Denise's POV
"Ayusin mo nga yung pag na-navigate Che, kanina pa tayo nag lalakad dito eh." Si Lovely na kanina pa naiinip dahil wala pa kami sa destinasyon namin, "baka naman naliligaw na tayo. Sabihin mo lang." Mataray ngunit may takot na dagdag pa niya.
Well, sino ba namang hindi maiinip at matatakot at the same time kung kanina pa kami nag lalakad sa gubat! Oo, nasa gubat kami ng mga kaibagan ko. Eto kasi ang napag desisyonan naming mag ka-kaibigan, ang pumunta sa gubat na ngayon lang naming napuntahan ng walang guide.
"Chill ka lang Lovely, tama naman yung dinaraanan natin. Baka mamaya lang nandun na tayo." May pagka positive na sagot naman ni Cheryl.
"Saan mo ba kasi 'yan nakuha? At talaga bang mapa 'yan ng gubat na 'to?" Tanong naman ni Daryl na may hawak na chi-chirya sa kamay at panay ang subo nito.
Tumigil naman sa paglalakad si Che at saka hinarap si Daryl at nameywang.
"Nakita mo namang may pangalan ng gubat diba? Eh saan ba yung gubat na 'yon? Hindi ba ito 'yon, kaya sigurado ako na dito 'yon. At actually, nakita ko 'to sa attic nila Denise tapos nag paalam ako sa Mama niya kung p'wede bang akin na lang, pumayag naman si Tita kaya kinuha ko at eto, nandito tayo ngayon." Aniya at saka mabilis na bumalik sa pag lalakad. Hindi ko alam na may mapa kami ng gubat sa bahay?
"Samin galing? Kailan ibinigay sayo ni Mama?" Tanong ko naman.
"Nung nag lilinis tayo sa attic niyo." Simpleng sagot niya naman at nang naalala kung kailan 'yon ay saka tumango tango naman ako. Nag patuloy lang kami sa pag lalakad, ilang oras pa kaming naglakad ng mag salita si Vince.
"Baka gusto niyo namang mag pahinga? Hindi ba kayo napapagod? Gutom na rin ako, kayo ba?" Pagka sabi niya non ay bigla kong naramdam ang pagkalam ng sikmura ko, shet gutom na nga ako. Luminga naman ako sa kanila, nakangiwi at naka hawak sa tiyan, na para bang ngayon lang din sila nakaramdam ng gutom.
"Buti na lang pina-alala mo, Vince! Muntikan ko nang makalimutan kumain." Si Daryl.
"Ikaw? Makalimutan kumain? Hoy Daryl! Kanina ka pa nga lapang ng lapang diyan, puro balat na ng chi-chirya yung bag mo!" Si Nicole na akala mo hindi rin siya kumain.
"Wow ha, nakakahiya. Ikaw na nga umubos nong huli kong binuksan! Wow lang Nicole ha, wow." Napapantastikohang aniya ni Daryl.
"Jusko, ayan na naman kayo. Parehas lang naman kayong patay gutom!"
"Luh, Nikka kung makapag salita ah." Si Daryl.
"Anong sabi mo?!" Sigaw niya, napalunok naman si Daryl at ngumiwi, maya-maya ay nagsimula na siyang tumakbo. Nag patay malisya lang naman kami habang sa tuluyang mag habulan ang dalawa habang kami kaniya kaniyang sabi nang. . .
"What's this? Soil?" - Vince
"Uy! Puno, ngayon lang ako nakakita nito!" - Nicole
"Bakit kaya hindi nilalagam yung asin?" - Lovely
"Shet! Kulay green pala yung dahon!" - Ako
"Isa, dalawa, tatlo. . . ang dami nilang langgam. - Cheryl
"Ang ganda pala nitong ugat, wala samin neto." - Khairro
"Ipag da-dasal ka na lang namin Daryl. . . Amen." Bulong ni Eloise.
----
"Ako! Ako na to!" Naka ngisi kong sigaw sabay turo kay Nikka. Nag t-truth or dare kasi kami habang nag papalipas ng pagod, at natapos ang kantang Leron, Leron Sinta kay Nikka, at ang mag tatanong dapat ay katapat niya.
"Gago! Bakit ikaw?!" Asik naman niya. Nag make face ako at saka nag isip kung anong itatanong at ipapagawa sa kaniya bago mag tanong ng 'truth or dare'.
"Hmm, ok! Truth or Dare?" Ngising aso kong tanong.
"Bakit kasi ikaw pa? Eh ayoko sa mga tinatanong mo eh!" Bugnot na aniya, tumawa lang kami sa reaksyon niya. Kapag kasi ako ang mag tatanong O may ipa gagawa sa kanila ay ayaw nila, aniya nila ay malala raw akong mag utos medyo masakit sa damdamin pero totoo naman. Ngumisi ako.
"Kaya mo 'yan Nikka! Ikaw pa." Nag thumbs up si Che sa kanya na inirapan lang niya.
"Truth. Ayusin mo ha, kapag ako napahamak dito yari ka talaga sa'kin."
"Hmm, totoo bang mas gusto mo ang Soju kesa sa Tequila?" Tanong ko na ikanasinghap naman nila, napaka o-oa.
"Grabi ha."
"Gagi totoo?"
"Shet, totoo ang chismis, mas gusto ni mareng Nikka ang Soju!"
"Oh to the M to the G!"
"Kung ang jowa ay ipinag papalit sa malapit, si mareng Nikka ipinag palit ang Tequila sa Soju!"
"Anong connect non?"
"Wala gusto ko lang."
Kaniya kaniya silang side comment na ikinatawa ko, si Nikka naman ay nakabusangot na, alam kong wala namang mali don pero dahil sa comment nila sa tanong ko ay parang may mali na mas gusto ni Nikka ang Soju kesa sa Tequila.
"Grabihan? 'tong mga taong 'to! Akala mo hindi ako sinamahan ubusin yung limang Soju ko sa ref!" Apila ni Nikka.
"So ano na nga? Mas gusto mo ba talaga ang Soju kesa sa Tequila?"
"Tsk. Oo." Sagot niya.
"HAHAHAHA." si Daryl na naunang tumawa samin na nakatanggap ng batok kay Nikka.
"Kung makatawa ka ah!"
