(Third Person's POV)
Tumakbo palapit si Yohan at agad na inihampas ang hawak na metal piece sa lalaking nakangisi na tila ba tuwang-tuwa sa nangyayari na agad namang nakaiwas at iwinasiwas ang hawak na espada na para bang nang-iinis pa.
"Hanggang 'yan lang ba ang kaya mo? Sayang naman ang pagkapakialamero mo kung 'yan lang ang magagawa mo. I can kill you anytime, did you know?" - pang-aasar pa nito sa galit na binata.
"Damn you!" - galit na mura ni Yohan na muling sumugod pero naiwasan ulit ng humahalakhak na lalaki.
"It's getting boring..I want to see blood..now!" - nakangising sabi nito na biglang nawala sa paningin ni Yohan.
"Ahhhh!" - sigaw ni Yohan dahil sa sakit na biglang naramdaman.
Napahawak s'ya sa kanyang likuran at naramdaman doon ang isang malaki at mahabang sugat na nanggaling sa espada ng kalaban.
Narinig niya ang nakakakilabot na tawa ng lalaki sa tabi n'ya kaya naman agad s'yang napalingon ngunit nagulat na lamang s'ya ng biglang dumugo ang kanyang pisngi.
"Ahhh! Shit! Damn you! I'm gonna kill you!" - galit na galit n'yang sabi habang hawak ang nasugatang pisngi.
"Just do it! Puro ka dada!" - tuwang-tuwang sabi pa ng lalaki na dinilaan pa ang umaagos na dugo sa espadang hawak nito.
Nandidiring lalong napahigpit ang hawak ni Yohan sa hawak n'yang sandata. Hindi n'ya na alam ang gagawin. Napakalakas ng kalaban n'ya at hindi na tao ang tingin n'ya dito kundi isang halimaw dahil sa pulang-pulang mata nito na daig pa ang nakadrugs.
"Ta-tao ka b-ba?!" - sigaw at tanong nya sa lalaki.
(Yohan's POV)
"Ta-tao ka b-ba?!" - sigaw ko sa kanya.
"Hahahahahaha! Hindi ako tao! Gwapo ako! Hahahahaha!" - humahagalpak ng tawa nitong sabi.
"Gago ka! Siraulo!" - nanggagalaiti kong sabi.
Ang kapal ng mukhang magbiro ng siraulo na 'yun! Mukha s'yang demonyo!
"Tanggapin mo na lang ang katotohanan na gwapo ako at baka sakaling maawa ako sa'yo at hindi na kita pahirapan pa..aminin mo lang na gwapo ako para patayin na kita agad. Hahahaha!" - bulong nito sa tapat ng tenga ko.
Shit! Nagteteleport s'ya! Hindi talaga s'ya tao! Anong gagawin ko?!
Natatarantang napaatras ako at napaupo dahil sa takot.
Oo, inaamin kong natatakot ako. Sinong hindi matatakot kung alam mong hindi normal na tao na kagaya mo ang makakalaban mo? He has all the advantage in this fight lalo pa't hinang-hina na ako dahil sa dami ng sugat na natamo ko mula sa mga atake n'ya.
Napatingin ako sa lugar na kinalalagyan ng babaeng gusto kong tulungan, nakapikit s'ya at nakahiga sa sahig na para bang nawalan ng malay. Namumutla s'ya dahil sa pagod at dami ng dugong nawala sa kanya mula sa sugat n'ya.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko..paano kung may masamang mangyari sa kanya?!
Naipilig ko ang ulo ko, nababaliw na nga yata ako..inuuna ko pa ang babaeng yun samantalang nasa panganib din ang buhay ko.
Natigil ako sa pag-iisip ng bigla na naman akong makaramdam ng matinding sakit, this time sa braso ko naman. Kitang-kita ko ang laki at lalim ng sugat na likha ng espada ng kalaban ko. Parang mahahati ang braso ko sa lalim ng pagkakahiwa nun.
"Tsk tsk tsk. eyes in front dapat..Ayan tuloy, baka mawalan ka ng parte ng katawan mo dahil sa pagtulala mo.Hahaha!" - sabi ng lalaki habang pinaglilipat-lipat sa magkabilang kamay ang hawak na espada.
Lumapit pa ito sakin at agad akong pinagtatadyakan habang walang tigil sa paghalakhak.
