[Sorry po nga'yon lang naka-pag update ulit. Naging busy sa acads at muntikan ko nang makalimutan ang pass nitong acc ko😭😭😭]
————
Denise's POV
Nag kwe-kwentuhan kami sa salas habang inaantay sila Che na kumuha ng maiinom, inalok kasi kami nang napaka cute na batang si Leo ng tubig at dahil nga hindi mahiwalay si Che sa bata ay kasa-kasama nito si Leo sa kusina. Ang may kalawakang na silid ay nagmukhang maliit nang ukupahin naming mag ka-kaibigan.
"Hoy! Hindi 'yan totoo! No, hindi. Wag kayong maniwala sa bruhang 'yan. Hindi naman talaga gano'n!" Angil nang namumulang Khairro dahil sa kwento ni Nicole sa'min.
"Totoo! Nung una ay sabi naming dapat magkakahawak kami at sabay-sabay na tatalon para sundan ka, pero nung nag bilang na si Che na tatalon na ang itlog na 'to, naiwan!" Humahalakhak pa nitong aniya na ikinatawa rin namin.
"At eto pa ah, nakita ko siyang tumatakbo papunta sa lagusan pero. . Pfft nadapa! Nadapa si Khairro, guys!" At nang sabihin niya 'yon ay mas lakong naging maingay ang silid at si Khairro naman ay wala nang nagawa kundi tumahimik na lang.
Ang aniya pa kanina ay may tinitingnan lang daw kasi siyang parang naka ukit sa pader na bato kaya siya nahuli, pero ang mga loko naming kaibigan ay hindi pinakinggan ang sinabi niya at sinabing nag dadahilan lang daw siya, kasi lutang kuno raw siya nung mga time na 'yon. Natigil lang ang pang gigisa nila sa kawawang Khairro nang dumating sina Che dala ang tubig namin. Natagalan daw sila kasi nag hugas pa nang mga baso si Leo, na dapat daw ay siya na lang ngunit hindi siya pinayagan aniya pa nitong batang makulit ay "bisita po kasi namin kayo, kaya bawal pong ikaw ang maghugas ng mga baso."
"Luh, ikaw Che? Mag huhugas ng mga baso?" Exaggerated na aniya ni Daryl na nakahawak pa sa dibdib. "Eh hindi ka nga nag huhugas sa inyo!"
"Duh, we have maids, kaya hindi ako nag huhugas." Depensa ng huli.
"Sabihin mo, tamad ka lang." Ngising asong sabi ni Daryl. Nakataggap naman siya ng irap sa babae.
"Aba't!"
"Hep! Hep! Bago kayo mag rambulan d'yan, ipapa-alala ko lang. Wala tayo sa sariling bahay natin, kaya umayos kayo." Aniya ko at sakto namang narinig naming bumukas ang pintuan kaya naman napa tingin kami lahat dito.
Isang matipunong lalaki ang pumasok na ikinatigil namin, at dahil mukhang nagulat din siya ay bahagya pa siyang naestatwa sa may pintuan at nang lapitan lang siya ni Leo ay saka pa lang siya natauhan.
"May mga panauhin pala tayo, Leo." Anang lalake.
"Ah! Opo kuya, sila ate Denise po at mga kaibgan niya." Sagot naman ni Leo sa lalake, "mga ate, kuya. Si kuya Nickolo nga po pala ang nakakatanda kong kapatid!" May galak na pag pa-pakilala ni Leo sa kaniyang Kuya sa'min.
Napansin kong ang mga kaibigan kong babae ay natigilan sa kaniya-kaniyang ginagawa at nakangangang nakatingin sa kapatid ni Leo. Gusto ko na lang mahiya at sabihing hindi ko sila kilala, dahil ang mga mata nila ay parang kuminang nang nakita si Nickolo. Si Eloise lang ata ang matino sa mga 'to.
Kung titignan mo ang kapatid ni Leo ay mabibighani ka naman talaga, matangkad, moreno, kulay brown ang mga mata, may matikas na pangangatawan, at higit sa lahat ay mukha siyang approachable dahil maamo ang mukha niya, at nang ngumiti siya ay labas din ang dimple niya sa kanang pisnge –na alam kong kahinaan ng mga kaibigan ko– na ikinadagdag nito sa charisma niya.