Naka ilang rounds pa kami ng truth or dare nang mapinsin ko si Vince na katabi ko na palinga linga sa paligid.
"Huy, may hinahap ka?" Tawag pansin ko sa kanya.
"Huh? Wala. Nag. . .iisip lang ako." Naku po! Nag tagalog ang lolo niyo, it means it's serious! Ano ba 'yan pati ako napapa english din eh! Kagaya kanina nag tagalog siya, gutom na kasi eh AT seryoso 'yon para sa kaniya, ayaw niyang nagugutom. Umiling naman ako at nag seryoso, serious si our very own 'father' of the group so kailangan serious din ako.
"Ano naman 'yon?" Tanong ko. Sa aming mag ka-kaibigan ay hindi ko alam kung bakit sa'kin 'to palaging nakadikit, hindi ko sinabing ayaw ko ha, at saka sinabi naman sa'kin ni Vince na comfortable siya sa'kin kaya ganon, kahit kela Daryl nga ay minsan lang siya sumama, sa totoo lang, kung hindi ko 'to niyaya ay hindi pa siya sasama. NI HINDI NGA SIYA NAG S-SEEN SA GC! #nonchalantsikoya.
"Parang kasing hindi. . . dumidilim? Kanina pa tayo dito, tapos hindi pa dumidilim." Kumunot naman ang noo ko. Naguguluhan. "What I mean is we left the city early in the morning and we arrive here exactly at eleven o'clock a.m, were walking non stop since we enter the forest and now, we're here eating and playing for more than two hours already?"
Sabi niya na nagpa-isip sa'kin, tama si Vince, kanina pa kami dito at hindi pa rin dumidilim. Hindi ko alam kung dapat ko bang ipagpasalmat na hindi pa dumidilim pero naka kapag takha nga namang hindi pa dumidilim, dapat sa mga oras na 'to ay madilim na ang kalangitan. Tumingala ako. I saw the blue sky above me na nakapag pa kunot sa noo ko, why? Why is it still blue? Tumigil ang mga kaibigan ko sa ginagawa nang mag salita ako.
"Guys, wala ba kayong napapansing kakaiba?"
"Like?" Si Cheryl na ngumunguya pa.
"Like sa time? Look, hindi pa dumidilim guys na dapat kanina pa madilim." Sabi ko naman sa kanila.
Napatigil naman sila sa mga ginagawa. Tumingala sila at saka mahinang napamura nang napagtantong tama nga ang sinabi ko. I sighed.
"Vince, if we're at the city, what do you think would be the time?" Si Eloise.
"Estimated?" He ask. We nodded in unison. "Well, if estimated time, the time is now five in the afternoon." Si Vince na tumingala at saka tumingin sa baba, "but based on our shadows? It's just like fucking eight in the morning." Pagka sabi niya noon ay napa nga-nga kaming lahat at siya naman ay napapikit.
"I think we're in a weather glitch? Or time?" Napapaisip na sabi ni Khairro.
"The heck?! Imposible naman ata 'yon?" Natatarantang sabi ni Lovely.
"Imposible nga. . ." Daryl trailed off.
"There's a possibility though." Si Vince.
"Kung totoo nga, how do we get out?" Si Nikka.
There's a weather glitch? Kung bakit kami nandito ay dahil sa mapa na nakuha ni Che sa attic namin. Kung posibleng weather glitch nga 'to. . . no, wait. There's no way that's happening! Please no, hindi pwedeng maging weather glitch ang nangyayari ngayon, hindi pwede. Lumibot ang paningin ko sa gubat at napapikit nang may natanto.
"Che, nung sinabi mo kay Mama na sayo nalang yung mapa. . . anong sabi niya?" Napahinto naman si Cheryl sa pag uusap at umaktong nag iisip. Naghihintay kaming lahat sa sasabihin ni Che. Lahat kami ay naka tingin sa kanya.
"Gago nakaka pressure pala pag lahat kayo nakatingin sakin. Aray!." Biro niya pa dahilan kung bakit siya nakatanggap ng batok kay Nikka.
"Eto naman hindi mabiro." Nakangusong aniya ni Che, "I remembered, sabi ni Tita, it's ok that I could have the map. In fact akala ko hindi niya ibibigay sakin yung mapa dahil parang tressure siya sa totoo lang, nung nakita ko kasi ay naka lagay pa sa kahon, tapos parang maingat ang nag lagay sa mapa ron, nakatiklop din ng maayos kasi at may tali pang parang ginto eh, may gold dust din sa loob nung box." Mahabang paliwanag niya samin.
"Fuck." Mahinang mura ko. "So tama nga ang hinala ko." Bulong ko sa sarili habang nakatingin sa dinaanan namin kanina.
"Huh? Hey Denise? What are you talking about?" Si Vince na hindi man halata na nangangamba ay makikita mo naman sa mata niya na hindi niya alam ang gagawin at nalilito na rin siya sa nangyayari.
"May idea ka, Denise?" Si Khairro, na parang alam niya na rin ang alam ng isip ko. Tumango ako.
"Shet!" Biglang sigaw ni Daryl na ikinagulat ni Lovely na nasa tabi niya.
"The fudge! Bakit ka bigla biglang na sigaw?!" Aniya at hinampas sa braso si Daryl.
"Sorry naman, masyado na kasing nakaka suffocate yung atmosphere saka masyado na tayong nag pa-panick." Aniya at napatango kami sa kaniya. Naiitindihan namin siya, kung ako rin ay hindi ko na maitatago na natatakot na rin ako, hindi dahil sa sa liwanag na dapat ay madilim na ngayon, kundi sa kalagayan namin ngayon.
"Vince, look. What do you see?" Tanong ko kay Vince at iginiya ang dinaraanan namin kanina.
"Putangina." Mura niya sa tagalog. Fuck, this means we're in trouble, ayaw ko mang lagyan ng meaning kapag nag sasalita siya sa tagalog pero kasi! Nag tatagalog lang naman kasi 'to kapag may hindi magandang nangyayari at kapag seryoso siya! Kaya fudge! I know we're in trouble this time.
Miski sila Lovely ay napa tingin sa kaniya dahil alam din nila ang ibig sabihin ng pag tatagalog ng englisherong 'to.
"We're in trouble, ain't we?" Si Khairro na tumango tango pa.
