THWA - Chapter 3

Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko ng may marinig akong ingay. Bumungad sa'kin kulay asul na kalangitan. Maingat akong umupo at tumingin sa paligid. Nang makarinig ako ng boses ay nilingon ko agad 'yon. 'Nasaan na ba ako? Pinakiramdaman ko ang sarili, nang wala akong naramdamang kahit anong sakit sa katawan ay saka 'ko tuluyang umupo.   Nakita ko ang pag baling sa'kin ng tingin ng batang lalake.

"Ma! Gising na po siya!" Nagagalak na sigaw ng batang lalake nang makita akong naka-upo na sa hinihigaan kong tela, sila ata ang naglagay sa'kin dito. May lumapit namang ginang sa'kin.

"Ah, siya nga. Mabuti naman at gising kana, hija. Leo ikuha mo ako ng tubig at pagkain, baka nagugutom na ang binibini, dali." Utos pa nito kay Leo na agad namang tumalima sa utos ng ina.

"Opo!" Aniya at saka nagmadaling halungkatin ang bag na dala nila.

"Ah oo nga pala, ako si Merida. Nakita ka naming naka higa dito sa damuhan at walang malay. Mabuti na lang at napadaan kami dito." Aniya at saka ngumiti.

Who are these people? Na'san sila Vince? Oo nga pala, nahulog nga pala ako. . . Wait nahulog. Madali akong tumingin sa taas ngunit ng makita ko ay ang asul na langit ay bigla akong nanlumo nang wala akong makitang kahit ano na senyales na galing ako sa mataas na lugar at nahulog lang dito. Nang natantong nag hihintay siya na mag pakilala ako at saka lang ako nag salita.

"I'm Denise." Maikli kong pagpapakilala. Hindi kasi ako masyadong nag papakilala ng sarili sa ibang tao, lalo na't nga'yon ko lang sila nakilala.

"Ah nag sasalita ka pala ng lengguwahe nila." Aniya, at saka tumango tango pa. "Hindi bale, nakaka intinde naman kami kahit papa-ano ng salita ninyo." Sabi niya pa. Nag tatakha ko naman siyang tiningnan dahil sa sinabi niya. Hindi ba, english is a subject in school? Even in kinder garden, tinuturo nila 'yon.

"What? I mean, ano? Ano pong sinasabi niyo na lengguwahe nila?" Tanong ko naman.

Umupo naman ito sa tabi ko at iniabot sa'kin ang pagkain at tubig na ibinigay sa kan'ya ni Leo. Si Leo naman ay bumalik sa pag lalaro.

"Ayun ba? Hindi ba't isa ka rin sa kanila?" Balik niyang tanong. Aba kung alam ko lang ang sinasabi niya edi hindi na ako nag tanong. Ate naman na'san ang common sense d'on! Joke lang, mabait na tao po ako.

"Sino pong sila?" Tanong ko ulit. Nga'yon ay nilalantakan na ang ibinigay niyang pagkain dahil nang na-amoy ko 'to, biglang kumalam ang sikmura ko! Nakakahiya!

"Mga taong nasa marayang pamilya, kung tawagin nila ay nobles."

"Ah nobles. . . " sagot ko, wait! "Nobles?!" Hindi ko mapigilang isigaw. Eh sa nabigla ako? Tinawanan naman ako ni ate Merida sa naging reaksiyon ko.

"Oo, nobles. Kanino ka bang pamilya galing? Para maipag alam na namin ni Leo na may nawawalang anak sila?" Mahinhin niyang pahayag. Parang naalala ko tuloy sa kaniya si Eloise. Ok lang kaya sila?

Hindi ko naman alam kung anong isasagot sa kaniya, pa'no ko sasabihin kung hindi naman ako dito nakatira? Paano kung masamang tao pala sila tas ibenta nila ang mga laman ko? Napailing na lang ako sa naisip, ano ba namang klaseng isip 'yan Denise pang tanga eh.

"Anong buong pangalan mo, Denise, hija? Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo." Anito ng hindi ko siya sagutin. Actually mukhang mabait naman si ate Merida, mukhang hindi pa nga siya makabasag pinggan eh. Maganda rin siya.

