I'll Save Her

(Yohan's POV)

Napatakbo ako palabas ng makita kong unti-unti ng nagigising si Chantal.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at sumilip sa hallway para tingnan kung nandun pa rin ang mga humahanap sa akin.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong walang katao-tao, agad akong napatingin sa relo ko...

2:45pm

Tapos na pala ang PE at Club Activities kaya siguradong start na ng klase at nasa classrooms na ang mga estudyante.

Napangiti ako at nagsimula ng humakbang paalis ng biglang...

"Who are you?"

Kinilabutan ako bigla sa narinig ko. Lumingon ako at nakita ko ang isang magandang 3rd year student sa harapan ko.

Paano s'ya napunta sa likuran ko ng hindi ko man lang naramdaman? - nagtatakang sabi ng isip ko.

"I'm asking you..answer it!" - seryoso n'yang sabi habang matalim ang pagkakatingin sakin.

Kung nakamamatay lang ang tingin n'ya, malamang kanina pa ko nakabulagta sa sahig.

"Ahm, ano kasi eh..hmm, ano...napadaan lang ako dito!" - medyo natataranta kong sagot.

Mas maliit s'ya kaysa sakin pero nakakaintimidate 'yung presence n'ya.

Tinitigan n'ya kong mabuti. Inikutan n'ya ko na para bang sinusuri n'ya ko at hindi ko mapigilang maconscious dahil sa ginagawa n'ya. Para bang may balak s'yang gawan ako ng masama.

"Umakyat ka ba sa hagdan?!" - tanong n'ya ulit pero nakayuko lang s'ya.

Bigla akong pinagpawisan ng malapot at sunod-sunod na napalunok. Hindi ako makapagsalita.

"Sumagot ka! Umakyat ka ba?!" - galit n'yang sabi na ngayon ay nakatingin na ulit sakin.

Lalo akong pinagpawisan.

'Wag kang magkakamali ng sagot! Yan ang sinasabi ng titig n'ya sakin.

"Ano kasi eh, ganito kasi yan..let me explain first, ok" - kabado kong sabi sa kanya.

"I don't need any explanation coming from you! What I need to know is the answer to my question!" - she angrily said to me.

Napatulala na lang ako sa kanya.

Anong sasabihin ko? Aamin ba 'ko? Pero siguradong itatanong n'ya kung bakit ako umakyat..and worst is, baka itanong n'ya kung anong nakita ko sa taas. Ayokong malaman n'ya...

I seriously looked at her, hindi ako aamin kahit anong mangyari. I don't have choice but to lie to her.

"Hindi! I didn't go upstairs." - I said while looking at my hands.

"Hah! You're lying! I know you do! You wanna die huh?!" - she said looking like a tiger.

Napalunok ako..ano daw? She is asking me if I want to die? Damn! She's kidding me right?

"I'm not lying! So please miss, I need to go..as you can see, I need to attend to my next class and I am so damn late because of you!" - nagtatapang-tapangan kong sabi pero pagtingin ko sa kanya..shit! Hindi naman pala nakikinig sa akin.

Nakatingin s'ya sa taas ng hagdan, napatingin din ako dun at biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita kung sino ang tinitingnan n'ya.

"Let him go Coreen.." - malambing n'yang sabi.

It's Chantal..

Napakaganda ng boses n'ya..parang hanging dumaan sa pandinig ko at humaplos sa puso ko. Napatingin sya sakin at bahagyang ngumiti.

Namula ako ng sobra dahil sa pagkapahiya. Nahuli n'ya ko habang tinititigan ko s'ya kaya naman napayuko ako. I tried to relax myself by breathing in and out slowly.

You'll become my slave..

"Huh?!" - parang tanga kong sabi na napatingin ulit kay Chantal. Tama ba yung narinig ko? S'ya ba ang nagsabi nun?Napatingin ako sa babaeng tinawag nyang Coreen. Sigurado ako na hindi s'ya yung nagsabi. Pero baka guni-guni ko lang 'yun. Napabuntong hininga na lang ako.

Humakbang na paakyat sa hagdan si Coreen, pagdaan n'ya sa harap ko, inirapan n'ya ko then bumulong s'ya.

"Be thankful 'coz it's one of your lucky day..but just to remind you..you are lucky today but not everyday so beware.." she smirks at me again then continue to go upstairs.

I looked up and saw Chantal smiling mysteriously at me then turn around and started to walk while Coreen is following her.

Nagsimula na rin akong maglakad paalis pagkatapos nilang mawala sa paningin ko.

You'll become my slave..

What the hell?! Napalingon ulit ako pero wala namang ibang tao sa hallway maliban sa akin.

Ano bang nangyayari?!

I walked faster but those words keep echoing in my ears.

You'll become my slave..

You'll become my slave..

You'll become my slave..

You'll become my sl---

"Ahhhhhhhhh!" - I shouted in frustration.. I think I'm going crazy..

"Help me! Help! Someone please..help me!"