"Yes, of course! Nag tatagalog lang naman yang si Vince kapag seryoso siya O kaya delekado ang sitwasyon! Oh gosh!" Aniya ni Lovely.
"Um, let us stay calm down please, everyone. We still have the map with us." Sabi ni Eloise na pinipilit maging positive kahit naluluha na. But no, we cant, hindi namin pwedeng iasa sa mapa ang magiging direksyon namin, ngayon pang alam na namin, ngayon pang alam ko na.
"Guys do you see the trail?" Tumango naman kami kay Daryl. Oo syempre, kanina pa.
"Um, it is just me, or the trail is in a slope line?" Aniya ni Nicole.
"No, hindi lang ikaw. Talagang naka slope siya, Nicole." Pag sang ayon ko sa kanya. "And yung sin-u-ggest ni Eloise? Hindi natin pwedeng gawin 'yon, we can't use the map this time." Dagdag ko pa.
"So ah, my theory is correct, right?" Si Khairro na na nag hahanap ng konpirmasyon, tumango kaming dalawa ni Vince na nag papikit ng mga mata ang iba pa naming kaibigan dahil alam din nila kung anong ibig sabihin non. Ilang minuto kaming natahimik nang basagin ito ni Nikka at nag salita.
"Denise, oo nga pala why did you ask Che kung anong sinabi ni Tita Helena sa kanya?" Aniya.
"That? Dahil kay Abuela Lorittia pa yung mapa na 'yon. Hindi ko alam na nasa bahay pala namin, dahil kinukwento lang naman sa'kin 'yon ni Mama na may mapa raw na pag mamay-ari ng pamilya namin, hindi ko alam kung bakit ibinigay saiyo 'yan ni Mama dahil kay Abuela Lorittia yung mapa." Paliwanag ko sa kanila.
"Lorittia? Akala ko ba ay Florence ang name ng grandmother mo?" Si Che na ikinatango ko naman.
"Oo nga, pangalan ni Mamita 'yon. Ang tinutukoy ko ay ang Mama ng Mama ni Mamita." Saad ko sa kanila na kung maka tingin sa'kin ay akala mong may ibinunyag akong mahalang sikreto sa kanila.
"So? Anong connect. . . I mean, anong connection ng Abuela mo sa mapa?" Daryl ask.
"Hm? I don't know, ang sabi lang sa'kin ni Mama ay dapat daw wag gamitin ang mapa kung napansin na natin." Kibit-balikat kong saad at sila naman ay kaniya kaniyang violent reaction.
"So, hindi mo ma e-explain samin kung bakit hindi natin namalayan na pababa pala yung tinatahak nating daan? Like no answer and no comment, ganon?" Nikka implied and I nodded.
"Let see. . . Everyone, check your phones." Biglang sabi ni Vince na kanina pa mukhang may iniisip.
Agad naman naming kinuha ang cellphone namin at binuksan ito, at ang bumungad sa'kin ay ang wallpaper ko at ang naka agaw ng pansin ko ay yung oras, it's fudging exactly eleven o'clock a.m! Oh gosh.
"W-what the?"
"Paano nang yari 'to?"
"Shit, this is crazy!"
Gulat. Ayan ang makikita sa mukha naming lahat, na kahit na alam na namin at inaasahan na baka nga ganto ay nagulat parin kami.
"Wait, Denise. May naalala ako!" Si Cheryl.
"Ano 'yon?"
"Nung nag paalam ako kay Tita kung pwede sa'kin na lang yung mapa, sabi niya narinig niya raw tayong nag pla-plano nang vacation natin, at parang may sinabi rin siya na. . .Ang sabi niya 'don't trust the sun, for–" Che didn't have the chance to finish the quote nang sabihin namin ng sabay sabay ang kabu-u-an nito.
"For it can only trick your track of time. . . "
Pagkatapos naming sabihin 'yon ay nag katinginan kaming lahat at nagulat dahil alam naming lahat ang sinabi ni Mama kay Che! The fudge? Anong ibig sabihin nito?
"Paano niyo nalaman 'yon?" Che ask us.
"My Dad always used that quote." - Lovely
"Me too, my Dad always used that quote." - Nicole
"Um, I always hear that from my Grandma." - Eloise
"Same." - Khairro
"Me too, I always hear it from my Grandma." - Nikka
"Mine, in my Dad." - Daryl
"I heard it from my Grandfather, once." - Vince
"As you can see, Mama said it to you so sa kanya ko nalaman ang quote na 'yon." Isa isa naming paliwanag na lalong mas nag palito samin ma siya namang ikina-laglag panga ni Che.
"Y-you all, the heck?!" Hindi makapaniwalang saad niya. Dahil nga naman kaming lahat ay alam 'yon at siya ay sa Mama ko lang narinig ay parang pinag kaisahan siya na hindi naman.
"Calm down, Che. We too, didn't know that every one knew!" Si Eloise na kahit sumagaw na ay mahinhin pa rin ang boses na nag pangiwi kay Che at kalaunay huminahon.
"But guys, let us get going, yes? Before anything happens to us here!" Khairro suddenly shouted.
"What?"
"Gut feeling, now let us move, everyone. I don't feel safe here. Nakakapag english tayo ng wala sa oras eh." Tama siya. "Vince will lead us as always." Dagdag pa niya.
Tumango naman si Vince kahit mukhang problemado siya at maraming laman ngayon ang isipan niya. Mukhang may alam siya. . .
Napatigil kami sa pag-lalakad nang may marinig kaming nakaka binging ungol na parang nanggagaling ito sa malaking hayop. Nagka titigan kaming lahat.
"Guys, Stop!" Sigaw ni Vince na siyang nauunang mag lakad samin.
Napatingin naman kami sa kaniya, at may sinenyas siya at dumungaw sa ibaba papunta sa isang puno bago sumigaw ulit.
Ang ungol na 'yon ay nanggagaling sa hindi pamilyar na dambuhalang hayop, para siyang halimaw na hindi maintindihan, dahil pinag halo halo ang iba't I bang parte ng katawan nito. Ang mukha nito ay mukha ng tigre habang ang katawan naman ay sa leyon at ang tila buntot nito ay parang pulang telang eleganteng sumasayaw kasama ang hangin.
"Fucking run!" Sigaw niya. Nanlaki naman ang mga mata ko sa nakita. What the heck is that?!