May mahabang pilik mata, kulay amber na mga mata, may katangusang ilong ang buhok niya ay hanggang beywang, na kulay brown. At siyempre may hugis ang katawan na masasabi mong sexy siya. Hindi nga halata na may anak na siya dahil sa katawan niya.

"Ilang taon na po kayo?" Hindi ko napigilang tanong dito.

"Tatlongpu't lima na hija. Bakit mo na tanong?" Magiliw na sagot sa'kin ni ate Merida na nag palaki sa mga mata ko, hindi halata! At dahil mukha naman talagang harmless si ate ay ibinigay ko na ang pangalan ko.

"Wala lang po." Umiling-iling naman ako, "Athanacia Denise Lorraine Mo Rove po ang buong pangalan ko at saka po, pwede po ba akong mag tanong? Nasaan po tayo?" Magalang kong sabi.

Nanlaki naman ang mga mata ni ate Merida ng sabihin ko ang pangalan ko. Anong meron sa pangalan ko at nagulat siya? Nagandahan ba siya? Ang haba haba kasi ng pangalan na ibinigay sa'kin eh, kapag tuloy nag papakuha yung teacher ko dati ng one fourth yung mga classmate ko nagsusulat na nang sagot ako nasa pangalan pa lang, hays the old days. Parang ang tanda ng dating no'n ah?

"Um, bakit po?" Tanong ko naman dahil hindi ko alam kung bakit may nakakagulat ba sa sinabi ko.

"Nabigla lang ako, pasensya na po. Hindi ko alam na isa kang Mo Rove, hija, patawad. Nasa gubat tayo ng Werrin, hija, isa sa pinaka malaking gubat ng Acartha." Aniya nito at saka tumayo at nag bow na parang gumagalang sa isang maharlika, oo maharlika dahil ganitong ganito yung napanod ko noon sa TV. Ang kanang kamay niya ay nasa kaliwang dibdib at ang isa naman ay nasa skirt ng bestida niyang suot, at ang kaliwang paa naman niya ay naka abante habang ang kanan ay nasa likod ng kaliwa niyang paa na dahilan kung bakit nag bend ang likod niya at saka yumuko ng mababa.

Sa bilis ng pangyayari ay naiwan na lang akong naka tanga sa kaniya at hindi alam ang gagawin, parang gusto ko na lang kainin ng lupa ngayon! Nag init ang  dalawang pisnge ko sa ginawa niya dahil parang isa akong nasa monarkiya kung galangin niya ako ng ganito. Nang manatili lang siya sa ganong posis'yon at hindi tumitingala ay nagsalita na ako, baka mangalay pa siya, ako pa sisihin.

"A. . . ah ate Merida tumayo po kayo, hindi niyo naman po kailangang yumuko, para naman akong prinsesa niyan sa ginagawa mo ate eh." Nang pagka sabi ko no'n ay saka lamang siya umayos ng tayo tumingin sa'kin na parang naguguluhan.

"Ha? Hindi ba't isa kang–" Hindi na natuloy ni ate Merida ang sa-sabihin nang tawagin siya ng anak.

"Ma! May paparating po!" Sigaw ni Leo na tunatakbo papunta sa kaniyang ina.

Lumingon kaming dalawa sa itinuro ni Leo, may natanaw akong bulto nang siyam na tao sa hindi kayuan dito sa'min. Napansin ko namang kumunot ang noo ni ate Merida sandali. Minumukha-an ang mga bagong dating. Nang makilala ay biglang nag liwanag ang mukha ni ate at saka tumayo.

"Ang iyong Papa lang pala, Leo. Pinakaba mo 'ko. Akala ko ay mga bandits na, jusko kang bata ka." Aniya at saka ako nilingon at bahagyang tumungo pa na para bang nag papa-alam siya sa'kin, nahawa tuloy ako at saka yumuko na nag mukhang tango na parang nakakita ng kakilala sa daan.

"Si Papa po?!" Masayang sabi ni Leo sa ina, "makakauwi na po tayo Ma! Hirap po kasi buhatin nitong mga kahoy pauwi." Dagdag pa nito na para bang siya ang nag buhat ng mga kahoy gayong nakita kong si ate Merida ang may buhat-buhat nito kanina.

