ko sa kanila na kung maka tingin sa'kin ay akala mong may ibinunyag akong mahalang sikreto sa kanila.
"So? Anong connect. . . I mean, anong connection ng Abuela mo sa mapa?" Daryl ask.
"Hm? I don't know, ang sabi lang sa'kin ni Mama ay dapat daw wag gamitin ang mapa kung napansin na natin." Kibit-balikat kong saad at sila naman ay kaniya kaniyang violent reaction.
"So, hindi mo ma e-explain samin kung bakit hindi natin namalayan na pababa pala yung tinatahak nating daan? Like no answer and no comment, ganon?" Nikka implied and I nodded.
"Let see. . . Everyone, check your phones." Biglang sabi ni Vince na kanina pa mukhang may iniisip.
Agad naman naming kinuha ang cellphone namin at binuksan ito, at ang bumungad sa'kin ay ang wallpaper ko at ang naka agaw ng pansin ko ay yung oras, it's fudging exactly eleven o'clock a.m! Oh gosh.
"W-what the?"
"Paano nang yari 'to?"
"Shit, this is crazy!"
Gulat. Ayan ang makikita sa mukha naming lahat, na kahit na alam na namin at inaasahan na baka nga ganto ay nagulat parin kami.
"Wait, Denise. May naalala ako!" Si Cheryl.
"Ano 'yon?"
"Nung nag paalam ako kay Tita kung pwede sa'kin na lang yung mapa, sabi niya narinig niya raw tayong nag pla-plano nang vacation natin, at parang may sinabi rin siya na. . .Ang sabi niya 'don't trust the sun, for–" Che didn't have the chance to finish the quote nang sabihin namin ng sabay sabay ang kabu-u-an nito.
"For it can only trick your track of time. . . "
Pagkatapos naming sabihin 'yon ay nag katinginan kaming lahat at nagulat dahil alam naming lahat ang sinabi ni Mama kay Che! The fudge? Anong ibig sabihin nito?
"Paano niyo nalaman 'yon?" Che ask us.
"My Dad always used that quote." - Lovely
"Me too, my Dad always used that quote." - Nicole
"Um, I always hear that from my Grandma." - Eloise
"Same." - Khairro
"Me too, I always hear it from my Grandma." - Nikka
"Mine, in my Dad." - Daryl
"I heard it from my Grandfather, once." - Vince
"As you can see, Mama said it to you so sa kanya ko nalaman ang quote na 'yon." Isa isa naming paliwanag na lalong mas nag palito samin ma siya namang ikina-laglag panga ni Che.
"Y-you all, the heck?!" Hindi makapaniwalang saad niya. Dahil nga naman kaming lahat ay alam 'yon at siya ay sa Mama ko lang narinig ay parang pinag kaisahan siya na hindi naman.
"Calm down, Che. We too, didn't know that every one knew!" Si Eloise na kahit sumagaw na ay mahinhin pa rin ang boses na nag pangiwi kay Che at kalaunay huminahon.
"But guys, let us get going, yes? Before anything happens to us here!" Khairro suddenly shouted.
"What?"
"Gut feeling, now let us move, everyone. I don't feel safe here. Nakakapag english tayo ng wala sa oras eh." Tama siya. "Vince will lead us as always." Dagdag pa niya.
Tumango naman si Vince kahit mukhang problemado siya at maraming laman ngayon ang isipan niya. Mukhang may alam siya. . .
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments