Cierra's P.O.V
"Cierra! Cierra, gumising ka!" narinig ko ang tinig ni Aslan at ito rin ang nagpabalik sa'king malay. Pero bakit duguan ang kanyang noo at madumi ang kanyang damit. Dala-dala din niya ang kanyang long sword, parang napalaban sya.
Napalaban? Teka, ano?
Agad akong napabangon at nag aalalang tinanong sa kanya kung ano ang nangyayari. "Teka... Bat ka duguan at bakit dala-dala mo ang espada mo? Anong nangyayari?"
Hindi maiguhit ang kanyang mukha at umiiwas ng tingin sakin. "Ang bayan natin...ay...pinasok ng mga demonyo." Hindi sya nakatingin sa'kin. Ayaw niyang makita ang reaksyon ko na ngayo'y nanlalaki ang mga mata. Iniisip ko sina angkol at ante, kaya tatakbo na sana ako para irescue sila pero agad akong pinigilan ni Aslan sa pamamagitan ng pagyakap sa'kin ng mahigpit. At umiiyak sya habang humihigpit ang kapit ng mga kamay niya sakin. Utal-utal n'yang sinabing wala na sila.
"W-wala na sila. Y-yung angkol mo, y-yung ante mo t-t-tapos yung p-pamilya ko. W-wa-w-wala na s-sila."
Nanghina ako sa sinabi nya at unti-unting pumapatak ang luha. Hindi ko narin mapigilang maghibi sa balikat ni Aslan. Ako ko magdrama pero di ko mapigilan ang bawat luhang pumapatak sa mga mata ko at bawat hibi sa'king bibig.
"Tahan na, Cierra...sabi ni angkol Miyo mo magpatatag ka raw. Tas sabi rin ng ante mo, mahal ka daw nya." Matapos ko marinig ang mga salitang yun, napatigil ako sa paghibi at niyakap ng mahigpit si Aslan habang umiiyak ng walang hibi.Gumaan din ang pakiramdam ko sa mga salita nila.
Matapos ang drama, napag isipan namin ni Aslan na magtungo sa Elderia kingdom. Malayo ang bayan namin sa Elderia kaya di maiwasang pasukin kami ng mga demonyo.
Sa'ming paglalakbay, nagkausap rin kami ni Aslan. Si Aslan ay kababata ko, s'ya lang ang nag iisa kong kaibigan sa bayan namin. Matapang sya at malakas at napapalibutan ng mga babae dahil sa gwapo sya at maskulado.
"Magsisimula na ang bagong buhay natin. Maaaring mahirap o maganda ang bagong buhay na tutunguhan natin." Saad niya at kalmado lamang sya.
"Sana nga lang ay... Hindi paghihirap ang matatasama natin." Tugon ko naman.
"Sana nga..."
Tatlong araw bago kami makarating sa malalaking pader ng elderia entrance. May nakabantay sa loob at mukhang hindi kami papapasukin dahil wala kaming token na maipapakita sa kanila. Ang token ang patunay na kami'y mamamayan ng elderia. Tanging ang matatanda lamang ang may ganon kagaya ni angkol at ante. Nagmakaawa kami sa bantay pero hindi yun tumatalab sa kanila.
Maya-maya nama'y may dumaang kupunan ng mga tao. Nakasakay sa kalisa ang kanilang pinuno. Nilapitan iyun ni Aslan ng walang pagdadalawang-isip at doon natanaw niya ang isang babaeng puno ng diamond ang kasuotan at nagliliwanag ang kagandahan nito. Nagulat ang babae sa kanyang biglaang paglapit pero nagawa nya paring maging kalmado at tinanong si Aslan.
" Ano ang iyong sadya, ginoo?" Ani ng babae sa malambot na boses. Hindi makasalita si Aslan ng matino sapagkat na didisturbo sya sa karisma ng babaeng kaharap niya. " Umm....ano..." tanging nabuong salita na lamang niya. Sa pagkakataong ito, lumapit rin ako at sinabi ang nais. "Pa-umanhin, binibini. Ako ay si Cierra at ito naman si Aslan. Maaari bang humingi ng pabor?"
May ngite sa kanyang labi bago pa man sya nagsalita, "Ano iyon?" Hindi nako nag alinlangang sabihin sa kanya. "Maaari bang makisabay sa inyo? Kapalit nito ay...pagiging alipin ng isang araw." hindi ko sya tinignan at agad na sumang-ayon. Hindi namin inilayo ang distansya namin sa kanyang sinasakyan dahil sigurado akong pipigilan kami ng mga bantay roon.
Pagdating namin sa harangan, agad na napansin kami ng mga bantay at aakmaing hindi kami papasukin. "Teka... Anong ginagawa nyo'ng dalawa d'yan?" ani ng head guard samin at sumenyales sya sa kanyang kapwa guard para palisin kami pero bago paman iyon nangyari, nagsalita ang binibini. "They're one of us. Why are you capturing them?" she whispered while giving them a disgusted face.
The head guard humiliated and apologized when he realized, it was the princess. He kneeled down and had begged to spare his life. "Please...spare my life, princess Starlette!". But the princess ignored him and sent some signal to the front to keep going.
So, she was the princess. How embarrassing? We don't even knows who's the king and queen, and the princess of this land. I must apologize to her.
"Umm... I'm sorry for not recognizing you, princess. Hindi kasi uso samin yung hari at reyna."ani ko at biglang pinisil ni Aslan ang aking tainga, medyo masakit yun. "Hehehe...pa-umanhin, prinsesa. Loko-loko ang kasama." may pekeng tawa na namuo sa mukha ni Aslan habang nakatingin sa prinsesa. At may mahinhing tawa akong narinig at nang aking liningon, ito ay ang prinsesa. Nakakatuwa pala ang mga sinasabi ko?
"Ok lang... I can't blame you." saad ng prinsesa at naging seryoso muli ang kanyang mukha. Ikinagulat naman namin iyon at muling nagsalita ang prinsesa. "You're new here. Why dont you explore different things there? Anyways... Let's separate here... And welcome to my kingdom!"
Nabigla naman kami sa kanyang sinabi at pinaalala sa kanya, "Pero pano ang deal?" saad ko. "Forget about it!" she exclaimed.
Lumiko ng daanan ang kanilang kupunan at iniwan kami dito. Humiyaw si Aslan, "Salamat, princess! Hanggang sa muli!" Pangite-ngite niya itong binigkas at hindi na nawala sa kanyang mukha ang ngite.
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Comments