"Leando, nakabalik kana." Masayang bati nito sa asawa nang makalapit ang lalake sa kaniya, "may mga kasama kasama ka?"

"Ah oo, mahal, nakita ko silang nag lalakad at mukha silang naliligaw kaya naman isinama ko na." Paliwanag naman nito kay ate Merida. "Gising na pala ang binibini." Aniya nito ng makita ako, tinanguan ko naman siya bilang pagkilala sa presensya niya at ganoon rin ang ginawa niya.

"Ah oo, kanina pa–"

Nawala ang tingin ko sa mag-asawa nang banggitin ni ate Merida 'yon. Tumayo ako at saka sinilip sa likod ang tinutukoy niya, at potek nanlaki ang mga mata ko sa nakita! Sila Eloise! Parang naiiyak ata ako! Eme. Nang mapansin nila ako ay lahat sila ay nag tutumakbo papunta sa'kin.

"Denise! Oh my gosh!" Malakas na sabi ni Lovely at saka dumamba sa'kin ng yakap, at sumunod pa sa pag damba sila Nikka na muntik ko nang ikatumba, juice colored!

Nang hindi pa rin umaalis sa pag yakap itong mga babaeng 'to ay tumingin naman ako sa tatlong lalake para humingi ng tulong pero ang mga itlog, nginitian lang ako! At si Daryl naman ay pinupunasan ang imaginary tears niya!

"Girls, girls! Please! I can't breathe." Sigaw ko sa kanila, feeling ko mawawalan ako ng hininga sa higpit ng yakap nila.

"I'm sorry!" They said in unison at nag peace sign pa!

"Akala namin hindi ka na namin makikita!"

"Well, I'm alive and kicking pa naman." Kibit balikat kong sabi sa kanila.

"Ops! Girls, kami naman, hindi lang kayo ang nag alala kay Denise, kami rin." Awat ni Daryl kay Lovely na akmang mag sasalita pa lang. Inirapan siya nito.

"It's good that you're safe, Denise." Si Vince na nakipag fist bump sa'kin.

"Yeah, kayo rin." I said and smiled at him. Vince smiled too.

Matapos kaming mag usap lahat na akala mo'y I lang dekadang hindi nagkita ay kung hindi lang agawin ni ate Merida ang pansin namin ay hindi pa kami titigil. At dahil mag didilim na raw ay kailangan na naming umalis.

"Ate Merida, are we close to your house na po ba? I'm tired of walking na kasi." Maarteng tanong ni Lovely, well sila lang namang dalawa ni Nicole ang tanong ng tanong kung malapit na kami sa bahay nila ate Merida.

Ngumiti naman si ate Merida at saka nag salita, "Herriana, hija, huwag kang mag alala dahil malapit na tayo, bilisan na lang natin ang pag lalakad dahil mag gagabi na." Tawag ni ate Merida sa totoong pangalan ni Lovely at sa tono ay halatang maingat at may paggalang.

Ngumiwi naman kaming lahat dahil sa tono ng boses ni ate Merida, hindi kasi kami sanay na may ganito sa amin na kakausap. Oo nga't galing kami sa kilalang pamilya lahat pero dahil mag be-best friend ang mga magulang namin ay nakita namin at tinuruan kaming gumalang sa mas nakakatanda sa amin, na kung tutuusin ay napaka basic lang naman, kumbaga kasama siya sa right manners and good conduct.

Nang malaman kasi nila ang mga apilyido namin ay ganiyan na sila sa'min kung kumausap, punong-puno ng paggalang eh hindi naman kagalang-galang si Daryl este hindi naman namin alam kung bakit ganon at kung pu-puwede lang na maglagy silang mag asawa ng red carpet ay ginawa na nila. Nagpa tuloy naman kami sa paglalakad.

Nag labas si Daryl ng tinapay at isa-isa kaming inalok, "guys, want some?" Tawag pansin sa'min ni Daryl. Kita mo nga namang hindi nawala ang pagkain na dala nitong ugok na 'to?

"Yown! Sakto gutom na 'ko!" Si Nikka na nakalapit agad sa pwesto ni Daryl. Inilayo naman ni Daryl ang hawak na tinapay kay Nikka.