Lahat naman kami ay dali-daling tumakbo na para bang may humahabol saming aso ang kaibahan lang ay hinahabol kami ng halimaw! Mag kanda dapa-dapa na kaming lahat sa pagtakbo pero hindi pa rin kami tumigil. Aba kung gusto ba naman naming mag palapa sa mukhang gutom na halimaw na 'yon edi hindi na kami sana nag effort tumakbo, hindi ba.
"May nakita akong kweba! Sa tingin ko naman ay hindi mag kakasya d'on ang mukhang tigre na 'yan!" Si Khairro at tumango naman kami sa kaniya habang mas pilit pang binilisan ang pag takbo.
Nang makarating kami ay pare-parehas kaming habol ang aming hininga. Para kaming tumakbo sa marathon. Isa isa kaming inabutan ni Che ng tubig.
Kaniya kaniya kaming pwesto sa loob ng kuweba. Si Nikka na nakaupo at nakapikit ang mga mata, si Lovely na nakadamba kay Eloise, sila Khairro at Daryl naman ay nakadapa sa sahig, si Nicole na sinusubukang silipin ang tigre sa labas, at si Vince na binibilang kami. Habang ako ay syempre, pinag mamasdan ang kabuuan ng kuweba.
"Ayos lang kayo?" Tanong niya sa'min na sinagot namin ng 'oo' at saka niya kami binilang isa-isa, "good. We're complete." Sabi ni Vince na tumango tango pa sa sarili matapos mag bilang.
"Para akong sumali sa track and field! Buti na lang talaga wala akong hika." Aniya ni Daryl nang maka recover at bahagyang umupo. Sumang ayon naman kaming lahat sa kaniya.
"Hindi ko alam na kaya ko pa lang tumakbo ng gan'ong kabilis." Humalakhak naman si Che na sinabayan naming lahat na natagil lang ng mag salita si Nicole.
"Guys, wala na yung hamahabol satin. Sa tingin ko ay hindi siya nakaka lapit dito sa kuweba." Aniya.
"Huh? Pano mo na sabi?" Nag silapitan kami sa kinatatayuan ni Nicole.
"Kanina kase, parang may pumipigil sa kaniyang pumasok dito." Aniya at sa ka may itinuro, "don oh! Nakikita niyo yung dalawang mag katapat na punong 'yon?" Tanong niya na ikinatango naman namin. "Doon pa lang sa punong 'yon ay hindi na siya makalagpas. Sinusubukan nito kaninang pumasok pero kada susubok siya, napapa atras lang siya habang umuungol na para bang nasasaktan." Paliwanag ni Nicole sa amin.
"So ibig sabihin, safe tayo sa kuweba na 'to?" Tanong ni Nikka.
"Sa tingin ko ay hindi rin. Baka may ibang halimaw na nakatira sa kuweba na 'to, hindi lang natin alam. As far as I know ang mga hayop ay hindi puwedeng umapak sa hindi nila teritoryo." Saad naman ni Khairro.
"Pero posible naman diba? Mag pahinga muna tayo rito ng ilang minuto, and then we'll continue." sabi ko at dumaretso papasok ng kuweba.
Nakakita ng mga tuyong kahoy ang tatlong lalaki at pina apuyan nila 'yon, habang kami naman ay nag labas ng pagkaing baon namin.
Tiningnan ko ang cellphone ko, nanatiling eleven o'clock ang oras. Bumuntong hininga ako. Pumikit ako at nag isip.
Posibleng kayang tumigil ang oras noong nag simula kaming pumasok ng gubat? Paano naman ang panahon? Kasama rin ba 'yon? Glitch nga ba ang nararanasan namin ngayon? Kung glitch man, ano iyon sa dalawa.
Ang daming katanungan sa isipan ko, gagi baka sumabog na. Hindi pa naman sanay ang utak ko na maraming isipin, na s-stress lang ako eh. Pero posible nga ba na simula pa lang nang pag tapak namin sa loob ng gubat ay nag simula na ang pag tigil ng oras at ang pag stay ng araw?
"Deep thoughts?" Aniya ni Vince na nag pamulat ng mga mata ko. Nilingon ko siya at tumango.
"Posible kayang una palang na pagpasok natin sa gubat ay doon na nag simula? I mean nag simulang tumigil ang oras at itong mga naranasan natin." Sabi ko at nagkibit balikat.
"It's possible." Vince whispered. Alam kong miski siya ay wala ring maisip na sagot sa katanungan ko kaya naman sabay kaming napa buntong hininga ni Vince. Tamad naman akong humiga sa batong malapad na kinauupuan ko.
Sa dinami daming tanong sa sipan ko, ni isa ay walang nasagot. Hindi ko na lang ulit inisip ang mga iniisip ko, tama ganon na nga lang ang gagawin ko nasakit na rin kasi ang ulo ko kakaisip. I sighed, umiling iling pa 'ko dahil sa mga kalokohang pinag sasasabi ko sa isipan.
Makalipas ang ilang oras naming pag papahinga na dapat ay ilang minuto lang ay agad naming tinungo ang loob ng kuweba, hindi na kasi namin gusto pang lumabas knowing na mayro'ng halimaw do'n na balak kaming lapain ng buhay. Kaya naman naisipan naming itong kuweba na lang ang pasukin, at malay namin, mayro'n pa lang lagusan itong kuweba hindi ba? Edi makakalabas kami dito ng buhay.
To our surprised, walang ibang nakatira sa kuweba na 'yon. Ni wala nga kaming nakitang alahipan na gumagapang o kaya kung anong hayop na nakatira, ang nando'n lang ay mga langgam na mukhang harmless, mukha lang kasi hindi naman gano'n ang itsura ng langgam sa pag-kaka-alala ko eh. Itsurang langgam pero may kung anong nakakatusok ang nasa bandang baba nila, yung parang sa mga bubuyog? Gano'n, tapos may stripes pa sila! Nainggit ata sa zebra at ginaya pa talaga.
"Teka. Dito na lang tayo dumaan, I think I saw something bright coming from this way. Baka liwanag na 'yon at baka makalabas na tayo dito."