Nagdidilim na ang paningin ko sa sobrang bugbog at pagpapahirap na natatanggap ko mula sa kanya.
"Tama na! Itigil mo na 'yan! Please! Tama na!"
Kahit hirap na hirap akong kumilos ay pinilit ko pa 'ring tingnan ang pinanggalingan ng boses na iyon.
May malay na pala ang babae na ngayon ay umiiyak habang paulit-ulit na sinasabing Tama na!
Natigilan naman at huminto rin mula sa pambubugbog sa akin ang lalaki at lumingon din sa babaeng umiiyak.
"Ha? May sinasabi ka? Ano yun? Pakiulit nga." - nakangising sabi ng lalaki na dahan-dahang humakbang palapit sa umiiyak pa ring babae.
"Tama na! Wag mo na s'yang saktan!" - galit na sigaw naman ng babae habang patuloy pa rin sa pagtulo ang luha nito.
"Naririnig kita kaya 'WAG MO KONG SIGAWAN!!!" - galit na sigaw ng lalaki sabay sampal ng malakas sa babae na muling napahiga at agad na dumugo ang labi.
"P-Parang-awa mo na! A-ako na lang 'yung p-patayin m-mo! Ako na-naman 'yung ta-talagang kailangan mo diba? Huwag mo na s'yang idamay! Patayin mo na lang ako!" - umiiyak na sabi nito na nagpumilit pa rin na tumayo.
"Hahaha! Hindi mo na kailangang sabihin yan dahil papatayin talaga kita! At s'ya?.." - sabi ng lalaki na lumingon sakin at itinuro ako.
"Papatayin ko rin s'ya dahil sa pakikialam n'ya! He wasted my precious time and I will take his life for it! Hahaha..pero bago ko s'ya patayin..papahirapan ko muna s'ya hanggang sa s'ya na mismo ang humiling sa akin na patayin ko na s'ya! Kaya ikaw.." -sabi nito na tumingin ulit sa babae. "Papanuorin mo s'ya hanggang mamatay s'ya tapos ikaw naman ang isusunod ko kaya 'wag kang atat! Just be patient and wait for your time..OK?" - nakangising sabi nito sabay tulak sa babae na muling napasubasob sa sahig.
Wala ng nagawa ang babae kung hindi ang umiyak na lang ng umiyak. Napatingin ito sa akin at kitang-kita ko ang awa para sa akin mula sa mga mata n'ya.
Shit! Shit! Shit! - napapamura ako sa isip ko dahil sa galit. Galit ako. Galit na galit dahil napakahina ko.
Galit na galit ako sa lalaking 'yun dahil wala s'yang awa. Napakasama n'ya! Damn him!
Galit na galit din ako sa babae dahil naaawa s'ya sakin. Ayokong kaawaan n'ya ko! At mas galit ako...galit na galit ako sa sarili ko dahil wala akong magawa, dahil wala akong kwenta, dahil mahina ako at walang kalaban-laban and I really hate myself for it.
Mamamatay kami ng walang kalaban-laban.
For God's sake! I didn't' even know their names!
"Hey! Tama na ang pahinga." - sabi ng lalaki na lumapit na ulit sakin at hinila ang buhok ko para magkapantay kami ng mukha. Napapangiwi ako sa sakit ng pilitin n'ya kong itayo.
Inipon ko lahat ng lakas na natitira sakin at ubod lakas na sinuntok ang lalaki na hindi nakaiwas dahil sa pagkabigla.
"Wag mo kong maliitin!" - sigaw ko sa kanya at muling sumugod pero nagulat ako at hindi nakagalaw ng bigla kong maramdan ang sandata n'ya na nakasaksak sa aking tiyan.
"Ano ka ngayon?! Ang lakas ng loob mong gasgasan ang iniingatan kong mukha! Dapat lang sa'yo 'yan! Dapat kang mamatay!" - galit na sabi nito na tumakbo palapit sa akin, sasaksakin n'ya ko sa dibdib.
Hindi ako makagalaw. Katapusan ko na ba?
Napaubo ako at nakita kong dugo na ang lumalabas sa bibig ko.
Katapusan ko na nga yata. Pumikit na lang ako at hinintay ang huling saksak at sakit na mararamdaman ko.