Narinig kong sigaw ng isang boses mula sa malayo.

Hinanap ko kung saan nanggagaling ang boses pero hindi ko makita.

Nasa malapit lang dapat ang may-ari ng boses na 'yun dahil malakas ang pagkakarinig ko dun pero nasaan na s'ya?

Naglakad ako ng naglakad pero rinig ko pa rin ang sigaw ng humihingi ng tulong.

Pilit ko pa rin iyong hinahanap hanggang sa makarating ako sa likod ng lumang school building na nasa loob ng academy.

Bawal pumunta ang mga estudyante sa lugar na ito dahil may chance na gumuho ang lumang building, nag-aalinlangan man ay humakbang pa rin ako papasok dito.

Nakarinig ako ng babaeng umiiyak habang nagmamakaawa kaya nagmamadali akong lumapit sa pinanggagalingan ng iyak at nagimbal ako sa nakita ko.

I saw a man with a sharp sword laughing while looking at the girl lying and sobbing on the floor.

It looks like she's mocking the terrified girl and I really hate what I'm seeing.

"I'm going to kill you but I'll take it slowly..hahaha..feel the wrath of my revenge to all humans possessing powers they don't deserved!" - the man said while laughing sarcastically.

Idinikit n'ya sa legs ng girl yung dulo ng sword then idiniin n'ya ito doon. Kitang-kita ko yung sakit na gumuhit sa mukha nung girl habang napapasigaw s'ya.

I want to help her but how?

I don't have any weapons with me... at ano yung power na sinasabi ng lalaki?

Naguguluhan ako.

I need to think a way to divert the attention of that man away from the girl so she could escape.

Nakakita ako ng mahaba at makapal na piece of metal sa dulo ng kinakapwestuhan ko. I tried to reach for it pero masyadong malayo kaya kinakailangan ko pang gumapang para maabot ito.

I grab the piece of metal then started to go back to my old position to know what's happening to the girl.

Nandun pa rin yung girl pero wala na doon yung siraulong lalaki.

Power? Power my ***! - naiinis kong bulong sa sarili ko.

Iginala ko yung tingin sa paligid pero wala talaga doon 'yung lalaki.

Saan naman kaya nagpunta yun?? Nagtataka kong sabi sa sarili ko.

Napatingin ulit ako sa babae at nagulat ako ng makitang nakatingin din ito sa akin.

Nakita kong umiling s'ya sa akin kaya parang alam ko na kung nasaan ang hinahanap ko lalo pa at naramdaman ko ang talim ng espada sa gilid ng leeg ko.

"Well well well..looks like we have a visitor.." - nakangising sabi nung lalaki paglingon ko sa kanya.

Shit! Bakit ganun? Ni wala akong naramdaman o narinig na kahit ano habang palapit s'ya sakin..may sa hangin ba s'ya?

"Wag ka ng mag-isip ng kahit ano dahil kagaya ng babaeng yan, ito na rin ang huling araw mo! Hahaha!" - sabi ng lalaki habang mistula itong demonyong humahalakhak.

Sinamantala ko ang pagtawa nya, agad kong hinampas ng metal na hawak ko ang kamay n'ya na may hawak ng espada. Napasigaw s'ya pero hindi n'ya nabitawan ang espada, parang nagulat lang s'ya at hindi nasaktan.

Tumingin s'ya sa akin at muling napahalakhak.

Napaatras ako sa takot at gulat.

Bakit parang hindi s'ya tinablan? Sigurado ako na malakas ang pagkakapalo ko at metal yun. Kung normal syang tao, baka nawalan na s'ya ng malay dahil sa sakit nun pero...

Normal ba s'yang tao???

Napaatras ako ng nagsimula s'yang humakbang palapit.

"Boo! Hahahahaha!" - sigaw n'ya malapit sa tenga ko.

"Ahhh!" - napasigaw ako at napalupasay sa sahig dahil sa gulat.

"Ahahahahaha!" - parang nababaliw na tawa ng lalaki.

Nanginginig man ang mga tuhod ko ay agad akong tumayo at tumakbo palapit sa babaeng nakahiga pa rin sa sahig. Agad kong hinubad ang damit na suot ko at isinuot ito sa babae.

Napatingin ito sa mga mata ko.

"Salamat..." -mahina pero nakangiti nyang sabi.

"Bravo! Bravo!" - nakangisi at pumapalakpak pang sabi ng lalaki habang iwinawasiwas ang espadang hawak nito.

Tumingin ulit ako sa babae na kitang-kita ang pag-aalala sa mukha. Hinawakan ko ang kamay n'ya at bahagya ko syang nginitian.

"Don't worry. I'll save you no matter what happens." - I gave her a reassuring smile then let go of her hand.

Tumayo ako at nagsimulang humakbang palapit sa lalaking nakangisi sa amin...aalisin ko ang ngisi sa mukhang 'yun.

I'll save her even if it will cause me my own life...

*****************************

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play