Sabi ko sa kanila, dahil sa ilang oras akong lutang habang nag lalakad ay nasilaw ako ng mapalingon ako sa gawing kanan ko, dapat kasi ay tutungo kami dito sa kaliwang lagusan dahil nag bato-bato pick kami kanina. Si Nikka at Lovely ang nag laro at nanalo si Lovely kaya dito kami sa napili niyang daan. Napag usapan kasi namin kanina na para hindi naman kami masyado umasa kay Vince ay heto na lang ang ginawa namin, at dahil na rin para walang sisihan kung maligaw man kami.
"Baka lagusan na nga!" Masayang aniya ni Che at nakipag high five kay Khairro.
"Hay sa wakas, makakalabas na rin tayo." Sabi naman ni Daryl habang pasan-pasan sa likod si Nicole, natipalok kasi ito kanina at napasama ang bagsak kaya naman nag presinta na si Daryl na mag-pasan kay Nicole, dahil nga raw mas malakas at malaki ang katawan niya kumpara sa dalawa na ikinairap lang naming lahat dahil ang loko nag bubuhat na naman ng sarili niyang bangko.
Habang nag lalakad kami papunta r'on ay seryosong nag iisip nang kung ano ang mga kasama ko habang ang lintek na si Daryl, paulit-ulit na kinakanta ang 'I Can See The Light' ng Tangled movie. Kaya naman nang samahan at gatungan pa ni Khairro ang pag kanta nito ay napatakip na lang kami ng tainga, dahil ang mga loko, pinapatinis ang boses at minsan ay pinapaliit para mag mukha raw boses babae, eh potek pang boses bakla nga ang lumalabas na tinig ng boses nila!
"Hoy! Maawa naman kayo sa'min! Yung ear drums namin please lang, nawawasak na." Nakatakip sa taingang sigaw ko sa dalawa, pero parang wala lang at hindi nila narinig ang sinabi ko! Nag patuloy lang sila sa pag kanta, at nang akmang hihilahin pa nila itong si Vince ay akala ko hindi siya papatol sa kalokohan ng dalawang ito pero, hindi! Ang siraulo, kumanta din at sumabay pa talaga habang mag ka-ka-akbay si lang tatlo. Saulong-saulo pa talaga yung kanta.
"Ano ba 'yan, buti na lang pinilit ko nang maglakad kung hindi ay baka nabingi na ako." Bulong pa ni Nicole sa tabi ko, sinang ayunan ko siya sa pamamagitan ng pag tango dahil talaga naman, masusumpa mo.
"Parang sinira nila yung kanta." Nakangiwing sabi ni Eloise.
"Akala ko pa naman ay matino itong si Vince, may itinatago rin pa lang kalokohan sa katawan 'tong taong 'to!" Si Nikka na hindi makapaniwala sa nakikita niya nga'yon.
"Isa rin pa lang sintu-sinto ang isang 'to, hays isa na nga lang ang akala kong kaibigan nating lalaking matino, I guess, nag kamali tayo ng hinala." Said Che, pero ang tunog ng boses niya ay hindi naka ayon sa sinabi niya, mukha pa nga siyang masaya dahil hindi naman pala always nonchalant ang lolo niyo, may ganito ring side.
"I second the motion!" Sabi ko at tinaas ko pa ang kanang kamay ko na para bang nasa seryoso kaming meeting at seryoso ang pinag uusapan namin. Nagtawanan kaming lahat.
Para sa huling verse ng kanta ay nag salitan silang tatlo dahil may duet na mangyayari sa kanta, ang lalaki ay sina Vince at Khairro at ang sa babae naman ay walang iba kundi si Daryl. Hindi na nakakapag takha. Kaya naman tawa lang kami ng tawa habang nag lalakad at pansamantalang na wala sa isip namin ang sitwas'yon namin dahil sa tatlong ito na kulang na lang ay bigyan sila ng bangka at lanters bilang props.
"🎶And at last I see the light🎶"
Pang-babae at buong pusong kanta ni Daryl nakahawak pa sa balat ng chipi na para bang kamay 'yon ni Flint Ryder.
Si Khairro at Vince naman ay kinanta ang sunod na line na para bang sila yung lalake dahil parang in love talaga sila, dahil sa tono ng boses nila.
"🎶And it's like the fog has lifted~🎶"
[Vince at Khairro]
"🎶And at last I see the light~🎶"
[Khairro, Vince at Daryl]
"🎶And it's like the sky is new~🎶"
[Daryl]
Nang mag sabay-sabay silang tatlo sa pagkanta ay natigil kami sa pang ba-bash sa kanila dahil talaga namang parang nag practice sila dahil nag sync ang mga boses nila at biglang gumanda ang boses nang
Tatlong ugok na 'to.
Habang kumakanta silang tatlo ay naka tingin pa talaga sa isa't isa at feel na feel ang pagka Rapunzel at Flinn Ryder.
"🎶And it's warm and real and bright~
And the world has somehow shifted~
All at once, everything is different~
Now that I see you~
Now that I see you~🎶"
At dahil wala kaming masabi ay literal lang na naka nga-nga kami simula nang silang tatlo ang sabay-sabay kumanta.
Nang matapos nila ang kanta ay sabay-sabay kaming mga babae na pumalak-pak dahil grabe ang effort nila, potek akala ko masisira kanina ang ear drums ko eh, nung una lang pala sabi na kasi eh kaya 'yon late game.
"Ayos ba? Galing namin 'no?" Mahangin na sabi ni Daryl, at talagang naka ngiti pa ang loko.
"Ok lang naman, maganda pala ang boses ni Khairro at Vince 'no, girls?" Si Nikka na halatang nang aasar. Kumunot naman ang noo ni Daryl at ngumuso, para siyang bibe. Nag apir naman si Vince at Khairro dahil siyempre napuri silang dalawa.
"What? Anong sabi mo Nikka? Parang nabinge ata ako eh, paki ulit nga," aniya at saka lumapit kay Nikka. "Halika nga rito, Nikka, usap tayo, promise usap lang talaga." Dagdag pa niya habang kunwaring pinapatunog ang mga dalari, na inirapan lang naman ni Nikka.
Ilang minuto pa ulit kaming nag-lakad at sa wakas nakarating na kami sa nakita naming liwanag. Ang kaso nga lang nang makarating kami at wala man lang kahit anong butas ang naroon, kundi isang malaking bato lang! Oo bato lang! Ano 'yong nakita kong liwanag kanina? Guni-guni ko lang? Nag ha-hallucinate na ba ako?