Biglang may yumakap sakin kaya naman agad akong napadilat.
Nakita ko 'yung lalaki na galit na galit na nagsasalita ng malakas.
"Bakit mo hinarang?! Mamaya ka pa eh! Bwisit ka! Sinisira mo ang plano ko!" - galit na sabi nito sabay hugot ng espada mula sa pagkakasaksak sa akin.
Sa akin?? Pero bakit hindi masakit?!
Napatingin ako sa nakayakap sa akin..yung babae..
'Yung babae, nakangiti s'ya habang tumutulo ang luha mula sa maganda n'yang mga mata.
Unti-unting bumibigay yung katawan n'ya na agad kong sinalo at dahan-dahang kinalong. Iniharang n'ya yung katawan n'ya sakin kaya s'ya yung nasaksak sa halip na ako.
"S-sa-sala-mat! S-so-rry ku-kung na-da-m-may k-ka pa." - naghahabol ng hiningang sabi ng babae na bahagyang ngumiti sa akin.
"Ba-bakit mo ginawa 'yun! Dapat hindi mo na ko iniligtas! Dapat tumakas ka na lang!" - umiiyak ko na ring sabi..S'ya dapat yung ililigtas ko eh, bakit ganito yung nangyari?! Shit! Ang tanga ko! Wala akong kwenta!
"Tu-tumakas ka na! A-ako ng bahala sa k-kanya!" - sabi ng babae na nagpupumilit na makatayo.
"A-ano bang sinasabi mo?! Tumakas na tayo habang tuliro pa s'ya!" - sabi ko habang hinihila s'ya pero hindi ko iniaalis ang tingin ko sa lalaking parang baliw na umiikot-ikot lang na parang inis na inis.
Hinila ko s'ya ng malakas para mapasunod s'ya sakin pero tinulak n'ya lang ako ng malakas at pagkatapos at pinagsalikop n'ya ang mga kamay n'ya na para bang nagdadasal.
"Hindi ito ang time para magdasal ka! Mamaya mo na gawin yan pag nakatakas na tayo!" - mahina kong sabi at muling hinawakan ang kamay n'ya.
Umiling lang s'ya at bahagyang ngumiti.
"Hindi ako mamamatay..umalis ka na, hahanapin kita at personal akong magpapasalamat sa'yo sa susunod nating pagkikita. Pangako..babalik ako." - nakangiting sabi n'ya na biglang akong tinulak ng malakas kaya naman napapikit ako dahil pakiramdam ko ay hahagis ang katawan ko sa kung saan.
Naramdaman ko na lang na nakahiga na ako ng wala man lang naradamang sakit. Nanghihina pa rin ako pero wala akong naramdamang sakit kahit na sobrang lakas ng pagkakatulak sa akin nung babae. Agad akong napadilat at nagulat ng makitang nasa labas na ako ng lumang building.
Anong nangyari? Paano ako napunta sa labas? Nasa pinakagitna kami kanina ng lumang building na 'to...paano ako nakalabas?! Ano bang nangyayari?! Ang daming tanong sa isip ko na wala akong mahanap na sagot.
Nagulat ako ng makarinig ng malakas na sigaw mula sa loob ng building. Hindi ko alam kung papasok ba ako o hindi pero naalalà ko yung babae.paano na yung babae? Ano nang nangyari sa kanya sa loob?! Yung lalaking halimaw?! Damn! Naduduwag ako!
Muli akong nakarinig ng sigaw na sinabayan ng isang malakas na pagsabog at kitang-kita ko ang mabilis na pagguho ng lumang building.
Gusto ko mang pumasok para iligtas ang babae pero huli na'ko..hindi ko na s'ya maililigtas..tumulo ang luha ko dahil sa kaalamang iyon.
Wala akong kwenta!
Galit na sabi ng isip ko sa akin.
Unti-unting lumalabo ang paningin ko dahil sa panghihina sa mga sugat na natamo ko pero bago ako tuluyang nawalan ng malay ay nakarinig ako ng tinig ng isang babae,
"Yohan, I'll take you with me and you'll be mine."
Tuluyan akong nawalan ng malay na ang tanging laman ng isip ay nag-iisang katanungan.
WHO IS SHE?!
******************************
***Download NovelToon to enjoy a better reading experience!***
Updated 26 Episodes
Comments