"Hoy! Akala mo hindi ko nakita? Nilalantakan mo kanina yung mga foods kong baon nung pagkagising ko." Sumbat niya pa at saka niyakap yung tinapay. Juice colored! Hanggang dito ba naman?

"Mag aaway na naman sila." Saad ko at bumuntong hininga.

"Wala namang pinipiling lugar 'yang dalawa na 'yan, hayaan na lang natin." Sabi ni Nicole na halatang rinding rindi na sa dalawa.

"Sa totoo lang ay kanina pa silang dalawa ganiyan. Pagka gising kasi ni Daryl ay nakita niyang kinakain ni Nikka yung favorite niyang chocolate at yun ay–" hindi na natapos ni Khairro ang sa-sabihin niya nang magsalita kami,

"Kit-kat. . . "

Nang napagtanto naming sabay-sabay kaming nagsalita ay napa tawa kami at napailing na lang, totoo kasi na paboritong paborito ni Daryl ang Kit-kat, simula pa lang nung mga bata kami ay hilig niya nang kumain ng Kit-kat.

Inangkla naman ni Lovely ang braso niya sa braso ko, siya ang pinaka close ko sa lahat sa kaibgan ko well she's my best friend and also my cousin, kaya ganon.

"I have to tell you what happened to us kanina, Denise." Sabi niya ng maging komportapagkaka pagkaka sabit ng braso niya sa braso ko. I smiled and nodded my head.

"Well, mamaya na lang kapag punta natin sa bahay nila ate Merida, I'm tired na pala." Biglang bawi ni Lovely sa sinabi na nagpa ngiwi sa'kin, langya naman oh, pabitin. Sinamaan ko siya ng tingin, at siya naman ay tinawanan lang ako.

"Oh, come on cous, you're pinaka magandang cousin  is tired na, mamaya na lang." Sabi niya pa at saka pinag-dikit ang pisnge naming dalawa. Kumunot ang noo naming dalawa.

"Nako Lovely, tigilan mo 'ko! How many times do I have to say na I don't want anyone to touch my cheeks." Aniya ko at saka inilayo ang mukha niya.

Kahit anong layuko sa mukha niya ay sadyang mapilit ang bruha! Inilapit pa sa'kin ang mukha niya at mas lalo niya lang pinag dikit ang pisnge naming dalawa. I groan in frustration.

"Nice one, very mature, Herriana Louive Yyilna." Banggit ko sa pangalan niya na bigla namang nagpa ayos sa kaniya ng tayo.

"Sabi ko nga diba, ilalayo na po."

Ilang minuto pa kaming naglakad at nang tumigil na sa pag lalakad sila ate Merida at itinuro sa'min kung nasaan ang kanilang bahay ay nag liwanag ang mga mata namin.

"Leo, anak, mauna na kayo nila ate sa bahay, bibili lang kami ng makakain sa bayan. Isara ninyo ang pintuan, maliwanag ba?" Sabi ni ate Merida sa anak, tumango naman si Leo at saka humalik sa pisnge ng ina.

"Opo ma, ingat po kayo ni papa."

Nagpa alam naman sa'min ang mag asawa ang aniya'y pagkalampas na lamang daw nitong tatlong bahay ay tirahanan na nila.

Nang makarating kami ay bumungad sa'min ang bahay nila, tama lang ang laki nito at sa tingin ko malawak ang loob. Merong parte na sira pero ayos lang naman, may tanim rin ng halaman sa bukana at sa tingin ko ay may munting bakuran sila sa likod ng bahay.

"Hali po kayo! Pasok po kayo sa bahay po namin!" Masiglang paanyaya ni Leo na tinugon naman namin.

"Salamat, Leo!" Masigla ring sabi ni Cheryl sa bata, ang isang 'to ay mahilig sa bata, nag e-enjoy si Che na makipag laro sa mga bata at dahil na rin kasi only child ay sabik talaga siya sa nakakabatang kapatid, kung hindi pa nga napigilan ni Khairro at Eloise eh pipisilin na niya ang pisnge ni Leo! Ang dahilan pa niya ay ang cute raw kasi nung bata. Pumasok na kami at pinupo naman kami ni Leo sa kanilang bangko na gawa sa kahoy.

Hot

Comments

babyzizie

babyzizie

👏👏👏 Bravo, Author!

2024-08-21

1

See all
Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play