Napatigil sa pag babangayan sila Daryl at Nikka nang makita ang nasa harapan namin, Sino bang hindi magugulat eh halos masilaw na kami kanina! Tapos eto lang 'yon? Pano naging ganito?
"Bakit. . . bakit gan'yan? What happened?" Si Eloise na naka nga-nga habang nakatingin sa pader na bato, literal na nakaka dahil kung may langaw lang dito ay siguradong mapapasukan ang bunganga.
"Halos masilaw na tayo kanina nung nag lalakad tayo papunta rito tas, ganito lang? Ano 'yon, joke?" Khairro said sarcastically, well we all thought that the light was our way out but to our disappointment, it's not.
"Fudge, anong gagawin natin?"
"We'll find another way out, of course."
"How? Like paano, hindi nga natin alam kung pa-pa'no tayo lalabas dito dahil doon sa isang labasan may lalapa naman sa'ting halimaw." Naiiyak na sabi ni Che, maging ako at kinakabahan na rin dahil hindi ko na alam kung paano kami makakalabas dito.
"There's always another way." Si Lovely na pinupunasan ang sariling luha na kanina pa niya pinipigilan.
Right. There's always another way. . . Lumapit ako sa pader at tiningnan ang kabuuan nito, it's a big wall and it has writings on it like symbols that, naka carved dito ang mga salita o symbols ata 'to, hindi ko maiintindigan eh.
Lumapit pa ako sa pader at akmang hahawakan ito pero nang akala kong lalapat ang kamay ko sa bato at hindi nangyari. Dahil nang ilagay ko ang kamay ko sa bato ay bigla na lang akong natumba, at nanlaki ang mga mata ko nang mapagtantong tumagos ako sa pader!
Mabilis naman akong napalingon sa mga kasama ko. Nakita ko si Vince na biglang sumigaw at akmang kukunin pa ang kamay ko pero huli na siya dahil potek parang may humighila sa'kin pababa!
Napahiyaw ako ng malakas dahil sa naramdamang nahuhulog ang aking katawan. Ang huli kong narinig ay sinisigaw nila ang pangalan ko nang tuluyan na akong mahulog sa kung saan at nawalan ng malay.
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko ng may marinig akong ingay. Bumungad sa'kin kulay asul na kalangitan. Maingat akong umupo at tumingin sa paligid. Nang makarinig ako ng boses ay nilingon ko agad 'yon. 'Nasaan na ba ako? Pinakiramdaman ko ang sarili, nang wala akong naramdamang kahit anong sakit sa katawan ay saka 'ko tuluyang umupo. Nakita ko ang pag baling sa'kin ng tingin ng batang lalake.
"Ma! Gising na po siya!" Nagagalak na sigaw ng batang lalake nang makita akong naka-upo na sa hinihigaan kong tela, sila ata ang naglagay sa'kin dito. May lumapit namang ginang sa'kin.
"Ah, siya nga. Mabuti naman at gising kana, hija. Leo ikuha mo ako ng tubig at pagkain, baka nagugutom na ang binibini, dali." Utos pa nito kay Leo na agad namang tumalima sa utos ng ina.
"Opo!" Aniya at saka nagmadaling halungkatin ang bag na dala nila.
"Ah oo nga pala, ako si Merida. Nakita ka naming naka higa dito sa damuhan at walang malay. Mabuti na lang at napadaan kami dito." Aniya at saka ngumiti.
Who are these people? Na'san sila Vince? Oo nga pala, nahulog nga pala ako. . . Wait nahulog. Madali akong tumingin sa taas ngunit ng makita ko ay ang asul na langit ay bigla akong nanlumo nang wala akong makitang kahit ano na senyales na galing ako sa mataas na lugar at nahulog lang dito. Nang natantong nag hihintay siya na mag pakilala ako at saka lang ako nag salita.
"I'm Denise." Maikli kong pagpapakilala. Hindi kasi ako masyadong nag papakilala ng sarili sa ibang tao, lalo na't nga'yon ko lang sila nakilala.
"Ah nag sasalita ka pala ng lengguwahe nila." Aniya, at saka tumango tango pa. "Hindi bale, nakaka intinde naman kami kahit papa-ano ng salita ninyo." Sabi niya pa. Nag tatakha ko naman siyang tiningnan dahil sa sinabi niya. Hindi ba, english is a subject in school? Even in kinder garden, tinuturo nila 'yon.
"What? I mean, ano? Ano pong sinasabi niyo na lengguwahe nila?" Tanong ko naman.
Umupo naman ito sa tabi ko at iniabot sa'kin ang pagkain at tubig na ibinigay sa kan'ya ni Leo. Si Leo naman ay bumalik sa pag lalaro.
"Ayun ba? Hindi ba't isa ka rin sa kanila?" Balik niyang tanong. Aba kung alam ko lang ang sinasabi niya edi hindi na ako nag tanong. Ate naman na'san ang common sense d'on! Joke lang, mabait na tao po ako.
"Sino pong sila?" Tanong ko ulit. Nga'yon ay nilalantakan na ang ibinigay niyang pagkain dahil nang na-amoy ko 'to, biglang kumalam ang sikmura ko! Nakakahiya!
"Mga taong nasa marayang pamilya, kung tawagin nila ay nobles."
"Ah nobles. . . " sagot ko, wait! "Nobles?!" Hindi ko mapigilang isigaw. Eh sa nabigla ako? Tinawanan naman ako ni ate Merida sa naging reaksiyon ko.
"Oo, nobles. Kanino ka bang pamilya galing? Para maipag alam na namin ni Leo na may nawawalang anak sila?" Mahinhin niyang pahayag. Parang naalala ko tuloy sa kaniya si Eloise. Ok lang kaya sila?
Hindi ko naman alam kung anong isasagot sa kaniya, pa'no ko sasabihin kung hindi naman ako dito nakatira? Paano kung masamang tao pala sila tas ibenta nila ang mga laman ko? Napailing na lang ako sa naisip, ano ba namang klaseng isip 'yan Denise pang tanga eh.
"Anong buong pangalan mo, Denise, hija? Baka hinahanap ka na ng mga magulang mo." Anito ng hindi ko siya sagutin. Actually mukhang mabait naman si ate Merida, mukhang hindi pa nga siya makabasag pinggan eh. Maganda rin siya.
