New Light!

New Light!

Chapter 0 [ Prologue ]

Earth

Isang klase ng mundo na ang science ay yumayabong at kapayapaan ay nangingibabaw pagkatapos ng ilang daang taon na digmaan sa mundo dahil sa galit, poot, pag hihiganti, kasakiman sa kapangyarihan at lupain, at iba pang mga rason na kagagawan din ng magkaparehong uri ng nilalang, mga Tao.

Pilipinas

Isang kapuluan na binubuo ng 7,641 na isla na kung saan matatagpuan ang tila walang hanggang dalampasigan, masisigla at magagandang lungsod, umuusok na bulkang tanawin na nakakaaya sa mata, at mga kamanga-manghang lugar sa ilalim ng dagat na nag hihintay na madiskubre ng mga tao.

Isa din itong bansa na mayaman sa mga tuntunin ng kasaysayan, kwentong bayan, urban legends at mitolohiya na naipapasa sa bawat henerasyon mula sa kanilang mga ninuno sa iba-ibang parte ng bansa.

"Isn't it interesting? Ung history ng bansa natin i mean."

Masayang banggit ni White sa kanyang mga kaklase habang focus sya sa kanyang binabasang libro na ang pamagat ay [History of the Philippines i guess?] na isinulat ng isang hindi kilalang Author.

"What's interesting about it? hindi ba lahat ng yan ay nakaraan na? wala narin namang punto para basahin at pag-aralan pa yan."

mareklamong sagot ng isang kaklase nya habang ninunguya ung kinakain nya habang nakaupo sa likurang banda.

"Oo nga, oo nga." Singit na sagot ni Niel

"By the way White, anong rank kana pala ngayon?" Biglang tanong ni Blaster

"Nasa Diamond 1 parin ako" Sagot ni White habang tila nalilito sa biglaang tanong ni Blaster sa kanya.

"Bat mo naman biglang natanong?"

"Wala, natanong ko lang. Magaling ka naman sa laro at alam naman nating lahat na kaya mo pang paangatin rank mo, tapos ini scout ka pa nung mga Pro teams dyan pero lagi mo nalang silang tinatanggihan. Tsk tsk." sagot ni Blaster.

White Alyan, isang gamer, magaling sa academics at isang atleta sa kanilang paaralan. Isa syang popular at campus crush dahil dito and good-looking din naman sya.

Matangkad sya, Semi-long hair na umaabot hanggang balikat, black top and white-gray hued color at the tip of his hair, added with sharp deep-blue eyes na for sure na aakit sa atensyon ng mga makakaita dito.

"Oo nga! lagi nalang nasasayang ung opportunity na binibigay sayo na makita ka sa TV at i representa ung bansa natin sa gaming scene!" dagdag naman ng isa pa nyang kaklase.

'Hindi naman sa ayoko. Sino ba naman ayaw maging isang kilalang gamer gaya ni F*ker or kung sino man pero, hindi ko makita na nag e-enjoy ako sa ganong klasing stage or scene.'

bulong ni White sa kanyang isipan

"Pwede bang tigil-tigilan nyo si kuya sa bagay na yan? Ilang beses nyo na syang tinatanong at kinukulit sa bagay na yan e!" sigaw ng isang babae na biglang pumasok sa classroom nila.

"Oh shit! Andito na ung maldita! Magsialis na tayo dito bago pa tayo pag papaluin nyan! HAHAHAHA!" Sigaw ni Blaster sa mga kasama nya nung nakita nila ito.

Zia Alyan, White's Sister.

Matangkad din na halos kasing tangkad ng kuya nya. May mahabang buhok na umaabot hanggang bewang. White-grey hued top and black color till the tip of her hair. Added with a light-grey colored ribbon at the back of her hair.

She has cute blue-colored round eyes which are eye-candy sa lahat ng makakakita dito.

Isa ding campus crush at isang Cheerleader sa iskwelahan nila. Good at her academics at takot ang mga lalake sa kanya salamat sa mala maldita nyang ugali.

"Maldita ba kamo? Mahuli lang talaga kitang Blaster ka! Hoy wag mokong takbuhan dyan!"

