CHAPTER FOUR: EXECUTION

Cierra's P.O.V

Salamat sa lesbian na iyon, dahil sa kanya nakawala ako sa manyak na iyon. Teka, bakit sirang-sira na ang kubo. Anong nangyayari dito? Aslan...tama na saan ka Aslan?

"Arghhh... Tulong!" rinig kong sambit ng pamilyadong boses. Nagmumula iyon sa balon kaya agad akong tumakbo patungo doon.

"Aslan..." sambit ko habang papahinto sa balon. Tinignan ko siya nang may pag-aalala sa mukha.

"Cierra..." sambit din niya nang makita niya ako. May ngite sa kanyang labi kahit na dumudugo ito. "Tulungan mo ko makalabas dito! Sundan natin sila!" tugon naman niya at nagpupumilit na akyatin ang balon gamit ang lubid doon.

"Sinong sila? Ano bang nangyayari?" tanong ko pa na labis na naguguluhan. Hinawakan ko ang lubid ng mahigpit at hinila para mabilis na makaalis si Aslan roon. Guhit sa mukha ni Aslan ang pagkasuklam at alam kong malalim ang kanyang iniisip. "Malalaman mo rin, pagdating natin sa capital." sagot niya sa akin.

Matapos siyang makaalis ng lubusan, agad siyang dumiretso sa daanan patungo Elderia city. Hindi siya naglingon-lingon at direkta ang kanyang tingin sa daan. Nakakatakot siyang tignan sa kanyang mga matang nag-aapoy sa galit. Sinundan ko lamang siya na naglalakad at hindi na kumibo kahit may marami akong tanong sa kanya.

Sa wakas nakarating na rin kami sa Elderia City. Kumalat na sa buong syudad ang nangyari at nagbubulungan ang mga ito.

"May nadakip na dalawang demonyo ang general sa loob ng Elderia. Jusko...hindi na ata safe dito." ani ng babaeng nasa 45 ang gulang.

"Gaganapin mamaya ang lively execution sa Elderia City Hall. Ayaw mo bang tignan iyon?" ani rin ng isa na mas matanda kung titignan.

"Aba syempre...gusto kong makita ang kamatayan nila." sagot naman ng isa.

Lively execution? Sa Elderia City Hall? Teka, ang tinutukoy ba nilang demonyo ay sina khalista at lola Luceta? Demonyo sila? Wait...baka nasobraan lang ako sa pag-iisip.

Tahimik parin si Aslan. May plano kaya siyang ginawa? Sinundan niya ang dalawang babae na nag-uusap kanina. Pupunta din sila sa city hall at dahil baguhan kami at walang alam sa lugar, sinundan namin sila.

Ilang minuto ang lumipas ay nakarating din kami sa Elderia City Hall. As expected, napapalibutan na nga ng mga tao ang paligid kahit na wala pang nakakadenang demonyo. Mayamaya naman naaninag ko sa harapan ang general na dumakip kina khalista at lola luceta, kilala siyang general Massimo. May papadating na karwahe sa kanyang likuran. Huminto ito at binuksan ang nakakandadong laman. Bungad sa akin ang paglabas ni khalista na gustong makawala. Nanggigigil siya sa lahat ng tao, parang gustong atakehin ang lahat. Mabagsik siyang kumilos, si Shalista ito. Sunod na lumabas si lola Luceta at mahina ito. Hindi siya agresibo, hindi kagaya ni Shalista.

"Let's start the execution." rinig kong tugon ng general habang pumapalapit ang hakbang ni Aslan sa kanila.

Hindi ka naman susugod ng walang plano, Aslan, hindi ba? Sana'y nag-iisip ka.

"How should I kill those demons? Any suggestion..." saad ng general habang nakatingin kay Shalista na may ngite sa labi.

"Putulan ng ulo!"

"Saksakin hanggang mamatay!"

"Kunin ang puso!"

Ilan lang iyon sa mga sigaw ng mga tao habang ginagapos sa harapan sina Shalista at lola Luceta. At ang nakakagulat, rinig na rinig ng karamihan ang nakakapang-asar na halakhak mula sa bibig ni Shalista.

"Hahahhahaha...That's all what you've wanted? Cutting heads? Stabbing? Taking our hearts? Haha that's lame...I can do better than that! Most of my victims cried and screamed a lot. They're begging and asking for help, but no one's there to save them. Hahahhahahaha..." pang-insulto niya at lahat ay nakatunganga.

Walang imik ang mga tao sa sinabi niya pero kapansin-pansin ang sobrang galit nila. Sinamaan nila ito ng tingin at mayamaya ay nagsigawan ulit. Ang iba ay naluluha, siguro naalala nila kung papaano pinatay ang kanilang mga mahal sa buhay.

"Kill them!" sigaw ngayon ng karamihan pero tumatawa ng tumatawa si Shalista.

Aslan's P.O.V

Demonyo sila, bakit ko sila tutulungan? They killed my families and destroyed my village. I am nothing left at all. Looking at Shalista, she really was a demon. But she saved me at that time...

*Flashback*

"Tubig! Lagyan mo ng tubig!" utos ng maldita na cold na Shalista.

"Eh..." ani ko nalang at kinuha ang dalang bote nang sinamaan niya ko ng tingin. Dahan-dahan kong hinihila ang lubid at nang makarating na sa aking harapan, agad kong pinuno ang bote.

Ipapasa ko sana sa kanya ang bote nang may marinig kaming pagkasabog na malapit sa kubo. Nilingon namin iyon at nasulyapan namin ang nanghihinang matanda na si lola Luceta. Kinakalaban niya ang mga kawal mula sa elderia forces. Naguluhan ako nung una pero nalinawan din nung napagmasdan kong nagtransform si lola Luceta bilang isang malaking serpyente, isa siyang demonyong celestian. Laking gulat ko sa nangyari at halos hindi ako makagalaw.

"Magtago ka!" sambit ni Shalista sa akin sabay tulak sa akin sa balon, dahilan para hindi ako makaalis kaagad.

Sa pagkahulog ko sa balon, naaninag ko ang liwanag ng kadiliman at isang lumilipad na may apat na paa ang nakita ko sa langit, isang serpyenteng nababalot ng kadiliman at iyon ay si Shalista.

*End of flashback*

Anong gagawin ko? Hindi ko kayang ilaban sila. Mga kampon ng demonyo, dapat lang na panuorin ko silang mamatay.

"Show no mercy, exterminate all demons! You shall die, today!" saad ng general bago pa man niya puputulan ng ulo si Shalista na hanggang ngayon ay tumatawa parin. Pero..."Too late, general..." ani naman ni Shalista at biglang nagbago ang panahon...

Mula sa magandang panahon hanggang sa naging masamang panahon. Dumilim ang paligid at nagkaroon isang malaking portal sa itaas, portal ng mga demonyong celestian.

Episodes

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download NovelToon APP on App Store and Google Play