May mahabang pilik mata, kulay amber na mga mata, may katangusang ilong ang buhok niya ay hanggang beywang, na kulay brown. At siyempre may hugis ang katawan na masasabi mong sexy siya. Hindi nga halata na may anak na siya dahil sa katawan niya.
"Ilang taon na po kayo?" Hindi ko napigilang tanong dito.
"Tatlongpu't lima na hija. Bakit mo na tanong?" Magiliw na sagot sa'kin ni ate Merida na nag palaki sa mga mata ko, hindi halata! At dahil mukha naman talagang harmless si ate ay ibinigay ko na ang pangalan ko.
"Wala lang po." Umiling-iling naman ako, "Athanacia Denise Lorraine Mo Rove po ang buong pangalan ko at saka po, pwede po ba akong mag tanong? Nasaan po tayo?" Magalang kong sabi.
Nanlaki naman ang mga mata ni ate Merida ng sabihin ko ang pangalan ko. Anong meron sa pangalan ko at nagulat siya? Nagandahan ba siya? Ang haba haba kasi ng pangalan na ibinigay sa'kin eh, kapag tuloy nag papakuha yung teacher ko dati ng one fourth yung mga classmate ko nagsusulat na nang sagot ako nasa pangalan pa lang, hays the old days. Parang ang tanda ng dating no'n ah?
"Um, bakit po?" Tanong ko naman dahil hindi ko alam kung bakit may nakakagulat ba sa sinabi ko.
"Nabigla lang ako, pasensya na po. Hindi ko alam na isa kang Mo Rove, hija, patawad. Nasa gubat tayo ng Werrin, hija, isa sa pinaka malaking gubat ng Acartha." Aniya nito at saka tumayo at nag bow na parang gumagalang sa isang maharlika, oo maharlika dahil ganitong ganito yung napanod ko noon sa TV. Ang kanang kamay niya ay nasa kaliwang dibdib at ang isa naman ay nasa skirt ng bestida niyang suot, at ang kaliwang paa naman niya ay naka abante habang ang kanan ay nasa likod ng kaliwa niyang paa na dahilan kung bakit nag bend ang likod niya at saka yumuko ng mababa.
Sa bilis ng pangyayari ay naiwan na lang akong naka tanga sa kaniya at hindi alam ang gagawin, parang gusto ko na lang kainin ng lupa ngayon! Nag init ang dalawang pisnge ko sa ginawa niya dahil parang isa akong nasa monarkiya kung galangin niya ako ng ganito. Nang manatili lang siya sa ganong posis'yon at hindi tumitingala ay nagsalita na ako, baka mangalay pa siya, ako pa sisihin.
"A. . . ah ate Merida tumayo po kayo, hindi niyo naman po kailangang yumuko, para naman akong prinsesa niyan sa ginagawa mo ate eh." Nang pagka sabi ko no'n ay saka lamang siya umayos ng tayo tumingin sa'kin na parang naguguluhan.
"Ha? Hindi ba't isa kang–" Hindi na natuloy ni ate Merida ang sa-sabihin nang tawagin siya ng anak.
"Ma! May paparating po!" Sigaw ni Leo na tunatakbo papunta sa kaniyang ina.
Lumingon kaming dalawa sa itinuro ni Leo, may natanaw akong bulto nang siyam na tao sa hindi kayuan dito sa'min. Napansin ko namang kumunot ang noo ni ate Merida sandali. Minumukha-an ang mga bagong dating. Nang makilala ay biglang nag liwanag ang mukha ni ate at saka tumayo.
"Ang iyong Papa lang pala, Leo. Pinakaba mo 'ko. Akala ko ay mga bandits na, jusko kang bata ka." Aniya at saka ako nilingon at bahagyang tumungo pa na para bang nag papa-alam siya sa'kin, nahawa tuloy ako at saka yumuko na nag mukhang tango na parang nakakita ng kakilala sa daan.
"Si Papa po?!" Masayang sabi ni Leo sa ina, "makakauwi na po tayo Ma! Hirap po kasi buhatin nitong mga kahoy pauwi." Dagdag pa nito na para bang siya ang nag buhat ng mga kahoy gayong nakita kong si ate Merida ang may buhat-buhat nito kanina.
"Leando, nakabalik kana." Masayang bati nito sa asawa nang makalapit ang lalake sa kaniya, "may mga kasama kasama ka?"
"Ah oo, mahal, nakita ko silang nag lalakad at mukha silang naliligaw kaya naman isinama ko na." Paliwanag naman nito kay ate Merida. "Gising na pala ang binibini." Aniya nito ng makita ako, tinanguan ko naman siya bilang pagkilala sa presensya niya at ganoon rin ang ginawa niya.
"Ah oo, kanina pa–"
Nawala ang tingin ko sa mag-asawa nang banggitin ni ate Merida 'yon. Tumayo ako at saka sinilip sa likod ang tinutukoy niya, at potek nanlaki ang mga mata ko sa nakita! Sila Eloise! Parang naiiyak ata ako! Eme. Nang mapansin nila ako ay lahat sila ay nag tutumakbo papunta sa'kin.
"Denise! Oh my gosh!" Malakas na sabi ni Lovely at saka dumamba sa'kin ng yakap, at sumunod pa sa pag damba sila Nikka na muntik ko nang ikatumba, juice colored!
Nang hindi pa rin umaalis sa pag yakap itong mga babaeng 'to ay tumingin naman ako sa tatlong lalake para humingi ng tulong pero ang mga itlog, nginitian lang ako! At si Daryl naman ay pinupunasan ang imaginary tears niya!
"Girls, girls! Please! I can't breathe." Sigaw ko sa kanila, feeling ko mawawalan ako ng hininga sa higpit ng yakap nila.
"I'm sorry!" They said in unison at nag peace sign pa!
"Akala namin hindi ka na namin makikita!"
"Well, I'm alive and kicking pa naman." Kibit balikat kong sabi sa kanila.
"Ops! Girls, kami naman, hindi lang kayo ang nag alala kay Denise, kami rin." Awat ni Daryl kay Lovely na akmang mag sasalita pa lang. Inirapan siya nito.
"It's good that you're safe, Denise." Si Vince na nakipag fist bump sa'kin.
"Yeah, kayo rin." I said and smiled at him. Vince smiled too.