Sigaw ni Zia habang tumatakbo papunta sa kabilang pintuan ang mga lalakeng kaklase ni White para maiwasan ang kapatid nya.

Nilagyan ni White ng red bookmark kung saan sya nag stop sa libro na kanyang binabasa at lumingon sya sa dereksyon ni Zia para tanungin ito.

"Anong ginagawa mo dito? diba sa kabilang building ung classroom mo?"

"I'm just checking on you. Bawal ba yon?" pareklamong sagot ni Zia.

"At nakalimutan mo yata na ako pinadala mo neto?" mabilisan nyang inabot ang libro na hawak nya.

[Ancient Myths, Legends, and Folklores of the Philippines I guess?] eto ung title ng libro na ipinasa ng kapatid nya sa kanya.

"Oo nga pala sori sori" mahinhing sagot ni White kasi nakalimutan nya na sinabi nya pala yon sa kanya kanina.

"Bat ba ako pinadala mo ng libro mo na yan? Meron ka naman sariling bag." pareklamong tanong ni Zia

"Alam mo naman na palaging puno ung bag ko kanina dahil sa mga kagamitan at pampalit na damit ko diba?" medyo walang-kibong sagot ni White

'Equiptment my ***. Alam naman nating dalawa na PsP at mp3 player mo lang naman ang laman ng bag mo na yan!' ang gusto sanang sabihin ni Zia sa kanya pero pinigilan nya sarili nyang sabihin ito.

"Haysss. Anyways bilhan moko nung ice cream kauwi no? ung usual. Balik nako sa classroom ko" sabi ni Zia habang naglalakad palabas ng classroom.

"Sure sure. And please, wag mo nang habulin ung mga yon. You scared them enough already." sagot ni White na ngayon ay bumalik sa pagbabasa sa librong hawak nya.

• • •

'Wha- What's this?'

Tanong ni White sa kanyang sarili habang nakatingin sa kakaibang tanawin sa harap nya.

Isang malamig na lugar na tila imposible para sa normal na tao na mamuhay rito.

Lugar na tila isinumpa ng Dyos upang walang ni anumang nilalang ang mabubuhay dito.

Nang di nya namamalayan, bigla nalang syang nahila at naipasok sa katawan ng lalake na nasa tuktok ng iceberg at ang pananaw ng lalakeng iyon ay ipinapakita sa kanya.

[The mysterious man's perspective]

'Bakit ba kasi nagsimula ang lahat ng to…'

Marahang umiihip ang malamig na hangin habang nakaupo siya sa tuktok ng iceberg, habang ang mga malalayong ala-ala ng nakaraan ay biglang bumalik sa kanyang isipan.

Mga memoryang mahirap makalimutan at masasakit na pangyayare ay dumadaloy ngayon sa kanyang isipan.

"Hintayin nyo lang ako dyan, you damn bastard Gods above!" sabi ng lalake habang tumatayo sya ng biglang may lumabas na floating panel sa kanyang harapan na nag sasabing

•[ Attention! [EwrHRiToER], ihanda mo na ang iyong sarili sa pag labas sa palapag na ito. ]•

Maraming katanungan ang bumabalot sa kanyang isipan na hanggang ngayon ay wala paring kasagutan.

'Until I grab and raze those Deities neck to the ground, I'll play along nicely in this game they laid upon in front of me.'

Nalula si White sa hindi inaasahang pangyayare na nagaganap sa harapan nya. Isa na din ang matinding emosyon ng lalake na sa di maipaliwanag na dahilan, ay kanya ding naramdaman.

Habang sinusubukan nyang intindihin ang mga nangyayare, isang pitch-black smoke na hugis kamay ang biglang humablot sa kanya at hinila sya pababa sa kadiliman na kung saan nagmula ang kamay na iyon.

• • •

Dahan-dahang sumikat ang magandang araw.

Ang tunog ng tilaok ng mga manok at magagandang huni ng mga ibon ay maririnig kahit mula sa malayo. Eto ang bumungad at maririnig ng mga tao paggising sa umaga.

Bigla na lamang tumalon si White mula sa kanyang pagkakahiga na tila ba tulala habang sinusubukan nyang alalahanin ang napanaginipan nya kagabi.