Napa-iling na lang ako nang mag unahan sila Lovely at Nicole sa paglapit sa lalake at sila Nikka naman ay tumikhim at saka inayos ang upo na para bang isang Marica Clara kung kumilos eh samantalang parang nanghahamon pa nga sila ng away kung umasta, may gwapong lalake lang eh. Nagtama ang tingin namin ni Eloise at para bang alam namin ang nasa isip ng isa't isa, tumawa kami ng sabay. Yung tatlong itlog naman ay tahimik lang na nag mamasid. Si Khairro na umisod para makita ang lalake, si Daryl naman ay biglang bumalik sa tabi ni Nikka na akala mo'y anghel, at si Vince naman ay walang kibo sa tabi ko.
"Hi! I'm Lovely, what's your name?" Mahinhing sabi ni Lovely na akala mo'y hindi siya makabasag pinggan.
Natigilan naman si Nickolo sa pakikipag usap sa kapatid nang marinig niya ang babae. Naku talaga Herriana Louive Yyilna kahit saan na lang kapag nakakita ng gwapo, palong-palo!
Si Nicole naman ay nakabusangot sa likod ni Lovely dahil naunahan siya sa pagpapakilala, I know this two, they are just thinking a way to have fun. Sa aming mag kaka-ibigan kasi ay sila lagi ang magka-kumpetensiya sa gwapo, kapag nasa bar kami noon lagi silang nawawalang dalawa, tas pagbalik nila bibilangin nila kung ilan ang nag offer sa kanila ng drinks, na hindi naman nila tinatanggap at kung sinong pinaka marami ay siyang panalo.
Umayos naman ng tayo si Nickolo at mukhang nagulat pa sa sinabi O sa naging paraan ng pagpapakilala ni Lovely sa kaniya. Inilahad naman ni Lovely ang kanang kamay para sana makipag hand shake kay Nickolo pero ang lalake ay iba yata ang pagkakaintindi dahil kinuha niya ang kamay ni Lovely and he kiss the back of her hand, na ikinapula naman ng pinsan ko.
"I'm Ace Nickolo Verndale, my lady." Sabi pa niya sa paraang ikinagulat naming lahat at si Lovely naman ay hayon at pulang-pula na. Ginusto mo 'yan eh, panindigan mo.
Napansin ko pang nasusuka si Daryl sa nakikita at si Khairro naman ay parang nanginig at ang katabi ko ay. . . wala, wala siyang reaksyon, well ang ginagawa lang naman niya ay pinag lalaruan ang kamay ko, nakagawa na ata siya ng pangalan at naka drawing na rin siya nang kung ano-ano sa palad ko sa kaka doodle niya.
Ang mga kaibigan mo namang babae ay halata mong kinilig sa nakita. Namumula sila at hindi nakatakas sa'king paningin ang mag kapula ng pisnge ni Eloise. Napangiti ako. Alam ko kasi na pangarap ng mga kumag na 'to ang gestures na ginawa ni Nickolo kaya naman heto at namumula sila ngayon. Kakabasa nila 'yan ng romance book!
"Sa una lang 'yan!" Sigaw ni Khairro.
"Sus! Kilig now, iyak later!" Bitter na dagdag ni Daryl.
Binawi naman ni Lovely ang kamay niya dahil sa sigaw ng dalawa. Hindi ko na sila pinansin at tinanong na lang ang katabi kung hunihinga pa ba siya at nakakapag salita pa.
"Huy, nakabuo ka na ata diyan ng buong angkan." Biro ko.
Tumigil naman siya sa ginagawa at tumingin sa'kin pagkatapos ay pinag-patuloy ang ginagawa. Aba, hindi man lang ako sinagot? Ayos, ayos. Nakita kong tumaas ng konti ang labi niya ng makitang nakakunot ang noo ko.
Napa buntong hininga na lang ako at hindi na siya pinansin, hindi naman din ako papansinin ng lalakeng 'to eh. Hindi ka talaga mawawalan ng nonchalant na kaibigan.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 4 Episodes
Comments