Matapos kaming mag usap lahat na akala mo'y I lang dekadang hindi nagkita ay kung hindi lang agawin ni ate Merida ang pansin namin ay hindi pa kami titigil. At dahil mag didilim na raw ay kailangan na naming umalis.
"Ate Merida, are we close to your house na po ba? I'm tired of walking na kasi." Maarteng tanong ni Lovely, well sila lang namang dalawa ni Nicole ang tanong ng tanong kung malapit na kami sa bahay nila ate Merida.
Ngumiti naman si ate Merida at saka nag salita, "Herriana, hija, huwag kang mag alala dahil malapit na tayo, bilisan na lang natin ang pag lalakad dahil mag gagabi na." Tawag ni ate Merida sa totoong pangalan ni Lovely at sa tono ay halatang maingat at may paggalang.
Ngumiwi naman kaming lahat dahil sa tono ng boses ni ate Merida, hindi kasi kami sanay na may ganito sa amin na kakausap. Oo nga't galing kami sa kilalang pamilya lahat pero dahil mag be-best friend ang mga magulang namin ay nakita namin at tinuruan kaming gumalang sa mas nakakatanda sa amin, na kung tutuusin ay napaka basic lang naman, kumbaga kasama siya sa right manners and good conduct.
Nang malaman kasi nila ang mga apilyido namin ay ganiyan na sila sa'min kung kumausap, punong-puno ng paggalang eh hindi naman kagalang-galang si Daryl este hindi naman namin alam kung bakit ganon at kung pu-puwede lang na maglagy silang mag asawa ng red carpet ay ginawa na nila. Nagpa tuloy naman kami sa paglalakad.
Nag labas si Daryl ng tinapay at isa-isa kaming inalok, "guys, want some?" Tawag pansin sa'min ni Daryl. Kita mo nga namang hindi nawala ang pagkain na dala nitong ugok na 'to?
"Yown! Sakto gutom na 'ko!" Si Nikka na nakalapit agad sa pwesto ni Daryl. Inilayo naman ni Daryl ang hawak na tinapay kay Nikka.
"Hoy! Akala mo hindi ko nakita? Nilalantakan mo kanina yung mga foods kong baon nung pagkagising ko." Sumbat niya pa at saka niyakap yung tinapay. Juice colored! Hanggang dito ba naman?
"Mag aaway na naman sila." Saad ko at bumuntong hininga.
"Wala namang pinipiling lugar 'yang dalawa na 'yan, hayaan na lang natin." Sabi ni Nicole na halatang rinding rindi na sa dalawa.
"Sa totoo lang ay kanina pa silang dalawa ganiyan. Pagka gising kasi ni Daryl ay nakita niyang kinakain ni Nikka yung favorite niyang chocolate at yun ay–" hindi na natapos ni Khairro ang sa-sabihin niya nang magsalita kami,
"Kit-kat. . . "
Nang napagtanto naming sabay-sabay kaming nagsalita ay napa tawa kami at napailing na lang, totoo kasi na paboritong paborito ni Daryl ang Kit-kat, simula pa lang nung mga bata kami ay hilig niya nang kumain ng Kit-kat.
Inangkla naman ni Lovely ang braso niya sa braso ko, siya ang pinaka close ko sa lahat sa kaibgan ko well she's my best friend and also my cousin, kaya ganon.
"I have to tell you what happened to us kanina, Denise." Sabi niya ng maging komportapagkaka pagkaka sabit ng braso niya sa braso ko. I smiled and nodded my head.
"Well, mamaya na lang kapag punta natin sa bahay nila ate Merida, I'm tired na pala." Biglang bawi ni Lovely sa sinabi na nagpa ngiwi sa'kin, langya naman oh, pabitin. Sinamaan ko siya ng tingin, at siya naman ay tinawanan lang ako.
"Oh, come on cous, you're pinaka magandang cousin is tired na, mamaya na lang." Sabi niya pa at saka pinag-dikit ang pisnge naming dalawa. Kumunot ang noo naming dalawa.
"Nako Lovely, tigilan mo 'ko! How many times do I have to say na I don't want anyone to touch my cheeks." Aniya ko at saka inilayo ang mukha niya.
Kahit anong layuko sa mukha niya ay sadyang mapilit ang bruha! Inilapit pa sa'kin ang mukha niya at mas lalo niya lang pinag dikit ang pisnge naming dalawa. I groan in frustration.
"Nice one, very mature, Herriana Louive Yyilna." Banggit ko sa pangalan niya na bigla namang nagpa ayos sa kaniya ng tayo.
"Sabi ko nga diba, ilalayo na po."
Ilang minuto pa kaming naglakad at nang tumigil na sa pag lalakad sila ate Merida at itinuro sa'min kung nasaan ang kanilang bahay ay nag liwanag ang mga mata namin.
"Leo, anak, mauna na kayo nila ate sa bahay, bibili lang kami ng makakain sa bayan. Isara ninyo ang pintuan, maliwanag ba?" Sabi ni ate Merida sa anak, tumango naman si Leo at saka humalik sa pisnge ng ina.
"Opo ma, ingat po kayo ni papa."
Nagpa alam naman sa'min ang mag asawa ang aniya'y pagkalampas na lamang daw nitong tatlong bahay ay tirahanan na nila.
Nang makarating kami ay bumungad sa'min ang bahay nila, tama lang ang laki nito at sa tingin ko malawak ang loob. Merong parte na sira pero ayos lang naman, may tanim rin ng halaman sa bukana at sa tingin ko ay may munting bakuran sila sa likod ng bahay.
"Hali po kayo! Pasok po kayo sa bahay po namin!" Masiglang paanyaya ni Leo na tinugon naman namin.
"Salamat, Leo!" Masigla ring sabi ni Cheryl sa bata, ang isang 'to ay mahilig sa bata, nag e-enjoy si Che na makipag laro sa mga bata at dahil na rin kasi only child ay sabik talaga siya sa nakakabatang kapatid, kung hindi pa nga napigilan ni Khairro at Eloise eh pipisilin na niya ang pisnge ni Leo! Ang dahilan pa niya ay ang cute raw kasi nung bata. Pumasok na kami at pinupo naman kami ni Leo sa kanilang bangko na gawa sa kahoy.
Download MangaToon APP on App Store and Google Play