Nang dahil sa biglaang pag talon nya, aksidente nya ding na untog ang ulo nya sa uluhang banda ng kanilang bunker bed.

"What was that dream? Bat pakiramdam ko importante yun pero… ni isang parte ng panaginip is wala akong maalala.. Aray.."

Hinilot nya ang kanyang noo dahil sa sakit ng pagka-untog.

Nang dahil din sa ingay at paggalaw ng higaan mula pagkaka-utog ay nagising ang kapatid nya na nakahiga sa itaaang banda ng higaan.

"Uggghhnn. Ano bang problema mo kuya? Ang aga-aga pa oh!" Pasigaw na sabi ni Zia dahil sa irita sa biglaang pagkakagising.

"Sori Sori, binangungut kasi ako bigla, pero hindi ko matandaan kung ano yon." sagot ni White habang binbaba nya ang sarili sa kama.

"Tsk. Bili ka nga don ng pandisal sa labas at gawan moko kape bago ko basagin yang ulo mo dahil sa paggising mo sakin!" Inis nyang pag utos sa kanyang kuya habang bumalik sya sa kanyang pag higa.

"Sure sure. Gisingin nalang kita ulit pag ready na." sagot naman White habang palabas na ng kwarto.

Dahan-dahan syang bumaba sa hagdan habang sinasabi sya sa isip nya na

'Looks like it's that time of the month again'

Huminga sya ng malalim matapos humikab habang kinuha nya ung pera sa taas ng TV.

"Oh, nak, ang aga mo yatang nagising ngayon?"

Binati sya ng kanyang ina na nakita syang nag lalakad palabas ng pintuan habang dinidiligan neto ang kanyang mga halaman.

"Hi ma. Binangungot lang ako kaya nagising ako ng maaga ngayon." Nilapitan ni White ang kanyang ina at nag mano sya.

"Ganun ba. Naku dika siguro natulog ng maaga no?" pabirong sabi ng kanyang ina.

"Oh, San ka pala nyan pupunta ngayong kaaga-aga pa?" dagdag na tanong ng kanyang ina.

"Bibili lang po ng pandesal at kape dun sa tindahan." sagot nya

"at saka, parang nagsisimula na yata ung buwan ni Zia" dagdag pa nya

Tumawa ng marahan ang kanyang ina ng narinig nya ito.

"Ok sige sige wag kang mag alala, bibili ako nyan mamaya din. Kunin mo nadin ito para panagdag pambili ng kape since pauwi na ung tatay mo."

"Okay Ma, Balik din ako agad." Sagot ni White pagkaabot ng pera sa kanya.

• • •

Habang nag hihintay si White na maiabot ang kanyang binibili, nakita nya ung news report na ibinabalita ngayon sa telebisyon sa harap ng tindahan.

[Nang anunsyo ng nakakabahalang prediksyon ang Sikat na Mystic fortune teller ngayong taon! Paniniwalaan ba natin ang prediksyon na ito?]

"Sikat na fortune teller? sinasabi na guguho na mundo sa katapusan ng taon? anong klasing kalokohan yan." sabi ng tindero ng marinig nya ang binalita sa telebisyon.

'Yeah. I don't think that will happen anytime soon anyways.' sabi ni White sa isip nya habang tinatanggap ang kanyang binili.

"Salamat! Balik ka ulit!" Masayang pasigaw ng may-ari ng tindahan habang naglalakad na paalis si White.

Puno ang daan ng mga abalang tricycles at Jeepney habang nag lalakad sya pauwi sa kanilang tahanan.

Sa kalagitnaan ng kanyang pag lalakad ay hindi sya mapalagay dahil sa news na nakita nya sa TV kanina sa tindahan.

'Alam ko naman sa sarili ko na imposibleng mangyare yun pero… bat parang kinakabahan ako sa balitang yun?'

Binalewala nya nalang ang naiisip nyang yon at nagmadali syang naglakad deretso sa kanilang bahay.

Download

Like this story? Download the app to keep your reading history.
Download

Bonus

New users downloading the APP can read 10 episodes for free

Receive
NovelToon
Step Into A Different WORLD!
Download MangaToon APP on App Store and Google Play